Chapter 2&3

1518 Words
Chapter 2 “Good morning atty.Aims,”bati ng sekretarya ko sabay abot ng kape,at may flowers pa,napakunot naman ang noo ko,may okasyon ba? “May flowers,valentines na ba?”asik ko,para namang nagulat ito,nakakasindak naman talaga ako kung magalit,bully nga daw akong boss sabi ng mga kaibigan ko,hindi tuloy malaman ng pobreng sekretarya kung iaabot ito sa akin o ihahagis sa basurahan. “May nagdeliver po nito attorney,iabot ko daw po sa inyo,”nanginginig naman ang boses ng sekretarya ko. “Itapon mo,aanhin ko naman yan,ayoko ng kalat sa office ko,”mataray kong sagot at pinandilatan ko pa ito.Umagang umaga ng Lunes nakakasira ng araw,napabuntong hininga na lamang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko,napatitig ako dito dahil hindi naman nakarehistro ang numero ng tumatawag,”Aga naman nitong istorbo,”sa loob loob ko. “Hello!”matamlay kong pagbati sa tumatawag. “Nagustuhan mo ba yung flowers sweetie?”tugon ng isang lalaki sa labilang linya,ang husky ng boses niya,ganito ba yung tinatawag nilang bedroom voice? “Busy akong tao at wala akong panahong makipaglokohan lalot ganito kaaga,”mataray kong sagot sa lalaking hindi ko naman kilala,pero infairness nakakakilig ang boses nya. “Ouch!,ang init naman ng ulo mo sweetie,siguro hindi ka pa nagbebreakfast,don’t worry…”pinutol ko na ang tawag,wala akong panahong makipaglandian ng ganito kaaga lalo na sa hindi ko kilala,isa lang siguro sa walang magawa,sanay naman na ako sa mga frank callers at death threats for breakfast sa dami ba naman ng mga kasong nahawakan ko sa loob ng isang taon kong propesyon bilang abogado,hindi ko nga iniinda ang mga pananakot ng mga nakakabangga ko malanding frank caller pa kaya.Napapailing na lang akong binalingan ang mga files sa laptop ko.Subsob ako sa files ng may kumatok , "yes?”tugon ko na hindi nag aangat ng ulo. “Attorney may naghahanap sayo,walang appointment,papapasukin ko ba?”anang sekretarya ko. “Who?”nagtatakang tanong ko naman. “Jansen daw attorney,importante daw po kahit ilang minuto lang,”nag aalanganin pang tugon ng sekretarya ko. “Sige I have 5 minutes free,”tugon ko naman na hindi tumitingin sa kausap ko,sino naman kayang Jansen ang naghahanap sa aken,wala naman akong kilalang ganun pangalan. “I brought you breakfast sweetie,”bati ng lalaking pumasok sa opisina ko. “Do I know you?hindi naman ako nagpadeliver,”bugnot kong tugon na hindi pa rin nag aangat ng tingin. “You're welcome,anyway,finish your breakfast before it gets cold,see you at lunch sweetie,”sabay lapag ng paper bag sa lamesa ko,napatunghay naman ako na nakakunot ang noo,ang kapal ng muka ng lalaking ito na feeling close at makatawag pa ng sweetie,simangot na simangot ang muka ko. “Sino ka naman?wala kang karapatang utusan ako hindi naman kita kilala,”matapang kong sagot dito,iniisip kong mabuti kung saan ko nakita ang lalaking ito na akala mo kung sino kung makaasta. “Oh sweetie,ang bilis mo naman makalimot,Im Jansen,we met at the bar last Friday night,remember?”nakangiting tugon nito,huh,gwapo sya ha,lalo naman akong napasimangot habang inaalala ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko. “Wala akong matandaan,you may go,Im busy,next time call my secretary and set an appointment if you have legal concerns,”walang emosyon kong tugon at itinuon na ulit ang atensyon sa pinag aaralan kong files. “Your friends are right,anyway,bye sweetie,see you later,”anito at lumabas na ng opisina ko. Kapag mamalasin ka nga naman,Lunes ng umaga bigla na lang may susulpot na wierdo sa harapan mo na kung makaasta parang kilala na ako,mukang napapaglaruan na naman ako ng mga kaibigan kong maldita,hindi ko mapapalampas ito,dali dali kong tinawagan si Yhna. “Hey Aims,napatawag ka?”tugon ni Yhna sa kabilang linya. “Ako nga tantanan nyo ni Lane ha,ang dami kong ginagawa bigla na lang kayong magpapadala ng wierdo dito para mang istorbo at sirain ang araw ko,Lunes na Lunes lakas makapambwisit!”gigil kong litanya. “What?anong pinagsasabi mo Aims?sinong wierdo?kung may ipapadala man ako sayo baka macho dancer para sayawan ka ng walang saplot ng mabuhay ang dugo mo!”natatawa namang tugon ni Ihna sa akin,naiimagine ko ng napupunit ang pisngi nito sa lawak ng ngiti. “Huwag na kayo magpanggap,you sent me this wierdo Jansen,tantanan nyo nako ha,last nyo na yan!”bulyaw ko sabay end call,napabuntong hininga ako at napahawak sa noo. Biglang nag beep ang cellphone ko,text message from Lane,isa pa tong babaeng ito. -Hey Aims!isnt he cute?siya yung lumapit sayo sa bar remember?he likes you! -I don’t care,too busy for wierdos.-sagot ko sa mensahe ni Lane at ibinulsa ko na ang cellphone. “Attorney may meeting ka with client at 11:30,Jans Café,”anang sekretarya ko ng may iniabot na mga files. “Im living in a bit,thank you,”tugon ko naman dito.Napasandal naman ako sa swivel chair at nag inat inat,ilang oras na pala akong nakasubsob sa laptop.Digmaan na naman ang meeting na ito,medyo mabigat ang kaso ni Mr.Sapno,gusto siyang idemanda ng magulang ng estudyante nya ng r**e dahil nabuntis ito,isang anak mayamang kolehiyala,kawawang propesor,umibig sa estodyante,nasa tamang edad naman na ito at hindi na menor de edad kung tutuusin iyon nga lamang ay tutol ang mga magulang na isang hamak na propesor lamang ang makakatuluyan nito,nais nito ay katulad din nilang nabibilang sa mayamang angkan ang mapangasawa ng anak.Napabuntong hininga na lang ako,,,sa isip isip ko ay iyan ang napapala ng nagpapaalipin sa pag ibig. Naging laman na kasi ng social media ang kasong ito,natrial by publicity na ang pobreng propesor,kung tutuusin ay hindi naman na masamang mapangasawa ito dahil bagamat bata pa ay naging propesor na agad dahil sa angkin talino,iyun nga lamang ay biktima ng tamang pag ibig sa maling pagkakataon,maimpluwenya ang pamilya ng babae at mapera,ilang abogado na nga ang tumanggi sa propesor,ang balibalita ay nababayaran ang mga ito.Napailing na lamang ako at tumayo na upang pumunta sa meeting place namin ni Mr.Sapno. Chapter 3 I feel exhausted,alas singko na pala at kababalik ko lang ng opisina mula sa meeting at hearing,dito ko na lang tatapusin pag aralan ang ibang files na naiwan ko,wala din naman akong uuwian sa bahay. “Jane pwede ka ng umuwe,iwan mo na lang yung file sa table ko and make a coffee for me bago ka umalis,thank you,”utos ko sa sekretarya ko bago pumasok sa opisina ko.Nagulat pa ako ng may paper bag na naman nadagdag sa lamesa ,may nakadikit pang note, “Enjoy your lunch sweetie-Jansen. Napakunot naman ang noo ko sa note,ibang klae talaga ang lalaking iyon,food panda ba sya?napailing na lang ako. “Here's your coffee attorney,ay iniwan nga pala yan ni sir Jansen,”anang sekretarya ko na parang nanunukso pa ang ngiti na tinutukoy ang paper bags na nasa lamesa ko. “Tinanggap mo naman,paano kung may lason yan o may bomba sa loob?”singhal ko naman dito. “Naku attorney,muka naman mabait si sir pogi ang sweet nya nga,mukang magkakakulay rosas na din ang loob ng opisinang ito,”tila kinikilig pang pahayag ng sekretarya ko,para nga namang hindi babae ang gumagamit ng office ko,masyado daw pormal,sabi nga ng mga kaibigan ko mabuti pa ang punerarya may bulaklak ang office ko black and white. “Anong pinagsasabi mo Jane?anong akala mo sa office ko parlor?”asik ko naman.Para namang napahiya ito at sumeryoso na ang mukha,hindi naman kasi ako nakikipagbiruan,attorney dragon nga ang tawag sa akin ng iba kong coleagues dahil para daw akong laging bubuga ng apoy. “Sorry attorney,may kailangan pa po ba kayo?”ani Jane. “Sige na,pwede ka ng umuwi,sabihin mo na lang sa guard andito pa ako sa taas,thank you,”pagtataboy ko dito.As always maiiwan na naman akong mag isa,magtatrabaho hanggat kayang imulat ang mata at magtitira ng kaunting ulirat para magdrive pauwi. Nagulat ako ng biglang nag ring ang cellphone ko,dinukot ko ito sa bulsa ng coat ko,nagtataka ako dahil hindi naman nakarehistro ang number. “Hello,” “Hi sweetie,nagdinner ka na ba?”nakilala ko ang boses sa kabilang linya,the wierdo.teka alas otso na pala ng gabi,hindi ko na napansin ang oras,nilamon na naman ako ng case study ko,kaya pala dinner na ang itinatanong nito. “Alarm ka ba ng food panda?kakain ako pag nakaramdam ng gutom at wala kang pakialam,”mataray kong sagot at pinutol na ang tawag.Para namang nanunutil ang tiyan ko ng bigla itong kumulo,nakaramdam ako bigla ng gutom,puro kape nga pala ako maghapon,infairness me silbi si wierdo,napabaling ang tingin ko sa paper bag,,ngayun ko lang napansin ang logo nito,galing pala ito sa paborito kong restaurant,napangisi ako,stalker ba si wierdo?tanong ko sa sarili ko,hindi na ako nagdalawang isip na buklatin iyon tutal gutom na ako at wala na akong balak lumabas at mag order ng pagkain,ito na sa harapan ko mag iinarte pa ba.Napangiti ako ng mabuklat ko ang laman ng paper bags,yung breakfast kanina bacon at shanghai rice at yung lunch lechon paksiw at chopsuey,naks si wierdo,nag research talaga ng favorite ko,my comfort foods pag exhausted ako,ay hindi na nga pala nya kailangan mag research,malamang nagtanong sa mga kaibigan kong savage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD