Personality

967 Words
XAVIER's POV "Where did your parents go? Paano kita ipagpapaalam para bukas?" tanong ko kay Charm nang makasakay na kami sa kotse ko. Sabado ngayon at sinundo ko siya sa bahay nila dahil papunta kami ngayon kina Stanley. Nilingon niya ako. "Umuwi sa Baguio. Birthday ni Lolo, e. Okay lang 'yun, Attorney. Nakapagpaalam naman na ako kagabi bago sila lumuwas." sagot nito. Nilingon ko ulit siya dahil mukhang malungkot ang boses niya. Napalunok ako. So, this day is important to her? Bigla akong naguilty dahil kung hindi ko siya isinama ngayon ay marahil kasama siya ng parents niyang nasa Baguio. "I'm sorry..." hinging paumanhin ko. Nakita kong nilingon niya ako at kumunot ang noo. "Para saan naman, Attorney?" tanong niya. "You're supposed to go with them, right? Kung hindi sana kita sinama ngayon..." sabi ko. Tumawa siya ng mahina. "Hindi rin. Hindi naman sila makakabalik agad, e. Magtatagal pa sila doon kasi magpapaani ng strawberry sila Lolo. Kahit nga si Cholo hindi nakasama kasi nakasali siya sa liga sa barangay namin. Tsaka, wala 'yun. Naiintindihan ni Lolo 'yun. Nandun naman ako tuwing holidays or walang trabaho." kibit balikat na sabi nito. Tumango ako. "Nga pala, Attorney..." maya maya ay tanong nito. Sinulyapan ko siya. "Hmm?" "Yung partner ni Atty. Stanley na nag-foster dun sa pamangkin niya, girlfriend niya ba 'yun?" tanong nito. Tumaas ang kilay ko. "No. Hershey isn't interested with him and ganun din naman si Stan sa'kanya. But that was before... I doubt it now..." sagot ko. Nakita kong humarap na siya sa akin. "Bakit? Naiinlove na ba siya 'dun sa partner niya?" curious na tanong nito. Kumunot ang noo ko. "Why are you asking? Are you interested with Stan?" nanliit ang mga mata ko sa'kanya. Tumaas naman ang kilay niya. "Pag nagtatanong, interesado na agad? Hindi ba pwedeng nakiki-tsismis lang?" papilosopong tanong nito. "Malay ko ba diyan sa tinatakbo ng utak mo..." kunot noong sabi ko. Nakita kong inirapan niya ako at humalukipkip. "Tsaka, alam ko namang pumili ng lalakeng ka-level ko lang, ano! Masyado namang mahirap abutin 'yun..." rinig kong sabi niya. Kumunot ang noo ko. She fully got my attention. "What do you mean? Stan doesn't care about the status in life. Basta willing 'yung babae na wala silang commitment, okay 'yun sa'kanya." sagot ko. Nakita kong napatitig siya sa akin. "Bakit?" tanong niya. I shrugged my shoulders at itinuon ulit ang atensyon sa daan. "Because of what happened to his brother his sister in-law, I guess. Abogado rin 'yung Kuya niya at nataong naipanalo 'yung kaso nung isang mahirap lang na kliyente niya. Malaking tao 'yung nakalaban at nakulong kaya nagtanim ng galit at dinamay 'yung Kuya niya. Ang masama, pati asawa nito nadamay rin. They were killed pero pinalabas na aksidente 'yung nangyari. Ayaw ni Stan magcommit because of his job. Delikado nga naman pero ayan na yan, e..." nagkibit balikat ako. Tinagilid niya ang ulo niya at tinitigan ulit ako. "E, ikaw, Attorney? Takot ka rin ba sa commitment?" tanong niya. Nilingon ko siya. "Why would I? Mas matatakot pa ako kung mapupunta sa iba 'yung babaeng mahal ko..." seryoso kong sabi at tinitigan siya. Una siyang nagbaba ng tingin. "How about you?" tanong ko. "Ha?" "Are you afraid to fall in love again after what your ex did to you?" tanong ko. Humalukipkip siya at itinuon din ang tingin sa daan. "Hindi naman.. Gusto ko lang mag-ingat na. Kasi dati, sinagot ko lang naman siya kasi na-curious ako sa pakiramdam na may lovelife. Tapos in the process, natutunan ko siyang mahalin tapos siya naman, nawalan ng gana. Kung kailan natutunan ko na siyang mahalin tsaka siya naman 'yung nakulangan. Ayun, hinanap 'yung kulang sa iba." nakangising sagot niya. "Did he ever try to win you back?" tanong ko. Nakita kong tumango siya. "Oo. Ilang beses din 'yun.. Pero nung sinubukan niyang bumalik, ako naman 'yung wala ng maramdaman. Naka-move na ako. Ganun pala 'yung feeling, 'no? 'Yung dati ang tino tino niya sa paningin mo, tapos puro positive side niya lang 'yung nakikita mo. Nung naka-move on na ako sa'kanya, narealized ko na ang pangit pangit niya pala! Tapos ang pangit pa ng pinalit niya sa'kin. Hindi nanga ako maganda tapos 'yung pinalit niya pa sa'kin, nako! Nag-make up lang kaya nagmukhang tao! Diyos ko! Sorry, Lord... tao lang." sabi niya na pinagdikit pa ang dalawang palad. Di ko napigilang matawa. Kitang kita ko ang pagtitig niya sa pisngi ko. Lalo akong napangiti. I noticed that she always notice my dimples. Kahit di niya aminin, nakikita ko naman. "Who told you you're not beautiful?" tanong ko. Kitang kita kong natigilan siya nang lingunin ako. Natigilan din ako. Damn it! Bakit ko ba nasabi 'yun? Ilang sandali kaming natahimik bago siya tumikhim. "Ah.. syempre, alam ko naman 'yun sa sarili ko. Alam kong hindi ako kagandahan kaya nga dangal na lang ang kaya kong ipagmalaki sa mundo." natatawang sabi niya. Kumunot ang noo ko. "Don't say that. You have a great personality and that alone makes you more beautiful and stand out. Beauty can only capture the eyes but personality captures the heart, Charm..." seryosong sabi ko at nag-iwas ng tingin. Why this is suddenly felt so awkward? Hindi na rin siya nagsalita pagkatapos nun kaya tahimik kami nang makarating sa bahay nina Stanley. Nakabukas ang gate nila kaya diretso ko ng naipasok ang kotse at agad na nag-park. Nakita ko na rin na nandun na ang kotse ni Lenard. Napatingin ako kay Charm na pinagmamasdan ang paligid. "We're here..." sabi ko. Tumango naman siya at sabay na kaming bumaba ng kotse. Sinalubong agad kami ni Stan na karga karga ang dalawang taon na si Kim. Kasunod nito si Lenard na may hawak hawak na bola ng basketball. Alright! Mukhang makakapagpapawis na naman! I missed playing basketball with them!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD