Chapter4
“Hi Aims!nasaan ka?okey ka lang ba?”sunod sunod na tanong ng kaibigan kong si Lane sa kabilang linya.
“Bahay,kakauwi ko lang,why?may problema ba?”nagtatakang tugon ko naman.
“Napanood ko kasi sa tv yung interview ng parents nung victim ng kliyente mo,nakakatakot syang magsalita at ang nakakainis pa yung mga sinasabi nya against you,hindi naman ikaw ang kalaban nya kundi ang kliyente mo,”mahabang litanya ni Lane.
“Hindi ka na nasanay,threatened lang yun,medyo tagilid na eh,hindi nya natakot ang kliyente ko kaya credibility ko naman ang sinisira nya,the hell I care,wala syang mapapala sa paninira sa akin Lane,”pampapakalma ko naman dito,kilala ko si Lane,naghihisterya kaagad.
“Andun na nga ako,hindi nya masisira ang credibility mo kaya baka mamaya saktan ka naman nya para matakot si Mr.Sapno,sayo nakasalalay ang panalo ng kalaban nya,”nag aalala naman pahayag ng kaibigan ko.
“Don’t worry Lane,hindi ako natatakot sa kanya,tycoon nga naipakulong ko sya pa?saka pag oras na ng tao wala na tayong magagawa kapag pinapatay nya ako mumultuhin ko sya wag kang mag alala,”pagbibiro ko pa,naiimagine kong nag eyeroll si Lane sa sagot ko.
“Ay nako Aims huwag mo nga akong daanin sa biro,alam mo namang mahal ka namin ni Yhna at ayaw naman namin mapahamak ka,wala ang pamilya mo dito,kami lang ang nagmamalasakit sayo,”ani Lane.
“I know,and I love you guys,don’t worry I'll be fine,trust me,they cannot bring the dragon down,”pagpapanatag ko sa kaibigan ko.
“Hay nako,hanggang saan ka dadalhin ng tapang na yan Aims,bakit kasi hindi mo pa sagutin si Jansen para naman mapanatag kame na me nagpoprotekta sayo.”ayun at talaga naman pong naisingit pa si Jansen.
“Asus,naisingit pa talaga yung manok nya,hindi ko kailangan ng boyfriend,pwede naman akong maghire ng bodyguard kung alam kong tagilid ang safety ko,ilang buwan na din naman yung kaso ni Mr.Sapno at buhay pa din ako,malapit na ang finish line,”natatawa ko pang tugon.
“Ilang months na ngang nanliligaw sayo si Jansen hindi mo pa sinasagot,mabuti na lang matyaga yung tao,”tugon ni Lane.
“Sino bang nagsabing manligaw sya,sinabihan ko na syang tantanan ako,hindi ko na problema kung naiinip sya,wala pa akong panahon sa ganyan,”sagot ko naman.
“Kailan ka magkakapanahon?kapag menoupose ka na?alalahanin mo may expiration tayong mga babae,”litanya nito.
“Hoy bata pa po ako,kayo nga wala pang asawa bakit ako minamadali nyo?”mataray kong tugon.
“Aba engaged na kame ni Yhna,baka may apo na kame single ka pa din,”natatawang tugon ni Lane.
“Apo agad,pakasal muna kayo,at tantanan nyo ako,okey lang ako at busy ako sa career ko,”umirap pa ako kahit hindi naman ako nakikita ng kausap ko sa kabilang linya.
“Naku bahala ka na nga,basta mag iingat ka ha,lock your doors baka mamaya pasukin ka ng masasamang tao dyan!”pagtatapos ni Lane sa usapan namen.
Binitawan ko ang cellphone at namaluktot ako sa sofa,pakiramdam ko yung pagod ko mula ulo hanggang paa na,pero hindi naman ako nagrereklamo,ginusto ko naman ang ganito.Okey na din sa akin na wala ang pamilya ko dito sa Pilipinas,nasa ibang bansa silang lahat,matagal na nga nila akong inaaya na sumunod sa kanila pero mas kuntento na ako sa buhay ko dito,maayos ang career ko sa isang kilalang lawfirm,kahit naman baguhan ako ay nagkaroon na ako ng pangalan sa aking larangan,attorney dragon nga ang bansag sa akin,mainam ng wala ang pamilya ko dito para sarili ko lang ang inaalala ko,hindi sila maaapektuhan ng mga pagbabanta sa akin ng mga nakakalaban ko.Sanay na akong mag almusal ng death threats ,dessert pa nga kung minsan,awa ng Diyos buhay pa naman ako.
Katwiran ko,kapag oras na ng tao oras na,walang makakapigil kay kamatayan,ang importante habang nabubuhay lumalaban.Nasa gitna ako ng pagmumunimuni ng tumunog ang doorbell,sino kaya ang istorbong ito,maaga nga akong umuwi para makapagpahinga me pang abala naman.Hindi na ako nag abala pang isuot ang blazer ko at nakapaa akong lumapit sa pinto,sinilip ko muna kung sino ang nag doorbell bago ko ito binuksan,sus! si wierdo lang pala.
“Hi sweetie,”bungad nito pagkabukas ko ng pinto,napakunot ang noo nito habang pinagmamasdan ako,nakalaylay na kasi ang ilang hibla ng buhok ko sa pagkakapusod,hapit ang blouse na suot ko,nag alis lang ako ng blazer at nakapaa pa.
“Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan,ano bang kailangan mo?sabihin mo na at pagod ako,gusto ko ng magpahinga,”asik ko dito.
“I brought pizza,”nakangiting tugon nito sabay taas ng bitbit na kahon.
“Busog ako,makakaalis ka na,”pagtataboy ko dito at isasara ko na sana ang pinto ng iharang nito ang paa kayat hindi ko ito mailapat.
“Lika kain tayo,”kaswal na tugon nito at tuloy tuloy ng pumasok sa loob ng unit ko.
“Pinapasok ba kita?”bulyaw ko dito,lalo pa akong nainis dahil nakangiti pa ito na parang nakakaloko.
“I invited myself,nagvolunteer na nga akong magdala ng dinner,”ipinatong na nito ang pizza sa mesita at naupo sa sofa,inayos pa ang sapatos kong nakakalat sa sahig.
“The nerve,napaka feelingero talaga,”sabi ko sa isip ko na napapikit na sa inis,wala naman akong nagawa kundi sundan ito dahil prenteng prente na sa pagkakaupo.
Chapter5
Jansens POV
“Wala ka bang magawa sa buhay,ang dami mong oras para mang istorbo?”asik sa akin ni Amie na nakapamewang pa.
“I've finished my work,at para sayo sweetie marami akong time,come here lets eat,”tugon ko naman.Buhat ng makita ko si Aimie ng gabing iyon ay hindi na ako mapalagay,gusto ko ng araw araw syang makita kahit paulitulit pa niya akong pinagtatabuyan.Ibang iba ang dating sa akin ng babaeng ito,ngayun ko lang naramdaman ang ganito,para bang tumanim agad sa isip ko na tanging siya lamang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay,gusto ko siyang alagaan at protektahan,.Kahit ipinapakita nya na kaya niyang mag isa at hindi niya ako kailangan sa buhay nya,alam ko at nararamdaman ko na kailangan niya ng isang taong mag aalaga at poprotektahan siya,at ako ang taong iyon.
“Maaga akong umuwi para
makapagpahinga,pagod na pagod ako,”ani Amie at pabagsak itong naupo sa sopa na nakadistansya sa akin.Sumandal ito at inilapat ang ulo sabay pikit.Kawawa naman ang mahal ko,walang nag aalaga.
“I wont disturb you sweetie,sabayan mo lang ako kumain then aalis nako,sige na please,”samo ko naman dito sabay abot ng slice ng pizza.
Muka namang nakulitan na ito sa akin at inabot ang pagkain sa kamay ko,mukang hindi na nalabanan ang gutom,nakakatuwa itong pagmasdan habang kumakain,napakaganda talaga ng mahal ko,sana dumating ang araw na tugunin na nya ang panunuyo ko,ako na ang magiging pinakamasayang tao kapag tinanggap ni Aimie ang pagmamahal ko.
“Wine?”tanong ni Aimie sa akin at napangiti naman ako.
“Sure,tatanggi pa ba ako,”excited na tugon ko naman.
“Kunin ko lang,”tatayo na sana si Aimie ng pigilan ko.
“Ako na,saan ba?”itinuro naman nito ang mini bar sa akin na kanugnog lang ng sala.
Natuwa naman ako,mukang mapapastay ako ng ilang oras,sasamantalahin ko ng makapiling ang mahal ko.Habang nakatunghay sa tv ay napapaisip naman si Aimie,sabagay hindi naman siguro masama na maging kaibigan niya si Jansen,mabait naman ito at matyaga sa panunuyo sa kanya kahit pa nga sinusungitan at ipinagtatabuyan nya ito.
“Basta hanggang kaibigan lang,hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sa kanya,”sabi ng utak ni Aimie.
”So what do you do?I mean anong pinagkaka abalahan mo sa buhay bukod sa pang iistorbo sa akin,”ani Aimie na sa tv pa din nakatingin.
Napangiti naman si Jansen,sa wakas mukang nagkakaroon ng kaunting interes si Aimie sa kanya,magandang senyales na din ito,sa loob loob ni Jansen.
“Bussines,real estate,cars,I sell cars,luxury cars to be exact,JanMotors,”nakangiti ko naman tugon habang pinagmamasdan si Aimie.
“I see,so you’re the boss,kaya pala marami kang time,”baling ni Aimie sa binata.
“Not really,sadyang naglalaan lang ako ng time para sayo sweetie,”at tumagilid pa ako ng upo para mapaharap kay Amie.
“Why me Jansen?”tanong ni Amie na tinapatan ang pagtitig ng binata sa kanya.
“Because I love you,the moment I saw you naramdaman ko kaagad na hindi kita kayang pakawalan,”walang gatol kong tugon at bahagya ko pang inilapit ang muka ko sa kanya,pinapungay ko pa ng bahagya ang mata ko.
“Sayang lang ang panahon mo Jansen,hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo,ibaling mo na lang ang atensyon mo sa iba,wala kang mapapala sa akin,wala akong panahon at emosyong maibibigay sa iyo,”diretsahang pahayag ni Aimie na walang emosyon ang mukha,sabay tayo nito at binuksan ang pinto,naiwan namang natitigilan ang binata.
“Makakaalis ka na Jansen,salamat sa pizza at sa panahon,”ani Aimie na nakasandal sa panara ng pinto.Nanlulumo namang tumayo ang binata ngunit huminto ito sa tapat ni Aimie.
Napatda si Amie sa pagkakatayo ng biglàng kabigin ni Jansen at siilin ng halik,subalit nanatiling blangko ang ekspresyon nito at hindi tinugon ang halik ni Jansen.”Tapos ka na??pwede ka ng umalis,”mababa ang tinig na pahayag ni Amie ng huminto sa paghalik si Jansen.Tumalikod na ang binata at lumakad papalayo.
Kahit gaano ka katigas Amie hinding hindi ako susuko hanggang sa mapaibig kita,bulong ni
Jansen sa sarili habang patungo ito sa elevator.
Pabiling biling sa kama si Aimie,halos mag uumaga na ay hindi pa rin dalawin ng antok ang dalaga.
“Ano bang nangyayari sa akin,bakit sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko mukha ni Jansen ang nakikita ko,nakakaawa ang itsura niya kanina,para na siyang maluluha,”ani Amie sa sarili.
“Sh*t,sh*t,hindi ako dapat maawa sa kanya,tama lang ang ginawa ko,hindi ko siya dapat papasukin sa buhay ko,okey na akong nag iisa,walang inaalala,walang iniisip at magagawa ko ang gusto ko na walang madadamay,”ani Amie sa sarili.Bumangon ito at muling nagtungo sa sala,nagtimpla ng kape at nagsindi ng sigarilyo,hindi naman talaga siya smoker,kapag sobrang stress at pressure lang sa trabaho,sa trabaho nga ba siya stress o kay Jansen?
Kinuha ni Aimie ang laptop at nagpasya na lamang pag aralan ang ilang files,bwisit na Jansen yan imbis na nagpapahinga siya at hindi naman siya makatulog.Bakit kasi iniisip ko si Jansen,well mabait naman sya,at sweet,ang tyaga pa,hay nako Aimie,magtigil ka nga,hindi pa pwede,at hindi magiging pwede.Kawawa naman siya kung papapasukin ko sa buhay ko tapos hindi ko naman siya mabibigyan ng panahon,hindi ko din naman masusuklian ang pagmamahal nya,ang unfair naman nun sa kanaya.