Pikon

1816 Words
CHARM'S POV "Alright, alright... I'll tell her. What the fuck..." napatingala ako kay Atty. Xavier na halos idikit na ang dibdib sa akin. Nandito siya ngayon sa table ko. Nakayuko siya at nakahawak ang kanang kamay sa mouse ng computer ko at ang kaliwang kamay ay nakatapat sa tenga habang may kausap sa phone. Mukhang si Attorney Stanley yata dahil narinig kong binanggit niya kanina ang pangalan nito. Nasa likuran ko siya at may kung anong hinahanap sa computer ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang hilig niyang dumikit. Masyadong touchy! Pangatlong araw na ngayon mula nang bumalik kami dito sa Manila at sa araw araw na ginawa ng Diyos, wala na siyang ginawa kundi ang bwisitin ako araw-araw. Nagagalit ng hindi mo alam ang dahilan at saka kakausapin ako na parang walang nangyari. Minsan ay tinawagan ako ni Arcie sa landline dito sa opisina at siya ang nakasagot nun. Ang ganda ng mood niya bago 'yun pero pagkatapos kong kausapin si Arcie ay panay na ang utos ng kung ano ano! Sa inis ko ay isinusumbong ko siya sa Lola niya at pinagalitan siya. Good thing ay hindi naman siya nagagalit sa akin kapag sinusumbong ko siya. Subukan lang niya at hindi talaga ako sasama sa'kanya pabalik ng Tagaytay sa Linggo! Sobrang unpredictable ng lalakeng ito. Kung may lalakeng nasa menopausal stage, si Atty. Xavier na 'yun! Natapos ang kung anong ginagawa niya sa computer ko at saka bumalik na siya sa table niya. Nang lingunin ko siya ay nagkasalubong ang mga titig namin. Nagbaba agad ako ng tingin. Hindi sa pagiging assuming pero madalas ko siyang mahuling nakatitig sa akin. At pag lilingunin ko naman siya ay nag-iiwas na siya ng tingin. Kung malandi lang ako katulad ng ibang nagiging kliyente niya na lantaran kung makipagflirt sa'kanya ay iisipin kong pasimple niya akong nilalandi. Naiirita naman ako. Tao lang din ako at marunong maka-appreciate ng grasya! Ang gwapo nanga niya ay ang bango pa niya! Pinipilit ko nanga lang na lumayo sa'kanya minsan at baka masanay ako sa pagdikit dikit niya ay hanap hanapin ko na ang bango niya! Maya maya ay may kumatok sa pinto. Ilang sandali lang ay dumungaw na ang isang babae na sa tantiya ko ay nasa mid twenties na at halos makita na ang kaluluwa dahil sa suot na blouse. Fit na fit ito at pinapakita ang mahuhubog na dibdib. Ganun din ang suot nitong fitted ripped jeans na halos ipakita na ang buong hita sa dami ng butas. Malaki ang ngiti nito nang tignan ang gawi ni Atty. Xavier. Nakita kong tumayo naman agad siya at sinalubong ang bagong dating. "Hi! Attorney Mendez? I'm the daughter of Mr. Ignacio, pinadaan ako ni Daddy. May ibibigay ka daw sa'kanyang documents?" malambing na sabi nito. Ni hindi manlang nagawang mag-log ang bruha at basta na lang lumapit kay Attorney! "Ah, yes... I thought, he will personally get it here? Anyway, just go to my secretary ang log your name first..." sabi ni Atty. Xavier at tinuro ako. Tumayo naman ako at inasikaso siya. Halos mabali na ang leeg niya sa kakalingon kay Atty. Xavier habang nakapameywang itong naghahanap sa filing cabinet. Kumunot ang noo niya at mukhang hindi makita ang hinahanap. Tumayo ako at tinulungan na siyang maghanap. Bumuntong hininga ako at inirapan siya. "Kasi naman saksak lang ng saksak kung saan saan..." bulong ko habang kinukuha ang mga files na hinahanap niya. Umupo ako para mahanap ng maayos. Inayos ko na ang mga files dito nang magturn over si Ma'am Sally sa akin kaya halos kabisado ko na kung saan nakalagay ang bawat files. Tumayo ako at iniabot sa'kanya ang files na hinahanap. Kunot noong nakatitig siya sa akin. Tumaas ang kilay ko. "Hindi po ba yan 'yun, Attorney?" tanong ko. Tumango siya pero kunot noo paring nakatitig sa akin. "I told you to wear something comfortable. Look at your dress... Nakita ko na ang di ko pa dapat makita..." bulong niya at sinulyapan ang dibdib ko at umirap. Nang tumalikod siya ay dinungaw ko ang dibdib ko at medyo nakalitaw nanga ang cleavage. Napapikit ako ng mariin. "Thank you so much, Attorney. Hindi sinabi ni Daddy na gwapo at bata pa pala ang abogado niya!" rinig ko pang sabi ng anak ni Mr. Ignacio at matamis ang ngiti kay Atty. Xavier. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Nakita ko lang na napahawak siya sa batok na parang nahiya sa sinabi ng babae. Bwisit! Kailangan bang magpa-cute pa siya sa babae na 'yun? "You're welcome, Ms. Ignacio." rinig kong sabi ni Atty. Xavier. Napairap ako at bumalik na sa pwesto ko. Makapag-encode na nga lang! "Atasha, Attorney. Just call me Atasha." hirit pa nito at naglahad ng kamay. Tinanggap naman iyon ni Atty. Xavier bago ngiting ngiting nagpaalam na ang babae. Umismid ako at nagsimula ng mag-encode. Pagkatapos ng lunch break ay dumating ulit ang kaibigan ni Atty. Xavier na si Atty. Stanley at may isa pang kasama. Kumpara kay Atty. Stanley na halos isang guhit nalang ang mata ay may kalakihan ang mata nito. Mas matangkad lang hamak ang dalawa sa'kanya. Si Atty. Xavier ang pinaka matangkad sa kanilang tatlo. Gwapo rin itong bagong dating pero unang tingin mo palang ay alam mong babaero na. "Wow! I missed your place, Dude! Nasaan nga pala... Oh, there you are! Hi, Miss?" sabay lapit agad nito sa table ko. Tatayo na sana ako pero bigla ng nagsalita si Atty. Xavier. "What the hell are you doing here, Lenard?" kunot noong tanong nito at naglakad palapit sa table ko. Nakita kong tinignan nito si Atty. Stanley. Tumawa naman ito kaya halos mawala na ang mga mata at maglabasan ang mabababaw na dimples na kalevel na ng cheek bones nito. Ang cute, grabe! Kung ang kay Atty. Xavier ay malalalim at nasa gawing pisngi talaga, 'yung kanya ay mababaw lang at mabilis mawala. "Gusto niya daw makilala 'yung girlfriend mo..." sabi naman nito sabay sulyap sa gawi ko. Napalunok naman ako. So, hindi rin ba nila alam na nagpapanggap lang kami? Hindi ba sinabi ni Atty. Xavier sa kanila? Nakita kong kumunot ang noo ni Atty. Xavier habang nakapameywang dun sa tinawag na Lenard. "Hey, hey! Zave, dude! Relax! Hindi ko naman siya aagawin sa'yo. Well... depende kung hindi siya magpapaagaw...." nakataas ang kilay na sabi nito at sinulyapan ulit ako. Tumaas ang kilay ko. Wow, ha? Lakas ng hangin nitong isang ito! "Shut up, Lenard.." sabi ni Atty. Xavier at inakbayan ako. Sumipol naman si Atty. Stanley at nagtaas naman ng kilay 'yung Lenard. Nilingon ko siya. Nilingon din niya ako at lalo pang hinapit palapit sa'kanya. Ang bango talaga ng herodes na 'to. "By the way, Charm, this is Atty. Lenard Silva. Classmates ko na sila nung High School pa lang. Nard, this is Charm, my girlfriend." pakilala nito. Nakita kong ngumiti pa ito ng todo at saka pinunas ang kamay sa slacks na suot bago ilahad sa akin. "Please to meet you, Charm. Alam mo bang bagay na bagay na bagay na bagay sa'yo ang pangalan mo?" nakahalf smile pa na sabi nito. Tumaas ang kilay ko pero bahagya ring ngumiti bago itinaas ang kamay para abutin ang kamay niya pero tinapik na ni Atty. Xavier ang kamay nito. Nalaglag ang panga nito samantalang si Atty. Stanley ay naiiling na natatawa sa gilid. "Don't you dare...." rinig ko pang sabi ni Atty. Xavier. Walang nagawang tinaas nalang nito ang dalawang kamay na parang sumusuko habang umiiling na sumunod kay Atty. Xavier. "Honey, may pag-uusapan lang kami dito..." paalam pa niya bago nagpunta sa kabilang kwarto. Naririnig ko ang malulutong nilang tawa lalo na ang dalawa nang makapasok na sila sa loob. Napailing nalang ako at inabala ang sarili sa pag-eencode. Tuwing napapalingon ako sa kabilang kwarto ay nasasalubong ko ang titig ni Atty. Xavier. Nakagat ko ang ibabang labi. Bakit ba siya tingin ng tingin? Ugh! There was never an us, Xavier. There will never be an us. Kaya please? Wag mo na 'kong landiin! Charot! Mag aalas kwatro nang lumabas silang tatlo mula doon. Nagtatawanan pa sila. Nang makalapit sa gawi ko ay agad na sumandal si Atty. Xavier sa isang mesa sa gilid ko. "So, paano ba yan, Zave? Sa Saturday, ha? Sama mo si Charm para ma-meet niya rin 'yung baby ko..." nakangiting sabi ni Atty. Stanley. "May asawa ka na pala, Atty.?" tanong ko. Tumawa naman siya. Si Atty. Xavier ay kunot noong nilingon ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Nope. She's not my biological daughter. She's my late brother's daughter. Nung namatay si Kuya at ang asawa niya, ako na 'yung tumayong Daddy niya. Nasa poder ko na siya together with my sister in-law's cousin. Dalawa kaming nag-foster sa'kanya..." sagot nito. Napatango tango naman ako. "One month na kasi niya sa poder namin kaya magcecelebrate daw 'yung partner ko. Ang daming arte. Tsk..." sabi pa nito. Natatawang napailing na lang ako. Naramdaman kong umakbay sa akin si Atty. Xavier kaya napalingon ako sa'kanya. "We will come...." rinig kong sabi nito. Wow, ha? Idinamay niya pa talaga ako! Tumango naman si Atty. Stanley at nauna ng lumabas. Si Atty. Lenard ay tinangka pang makipagkamay sa akin pero inambaan na siya ni Atty. Xavier. Tinaasan ko siya ng kilay nang makaalis na ang dalawa. "Feel na feel mo, ah?" nang-iinis na sabi ko. Tumaas din ang kilay niya at tinitigan ako. "Kung feel na feel ko, edi sana hinalikan na kita sa harap nila..." sabi nito. Nalaglag ang panga ko at agad tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. Pabalibag ang ginawa kong pagtanggal kaya napadaing siya. "Aw! Pikon..." sabi pa nito habang hinihilot hilot ang braso. Base sa pagkakalukot ng mukha niya ay mukhang nasaktan talaga ito. Nakagat ko ang ibabang labi at nilapitan siya. "Kung bakit naman kasi napaka hilig mong mang-inis!" sisi ko habang hinahawakan ang braso niya. "Kung bakit naman kasi napaka sarap mong asarin!" Pinanliitan ko siya ng mga mata. Nanliit din ang mga mata niya at gulat na gulat ako nang bumaba ang mukha niya palapit sa akin at huminto nang halos one inch nalang ang layo ng labi niya sa labi ko! Ang panliliit ng mga mata niya ay nauwi sa pagtawa. Agad na kumulo ang dugo ko at piningot ang magkabilang tenga niya. "Aw!" daing niya. Pulang pula ang tenga niya nang bitawan ko. Sinamaan ko siya ng tingin at saka bumalik na sa table ko. "Akala naman kasi hahalikan ng hahalikan..." rinig kong sabi niya. Nanliit ang mata ko at inis na dumampot ng sticky note at nilukot iyon sabay bato sa'kanya. Sapul siya sa noo! Nanliit ang mga mata niya at kinabahan ako nang lumapit siya sa akin. "Anong-" "Kanina ko pa 'to gustong gawin, e.." mahinang sabi nito at sa isang iglap ay inangat niya ang baba ko at agad na yumuko para pagdikitin ang aming mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD