Parents

1124 Words
XAVIER's POV "Give me your Mom and Dad's number. I'll call them para ipagpaalam ka." sabi ko kay Charm nang makasakay kami sa kotse. We're gonna go back to Tagaytay and we will spend another week there kaya kailangan ko siyang ipagpaalam. I don't want her parents to worry about her. Nilingon niya ako at umiling. "Wag na nga, Attorney. Nakapagpaalam na ako bago sila lumuwas-" "Ikaw ang nakapagpaalam. Ako ang hindi nakapagsabi. I don't want them to worry about you while you're with me." sabi ko. Nakita ko s'yang napakamot sa ulo bago iniabot ang phone sa akin. Kunot noong nilingon ko s'ya at dinukot ang phone ko sa bulsa. Inabot ko 'yon sa'kanya. Takang napatingin naman s'ya sa akin. Ginalaw ko pa ang kamay ko para abutin na n'ya. Dahan dahang inabot n'ya 'yun at sinulyapan bago binalik ang tingin sa akin. "You put it there. You see, I'm driving.." sabi ko at itinuon na ang pansin sa daan. Medyo sumusulyap pa s'ya sa gawi ko habang tinatype ang number ng parents n'ya. Pagkatapos ay ibinalik din n'ya 'yun agad. Hindi tulad nang una naming punta ay mas inagahan na namin ngayon. Alas dos pa lang ng hapon ay umalis na kami sa Manila. Kaya smooth ang naging byahe namin. Nagdala na rin ako ng mga pwede namin kainin sa byahe. Binili ko 'yun bago ko s'ya dinaanan sa bahay nila. "Are you hungry?" tanong ko. Nilingon n'ya ako. "Oo pero okay lang, Atty. Sa resthouse n'yo nalang ako kakain mamaya para di na tayo maabala." sagot nito. Umiling ako at itinuro ang backseat kung saan nakalagay ang mga pagkaing binili ko kanina. Burgers, fries and sausages and some drinks. "May pagkain d'yan sa likod. Get it..." utos ko. Agad naman s'yang tumagilid at inabot ang mga iyon at dinala sa kandungan. "Wow, Attorney. Hindi ka prepared!" kantyaw nito at sinimulang tignan ang mga iyon. Napangisi ako at napailing. Nakita kong kinuha n'ya ang sausage. Nakalagay naman 'yon sa stick kaya hindi na s'ya mahihirapang kainin. Nagulat ako nang iabot n'ya sa akin 'yung isa. "Thanks..." sabi ko sabay abot nun at nagsimulang kumain gamit ang isang kamay. Kumain na rin s'ya. "Did you enjoy Kim's party?" tanong ko. Bigla s'yang nasamid kaya napatawa na ako. Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. I can still remember how red her cheeks were when I kissed her in front of my friends. It was just a peck on her lips dahil kinantyawan kami ni Hershey. Ugh, that naughty girl! "Isang halik mo pa, may kakalagyan ka na talaga..." banta n'ya at nanliit ang mga mata sabay bukas ng mineral water. Ngumisi ako. "Saan naman?" inosenteng tanong ko. Umirap s'ya. "Sa sahig. Titilapon ka talaga..." sagot n'ya. Natawa na ako. "Bakit sa sahig kung pwede namang sa kama..." sabi ko sabay sulyap sa'kanya ng nakakaloko. Nalaglag ang panga n'ya at agad dumampot ng tissue at binato sa akin. Tuwang tuwa ako sa pagkapikon n'ya. Ibang klase ang babaeng 'to kung mapikon. Kung hindi nanghahampas ay nambabato ng kung anu-ano. I suddenly wonder how she treats her ex boyfriend nung sila pa? "Napaka pikon mo. Maging sweet ka naman sa'kin..." nang-aasar na sabi ko. Nilingon n'ya ako at pinanliitan ng mga mata. "Bakit? Totoo bang boyfriend kita para magpakasweet ako sa'yo? Ang dami ng babaeng nagpapakasweet sa'yo, tapos pati ako makikisali pa? Masyadong feeling gwapo!" pikon na sabi nito at humalukipkip. Kumunot naman ang noo ko. "Maraming nagpapaka-sweet? Sino naman?" tanong ko. Umikot ang mga mata n'ya. "Sino ba pa ba? Edi 'yung mga kliyente mong pinaglihi sa gabi! 'Wag mong sabihing di mo napapansin?" matabang na sabi nito at sinimulang gayahin ang mga sinasabi ng mga kliyente ko. "Hindi sinabi ni Daddy na bata at gwapo pala ang abogado n'ya!" gaya nito sa sinabi ng anak ni Mr. Ignacio, kung hindi ako nagkakamali. "So, pwede pala kitang kuhaning advicer para sa itatayo kong business? That will be great, right?" gaya naman nito sa matandang byuda kong kliyente nung nakaraan. Ang lakas ng tawa ko nang gayahin pa n'ya pati paghawi nito ng buhok at pagdekwatro ng papalit palit ang hita. She's indeed a keen observer! Natatawang nilingon ko s'ya. Umikot ang mata n'ya at bumulong bulong. "You are acting like a jealous girlfriend..." nakangising sabi ko. Nilingon n'ya ako at inirapan. "Kapag nag-observe, selos agad? 'Di ba pwedeng sadyang nakakairita lang makarinig ng mga ganung bagay?" sabi niya. "Bakit ka naman naiirita?" tanong ko pa ulit. "Kasi flirt sila!" "And so? Masama ba 'yun?" "Huh! So, nag-eenjoy ka pala sa ganun?" Nilingon ko siya. "Nope. Pero ngayon, I will surely enjoy flirting..." sabi ko. Agad na nilingon n'ya ako at napapailing nalang. "Wow!" komento n'ya at binalik ang tingin sa labas ng bintana. "Because, it annoys you too much..." nakangising sabi ko. "So, nag-eenjoy kang bwisitin ako?" nakataas ang kilay n'ya. "You love pissing me off, too. I think, that's quite fair..." sabi ko. "Ano bang kinakainis mo? Nananahimik ako. Ikaw nga itong napakahilig mambwisit..." "You are good to my friends. You even asked something about them. Why are you asking a lot about Stanley? How about me? Don't you want to ask something about me?" tanong ko. Seryoso s'ya nang lingunin ako. Napalunok naman ako. I just realized what I have said. Damn it! "Who's your crush?" tanong n'ya. Hindi makapaniwalang nilingon ko s'ya. "What the f**k?" Tumawa s'ya. Lumitaw ang mga dimples na maliliit sa gilid ng labi n'ya. "Sabi mo magtanong. Ngayong nagtanong, ayaw mo sagutin. Ang gulo mo talaga, Attorney!" reklamo n'ya. "Can't you ask something serious? Who's my crush? What kind of question was that? We're not in High School. We are adults, for Pete's sake!" "Adults? Okay... Saang site ka nanonood ng porn?" tanong nito. Laglag ang panga ko nang lingunin s'ya. What the f**k? "Sabi mo adult questions!" "You are so naughty..." nanliit ang mga mata ko sa'kanya. Tumawa siya at uminom ulit. Nilingon ko siya. "Tubig?" tanong n'ya. Hindi ako sumagot at inagaw na lang 'yon sa'kanya at uminom doon. Nakatingin s'ya sa akin nang matapos kaya nilingon ko ulit s'ya. "Bakit mo ininom?" tanong n'ya. "I'm thirsty..." sagot ko. "Pero... nainuman ko na 'yun!" "So what? Nahalikan nanga-" "Isa!" sigaw n'ya. Tumawa ako at umiling. Mag-aalas kwatro nang makarating kami sa resthouse. Kumunot ang noo ko nang makababa na kami sa kotse. Dad's car is here! Nandito rin sila? "Ano 'yun, Attorney?" takang tanong ni Charm. Nilingon ko s'ya. "Be ready..." sabi ko. Kumunot ang noo n'ya. "Bakit?" "My parents are here..." sabi ko sabay turo sa sasakyan ni Daddy. Nakita kong napalunok s'ya. Ngumiti ako at inakbayan s'ya. "Come on... I'll introduce you to them." sabi ko at giniya na s'ya papasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD