Nakauwi na ng bahay ang mag- asawa ay hindi pa din maalis sa isip ni Jansen ang pinag- usapan nila ng doctor.
"Mahal okey ka lang ba? kanina ka pa natatahimik," ani Aimie.
"Huh?, wala naman sweetie, I'm just thinking na magbakasyon muna tayo, gusto mo bang doon muna tayo sa provi ce nyo para naman makapagrelax ka,orif you have any place in mind na gusto mong puntahan," nakangiting tugon naman ni Jansen.
"As much as I want you know naman na hindi tayo agad makakaalis, lalo na ngayon that I have a high profile case," tugon naman ni Aimie na hinawakan ang pisngi ng asawa.
" Exactly the point, as per your obi said, you need to be very careful and stress free specially now that on your firat trimester of pregnancy," paliwanag naman ni Jansen.
" Mahal don't worry about me okey, mag- iingat ako at syempre hindi ko naman hahayaang may mangyaring masama sa akin at sa magiging baby natin," tigon ni Aimie.
"I know,pero syempre para makasiguro tayo na magiging safe ang pregnancy mo,besides hindi mo naman bibitawan ang trabaho mo,you will only take a short break," ani Jansen.
" I will try tò reschedule mahal,okey," tugon ni Aimie,sa totoo lang ay iniisip din nito na magpahinga muna dahil sa kalagayan niya ngayon, hinding hindi na siya makakapayag na maulit ang trahedyang nagbunga ng pagkawala ng dapat sana ay unang anak nila ni Jansen.Hindi na niya kakayanin ang sakit ng kalooban at lungkot na idinulot nito sa kanilang mag- asawa.
" Please sweetie," ani Jansen sabay akap sa asawa.Pinag iisipang mabuti ni Jansen kung paano niya sasabihin kay Aimie ang too nitong kalagayan base sa paliwanag ng doctor sa kanya,ayaw niyang mabigla at mag alala ito dahil baka lalo namang ikapahamak ng kanyang mag ina.
Flashback...
" Well mr. Castillo,we found out that your wife is having a kind of cardiomayophaty, thiugh hindi naman ganoon kalubha byt very sensitive,kung hindi maiingatan ay maaaring magpaulit ulit atlumala," anang doctor.
" What do you mean doc?" nababahalang tanong naman ni Jansen.
" It's a kind of heart cindition which is commonly called Tajotsubo Cardiomyopathy,it's a cindition kung saan nagkakaroon ng sudden weakness of heart muscles triggered by significant emotional stress, she may suffer chest pains and breathlessness, though it's a temporary condition and reversible pero kung hindi magiging maingat ay maaaring magdulot ng mga complications," mahabang paliwanag ng doctor.
" What do you mean it's temporary? is it due to her pregnancy?" tanong ni Jansen.
"Maaaring ganoon, posible din naman na matagal na niyang nararanasan dahil sa nature ng kanyang trabaho, bit on her present situation I recommend na magpahinga na mina sya para maiwasan ang stress,you know pregnant women are always emotional," wika pa ng manggagamot.
"Sweetie naglunch ka na ba?" tanong ni Jansen sa kabilang linya.
"Yes mahal,katatapos lang, nagpeorepare na ako for my next client meeting," tugon naman ni Aimie, sa totoo lang ay madalas siyang mapaisip dahil sumobra na ang pag aalala sa kanya ni Jansen.Kahit pilit niyang inuunawa na natural lamang ang kinikilos nito lalo sa kalagayan niya ngayon ay may nararamdaman s'yang kakaiba,parang may itinatago sa kanya ang asawa.
"Gusto mo ba samahan kita?" ani Jansen.
"Huwag na mahal, dito lang naman sa malapit na cafe ang meeting ko,don't worry okey, love you!" tugon ni Aimie.
Wala naman nagawa si Jansen ng tapusin na ni Aimie ang kanilang usapan,napuna niya na may bahid ng inis ang tinig nito.
"Nakakainis, buntis ako hindi baldado,masyado ng OA si Jansen," bulong ni Aimie sa sarili.
"Attorney nasa cafe na po ang client nyo," ani Zandy ang sekretarya ni Aimie.
" Sige,pakisabing on the way na ako," ani Aimie at kumilos na ito para pumunta sa cafe.
Maayos naman natapos ang meeting ni Aimie subalit ng tatayo na sana ito para bumalik sa opisina ay biglang umikot ang kanyang paningin, agad niyang kinuha ang cellphone sa bag at tinawagan si Jansen para magpasundo.
"Are you sure you're feeling okey now?" ani Jansen habang nagmamaneho ito,kasama na niya si Aimie.
"Yes mahal, sa bahay nalang ako magpapahinga, normal lang naman na makaramdam ako ng hilo," tugon naman ni Aimie, hindi kasi ito pumayag na magpadala sa ospital.
"Wala bang gamot na pwede inumin oara hindi kana mahilo or magsuka?" ani Jansen.
"Ano ka ba mahal,normal ang mga 'yon sa buntis,don't worry kaya ko naman," nakangiting tugon naman ni Jansen.
Naaawa kasi ito sa asawa sa tuwing nasasaksihan ang paghihirap nito dahil sa morning sickness, wala naman siyang magawa kundi ang damayan ito.
Nasa malalim na pag iidip si Jansen kaya't hindi niya namamalayan na kinakausap na pala siya ni Aimie.
"Mahal to earth!"ani Aimie sabay pitik ng mga daliri sa harap ng mukha ni Jansen para mapansin siya nito.
"Yes sweetie? are you saying something?" nagulat naman na tanong ni Jansen.
"Kanina pa ako nagsasalita dito and you're not listening," naiinis na tugon ni Aimie at nakasimangot pa itong umupo ng padabog sa sofa na katapat ng kinauupuan ni Jansen.
"Sorry sweetie, ano na ulit 'yon?" naglalqmbing na tanong naman ni Jansen at lumapit na ito kay Aimie para suyuin ang kanyang asawa,mahirap na baka magtampo pa ito.
"Hindi bali na lang, masyado kang busy, lately napapansin ko lagi kang occupied pero ayaw mo naman magkwento, diba may agreement tayo na lahat ng trabaho ay iiwanan sa office para pag nasa bahay tayo focus lang sa isa't isa. Kahit mahirap tumutupad ako pero lately parang may mas importante ka ng iniisip kesa sa akin," mahabang litanya ni Aimie na halos maiiyak na ang tinig dahil sa pagtatampo.
"Sweetie huwag ka ng magtampo, more than anything else in this world wala ng iba pang bagay na mas imporrante kesa sa iyo, ijaaw lang." tugon ni Jansen na inaalo ang nagtatampong maybahay.
" Hindi iyan ang nararamdaman ko lately, kapag nasa work tayo OA kang magworry to the point na nakakairita na, pero kapag magkasama naman tayo parang lagi kang wala sa sarili, may problema ba tayo?" ani Aimie.
"Wala... wala sweetie,sorry na promise hindi na mauulit," ani Jansen.
"Meron kang hindi sinasabi sa akin Jansen, hindi ka naman dating ganyan," nagtatampo pa ding tugon ni Aimie.
"Sweetie huwag ka ng magtampo please, ayaw na aya2 kong sumasama ang loob mo, sige ka baka pumangit ang baby natin," ani naman ni Jansen habang kinikintalan ng maliliit na halik sa mukha si Aimie.
"Kilala kita Jansen, alam ko at ramdam ko kung may itinatago ka, huwag mo ng patagalin pa, sabihin mo na dahil kung hindi ilipat mo na ang mga unan mo sa guest room," ani Aimie sabay tayo at naglakad na ito patingo sa kanilang kwarto, napatda naman ang nagulat na si Jansen, wala na siyang nagawa kundi ang mapailing. Batid niya na hindi talaga siya makakaoagtago ng kahit ano sa kanyang asawa.