"Issa, why are you still there? di mo ba mahanap ang silid mo na tinuro ko?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni tita Divina.
lumapit siya sa akin pagkatapos ay saka tumingin sa nakasaradong pinto ni sir Henry
" Sinungitan ka na naman ba ng anak ko?" tanong niya. hindi naman ako nakasagot.
" Henry! open this door!" nanlaki ang mata ko at kinabahan ng katukin niya ng malakas ang pinto ni sir Henry, " Naku, okay lang ho ako, Ma'am este tita, puwede naman po ako sa baba nalang matulog,"
" Hindi puwede! dito kita gusto tumuloy at wala puwedeng tumutol sa gusto ko kahit pa ang anak ko, ako ang nagpapasahod sayo kaya saakin ka makinig, Henry!"
Muli akong kinabahan ng malakas niya na namang pinagkakatok ang pinto ng silid ni sir Henry.
Ilang saglit lang ay bumukas iyon at nakasimangot na mukha ni sir Henry ang bumungad sa amin, Napalunok ako nang tumingin siya sa akin ng masama.
"
" Mom, I'm tired, can you just atleast let me rest, saka wag mo na pilitin ako na papasukin 'yang babae na 'yan sa silid ko. you know how important that room for me,"
" At bakit hindi? matagal na 'yun Henry kaya mag move on kana! Buksan mo ang silid na 'yan kung ayaw mong magalit ako sa 'yo!"
" Mommy,"
" Henrico-"
"Fine! bullshit!" napaigtad ako nang padabog siyang lumabas bitbit ang susi at saka muling binuksan ang silid na kinandado niya Kani-kanina lang!
Habang ginagawa iyon ay nakabantay ang mama niya sa kanya kaya wala siyang magawa kundi sundin ito. mukhang hindi rin naman papatalo ang kanyang ina.
Napayuko na lamang ako nang tapunan niya ako ng masamang titig. nakaramdam ako ng matinding hiya.
"There, wala kang gagalawin maski isang gamit sa loob, naiintindihan mo?" mahina niyang sabi sa akin pero ramdam ko ang pagbabanta ro'n.
" O-opo, sir, " nauutal kong sagot.
Bumuntong hininga siya at saka ako para bumalik sa kanyang silid.
Napatingin ako nang hawakan ako ni tita Divina at igiya sa loob.
"Don't mind my son, Issa, He's tired and paranoid,"
tumango ako. pero sa loob ko parang may kakaiba akong nararamdaman na di ko alam.
Halos lumuwa ang mata ko nang tuluyan na ako makapasok sa silid na pinagkakait ni sir Henry.
"Don't be scared, it's just a toy. he's collection. katulad ng sabi nya ay wag mo silang pakialaman. dito ka muna matulog habang wala pa bakanteng silid para sa yo,"
sa daming pinto na nadaanan ko wala ba ibang puwede sa akin? bakit dito pa?
parang gusto kong umatras. bigla ako nakaramdam ng takot sa silid na 'to!
Pero sa huli ay wala ako magawa kundi tumango.
Ibinaba ko ang dala kong bag sa gilid ng kama. ilan lang ang gamit na dinala ko dito, kaunti rin ang damit ko. babalik na lang ako sa bahay sa ibang araw.
Naiwan ko kasi roon ang ibang kailangan ko at ibang mahalagang bagay.
" Maraming salamat po, Tita," sabi ko. ngumiti naman ito sa akin pagkatapos ay hinaplos ant buhok ko.
Nariyan na naman ang mga titig niyang tila Awang-awa.
" Don't worry, you'll be fine here, Iha, magpahinga ka na muna, bukas ay pag uusapan natin ang trabaho mo dito sa mansyon, "
Tipid akong tumango sa kanya.
" Hindi po ba kayo kakain ng dinner? marunong naman po ako magluto," naisipan ko itanong dahil sa tingin ko mag aalas-sais pa lang ng gabi. kumakalam na rin ang tiyan ko.
" Oh, yeah, about that, aalis kami ng asawa ko. si Henry at ikaw lang ang maiiwan dito. Kung nagugutom ka, puwede ka kumuha sa kitchen ng makakain,"
" Saan po ba yun banda? ang laki kasi nitong bahay niyo baka mawala ako," natawa siya.
"Malapit sa dinning area, pumasok ka sa pinto na naroon," napatango ako. alam ko na.
Nakita ko iyon kanina noong nasa baba kami. malapit din iyon sa Living room.
" Sige po, ako na po bahala," sabi ko.
Ngumiti lang siya pagkatapos ay nagpaalam na lalabas na.
The moment she went outside, I felt scared inside this room. kinilabutan ako sa mga nakakatakot na laruan ang nakadisplay sa isang sulok. naroon sa loob ng isang malaking salamin at lahat sila parang nakatitig sa akin!
naalala ko tuloy iyong mga collection ng mag asawa na bida sa conjuring. weird!
Pero naisip ko na mga laruan lamang sila, walang buhay kaya dapat hindi ako matakot. tinatagan ko ang loob ko at saka binuksan ang lahat ng ilaw sa loob ng kwarto.
Pero ganun na lang ang hilakbot ko nang pagbukas ko ng ilaw ay bumungad sa akin si Sir Henry na nakangisi habang nakatitig sa akin!
" S-Sir! p-paano po kayo nakapasok?" parang tanga kong tanong sa kanya.
" This room is connected to my other room. nakakagulat ba 'yun?" lumapit siya sa akin.
umatras ako. hanggang sa tumama ang likod ko sa pader. nacorner niya ako.
lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko habang nakatitig sa kanya.
" K-kaya ba ayaw mo ipagamit sa akin 'to dahil may mga nakakatakot kang tinatago sa kwarto na 'to?" nilibot ko ang mga mata sa buong silid.narinig ko siyang tumawa.
" You look... innocent, yet, naive," he said.
Nagulat ako nang hapitin niya ako sa baywang at saka bigla nalang nilamukos ng halik ang labi ko! nanlaki ang mga mata ko sa biglang kilos niya!
Hindi ko magawang itulak siya dahil masyadong mahigpit ang hawak niya sa baywang ko! iniipit niya rin ako sa pader gamit ang malaki niyang katawan!
" Hmmp," nagpumiglas ako dahil nakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko,
Kinagat niya ang ibabang labi ko kaya napaawang ito!
Nagkaroon siya ng pagkakataon ipasok ang dila sa loob ng bibig ko.
" Ahmm,"
Patuloy kong ungol. oo. ungol yun.
Napapikit ako nang unti-unti ay naramdaman ko ang tila pag iingat sa halik niya, naging banayad ito. hanggang sa bitawan niya ito saka tumitig sa akin ng taimtim.
" Is this your first time?" he asked me.
Tumango ako. hindi makatingin sa kanya ng deritso.
Nagulat ako ng buhatin niya ako at saka dinala sa kama. naupo siya at kasama ko ro'n.
" Sir Henry," tawag ko sa kanya. bigla kasi akong naasiwa sa pwesto namin.
Nasa kandungan lang naman niya ako ngayon habang hawak niya ang magkabila kong baywang!
Biglang nag init ang mukha ko, pakiramdam ko mapula na ito ngayon. Ngumiti siya.
" What? hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, "
" K-Kayo po ang unang halik ko." sabi ko. tumango siya.
" I see, It means your mine now," he said. napaawang ang bibig ko sa gulat.
Ano raw?
"Anong sinasabi mo?" tumayo ako mula sa kandungan niya at saka lumayo sa kanya.
" Hindi po 'yan ang pinunta ko dito sa inyo, trabaho po, " ngumisi siya.
" That's right. but since I tasted your sweet lips, I consider you... as my own possession, your mine now, Don't worry, I can give you anything you like. just name your price,"
Tuluyan na akong napanganga sa narinig na sinabi niya.
" I have a proposal to you,"
" Ano?" tanong ko.
" I want you to be my wife, marry me, don't worry, This is for business. no string attached. babayaran kita. Even my mom won't find out about this,"
Kanina habang hinahalikan niya ako iba ang naramdaman ko, pero habang pinapakinggan ko ang mga sinsabi niya ngayon, naiisip ko na mukhang balak niya ako gawing libangan na lalagyan niya ng presyo!
Napatingin ako sa mga doll collections niya at figurines n may mga nakakatakot na mukha.
" Gusto mo ba ako itulad sa mga collection mong 'yan?" Inis kong tanong sa kanya.
Tinignan niya rin ang mga ito saka muling tumitig sa akin.
" No, But more than that. so, what? Is it a deal?"
" Ayoko ko. ang trabaho lang na in-applyan ko ay maging katulong niyo hindi para gawin mong parausan! lumabas ka na, sir,"
" I'm on the other room, kapag nagbago ang isip mo-"
"Buo na ang pasya ko, ayoko, kaya lumabas ka na,"
Ilang saglit niya ako tinitigan na wari'y ay nais pa ako kumbinsihin pero ayoko talaga.
He stood up. binuksan niya ang isang pinto dito sa kwarto at doon ay pumasok.
Iyon siguro ag connecting door nitong silid sa kwarto niya. tsk.
Mas nakakatakot pa pala siya sa mga collections niya. para siyang baliw.
Kanina masama ang trato niya sa akin, tapos bigla na lang niya ako hinalikan at ngayon ay inaalok maging asawa niya!
No way!
ano ba itong pinasok ko? parang mas gugulo ang buhay ko dito!
umuwi nalang kaya ako sa amin? Bigla akong na stressed! napakagat labi ako nang maalala ang kanyang halik! punyeta!
-----
HAHAHA... HINDI ka pa nga nagsisimula stressed ka na diyan!