(CARAMEL's Pov)
“Anak, gumising ka na. Malalate ka sa eskwelahan,” sabi ng nanay ko sa akin.
“Inay, maaga pa naman. Hindi naman ako malalate,” sagot ko habang nakahiga pa.
“Caramel, huwag kang matigas ang ulo. Paano kung mag-isa ka na lang? Sino ang mag-aasikaso sa iyo?”
“Inay, huwag kang magsalita nang ganyan. Magkakasama pa tayo nang matagal. Hindi ko kayang mawala ka. Iisa lang naman akong anak mo, Inay.”
“Caramel, sinabi ko lang naman ang totoo. Baka isang araw mawala ako sa mundo. Sino ang mag-aalaga sa iyo? Sampung taon ka pa lamang. Kahit wala na ang itay mo at iniwan niya tayo, ako na ang tumatayong nanay at tatay mo.”
Agad akong bumangon at nagbihis para pumasok sa elementary school sa Monterito. Mabilis ang mga galaw ko para hindi na magalit ang nanay ko.
“Inay, aalis na po ako. Malayo pa ang lalakarin ko.”
“Anak, mag-ingat ka. Huwag mong pababayaan ang sarili mo.”
“Inay, bakit parang ang lungkot mo ngayon? Para bang may iiwan ka sa akin,” busangot ang mukha ko habang nakatingin sa aking Ina.
“Huwag mo munang isipin iyan. Baka malate ka sa school. Sige na, lumakad ka na, Caramel.”
Bago ako umalis, mahigpit ko siyang niyakap. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng kaba at kabog ng dibdib.
“Caramel, mag-ingat ka palagi,” sabi ni Inay.
Muli kong tiningnan ang mukha ng Inay ko. Malungkot siya. Para bang may mabigat siyang iniisip o dinadala sa kanyang puso.
(Marita’s Pov)
“Napakasaya ko ngayon dahil ikaw ang naging anak ko, Caramel.”
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang papalayong anak ko. Ngunit biglang may kumatok sa pinto.
“Ate Marita!”
Napakunot ang noo ko nang makita ko ang kapatid kong si Leon.
“Ano na naman, Leon?”
“Ate, puwede ba akong makahingi ng pera? Wala akong pambayad sa sugal at kailangan ko ring bayaran ang mga utang ko.”
“Leon, lagi ka na lang humihingi ng pera sa akin. Kailangan ko rin iyan para sa pag-aaral ni Caramel.”
“Ate, ikaw lang ang malalapitan ko. Marami akong utang na kailangang bayaran. Kapag hindi ako nakabayad, madadamay ka rin.”
“Pati kami ni Caramel, idadamay mo? Wala akong maibibigay sa iyo. Umalis ka na, Leon.”
Magsasalita pa sana si Leon nang biglang may malakas na putok.
Napalingon ako sa gulat.
“Leon!”
Bumagsak ang kapatid ko sa aking harapan.
“Leon! Gumising ka!” Nakita ko ang dugong umagos sa sahig.
“Ate Marita. Tumakbo ka na. Tumakas na kayo ni Caramel. Hindi tayo titigilan ng mga taong pinagkakautangan ko.”
“Leon, huwag!” Puno ng takot ang puso ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bago pa ako makalapit sa kanya, isang malakas na putok ang umalingawngaw. Dahan-dahan akong napahawak sa dibdib ko. Unti-unting nanghina ang katawan ko hanggang sa bumagsak ako.
Sa huling sandali, narinig ko ang isang malamig na boses.
“Boss, wala na si Leon. Isinama ko na rin ang kapatid niya.” At tuluyan nang nagdilim ang aking paningin.
(CARAMEL’s Pov)
Maaga kaming pinauwi sa eskwelahan nang araw na iyon. Habang naglalakad pauwi, may narinig akong dalawang taong nag-uusap.
“Alam mo ba? Patay na si Leon Gazum at si Marita Gazum. Pinatay raw sila dahil sa mga utang nila.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Hindi…”
Dali-dali akong tumakbo pauwi.
Pagdating ko sa bahay, nakita ko ang Inay ko at si Tiyo Leon na nakahandusay sa sahig.
“Inay!”
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
“Inay, gumising ka na… Nandito na ako. Sabi mo hindi mo ako iiwan. Paano na ako ngayon? Ikaw lang ang inaasahan ko. Bakit mo ako iniwan?”
Tuluy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko.
“Kaawa-awa naman ang bata. Sampung taon pa lamang siya. Paano na siya ngayon?” Narinig kong sabi ng isang kapitbahay.
Wala akong masabi. Parang gumuho ang mundo ko. Nang araw ding iyon, binurol ang Inay ko at si Tiyo Leon. May mga tumulong na mga kapitbahay para bigyan ng maayos na libing ang Ina at tito ko.
“Caramel, pakikiramay. Alam kong mahirap ito, pero narito kami para tulungan ka,” sabi ng isang ginang. Agad akong nagpasalamat sa mga taong nakikiramay.
Habang nakaupo ako, narinig ko ang usapan ng mga nakikiramay.
“Marami palang utang si Leon kay Nestor. Kaya pala nangyari ito.”
Hindi ko maintindihan ang lahat. Ang alam ko lang, wala na ang Inay ko. Pagkatapos ng libing, dumating ang asawa ni Tiyo Leon. Hindi man lang ito nag-iisip na nagluluksa pa ako.
“Caramel, umalis ka na rito. Hindi ka na puwedeng tumira sa bahay na ito.”
“Tita bahay namin ito!” Angal ko. Ngunit sila pa rin ang nasunod. Hindi na nila ako pinapasok sa loob ng bahay. Basta na lang nilang itinapon ang mga damit ko.
Wala akong nagawa kundi umalis. Kapag hindi raw ako aalid ay ipapahabol ako sa aso nila.
Ilang buwan na ang lumipas, pero sariwa pa rin sa akin ang nangyari. Umalis ako sa aming bahay at napadpad sa lansangan.
Doon ako namuhay. Namamalimos ako para lamang may makain. Habang nakaupo sa bangketa ay bigla akong tumingin sa kalangitan.
“Inay, sana gabayan mo ako. Hirap na hirap na ako. Parang gusto ko nang sumunod sa ‘yo.” Naramdaman kong pumatak ang luha sa aking mga mata. Ngunit bigla akong napatingin sa batang pulubi na lumapit sa akin. Medyo may edad yata ito sa akin.
“Hoy, bata! Umals ka riyan. Teritoryo namin iyan. Teka may napalimos ka na bang pera?!”
“Wala po, Ate.”
“Kung ganoon, hindi ka puwedeng magtigil dito. Humanap ka ng ibang pwesto mo, alis.”
Nagulat ako nang kuhanin nito ang dala-dala kong lumang damit at kumot.
“Akin ‘yan, ibigay mo sa akin ang gamit ko!” anas ko sa batang pulubi rin. Ngunit bigla niya akong itinulak.
“Manahimik ka! Pantay-pantay lang tayo rito. Nanlilimos ka rin naman, tapos ikaw pa ang may kumot?”
Pinunit niya ang ilan sa mga gamit ko.
“Umalis ka na! Akin ang lugar na ito!” Nagulat pa nga ako nang sampalin ako sa aking mukha. Dahil sa takot ay mabilis akong umalis habang umiiyak. Wala na akong maayos na damit. Wala na rinnakong matutuluyan. At mas lalong wala na ring Nanay. Hindi ba ako mahal ng Diyos?
Pinunasan ko ang aking mga luha.
“Napakahirap ng mga pagsubok na pinagdaanan ko.”
Ilang oras akong naglakad sa kalsada.
“Ate, palimos po. Kahit kaunting barya lang po. Pambili lang po ng pagkain.”
Ngunit walang nagbibigay sa akin. Hanggang sa may biglang lumapit na isang lalaki. At inabutan niya ako ng isang libong piso. Nagulat ako.
“Kuya, ang laki po nito.”
“Malaki nga. Para sa iyo na.”
“Kuya, pasensiya na po. Hindi po ako sanay humawak ng ganitong kalaking pera.”
Ngunit iniabot pa rin niya sa akin ang pera.
“Maraming salamat po.”
Nang makapagpasalamat ako, agad siyang umalis. Hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya.
“Salamat po, Kuya,” bulong ko sa sarili habang may kaunting saya sa aking puso.
Dali-dali akong pumunta sa isang panaderya.
“Ate, pabili po ng empanada.”
“Pulubi ka lang, may pera ka pa? Empanada pa talaga ang gusto mo?” mataray na sabi ng tindera.
Iniabot ko sa kanya ang isang libong piso. Nang makita niya ang pera, napakunot ang noo niya.
“Nagnakaw ka siguro. Saan mo nakuha ang perang iyan?”
“Hindi po! May nagbigay po sa akin na lalaki habang namamalimos ako.”
“Ganoon ba? Pero wala ka nang sukli. Alam kong ninakaw mo lang iyan.”
“Ate, ibalik ninyo po ang pera ko! Maniwala ka sa akin. Hindi ko po iyan ninakaw!”
Umiiyak na ako. Biglang may isang matandang babae na nagsalita.
“Anita, ano ba iyan? Ingatan mo ang customer mo.”
“Ma’am Rosana, pulubi po kasi iyan. Bumili sa akin tapos biglang naglabas ng malaking halaga. Alam kong ninakaw niya ang pera.”
“Hindi po! Totoo po ang sinasabi ko. May lalaking nagbigay po sa akin. Nasa sasakyan po siya.”
Tumingin sa akin si Rosana.
“Anita, ibigay mo ang sukli ng bata. Naniniwala akong nagsasabi siya ng totoo.”
“Pero, Ate Rosana…”
“Ibigay mo.”
Dali-daling ibinigay sa akin ni Anita ang sukli.
“Maraming salamat po.”
“Magpasalamat ka sa pagdating ng amo ko,” masungit na sabi ni Anita. “Kung hindi, baka hindi mo na nakuha ang pera mo. Umalis ka na at huwag ka nang bibili rito.”
Tahimik akong umalis.
Habang naglalakad ako, hawak ko ang empanada at ang natitirang pera.
Ngunit biglang may kumuha nito.
“Aba, bata! Ang sarap naman ng pagkain mo. Puwede bang akin na lang ito? Pati iyong pera.” Mabilis niyang inagaw ang pagkain at pera ko.
“Ibalik ninyo po! Pinaghirapan ko po iyan. Gutom na gutom na po ako. Maawa po kayo!” Ngunit hindi niya ako pinakinggan.
“Alam mo, bata, ako ang reyna ng lansangang ito. Ayaw kong may humahadlang sa gusto ko.”
Wala akong magawa. Gutom na gutom ako.
“Sana bago ako bumalik sa lansangan, kinain ko na lang ang tinapay,” bulong ko sa sarili.