CHARM's POV Nagising ako nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko. Kinusot ko ang mga mata at agad tinignan kung sinong nag-text. Si Arcie. Nakita ko ang oras at mag-aalas sais pa lang. Humikab ako at nag-inat-inat bago binuksan ang message n'ya. Ano naman kayang tinext ng bruhang baklita na 'yun? Arcie: Bes! Huhuhu! :'( Alam mo ba, Bes? Huhuhu :'( Ikakasal na pala si Harvey mylabs! Huhuhu :'( Nagpunta lang akong Korea, pagbalik ko ikakasal na s'ya? Bes ang sakit! Tawagan mo ko pagkagising mo! Magpapakamatay ako pag di ka tumawag, Bes! Huhuhu :'( </3 Imbes na mag-alala ako at maiyak dahil sa text n'ya ay natawa pa ako! Si Attorney Harvey? Malamang sa gwapo 'nun ay hindi talaga malabong ikasal 'yun ng maaga! Tapos ang bait pa at mahusay rin na abogado. Nakilala ko s'ya dahil kay A

