Anak, may bisita ka agad?" Napahinto ako sa paglalakad ng maulinigan ko ang malambing na boses ng isang babae.
Napatingala ako engrandeng hagdanan ng may isang magandang babae ang ngayon ay bumababa habang nakangiti na nakatingin sa akin.
Nilingon ako ng binata. Hindi ko alam ang pangalan niya.
" No, mom. She's going to apply as our maid." Aniya sa babae na ina pala niya.
Bakit masyadong bata ang hitsura para sa isang ina na may binatang anak at malaking bulas pa!
" Maid? Wag ka magbiro hijo, She's not fit to that job." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Mas bagay siyang maging manugang ko! Don't you think?" Nakangiti naman nitong segunda na ikinanganga ko.
What? Ako, manugang?
Now na ba? Charot!
Lihim akong napangiti dahil tila mabait ang ginang hindi ito katulad ng ibang mayaman na namimili ng aasawahin para sa kanyang anak.
Hindi ko namalayan na masyado na pala akong kampanti sa pag ngiti. Aksidente napasulyap ako sa lalaking masungit ng mapansin ko na masama ang tingin nito sa akin.
Problema nito?
" Stop glaring at her, Henry! Can you stop being rude at some point of your life?"
" Fine, I'm sorry ," he said. After that he walked out. Ay, bastos!
Hindi manlang nagpaalam na aalis?!
" I'm sorry- What is your name Again?" Napaigtad ako ng magsalita ang nanay ni Henry.
Pati pangalan gwapo. Hmp!
" Ay, ako po si Isabella, Issa nalang po," magalang kong sagot
" I'm Divina, but you can call me tita Divina,"
Nagulat akon ng hawakan niya ang kamay ko at pinisil.
Ngumiti rin siya na pinagtaka ko. ganito ba talaga sila tumanggap ng katulong?
" Come on, Issa. Sit down." She guided me to their grand sofa. Parang nakakahiya maupo sa velvet couch na 'yan!
Atubili pa akong sumunod pero nginitian niya ako at saka niyaya ulit. Wala akong nagawa kundi maupo din.
Pag landing ng pwet ko ay napatili pa ako dahil literal na lumubog ako sa sobrang lambot!
" Ay, kabayo!" Sigaw ko na siya namang kinahalakhak ng mama ni Henry.
Ay, tita Divina pala. hmp!
" Your too funny, I think we can get along so well. Masyado kasing boring ang anak at mister ko e. " natatawa niyang turan.
Umayos ako ng upo. Saka natawa na rin.
Parang nakahanap ako bigla ng nanay sa katauhan niya dahil mabait talaga siya.
" Pasenya na po kayo, ngayon lang kasi ako nakapasok sa ganito ka laking bahay- mansyon pala. "
" It's fine," taimtim niya ako pinagmasdan.
" Feel at home, Issa, wag ka mag alala ay mabait naman yan si sir Henry mo, may kasungitan lang kaya ganyan,"
Napangiti ako.
" Ayos lang po 'yun, pero tanggap na po ba ako? kailangan ko po kasi talaga ng matutuluyan,"
Tumango ito
" Masyado kang maganda para maging katulong lang namin," Pinamulahan naman ako ng mukha sa papuri niya.
Hindi siya ang unang beses na naringgan ko na nagsabi na magand ako.
Pero kakaiba ito kumpara sa mga naunang nagsabi. Alam kong sinsero ang pagkakasabi niya. Walang halong kaplastikan.
Puno iyon ng pagkamangha at papuri.
Napangiti ako sa kabila ng hiya na nararamdaman ko.
" Kayo rin po maganda ma'am-este tita. Pero katulong po talaga ang gusto ko applyan sa inyo. Wala po akong balak maging manugang niyo o maging girlfriend ng anak niyo. Masyado po siyang gwapo para sa akin. Hindi pa kami pantay ng katayuan sa buhay. Mababang uri lang ako ng babae kumpara sa mga sosyal na alam kong gusto ng anak niyo. Kaya sana po tanggapin niyo ako dito dahil kailangan ko po talaga ng matitirhan at makakain,"
Hindi na sjya naghiyang ihayag dito ang kailangan niya. Totoo naman iyon.
"Huwag ka magsalita ng tapos, Issa, hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap,"
"Wala po talaga sa isip ko yan ngayon, mahalaga po sa akin ay makapag aral ako ulit. kahit ano po ay gagawin ko, gusto ko po makapg ipon para sa future ko, "
Nakita ko ang paghanga sa mga mata ni Ma'am Divina habang nakatitig sa akin.
"Huwag mo muna isipin yan, ako ang bahala sayo, ngayon pa lang ay natutuwa na ako sa 'yo at handa akong tulungan ka maabot ang pangarap mo, Issa, basta mangako ka na hindi ka aalis sa bahay na 'to, "
sunod-sunod ang ginawa kong pagtango sa kanya. desidido na ako.
dito na ako mula ngayon.
" Pangako po. wala na rin naman po akong babalikan pa,"
Hindi ko mapigilan mapahikbi. namalayan ko na lamang na umiiyak na pala ako sa harap ni ma'am Divina, nagulat naman ito pero mabilis din niya ako niyakap at paulit-ulit na hinagod ang likod ko.
Lunarawan nama sa magandang mukha ni Divina ang labis na pag aalala para sa dalaga. parang kinukurot ant puso niya sa di niya malamang dahilan habang umiiyak ito.
Matapos umiyak ni Issa ay kinwento niya ang ilang detalye sa buhay niya kay Tita Divina.
Awa naman ang naramdaman ni Divina para sa dalaga ng marinig ang kwento ng buhay nito. Sa maikling oras na pinag usapan nila ang buhay nito kung bakit kinailangan ng dalaga na mag trabaho ay hindi niya maiwasan maawa at magalit sa mga magulang nito.
Anong klaseng mga magulang ang makakayang abandonahin ang anak?
" Wag ka na bumalik sa bahay niyo. Ako na ang bahala sa mga gamit mo. Sa ngayon ay magpahinga ka muna sa guestroom. Bukas na natin pag uusapan ang sahod at trabaho mo dito. Okay?" Masaya siyang tumango dito.
" Opo. Ma'am, pero bakit po sa guestroom? Pwedi na po ako sa servants quarter, "
" We don't have it. Ikaw pa lang ang Kauna-unahang maid dito kaya wala kaming mga kwarto na nakalaan sa katulong. Pero hayaan mo sa susunod ay ipapagawa ko ang likod ng mansyon para sa mga servants. Gusto ko rin maghanap ng iba pa para hindi ka mapagod masyado dito."
" Naku, ayos lang po sakin. Kaya po yan ng katawan ko," nakangiti ko namang sagot. Umiling lang siya.
" Sige na. Umakyat ka na. Nasa kaliwang pasilyo ang kwarto mo. Katabi ng kay Henry, " Napahinto naman ako.
Katabi ng kwarto ni sir Henry?
Pag akyat ko sa ikalawang palapag ay sumalubong sa akin ang magkabilang pasilyo.
Puro mga nakapinig na pinto ang nakikita ko sa bawat pasilyo.
Mga kwarto din kaya ang mga yan? Masyado malaki itong mansyon nila. May multo kaya rito?
Naglakad ako sa kaliwang pasilyo at hinanap ang dulong bahagi nito. Naroon daw ang silid ko. Pero mauuna ang kay sir Henry.
Tinalunton ko ang daan papunta sa dulong bahagi hanggang sa tumapat ako sa huling silid.
Kulay puti rin ang pinto. Bakit puro puti? Para namang papasok ako nito ng Heaven. Napatingin naman ako sa katabi nitong pinto.
Nariyan kaya sa loob si sir? Malamang! Umakyat nga siya kanina di ba?
Baka natutulog. Hapon na rin naman kasi. Ganyan ang mayayaman e. Kahit magdamag humilata ay hindi iyon mahirap sa kanila. Pag gising may pagkain na sila sa hapag.
Hindi gaya naming isang kahig isang tuka. Kapag di ka kumilos wala kang kakainin.
Pinihit ko na ang pinto. Akmang papasok na sa loob ng may mga kamay ang bigla nalang pumigil sa akin.
Napalingon ako sa may ari niyon. Nakita ko si Sir Henry na kalalabas lang sa kwarto niya at ang kaliwang kamay ay nakaharang sa pinto ko.
Anong problema niya? Hindi siya nakasimangot pero ang itsura niya parang nang titrip sa kanto!
" B-Bakit po," nauutal kong tanong. Bigla na naman Kong kinabahan
" Who gave you permission to enter one of my room?"
Seryoso ang boses at walang kangiti-ngiti niyang tanong sa akin.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko.
" Ang mommy niyo po, sir,"
" This is my room. No one allowed to enter here without my permission. Get out,"
Nag angat ako ng tingin sa kanya.
" P-po?"
" I said, get out. "
" Pero nasa labas pa po ako," hindi ko mapigilan sagutin siya.
Mas lalo naman itong naningkit ang mata habang nakatingin sa akin.
Napaatras ako ng dahan- dahan siyang lumapit at saka basta nalang akong hinila kamay. Napasubsob ako sa matigas niyang dibdib!
" Aray!" Napaigik dahil tumama ang mukha ko sa mala bato niyang dibdib. Bwesit!
" Aalis ka dito o sa kwarto ko ikaw matutulog? Hmm?" Napahinto naman ako sa sinabi niya.
Sa kwarto niya? puwede 'yon?
Napatingala ako ng iangat niya ang mukha ko gamit ang isa pa niyang kamay. Nagtitigan kami. .
Pero umatras ako at tinulak siya sa dibdib. s**t ang tigas!
Hindi ko alam pero bigla nalang may kuryente dumaloy sa kaibuturan ng puso ko papunta sa p********e ko dahil sa mga titig niyang malagkit.
" Kabago-bago mo pa lang dito pero nakarating kana agad sa hindi mo dapat pinupuntahan," He said.
" Ang mommy niyo naman po ang may sabi at nagturo sa akin sa kwartong ito,"
"If you want to prolong your stay here... you must always follow all the house rules,"
natigilan ako. parang wala namang binanggit ang mama niya kanina, bakit may rules na siya ngayon?
Napabuntong hininga ako ng malalim saka tumango sa kanya.
" Anong mga rules po ba 'yan, Sir?" mahina kong tanong sa kanya.
"Malalaman mo bukas, ngayon umalis ka na dito bago pa magbago ang isip ko at-"
Hinawakan niya ulit ang kamay ko pagkatapos ay hinila ako palapit sa kanya!
Sa lakas niya ay muntik na ako masubsob sa dibdib niya! Sobrang dikit niya sa akin pero pinigilan ko ang amuyin siya!
manahimik ka, Issa! landi mo!
" B-Bitawan niyo po ako. Kung ayaw niyo na diyan ako pwedi naman sa baba nalang ako. Kaya ko naman matulog kahit saan," ani ko sa kanya. Tinapangan ko ang boses ko kahit ang totoo parang nanghihina ako.
He let go of my hand. Saka taimtim na tumitig sa akin.
"You can use other guestroom. But not here... this is my personal space. Only important to me are allowed to see what's inside this room,"
Pagkatapos sabihin ay muli siyang pumasok sa loob ng kwarto. Pero saglit lang ay lumabas din at may dala na siyang bungkos ng susi saka padlock!
Wag niyang sabihin na ila-lock niya yan? Hindi nga ako nagkamali ng lumapit siya roon at basta nalang nilagyan ng susi ang pinto!
" Gaano po ba ka importante ang nasa loob niyan at talagang kinandado niyo pa talaga," natatawa kong tanong.
Nilingon niya ako saka blangko ang mukha habang nakatingin sa akin.
Napahinto ako sa pagtawa.
" Don't ask me question. We're not that close," masungit niyang sabi sa akin. natigilan ako.
Muli siyang pumasok sa kwarto niya at padabog na sinara ang pinto!.
Napaka arogante! Hmp! Balang araw magbabago din ang pakikitungo mo sa akin, Itataga ko yan sa matigas mong dibdib- este sa bato!
------
A/N : HELLO, PO, SALAMAT PO SA PAGBABASA. DAILY UPDATE PO ITO. SANA MAGUSTUHAN NIYO😘