Whispering

1309 Words
CHARM's POV "My parents are here..." 'Di ko maiwasang mapalunok nang sabihin 'yon ni Atty. Xavier pagkababa namin mula sa kotse n'ya. "Come on... I'll introduce you to them." sabi niya sabay lapit at akbay sa akin. Shit! Meeting the parents na ba ito? Nakakaloka! Nakakakaba yata! Nang makapasok kami sa loob ay agad naabutan naming nakaupo sa sala ang Lolo't Lola ni Atty. Xavier kaharap ang dalawa na parehong nakasuot ng pormal. Mukhang galing pa ang mga ito sa kung saang party at dumaan lang dito. Nakilala ko agad ang lalaki dahil hindi lang isang beses ko na s'yang naabutan sa bahay nina Mr. Ramirez, ang businessman na ama ng batang tinuruan ko. Si Judge Mendez. Ang mabait na judge na nagrecommend sa akin na mag-apply sa opisina ni Atty. Xavier. Nag-angat agad sila nang tingin nang makita kami. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok. Lalo na nang matuon ang atensyon nila sa amin. "They're here!" masayang sabi ni Lola bago tumayo at sinalubong kami. Tumayo rin ang mag-asawa at nagtama ang mga mata namin ni Judge Mendez. Medyo nagulat ito pagkakita sa akin pero agad ding napangiti. "Xavier!" sigaw ng Mommy niya at saka sinugod siya agad ng hampas sa balikat. Nanlaki ang mga mata ko. s**t! Romeo and Juliet na ba ang peg namin? Against all odds, ganern? "Aw, Mom! Why?" daing ni Atty. Xavier habang hinihilot ang balikat na hinampas ng Mommy n'ya. "Charm! Long time no see..." nakangiting bati ni Judge Mendez. Kitang kita ko ang paglingon ni Atty. Xavier sa akin ganun din ang Mommy nito. "You know her, Sweetheart?" gulat na tanong nito sa asawa. Tumango naman si Judge at ngumiti. "Of course, I know her..." sagot nito at ngumiti ulit sa akin. "How come, Dad?" takang tanong ni Atty. Xavier. "I was the one who recommend her to apply as your secretary, Xavier. I've seen how good her influence was with Mr. Ramirez' son. She's a good teacher.." sabi nito. Nahihiyang napatungo ako dahil sa sinabi nito. "What are you waiting for? Introduce us to your girlfriend, Xavier! How could you not tell me about this, huh?" sabi ng Mommy nito at hinampas muli ang kanyang balikat. Tumawa sina Lolo at Lola. "Mom, wait-" "Kung hindi pa sinabi ng Lola mong may girlfriend ka na, hindi ko pa malalaman? How could you hide this thing to your mother, huh? How could you?" sabi ulit nito at patuloy s'yang hinampas. Nakagat ko ang ibabang labi para magpigil ng tawa. Tiklop ka naman pala pagdating sa Mommy mo, e! "Stop it, Cassandra. Pinapahiya mo si Xavier sa harap ng nobya n'ya. Baka isipin ni Charm Mama's boy ang anak mo..." sabi ni Judge. Hinampas pa ulit siya ng Mommy n'ya bago hinarap ako. "I'm sorry, Hija. Forgive my son for not introducing us well..." sabi nito at hinawakan ang kamay ko. "Okay lang po 'yun. Ikinagagalak ko po kayong makilala, Ma'am. Parang Diyosa po pala ang asawa ni Judge..." manghang sabi ko. Sobrang ganda kasi niya. Tumawa siya at lumabas ang malalim na dimples sa magkabilang pisngi. So, sa'kanya pala namana ni Atty. Xavier ang dimples nito? "Thanks, Hija. And please, call me Tita or Mommy nalang if you want! And please... don't think na ayaw namin sa iyo or strict kami kay Xavier kaya hindi ka n'ya pinapakilala sa amin. Sadyang hindi lang talaga namin alam dahil hindi sinabi nito..." sabi niya at inabot nanaman ang balikat ni Atty. Xavier at hinampas iyon. "How could you!" "Cassandra..." saway ni Judge dito. Binalingan naman s'ya ng asawa at ito naman ang pinalo. Napanganga ako. "Ano na naman? Kasalanan mo ito, e! Palagi mo na lang kasing pinagbibigyan 'yan!" singhal nito. "Mom, I didn't intend to hide it from you. I just thought you were in New York. Pero ipapakilala ko naman talaga..." nakangusong paliwanag ni Atty. Xavier. Di ko maiwasang mapatingin sa mga labi n'ya. Pulang pula ang mga 'yun dahil sa kakakagat n'ya nang hampasin s'ya ng Mommy n'ya. Nag-iwas ako ng tingin. "And how are you going to know? E, puro ka lang trabaho! You're not even calling me! My god!" sermon nito. Lalo s'yang ngumuso at nagpapaawang tumingin sa Lola n'ya. "'La..." tawag nito. Umirap naman ang matanda. "Don't talk to me! Kung hindi pa sinabi sa akin, hindi ko pa malalaman!" sabi naman nito. Tumawa ang Lolo n'ya at binulungan si Lola. "You see that? How could you!" puno ng hinampong sabi ng Mommy n'ya. Tumikhim na ako at hinawakan ang braso ni Atty. Xavier. "Okay lang po talaga. Naging busy lang po talaga s'ya at saka hindi naman po ako nagdedemand na ipakilala n'ya agad ako sainyo. Kaya ayos lang po.. Wag na kayong magalit kay Xavier..." sabi ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa braso n'ya. "Tsk! You're lucky you've got an understanding girlfriend, Xavier! Don't you ever dare let go of her dahil bihira ang ganyang babae!" sermon ng Mommy n'ya na mukhang disappointed talaga sa ginawa ng anak. Humigpit ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko. Tiningala ko s'ya. "Don't worry, Mom... I won't let go of her..." sabi niya at sinulyapan ako. Napatagal ang titig n'ya sa akin kaya para akong nawala sa sarili. Aktingan lang 'to. Wag kang malandi, Attorney. Sabay sabay kaming naghapunan at lalo kong nakilala ang pamilya n'ya. Nalaman kong wala pang opisyal na naipakilalang nobya si Atty. Xavier sa mga magulang at Lola n'ya. Ikinagulat kong sa phone lang pala close ang Lola n'ya kay Atty. Ashley at hindi pa pala nito 'yun nakikita sa personal. Naku, manghihinayang ka, Lola kapag nakita mo. Ang ganda 'nun! Kaso, may tinatago palang landi. Panay ang asikaso n'ya sa akin habang kumakain kami. Ginagantihan ko naman 'yun ng pag-aasikaso din sa'kanya. Nang matapos ang hapunan ay lumipat kami sa sala at doon pinagpatuloy ang kwentuhan. Nalaman kong may dinaluhan ang mga itong kasal dito sa Tagaytay kaya dumiretso na sila dito sa resthouse. Halos nakayakap na si Atty. Xavier sa akin habang nakaupo kami sa sofa. Medyo inilalayo ko ang katawan sa'kanya pero lalo siyang sumisiksik. Pasimpleng nanlalandi ang lalaking 'to. Nagtatawanan kami nang ikwento ni Lola ang ginawa naming pagvivideoke nung nandito kami. "She even made me dance, Son! Can you believe that?" natatawang sabi ni Lolo kay Judge. "Whoa! I wonder how she did that?" manghang sabi nito. "I didn't know, too! Basta napatayo nalang ako and found myself dancing with your Mom..." nangingiting sabi nito. Napangiti narin ako. Hindi ko makakalimutan ang saya sa mga mata n'ya nang habang nakatingin kay Lola nang gabing 'yon. How can I not believe that forever do exist when it really does? Ang Lolo at Lola ni Atty. Xavier ang isa sa mga patunay na mayroong forever. That happy ever after can also happen in real life and not just in fairytale. Napangiti ako. Hindi ko maiwasang humiling na sana makita ko rin ang lalaking mahal ko na titignan ako gaya ng tingin ni Lolo kay Lola kahit matanda na sila. That age really just numbers at edad lang ang nagbabago sa paglipas ng panahon.. but their feelings remain as is. I hope I'll find mine, too. My happy ever after. My forever. Naramdaman ko ang paghilig ni Atty. Xavier sa balikat ko. Yumuko ako at sinilip s'ya. "Ang sakit ng balikat ko..." nakasimangot na sabi nito. Mahinang tumawa ako kaya kunot noong nag-angat s'ya ng tingin. "Sadista..." sabi n'ya at inirapan ako. "Ang cool ng Mommy mo. Idol ko na s'ya!" mariin ngunit pabulong na sabi ko sa'kanya. Umirap siya at pumikit. "Stop whispering... You're seducing me." sabi nito at ibinaon pa ang mukha sa bilikat ko. Kinilabutan ako sa ginawa n'ya. Halos maitulak ko ang ulo n'ya dahil pakiramdam ko ay naramdaman ko ang labi n'ya sa balikat ko. Shit! 'Wag mo sabi akong landiin, e!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD