CHARM's POV Gaya ng inaasahan, inubos namin ang natitirang mga araw ng bakasyon sa pamamasyal. Pinasyal n'ya ako sa Sky Ranch, Peoples Park at sa ilang mamahaling hotels and restaurants lalo na kapag kasama namin sina Lola. May mga araw na hinahayaan nila kaming mamasyal na kaming dalawa lang. Naiilang ako kapag kaming dalawa lang dahil mas lalo kong nararamdaman ang panliligaw n'ya. Nakakakilabot man isipin pero hindi ko akalain na may side s'yang sobrang sweet at maalaga. Kahit sa pagkain ay parang natural na natural sa'kanya ang pagiging maasikaso. May mga pagkakataong parang nakikita ko si Tatay sa mga kilos n'ya. Lalo na 'yung uunahin n'yang asikasuhin ang kinakain ko bago ang sa'kanya. Ganun na ganun si Tatay kay Nanay kahit sa amin ni Cholo. Ultimo ang pagbabalat ng nilagang itlog

