Chapter 26
“Oh my God Lane,your so gorgoeus and glowing,”ani Aimie ng pumasok ito sa hotel room ni Lane kung saan ito inayusan ng isang sikat na make up artist,napakaganda nito sa suot na gown na sarili nitong design. “Thanks Aims,I feel nervous,”ani Lane.
“Dont worry,Im sure everything will be perfect,”tugon naman ni Aimie na niyakap pa ang kaibigan.
“Are you ready ladies?”ani Yhna na hindi agad nila napansin na nakapasok na din pala sa silid.
Matapos ang ilang kodakan ay sabaysabay ng nagtungo sa simbahan ang lahat.
Pagdating sa simbahan ay inayos ng planner ang entourage,nauna ang groom,ng nasa pwesto na niya si Jansen ay parang kinakabahan si Jansen,muling magkukrus ang landas nila ni Aimie at alam niyang hindi na niya maiiwasan ito,sabagay bakit nga ba kailangan niyang iwasan ang dalaga gayung gusto naman talaga niyang makita ito,araw araw din naman siyang sumusunod ng palihim dito.
Natulala si Jansen ng makita kung gaano kaganda si Aimie sa ayos nito,napakaganda ni Aimie,bagay na bagay dito ang pagkakaayos ng buhok at suot na gown,nakangiti pa ito habang naglalakad sa isle,bigla tuloy naimagine ni Jansen kung ito ang nakasuot ng bridal gown habang siya naman ang naghihintay dito sa altar,marahil ay lalong mas maganda ito.
Natapos ang kasal at nagtuloy ang lahat sa reception,tila naman hindi makahinga sa nerbyos si Aimie,alam niyang hindi maiiwasang magkrus ang landas nila ni Jansen,kanina nga lang sa simbahan ay hindi niya talaga maiwasan na sulyapan ito,muntikmuntikan nga siyang mahuli ng binata na tinitingnan niya ito,ibig bang sabihin tinitingnan din siya nito?tanong ni Aimie sa sarili.
“Hi!,”napapitlag pa si Aimie ng may magsalita sa likuran niya.
“Hi,”maigsing tugon naman ni Aimie kay Jansen.
“Kamusta ka,its been a long time,,”ani Jansen na nakangiti,bagamat sa katotohanan ay gustong gusto ng yakapin at siilin ng halik ni Jansen ang dalaga,sabik na sabik na siyang maramdaman ang katawan nito.
“Yeah,its been a long time,Im good,ikaw?”tugon naman ni Aimie,parang binubundol sa kaba ang dibdib ng dalaga,napakakisig ni Jansen sa suot nitong suit,sa isip nga ni Aimie ay parang lalong gumuwapo ang binata.
“Nice to hear that,so are you with some one?,”ani Jansen na nakapamulsa pa,pilit ikinukubli ang pananabik sa dalaga.
“No,my secretary has prior plans,”tugon ni Aimie,bigla niyang naisip napakastupid naman ng sagot nya,bakit secretary ang isasama nya,may hearing?pangiinis pa ni aimie sa sarili.
“Oh,so wala kang date?”tanong naman ni Jansen,bagamat sa isip niya ay alam naman niyang walang date ang dalaga.
“Date?bakit naman kailangan ko ng date?”tugon naman ni Aimie.
“Im sorry,I just thought maybe your with your boyfriend,”walang emosyon namang sagot ni Jansen,bagamat sinasabi ng utak niya na"come on,don’t play dumb".
“Haha,comedian ka na pala ngayon Jansen,”ani Aimie na natatawa naman.
“At least napatawa naman kita,”nakangiti ding tugon ni Jansen.
“Sige I have to go back to our table,baka hinahanap nako ni Yhna,”paalam naman ni Aimie at lumakad na itong palayo.
“s**t,s**t,bakit ako nagpaalam?”ngitngit ni Aimie sa sarili.
“Haizt,ang tanga tanga ko,bakit ba nagmuka akong engot sa harap ni Aimie,”ani Jansen sa sarili sabay hugot ng malalim na buntong hininga,”eto na yun eh,kaharap ko na sya,pagkakataon ko na sana,”angil pa ni Jansen sa sarili
“Aims saan ka ba galing?bat ganyan itsura mo?”nagtatakang tanong ni Yhna. “Huh?why?nagtransform na ba ko?muka na ba akong alien?”nagbibirong tugon naman ni Aimie.
“Huwag mo nga akong baliwin Aimie,matagal na kong baliw,yang itsura mong yan sa malamang me nakita kang ayaw mong makita,”mahabang tugon naman ni Yhna.
“I know you are crazy,kaya nga friends tayo eh,”nakangiting tugon naman ni Aimie.
“Huwag mong baguhin ang usapan,so nagkausap na ba kayo ni Jansen?”nanghuhuling tanong naman ni Yhna sa kaibigan.
“Huh?ano naman dapat naming pag usapan?”balik tanong naman ni Aimie.
“God Aims,its about time na magkausap na kayo,ayan na yung chance oh,”ani Yhna.
“Yhna,wala na kaming dapat pag usapan,besides kasal ng best friend natin to,mag enjoy na lang tayo,”iwas na tugon naman ni Aimie kahit ang totoo ay gusto na niyang umiyak,bakit ganun ang itsura ni Jansen,ni hindi man lang gumawa ng move para magkausap sila,hinihintay lang naman niyang ito ang mag umpisa ng usapan tungkol sa kanila,kagat ang labing napailing na lang si Aimie sabay tungga ng hawak na wine,malungkot namang nakamasid dito si Yhna.
“Girls come on,Im tossing my bouquet!”excited na lapit ni Lane sa dalawang bestfriends.
“Tara na Aimie,baka ikaw na makasalo para next ka na,”hila naman ni Yhna sa kamay ni Aimie.Naiiling naman na sumunod si Aimie sa mga ito.
Para namang tuksong si Aimie ang nakasalo nito,hindi namalayan ni Aimie na bumagsak na lang ito sa mga kamay niya na parang sinadya..Sumunod naman ang mga single men ng ihagis ni Gerard ang garter ay nasalo ito ng bestman na si Conrad,ang nag iisa nitong kapatid,matikas din ito,ang pagkakaalam ni Aimie ay sa abroad ito nakabase at umuwi lamang para dumalo sa kasal ng
kapatid.Lumakas ang hiyawan ng mga bisita ng
inilalagay na sa binti ni Aimie ang garter,lalo pang umugong ang kantyawan ng pataas na ang garter sa hita ng dalaga,nakangiti lamang
ito at pilit ikinukubli ang pagkaasiwa dahil nakakahiya naman sa mga tao kung magsusuplada siya gayung alam niyang bahagi ito ng seremonya sa reception.
Sa kabilang sulok naman ay nagngingitngit ang kalooban ni Jansen,nilalamon ng selos ang binata lalo na ng gawaran ng halik ni Conrad ang pisngi ni Aimie,hindi nakayanan ni Jansen ang tagpong iyon at naglakad ito papalayo na hindi naman nakaligtas sa paningin ni Aimie.
Nang bumalik sa table nila sila Aimie at Yhna ay kasunod nila si Conrad.
“You want me to get you some drinks ladies?”maginoong tanong ng binata bagamat kay Aimie lamang nakatuon ang tingin nito.
“Sure,”nakangiting tugon naman ni Yhna na parang nagpapacute pa,agad naman tumalima ang binata para kumuha ng maiinom. “Ano daw yun?”singhal ni Aimie kay Yhna.
“Why?ayaw mo ba nun?nagvolunteer na nga yung tao na ikuha tayo ng drinks,”tugon ni Yhna.
“Talaga ba Yhna?”asik ni Aimie.
“Ang cute kaya ni Conrad,not bad for a replacement,”nanunudyo pang tugon ni Yhna.
Sasagot pa sana si Aimie ngunit palapit na si
Conrad kaya tiningnan na lang nito ng masama ang kaibigan na tumugon naman ng nanunuksong ngiti.
“Type ka nyan,”bulong pa nito kay Aimie.
“Here's your drinks ladies,”anito sabay abot ng wine sa magkaibigan.
“Thank you Conrad,”nakangiting tugon naman ni Yhna.
“So you’re the famous attorney dragon,Ive hearf a lot about you,”ani Conrad na kay Aimie nakatingin.
“Really?i hope you heard only good things and not the frightening ones,”seryosong tugon naman ni Aimie sabay inom ng wine.
“Well,besides the fact that you’re the best lawyer,I mean the thoughest,I want to know you more,”tugon naman ni Conrad na hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha ni Aimie na ikinaaasiwa naman ng dalaga.Sa loob loob ni Aimie ay masyado itong maangas.
“Baka hindi mo lang magustuhan ang malalaman mo,”ani Aimie.
“Sounds more interesting,”tugon naman ni Conrad.
“Maiwan ko muna kayo ha,punta lang ako sa powder room,”nakangiting paalam naman ni Yhna sabay tayo,tiningnan naman ito ng masama ni Aimie,alam naman niya na gusto lang siyang iwan ni Yhna kay Conrad.
“You know Aimie mukang magtatagal ang bakasyon ko dito sa Pilipinas,because I already found a beautiful reason to stay,”ani Conrad na bahagya pang inilapit ang sarili kay Aimie,agad namang lumayo ang dalaga,lalo siyang nairita sa pagiging straight forward nito.
“Really,make sure your beautiful reason will not turn into a disaster,”sarkastikong tugon naman ni Aimie.Luminga sa paligid ang dalaga na tila may hinahanap,gusto niyang makakita ng dahilan para iwanan ang maangas na binata,ayaw naman kasi niyang bastusin ito dahil kapatid ito ni Gerard na ngayon ay asawa na ng bestfriend nya.Sa loob loob ng dalaga kung ibang tao ito marahil ay bumagsak na sa kinauupuan nya.
Nagkataon naman dumaan sa gawi nila si Jansen,napabuntong hininga ang dalaga,ilang hakbang na lamang ang layo nito sa kanila,bahala na,makaalis lang sya sa lugar na iyon.
“Jansen are we living?”tawag ni Aimie sa binata na medyo ikinagulat naman nito.Nagbaling naman ng tingin si Conrad sa tinawag ng dalaga.
“Are you with him?”tanong nito kay Aimie.
“Ahm,yes,he's my date,sige ha,mauuna na kami,nice meeting you,”ani Aimie sabay tayo at humawak pa ito sa braso ni Jansen at iginiya na ito papalayo.
“What was that?”nagtatakang tanong naman ni Jansen ng malapit na sila sa parking lot,huminto na ito sa paglalakad at humarap kay Aimie.
“Nothing,thanks anyway,I'll go ahead,”ani Aimie at humakbang na papalayo.
“Your welcome Aimie,sanay nako!”ani Jansen sa dalaga na nagpahinto sa paglalakad.
“So what do you mean by that?”tugon ni Aimie na nakahawak pa ang isang kamay sa bewang.
“Sanay na akong magmukang tanga at biglang iiwanan,”sarkastikong tugon ni Jansen at naglakad na din ito patungo sa kanyang sasakyan.Naiwan namang natitigilan si Aimie.
Chapter 27
“Hello Aims,are you okey?bigla kang nawala?”sunod sunod na tanong ni Yhna sa kabilang linya.
“Im fine,sorry Yhna,kailangan ko na kasing umalis,naiirita ako kay Conrad,”tugon ni Aimie.
“Sabi na nga ba,pero sana inaya mo na lang akong umuwi diba,hindi yung bigla kang nawala,akala ko kung napano ka na,”ani Yhna.
“Sorry Yhna,anyway nasa bahay na ako,you want to come over?”tanong ni Aimie sa kaibigan.
“Of course,paalam lang ako kay Lane,sunod ako sa apartment mo,”tugon naman ni Yhna.
“Ikaw na bahalang magdahilan kay Lane kung bakit nauna na ako ha,thanks!”pagtatapos ni Aimie sa usapan nila.
“God Aimie what happened to you?”tanong ni Yhna ng mabungaran si Aimie na may hawak pang bote ng alak.
“Nothing,I just want to drink,hanggang sa mamanhid,”ani Aimie sabay tungga sa hawak na bote.
“Aims,bakit ka ba nagkakaganyan?is it Jansen?ano ba talagang nangyari kanina?,”sunod sunod na tanong ni Yhna,sumalampak na din ito sa tabi ni Aimie.
“Ang laki kong tanga,ginamit ko na naman sya,imbis magkaayos kame lalo lang syang nagalit saken,”ani Aimie at muling tinungga ang hawak na bote.
“Nag away ba kayo ni Jansen kanina?”nagtatakang tanong ni Yhna.
“Not really,but I used him para matakasan si Conrad,then he said sanay na naman daw syang gamitin at iwan,”malungkot na pahayag ni Aimie na pumapatak na ang luha.
“Oh Aims!”ani Yhna sabay yakap sa kaibigan.
“Hindi ko na kaya Yhns,malapit na ata akong bumigay,”ani Aimie sa pagitan ng paghikbi.
“Kaya mo yan Aims,andito lang ako,”tugon ni Yhna.
“Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa pagdudusahan ang katangahan ko,karma ko siguro ito dahil sa p*******t ko kay Jansen,”ani Aimie.
“Shh,don’t say that Aims,time will come at magiging maayos din ang lahat,”ani Yhna habang hinahagod ang likod ni Aimie. “Hindi na siguro dadating yung time na yon,binigay na kasi saken sinayang ko pa,”naiiling na pahayag ni Aimie.
“Ano ka ba,hindi ikaw yan Aims,ang kilala kong Aimie matapang at palaban,”ani Yhna.
“Pero duwag ako,tanga,”ani Aimie na nakangiti ng nakakaloko habang nakatingin sa kawalan.
“Hindi totoo yan,naguguluhan ka lang sa ngayon at nasasaktan,but for sure makakabawi ka din,”tugon ni Yhna.
“Baka kapag dumating ang araw na yon huli na ang lahat,”malungkot na tugon ni Aimie.
“Don’t say that,ano ka ba Aims,”saway ni Yhna.
“Nakita mo ba sya kanina?he looks fine and contented,mukang nasanay na syang wala ako,mukang mas ok nga sya ngayon kesa noong magkasama kame,wala na syang kunsumisyon,”ani Aimie.
“Asus,sure ka ba yan ang nakita mo sa kanya?hindi mo ba naramdaman na mahal ka pa din nya?”tanong ni Yhna.
“Muka ngang hindi man lang nya ako namiss,ni hindi nya nga ako pinigilan,sinumbatan pa nya ako diba?”tugon ni Aimie.
“Kasalanan mo naman kasi Aims,tinuturuan ka lang nya ng leksyon,”mataray ng tugon ni Yhna.
“Salamat ha!inaamin ko na ngang mali inuulit mo pa,”kunwaring pagalit namang tugon ni Aimie sa kaibigan.
“Hay naku Aims,hindi ko na alam ang sasabihin sayo,gusto na kitang batukan!”ani Ýhna.
“Subukan mo nga,baka yan na kailangan ko,”pabirong tugon ni Aimie na bahagya pang yumukod.
“Ay nako,siraulo ka talaga,kung hindi kita kilala
di ako maniniwalang magaling kang abogado,ang tanga mo din eh,”ani Yhna. “Grabe sya sa tanga,sakit nun,kaya nga ayokong mainlove,nakakatanga talaga at nakakabaliw,”nakangiting tugon ni Aimie.
Malalim na ang gabi ng magpaalam si Yhna kay Aimie,pagkaalis nito ay naiwan na namang nakatulala si Aimie,lungkot na lungkot na naman siya at pinagbalingan ang alak.Umiyak na naman ng umiyak si Aimie,halos dina niya makayanan ang pagkalasing kaya pinilit niyang pumasok sa banyo at tumapat sa shower,doon niya isinigaw ang lahat ng nararamdamang sakit,halos isang oras ng nakatapat sa shower ang dalaga at nakakaramdam na din siya ng panginginig ng katawan.
Samantala sa labas ng building ay hindi naman mapakali si Jansen,kanina pa nya gustong gustong umakyat sa unit ni Aimie,lalo ng hatinggabi na at natanaw niyang umalis si Yhna,alam niyang wala ng kasama ang dalaga,kanina pa niya matamang pinag iisipan kung ito na ba ang tamang panahon para kausapin niya si Aimie.Hindi na kasi siya matahimik mula ng magkrus ang landas nila kanina sa kasal ni Lane,hindi na niya kayang tikisin ang dalaga,muling humugot ng malalim na buntong hininga si Jansen bago ito nagpasyang umakyat sa unit ni Aimie.
Nagtaka naman si Jansen ng pihitin ang doorknob at hindi ito nakalock,kinabahan ito dahil hindi ganun kacareless ang dalaga para hindi ilock ang pinto,dali daling pumasok si
Jansen,ng hindi makita si Aimie ay agad niyang pinasok ang kwarto,nadinig niya na bukas ang shower,lalabas na sana ang binata ng maulinigan niya ang mga paghikbi ni Aimie,agad nitong binuksan ang banyo at tumambad ang itsura ni Aimie,nanginginig ito habang nakaupo sa tapat ng shower,hindi pa nito nahuhubad ang suot na gown kanina,agad pinatay ni Jansen ang shower at pinangko ang dalaga.
“God Aimie,anong ginagawa mo sa sarili mo?”ani Jansen ng ilapag ang dalaga,binalot niya ng towel at inakap ng
mahigpit,nanginginig ang buong katawan nito at naramdaman ni Jansen na mainit ang balat nito.
Timingala ng bahagya ang dalaga,dahan dahang pumikit ang mata nito at tila nawalan ng malay.
Dali daling kumilos si Jansen,agad inalis ang basang basang damit ng dalaga,binihisan ito bago inihiga ng maayos sa kama,nanginginig pa din ang katawan nito,pinilit itong painumin ng gamot ng binata kahit hindi na maimulat ang mata at makakilos,alalang alala si Jansen,hindi niya akalaing nangyayari ito kay Aimie kapag nagiisa na lamang sa bahay,nakita din niya ang mga basyo ng ibat ibang klase ng alak ng magtungo siya sa kusina para kumuha ng tubig,kasalanan niya at sinisisi niya ang sarili kung bakit nagawa iyon ng dalaga,hindi niya ito dapat sinukuan.
Nagulat si Aimie ng maalimpungatan,tila may mabigat na pumipigil sa kanya,ng magmulat siya ng mata ay nagtataka siya ng makitang nakaakap sa kanya si Jansen,gustuhin man niyang angatin ang braso nito ay hinang hina naman ang pakiramdam niya.Pimagmasdan niya ang muka nito na payapang natutulog halatang pagod at puyat ito,pilit inaalala ni Aimie ang mga nangyari ng nagdaang gabi,napansin niyang suot ni Jansen ang tshirt at pajama nya,ang natatandaan nya lang ay uminom sya ng uminom pagkaalis ni
Yhna,tiningnan niya ang sarili,nakapantulog na din sya,ang alam nya nakagown pa din sya kagabi.Muling pinagmasdan ni Aimie ang muka ni Jansen,hindi sya makapaniwala na katabi na ulit niya ito,hindi napigilan ni Aimie na himasin ang muka nito,miss na miss nya si Jansen.Tila naalimpungatan naman ito,inilapit nito ang muka sa dalaga at lalong humigpit ang pagkakayakap sa dalaga.
“Sleep more sweetie,”ani Jansen na hindi nagmulat ng mata,magkadaiti na ang kanilang mga muka.
“Why are you here?”halos pabulong na tanong ni Aimie na bahagyang inilayo ang muka kay Jansen,nagmulat naman ito ng mata at tumitig kay Aimie.
“I love you so much sweetie,”tugon ni Jansen na idinikit ang noo sa noo ni Aimie.
“Huwag mo na akong iiwan please,”ani Aimie.
“Never,kahit paulit ulit mo pa akong ipagtabuyan,”ani Jansen sabay halik sa labi ni Aimie.Lalo namang isiniksik ni Aimie ang katawan kay Jansen,muli niyang naramdaman ang kapanatagan sa mga bisig ni Jansen.