31

1181 Words
"Hindi pa din ako makapaniwala sweetie..." ani Jansen habang nakaakap kay Aimie. "Ako din mahal, akalain mo misis na ako ngayon." ani Aimie. "Salamat sweetie. salamat dahil hinayaan mo akong mahalin ka." ani Jansen. "Salamat mahal dahil hindi ka sumuko, ang swerte ko because inspite and despite of everything that you've been through because of me hindi ka napagod na mahalin ako." Aimie. "Pangako sweetie ko, I will love you till my last breath." ani Jansen sabay kintal ng matamis na halik sa labi ni aimie. Mabilis lumipas ang mga araw na hindi namamalayan ng mag- asawa, bawat araw ay masayang lumilipas at lalong lumalalim ang pagmamahal nila sa isa't isa. " Good morning sweetie,tara breakfast na tayo," bati ni Jansen sa kagigising na asawa. "Mauna ka na mahal, inaantok pa 'ko," tugon ni Aimie na lalo pang namaluktot sa ilalim ng kumot. "Sweetie malelate ka,diba sabi mo kagabi may early meeting ka," ani Jansen. " I called my secretary na mahal, I'm not feeling well," ani Aimie. "May lagnat ka ba?" nag aalala namang salat ni Jansen sa noo ng kanyang maybahay. "No, feeling ko lang pagod na pagod ako, matutulog lang muna ako ulit, after lunch nalang ako pupunta ng office," tugon ni Aimie. "Are you sure? dalhin na kita sa clinic tapos bukas ka na lang pumasok," pag aalala naman ni Jansen. "I'll be fine mahal, sige na magbreakfast ka na at baka malate ka din," tugon naman ni Aimie na nakangiti. "I'm worried sweetie, baka something is wrong and..," "Don't worry mahal,I'm fine,just let me sleep more okey!," putol naman ni Aimie. "Okey, but call me anytime if you feel like you need to go to the clinic please sweetie," ani Jansen. "Yes mahal,I love you," ani Aimie sabay halik sa labi ni Jansen. "I will tell manang to check on you, and please eat your breakfast later okey," pahabol naman ni Jansen bago ito lumabas ng kanilang silid. "Hello manang may nangyari ba?" nag aalalang tugon naman ni Jansen ng matanggap ang tawag ng kasambahay. "Sir si mam Aimie po kasi nawalan ng malay,papunta na kami sa ospital," agad namang tugon nito. "Sige manang papunta na ako sa ospital," tugon ni Jansen at patakbo na itong palabas ng opisina. Hindi na nito nakuhang lingunin ang nagtatakang sekretarya, hindi na din napansin ang paghabol nito sa kanya. "Sir Jansen may meeting ka pa po in 10minutes," anang halos napapatakbo na ding sekretarya ni Jansen. "Cancel all my appointments today, Aimie was rushed in the hospital," tugon ni Jansen bago lumulan sa kanyang sasakyan dahil sa parking area na ito inabutan ng kanyang sekretarya. "Nurse si attorney Aimie Castillo saang room?" tanong ni Jansen sa nurse na nasa reception ng ospital. "Ay sir nasa ER pa po," tugon naman nito.Agad naman tumalikod si Jansen para puntahan si Aimie. "Manang what happened?" ani Jansen ng maabutan si manang. "Ay sir nasa loob pa po si mam,tinitingnan na po ng doctor," tugon naman nito. " Doc ano pong nangyari sa misis ko?" tanong ni Jansen ng makalapit sa kama ni Aimie, nakapikit pa din ito at walang malay. "She's still unconscious and we will run some tests to find out, for the meantime we will transfer her to a regular room and wait." tugon naman ng doctor. Mababakas ang labis na pag aalala ni Jansen ng lapitan nito ang walang malay na asawa. "Sweetie I'm here na" ani Jansen sabay kintal ng halik sa noo ni Aimie. Unti- unti namang nagmulat ng mga mata si Aimie at nagtatakang napatingin kay Jansen. " Mahal! bakit andito kana? " nagtatakang tanong ni Aimie. " Manang called me, you fainted, how are you feeling? may masakit ba sa'yo?" sunod, sunod na tanong naman ni Jansen na hindi pa din nawawala ang pag- aalala. Saka lang nilibot ng paningin ni Ainie ang paligid at napansing wala siya sa kanilang sariling silid. "Sinugod ka kaagad ni manang at driver mo sa hospital." ani Jansen ng mabasa ang mga tanong at pagtataka sa mukha ng asawa. "Oh my God!, the last thing I remember I just woke up and going to the bathroom," tugon naman ni Aimie, " How long I've been here?" tanong nito kay Jansen. " 4hours, the doctors run a few tets,maya,maya siguro andito na ang doctor mo for the results," ani Jansen. " Tests? I feel perfectly fine, baka nalipasan lang ako ng gutom," ani Aimie na tangka pang babangon subalit hindi nito naituloy dahil pinigilan agad ito ng asawa. "Have some rest sweetie, nagugutom ka ba? anong gusto mong kainin magpapabili ako kay manang," ani Jansen habang pinipigilan itong bumangon. " Mahal huwag ka ng masyadong mag alala, okey na okey ako, I just need a glass of water," tugon ni Aimie bagamat nanghihina padin ang pakiramdam nito. "Here sweetie," ani Jansen sabay abot ng isang basong tubig. " Let's just wait for your doctor okey, and you need to eat something,past lunch time na din,hindi kapa nga nakapagbreakfast," ani Jansen sabay hugot ng cellphone nito sa bulsa upang mag order ng pagkain. Katatapos lang kumain ng mag-asawa ng may kumatok, agad naman itong pinagbuksan ni Jansen. "Good afternoon Mr. and Mrs. Castillo," bati ng nakangiting doctor ng mapagbuksan ito ni Jansen. " Good afternoon doc, thank God you're here," ani Jansen. "Buti naman gising ka na attorney, sorry medyo natagalan ang pagbalik ko,we double check your laboratory tests results just to make sure," tugon ng doctor ng makalapit ito kay Aimie. "May problema ba doc? what's wrong with my wife?" tila nauubos naman ang pasensyang tugon ni Jansen. " Actually I want to congratulate you Mr. and Mrs. Castillo, well, your wife is two months pregnant!" masayang tugon naman ng doctor. Sabay naman saglit na natigilan ang mag asawa, at ng makabawi sa pagkabigla ay agad na niyakap ni Jansen si Aimie at kinantalan ng maliliit na halik sa mukha. "I'm going to be a dad!" ani Jansen na kulang na lang ay magtatalon sa labis na tuwa. Gayun din naman si Aimie, napakalaki ng ngiti nito at hindi halos makapagsalita na nakatitig kay Jansen na nakaakap pa din sa kanya. "Dic pwede na po ba akong umuei?" baling naman ni Aimie sa doctor na hindi pa din nawawala ang ngiti, bakas na bakas ang kasiyahan nito. " Of course, but I suggest you go to an obi- gyne, I can refer one, she's our resident here," tugon naman ng doctor kay Aimie. "Sige po doc," ani Aimie. "Mr. Castillo I hope you don't mind but can I have a word with you in my office," baling ng doctor kay Jansen ng ihatid ito palabas ng silid, agad naman naramdaman ni Jansen na may gusto itong sabihin na hindi dapat madinig ni Aimie,bahagya itong nag alala. "Sure doc, I'll be there in a minute," ani Jansen at bumalik na ito sa tabi ni Aimie para magpaalam na lalabas sandali. "Sweetie I'll just need to settle your bill and also make an appointmentto your ob para makauei na tayo," ani Jansen sabay halik sa noo ng kanyang maybahay na nakangiting tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD