Chapter 28
“Mahal…”mahinang tawag ni Aimie kay Jansen na mahigpit pa ding nakaakap sa kanya,agad naman nagising ito.
“Hmmmn,nagugutom ka?”tanong naman ni Jansen habang hinahawi ang buhok na tumatakip kay Aimie.
“Gusto kong water,”ani Aimie na halatang nahihirapan pang magsalita.Agad naman tuminag ang binata para kumuha ng inumin.
“Here,dahan dahan ha,”ani Jansen na bahagya pang inangat ang ulo ni Aimie,hinang hina ang pakiramdam ng dalaga,pakiramdam ni Aimie ay wala siyang lakas.
“Dalhin na kita sa ospital sweetie,you don’t look fine,”nag aalalang ani Jansen.
“No,I'll be fine,dito ka lang sa tabi ko please,gusto ko lang magpahinga,”ani Aimie na sinenyasan pa si Jansen na mahiga sa tabi nya.
“I love you Aimie,huwag mo na ulit gagawin yon please,”ani Jansen habang yakap ng mahigpit si Aimie.
“Im sorry,akin ka na ulit please,”ani Aimie na lalong nagsumiksik kay Jansen.
“Sayong sayo lang ako sweetie,at wala ding ibang makakaagaw sayo,akin ka lang,mamahalin lang kita,”tugon naman ni Jansen habang kinikintalan ng halik ang buhok ni Aimie.
“Hindi mo na ako iiwan?”parang bata namang tanong ni Aimie.
“Ikaw kaya nang iwan
saken,remember?”nakangiti namang tugon ni Jansen.
“Sorry na nga eh,”ani Aimie na napatunghay kay Jansen.
“Kahit iwan mo pa ako paulit ulit,araw araw pa din kitang susundan at babantayan,”ani Jansen habang nakahawak sa pisngi ng dalaga.
“Ginawa mo ba yon?”tanong naman ni Aimie.
“Guilty!”nakangiting tugon ni Jansen sabay taas pa ng isang kamay.
“My God,bakit hindi mo man lang ako nilapitan?”si Aimie.
“Dahil ayokong pilitin ka,ayokong mangulit,kung gusto mo ng space at peace of mind,ibibigay ko sayo kahit sobrang hirap,”mahabang tugon ni Jansen.Siniil naman ito ng halik ng dalaga.
“I love you Jansen,”ani Aimie.
“I love you more!”tugon ni Jansen sabay siil ng halik sa dalaga.
‘Sweetie,come on lets eat muna,”ani Jansen ng ginising ang dalaga.
“Hmmmn,anong oras na ba mahal?”tugon naman ni Aimie.
“Its 2pm sweetie,lika na,kaya mo na ba or dito ka na lang sa bed?”tanong naman ni Jansen habang inaalalayan bumangon ang dalaga.
“Hindi ako nakapasok sa office,kasi naman,”ani Aimie habang pinipilit ang sariling tumayo.
“Huwag mo na muna isipin ang work,pahinga ka muna,”ani Jansen.
“Tatawagan ko lang si Sandy,sunod nako,”nakangiting ani Aimie ng makaupo ito sa kama.
“Sweetie…”nakapamewang pa si Jansen.
“Please,3minutes,promise,”nakangiting tugon ni Aimie.
“Mamaya na yang work,”matigas na tugon ni Jansen.
“Yes daddy,”nakangiting tugon naman ni Aimie.
“Stop calling me that,ganun na ba ako katanda?”nakasimangot namang tugon ni Jansen habang inaalalayan papuntang kusina si Aimie.
“Hindi ba?”nanunuya pang tugon ni Aimie.
“Ah ganon,”sabay buhat ni Jansen kay Aimie na ikinasigaw naman nito.
“Grabe,namiss ko luto mo mahal,”ani Aimie habang masigla itong kumakain.
“Muka ngang namiss mong kumain,puro inom na lang ata ginagawa mo,”seryosong tugon naman ni Jansen.
“Bawal magsermon,kumakain ako,”tugon naman ni Aimie.
“Mukang ipinagpalit mo na ako kay jack daniels,”ani Jansen na seryosong nakatitig kay Aimie.
“Iniwan mo kasi ako,kasalanan mo yan,”ani Aimie na hindi tumitingin kay Jansen.
“Ganun ba kalala?its not the Aimie that I know,”ani Jansen na hinawakan ang isang kamay ni Aimie.
“Hindi ko kasi alam kung paano
makakalimot,kulang pa yung workloads ko para mapagod at makatulog,ayokong mang istorbo ng ibang tao para makinig sa mga drama ko,”ani Aimie na nakayuko at hindi masalubong ang tingin ni Jansen.
“Im sorry Aimie,Im so sorry,”ani Jansen na inakap ang dalaga.
“Kasalanan ko nga kasi,iniwan kita,”ani Aimie.
“I love you so much,hindi na yan mangyayari saten,I promise,”ani Jansen na lalong humigpit ang yakap sa dalaga.
“Good morning Sandy,updates please,”ani Aimie pagpasok nito sa office.
“Good morning attorney,my delivery po,ang aga nyan grabe,hindi pa ako nakakaupo andito na,”ani Sandy sabay abot ng flowers sa dalaga.
“Wow!thank you,”nakangiting tugon naman ni Aimie.
“Yung files pala ng bagong case nasa table nyo na,and yung nacancel na meering kahapon nareschedule na later after lunch,”ani Sandy habang ipinapatong ang tinimplang kape sa table ni Aimie.
“Okey,thank you,”tugon naman ni Aimie,naupo na ito at kinuha ang card na kasama ng flowers. “For the loveliest women Ive ever met"anang note sa card na kasama ng flowers,kinikilig namang kinuha ni Aimie ang cellphone at idinial ang numero ni Jansen.
“Hi sweetie,nasa office ka na?”malambing na tugon ni Jansen.
“Yup and thank you mahal,”ani Aimie.
“Thank you for what?”nagtataka namang tugon ni Jansen.
“Mahal naman eh,thank you sa flowers,”ani Aimie na nakangiti pa din.
“Huh?may nagpadala ng flowers sayo?”tila nagtataka namang tugon ni Jansen.
“Mahal naman eh,ikaw ha,kulit mo!”ani Aimie na kunwaring naiinis.
“Sunduin kita mamayang
lunch,bye,”pagpapaalam naman ni Jansen na ipinagkibit balikat na lang ng dalaga. “Attorney my bisita ka,”ani Sandy na nakasilip sa pinto ng opisina ni Aimie.
“Paalis na ko,I have a lunch with Jansen,”tugon naman ni Aimie na naghahanda na nga sa pag alis.
“Hi!wrong timing ata ako,”ani Conrad na hindi na nakahintay na papasukin ng sekretarya ni Aimie.
“Ikaw pala,what can I do for you?”nabigla namang tugon ni Aimie.
“Well I was suppose to invite you for lunch,but it seems that you have prior plans,”tugon naman ni Conrad na ikinainis ng dalaga,napakayabang talaga ng lalaking ito,sa loob loob ni Aimie.
“yes,actualy I have a lunch date with my boyfriend,and besides hindi ako basta basta nakikipagkita kung kanikanino without appointment,”mataray na tugon ni Aimie na hindi na napigilan ang inis.
“My fault,anyway,nagustuhan mo ba yung flowers?”tanong ng binata na tila naman binaliwala ang mga sinabi ni Aimie.
“So,sayo pala nanggaling,salamat,but I don’t like it,hindi ako mahilig sa flowers,I have to go,”ani Aimie na tuluyan ng tumayo para lumabas,nagulat naman ito ng masalubong si Jansen na dumating na pala.
“Hi sweetie,can we go now?”ani Jansen na agad sinalubong ng yakap ng dalaga.
“Yeah,kanina pa kita hinihintay mahal,”malambing na tugon naman ni Aimie.Napabaling naman ang pansin nila ng tumikhim sa likod ni Aimie si Conrad.
“Bro,hi,sorry nakaistorbo ata ako sa inyo,”ani Conrad.
“Its okey,paalis ka na naman,”halatang pagtataboy ni Aimie dito,napatingin naman sa dalaga si Jansen na tila nagtatanong.
“Yeah,iinvite ko sana si Aimie for lunch pero may date pala kayo,I'll go ahead,”paalam ni Conrad at nagpatiuna na itong lumabas.
Wala namang imik na inalalayan ni Jansen si Aimie.
“What's wrong?”tanong ni Aimie kay Jansen habang lulan sila ng sasakyan,napansin kasi ng dalaga na kanina pa ito nananahimik.
“Nothing,”maigsing tugon nito.Hindi na umimik ang dalaga,alam na nya sa sarili nya kung ano ang ipinagkakaganito ng nobyo,mamaya na lang niya ito kakausapin.
“What time kita pwedeng sunduin sa office mamaya?”tanong ni Jansen ng huminto sila sa isang café,hinatid na niya si Aimie sa meeting nito pagkatapos nilang maglunch.
“Baka medyo late nako matapos,around 8pm,pero kung may gagawin ka okey lang,nasa office naman car ko,”tugon naman ni Aimie.
“Okey,I'll pick you up at 8pm,bye sweetie,”ani Jansen sabay halik sa noo ni Aimie at matamlay na ngumiti.
Chapter 29
“May problema ba mahal?”tanong ni Aimie,nakasandal ito sa dibdib ng binata habang nakaupo sila sa sofa.
“Nothing,”sabay buntong hininga nito,”ikaw baka may gusto kang ikwento,”wika pa ni Jansen habang pinaglalaruan ng isang kamay ang hawak na remote.
“Fine,si Conrad ang nagsend ng flowers,”tugon ni Aimie na tumingala pa at hinagkan ang baba ni Jansen.
“At anong ginagawa nya sa office
mo?”seryosong tanong ni Jansen na sa tv pa din nakatingin.
“Bigla syang lumitaw sa office ko,the nerve,lakas ng loob ayain akong maglunch!”ani Aimie na napalakas pa ang boses.
“He likes you,”ani Jansen na kay Aimie na nakatingin.
“I don’t care,he's annoying,akala mo kung sino,”tugon naman ni Aimie.
“Talaga?naiinis ka sa kanya?”tanong ni Jansen na inilapit pa ang muka kay Aimie.
“Of course,ang yabang nya,and besides…wait,are you jealous?”ani Aimie na tuluyan ng napatayo at nakapameywang na hinarap si Jansen.
“Hinde,”maigsing tugon ni Jansen sabay hila kay Aimie kaya napaupo ito sa kandungan nya.
“Nagseselos ka,”ani Aimie na nakangiti.
“No,naiinis ako sa kanya,gusto kong baliin ang mga buto nya,”tugon ni Jansen na hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga.
“Sayo lang po ako,wala akong ibang papansinin kundi ikaw,”malambing na pahayag ni Aimie sabay halik kay Jansen.
“Hindi naman ako papayag na may umagaw sayo,akin ka lang,lahat ng magtatangka babalian ko ng buto,”ani Jansen na nakangiti na.
“Abat gusto mong makulong?”ani Aimie.
“Ipagtatanggol mo naman ako diba,abogado de kampanilya ata girlfriend ko,”ani Jansen.
“Sira ka talaga,sisirain mo pa career ko!”nagbibirong tugon naman ni Aimie sabay pisil nito sa ilong ng binata.
Sweetie,”si Jansen habang matamang nakatitig sa muka ni Aimie.
“Hmmmn…”.
“kapag inaya ba kita sasama ka?”seryosong tanong ni Jansen.
“Depende kung saan,pag sa ibang planeta hindi ako sasama,”ani Aimie sabay tawa ng malakas.
“Seryoso ako Aims,pag inaya ba kita will you say yes?”ani Jansen na nakatitig sa mukha ni Aimie.
“Saan ba kasi?”ani Aimie na kinakabahan,handa na nga ba sya,aayain na ba syang magpakasal ni Jansen.
“Mag out of town tayo this week end,”ani Jansen.
“Aah,wait lang,check ko muna schedule ko,alam mo namang hindi ako basta nakakaalis diba?”tugon naman ni Aimie na hindi nagpahalatang nafrustrate sya sa sinabi ni Jansen,ano nga bang inaasahan nya,may iba pa ba syang ineexpect?tanong ni Aimie sa sarili.
“Please?may conference kasi ako sa Palawan,you know,sabay na natin ang pagbabakasyon para naman makarelax ka,”paliwanag naman ni Jansen.
“We'll see,I'll check my schedules pagpasok ko bukas,gusto ko din naman magbreak from work kahit few days lang,”nakangiting tugon naman ni Aimie.
“Promise yan sweetie?ilang araw din kasi ako sa Palawan,baka hindi ako tumuloy pag hindi ka kasama,”ani Jansen.
“Bakit naman?ano ka ba,para sa company mo yon no!”tugon naman ni Aimie.
“Ayaw kitang iwanan,maghapon nga lang ako sa office miss na miss na kita,ano pa yung ilang araw,”malambing naman na pahayag ni Jansen na isinubsob pa ang mukha sa leeg ni Aimie.
“Naks,your extra sweet,hmn…may kasalanan ka ba?”ani Aimie.
“Gusto ko lang lagi kang kasama,every seconds,every minute of my life,”ani Jansen na ikinakilig naman ng husto ni Aimie.kinintalan niya ito ng halik sa labi.
“Hello aweetie,how's your day?”tanong ni Jansen sa kabilang linya.
“Good,busy but good,ikaw mahal?naglunch ka na ba?”malambing na tanong naman ni Aimie.
“Later na,katatapos lang ng board meeting,mag coffee lang muna ako then site visit,”tugon naman ni Jansen.
“Mahal nagpalipas ka na naman ng gutom,”ani Aimie.
“I miss you,”ani Jansen.
“I miss you more mahal,”tugon naman ni Aimie.
“Talaga?”ani Jansen.
“Ou naman,ano ka ba mahal?is there something wrong?”nagtatakang tanong naman ni Aimie.
“Sobra lang kitang namimiss,”tugon ni Jansen.
“Ikaw talaga,sige na,back to work na tayo para makauwi ng maaga,”pagpapaalam naman ni Aimie.ibababa na sana niya ang cellphone ng may kumatok.
“Come in,”matamlay na tugon naman ng dalaga.
“Hi sweetie!”ani Jansen na agad naman sinalubong ng yakap ni Aimie.
“Mahal,anong ginagawa mo dito?”ani Aimie.
“Malapit lang dito yung site na pupuntahan ko so I decided to drop by,”tugon ni Jansen .
“Ay,ang sweet ng mahal ko,wala na nga ako sa mood eh,gusto ko ng umuwi kaso nasa work ka pa,wala din ako madadatnan sa bahay,”ani Aimie na pinalungkot pa ang muka.
“I know,kaya nga eto na ako,I brought food,sabayan mo naman akong maglunch,”ani Jansen sabay taas ng bitbit na paper bag.
“Buti na lang,hindi pa din ako naglalunch,wala akong gana,”ani Aimie na nagpatiuna na para makaupo sila sa sofa.
“Why?masama ba pakiramdam mo?gusto mo
ihatid na kita sa bahay after natin kumain?”nag aalalang tanong naman ni Jansen sa dalaga.
“Hindi naman,pagod lang siguro ako,nakakastress mga cases ko ngayon,”ani Aimie.
“Kaya kailangan mo na talagang magbakasyon para makapagpahinga ka,”ani Jansen.
“Palagay ko nga,”maikling tugon ni Aimie.
“So is that a yes?sasama ka na sa akin sa Palawan?”excited na tanong naman ni Jansen.
“Kung pwede nga lang bukas na,I feel exhausted!”ani Aimie.
“Are you sure?pwede naman,para makapag enjoy muna tayo ng ilang araw bago mag start conference namen,”masiglang tugon naman ni Jansen.
“Wala ka bang maiiwang trabaho mahal?”tanong naman ni Aimie.
“Im the boss remember?”tugon naman ni Jansen sabay kindat pa nito.
Masiglang pinagsaluhan ng magkasintahan ang dalang pagkain ni Jansen.
Chapter 30
“Ready sweetie?”tanong ni Jansen,tapos na itong ilagay sa sasakyang maghahatid sa kanila sa domestic airport ang mga bagahe nilang dadalhin.
“Ready!”tugon naman ng dalaga.
“Salamat mahal,”ani Aimie habang naglalakad sila sa may dalampasigan.
“For what?”tanong naman ni Jansen.
“Sayo,sa pagtitiyaga at pagmamahal,salamat dahil hindi ka napagod saken,”ani Aimie.
“Nangako ako sayo diba,wala akong ibang mamahalin kundi ikaw,kahit kailan hindi mapapagod ang puso ko,your my life,”malambing na tugon ni Jansen sabay akap sa dalaga,
“Napaka swerte ko kasi ikaw ang binigay sa akin,”ani Aimie.
“Mas maswerte ako dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka,”tugon ni Jansen.
Magkayakap na pinagmasdan ng magkasintahan ang paglubog ng araw bago sila bumalik sa hotel room.
Pagmulat ng mata ni Aimie ay wala na ang binata sa tabi niya,agad niyang naalala na ngayung araw nga pala ang umpisa ng conference nito,paglinga ni Aimie sa side table ay may iniwang mga puting rosas si Jansen,may kasama ng isang tray ng breakfast,agad bumangon si Aimie at dinampot ang kapirasong papel na may note.
“Im at the conference hall sweetie,enjoy your breakfast,Iloveyou!” ayon sa note.Napangiti naman si Aimie.
Masiglang nag almusal ang dalaga pagkatapos ay naghanda na ito,nagpasyang mag ikot ikot ang dalaga sa may dalampasigan,naalala niyang may mga souvenir shops silang nadaanan ni Jansen ng nagdaang araw,mamimili muna siya ng mga pasalubong kesa tumunganga sa hotel room habang nasa conference si Jansen.
Ng mapagod sa pamimili ng kung ano ano si Aimie ay nagpasya itong pumasok sa isang café,nalibang ang dalaga at hindi na namalayan ang oras,lunch time na pala,ng makapwesto ang dalaga agad itong nilapitan ng waiter,pagkabigay ng order ay naalalang icheck ni Aimie ang cellphone nya,kanjna pa pala tumatawag at napakarami ng text ni Jansen,agad niya itong tinawagan,marahil ay hinahanap na siya nito.
“Hello sweetie,nasaan ka?kanina pa ako tumatawag sayo,Im worried,I checked our room wala ka?”sunod sunod na tanong ni Jansen sa kabilang linya na halatang nag aalala.
“Sorry mahal,nalibang ako sa pagshoshopping sa souvenir shops,”tugon naman ni Aimie.
“Thank God,akala ko kung ano ng nangyari sayo,naglunch ka na ba?”ani Jansen na nakahinga naman ng maluwag at nawala ang pag aalala.
“Andito ako sa café mahal,dito na lang ako maglalunch,don’t worry,”ani Aimie.
“Okey,sorry sweetie ha,mag isa ka tuloy,bawi ako later diner tayo,”ani Jansen.
“Its okey mahal,take your time,importante yan,”tugon naman ni Aimie.
“See you later sweetie,I love you,”ani Jansen.
“I love you more,see you,”tugon naman ni Aimie.
Hapon na ng makabalik si Aimie sa hotel room,napagod siya sa paglalakad,napakaganda naman kasi ng mga tanawin sa paligid kaya hindi niya namamalayan ang paglipas ng oras.
“Sweetie!”tawag ni Jansen ng masalubong niya ito sa lobby ng hotel.
“Mahal,anong ginagawa mo dito?tapos na kayo?”tanong ni Aimie.
“Yes,katatapos lang,susundan na nga sana kita wala ka pa kasi sa room naten,”tugon ni Jansen. “Nalibang ako sa pamamasyal,”ani Aimie.
“Hatid na muna natin sa room pinamili mo then lets have dinner,”ani Jansen na kinuha ang mga bitbit ni Aimie.
“Mahal this is so beautiful!”ani Aimie ng makarating sila sa may
dalampasigan,napakaganda ng set up,may mga kandila sa walkway at mga bulaklak,sa dulo nito
ay may canopy na puno din ng bulaklak,napakaromantic ng table arrangement,may mga ilaw sa paligid,sa kabilang banda naman na di kalayuan ay may tumutugtog ng violin.
“Everything for you my life,nagustuhan mo ba?”nakangiting tugon ni Jansen.
“I love it,paano mo pa nagawa to mahal,ikaw talaga!”kinikilig na pahayag ni Aimie sabay akap sa binata.
“Basta para sayo lahat magagawa ko,come,”aya ni Jansen sa dalaga at iginiya na ito,naglakad sila sa walkway na napapalibutan ng maliliit na kandila at mga bulaklak,pagdating sa may table ay nagsimula ng tumugtog ang violin.Hinawakan ni Jansen ang kamay ni Aimie at isinayaw ito,napakaromantic ng music.
“I love you so much Aimie,you’re the air that I breath,you’re the blood in my veins,your my life,”bulong ni Jansen habang magka akap silang sumasayaw.
“I love you too!more than my life,”tugon naman ni Aimie.
“Will you spend the rest of your life with me,”ani Jansen.
“Of course,I cant live my life without you mahal ko,”tugon naman ni Aimie.
“Will you be my wife?”tanong ni Jansen na ikinatigil naman ng dalaga,bahagya itong lumayo kay Jansen.
“What do you mean?”nanlalaki ang matang tanong ni Aimie.
Biglang lumuhod si Jansen at inilahad ang singsing kay Aimie.
“Will you marry me Aimie?”tanong ni Jansen na buong pagmamahal na nakatingala sa dalaga.Hindi naman napigilan ni Aimie ang mapaluha,sunod sunod itong tumango at iniabot ang kamay kay Jansen.
“Yes,yes mahal,”umiiyak na tugon ni Aimie kay Jansen na hindi na din mapigilan ang pagluha sa labis na kaligayahan,finally Aimie said yes to him.
“Congratulations!!!!”tumitili si Yhna habang tumatakbo itong papalapit sa magkayakap na magkasintahan.Nagulat naman si Aimie sa pagsulpot ng kaibigan.
“My God Yhns anong ginagawa mo dito?”nagtatakang tanong ni Aimie.
“Haler,kaninang umaga pa ako dito noh!”tugon naman ni Yhna.
“Surprise sweetie?”nakangiting tanong ni Jansen.
“Grabe ka mahal,sobra mo akong pinasaya,”ani Aimie sabay halik sa binata.
“There's more sweetie,”ani Jansen,lalo namang nanlaki ang mga mata ni Aimie ng makitang papalapit sa kanila ang kanyang mga magulang.
“Oh my God,mom,dad,I miss you!”ani Aimie na sinalubong ng yakap ang mga magulang.
“We miss you too dear,congratulations!”anang ina ni Aimie.
“Congratulations dear!”anang ama naman ni Aimie.
“Im speachless,kailan kayo dumating,bakit hindi kayo nagpasabi?”ani Aimie na pinupunasan ang mga luha.
“Well,Jansen planed all this"),”anang ama ni Aimie.
“Mahal!”sabay yakap ng mahigpit ni Aimie kay Jansen.
“Happy?”tugon ni Jansen sabay halik sa labi ng dalaga.
“Sobra,I don’t know what to say,salamat mahal ko,”ani Aimie na hindi mapigilan ang pag agos ng luha sa labis na kasiyahan.
“Sweetie,my Aimie,my fragile rock,I promise to give you more patience,to listen to your rants,to wait untill midnight because you’re a workaholic woman,to not be jealous of your career,to keep quiet when your having tantrums,to cook for you everyday because you cant,to make you coffee as long as I will wake up each morning with you by my side,you are my life and I will love you forever till my last breath,”Jansen.
“Mahal,my Jansen,I promise to be sweet and show you how much I love you everyday,to lessen my tantrums,to give you more time and to remind myself everyday that I have a husband to take care,I promise not to let you run out of patience,I promise not to make you jealous of my work,and I promise to be yours forever,I love you my rock,my strength,I will love you for the rest of my life,”Aimie.
“And now I pronounce you as husband and wife,you may now kiss the bride!”anang paring nagkasal kila Aimie at Jansen,nagpalakpakan ang mga kaibigan at pamilya ni Aimie at Jansen na napapaluha pa sa kasiyahan.