" Ate, sige na naman po. Kunin niyo na ako kahit taga laba o linis kaya ko naman po yon," ani Issa sa kapitbahay nila.
" Naku, Issa, hindi talaga puwede wala rin ako ipapasahod sa 'yo, Alam mo naman na gipit din kami, ' Di ba?" Malumanay namang sabi ni aling Tess.
Mabigat ang loob na umalis siya sa harap ng tindahan ni Aling Tess. Naawa naman ito sa dalaga pero wala talaga siyang kakayahan pasahurin ito lalo at maliit lang angkinikita niya sa kanilang maliit na tindahan.
Kung sana ay hindi ito iniwan ng mga magulang ay nasa maayos sana itong kalagayan at hindi kailangan manilbihan para mabuhay.
**
Issa:
Nakakabinging katahimikan ang sumalubong kay Issa pag pasok niya sa kanilang bahay.
Kung dati ay naririndi siya sa araw-araw na ingay dahil sa walang katapusan away ng kaniyang mga magulang, ngayon naman ay hinahanap-hanap na iyon.
Atleast noon ay narito pa ang mga ito- ngayon ay wala na. Iniwan na siyang nag iisa. Paano na siya ngayon?
Isang taon palang simula ng mag desisyon ang mga ito na maghiwalay na. Nalaman ng nanay niya na may kabit ang tatay niya. Naging dahilan ngmatinding away ng dalawa.
Nauwi sa hiwalayan. Ito siya, naiwan at di manlang nag abala ang mga ito na dalhin siya. Parehong ayaw ng obligasyon.
Masama man ang loob niya sa kanyang mga magulang pero umaasa pa rin siya na babalikan siya ng mga ito. Pero lumipas na anh isang taony wala pa.
Hindi na muna siya pumasok sa paaralan dahil kailangan niya maghanap ng trabaho para mabuhay siya.
Sinubukan na niya lahat ng pwedi niya lapitan pero wala talagang tumatanggap sa kanya. Tsk.
Pumunta siya ng kusina. Pag bukas niya ng kaldero para lang manlumo dahil wala na pala siyang bigas!
Anong kakainin niya? Maski tubig malapit na rin mawalan ang dispenser. Tsk.
Naiinis siyang umakyat sa kaniyang kwarto at doon nalang tahimik na nagmukmok!
**
KINABUKASAN AY NABALITAAN NIYA na may bagong lipat sa kabilang baranggay, galing daw sa amerika at mukhang mayaman. Hindi na siya nag aksaya ng panahon at kaagad iyon ipinagtanong.
Sa pangasinan ay iilan lang sa mga tao ang nakakaangat ang pamumuhay, kadalasan ay mga magsasaka at nagtitinda lang sa palengke ang hanap buhay.
Dating magsasaka ang kanyang tatay Berto. Ang kanyang nanay Delia naman ay sa palengke naglalako ng gulay. Apat silang magkakapatid. Nag iisa siyang babae at bunso.
Matagal ng sira ang kanilang pamilya kahit pa magkasama sila sa iisang bubong. Hindi na maayos ang samahan ng kanilang mga magulang. Bagama't iyon ay lihim sa kanila ay hindi sa kanya. Saksi siya sa mga sigawan at lihim nitong away.
Hanggang isang araw bigla nagkagulo sa kanilang munting tahanan.
Galing siyang palengke noon. Nadatnan niyang nagtatalo ang mga ito ay sinasaktan ng kanyang tatay ang nanay niya habang umiiyak.
Matapos iyon ay tuluyan na nga silang iniwan ng kanilang tatay at sumama sa ibang babae.
Ang kanilang nanay naman ay naging lasinggera. Nagsusugal. Wlaang araw na hindi ito sumisigaw at galit. Naiintindihan niya iyon.
Hindi ito galit sa kanila... kundi sa sitwasyon nito at ng kanilang ama. Inakala niya na may pag asa pa sa kanilang lahat pero katulad din ito ng kanilang ama iniwan din sila.
HANGGANG sa maging ang tatlo niyang kapatid ay nag si alis na rin. Nabalitaan na nalang niya na nagsipag asawa na ang mga ito.
Naiwan siyag mag isa sa kanilang bahay.
Wala na siyang balita pa sa mga ito. Isang taon na rin ang nagdaan.
Nasanay na rin siya na sa sitwasyon nila.
Tumigil na rin siya sa pag aaral. Nag trabaho na lang siya sa kung saan-saan para mabuhay.
Pero mahirap pala makahanap ng trabaho lalo at disiotso pa lang naman siya.
Iyong huling trabaho na pinasukan niya ay sa isang bar. Waitress siya doon.
Dalawang gabi lang siya dahil kinailangan niya umalis dahil pinag pipyestahan na siya doon ng mga lasing na customer at balak pa yata siya i take out!
Kahit naman gusto niya magkapera ay hindi pa rin niya maatim na ibenta ang kanyang puri sa mababahong yon!
Pangarap niya rin mag ka asawa ng pogi at mayaman na lalaki.
Balang araw ay maiaahon niya ang sarili sa putikan na kinasadlakan niya. At sa oras na yon ay hahanapin niya ang mga magulang para ipakirta sa mga ito kung ano na siya.
Sakay ang tricycle ay narating niya ang bahay ng mga Villagracia. Ito ang binigay na pangalan ng mga napagtanongan niya.
" Mag apply ka ba diyan, Ning?" Tanong ni manong sa akin habang inaabot ko ang sukli sa binayad kong singkwenta.
" Opo. "
" Ang swerte mo kung matanggap ka. Bihira ang mga kasambahay sa mga yan. Hindi kasi sila talaga naghahanap. Kauuwi lang niyan e. Matagal din sila nanirahan sa amerika,"
Nagulat naman ako dahil parang kilala ni manong ang mga Villagracia.
" K-Kialla niyo po sila?" Tanong ko.
" Oo. Taga rito sila sa atin. Natagal lang sa ibang bansa kaya akala ng iba ay bagong lipat. Pero sakanila talaga yang mansyon na 'yan!"
" T-Talaga ho?" Ngumiti siya.
" Sige na, may pasahero pa ako e. Sana matanggap ka!" Aniya bago umalis.
Naiwan naman akong tulala dito sa labas ng malaking mansyon na ito.
Napatingala ako sa apat na palapag ng bahay. Napakalaki nito kumpara sa ibang mansyon. Parang kastilyo!
Puti ang kulay ng bahay at moderno ang desenyo. Hindi ako masyado maalam sa bahay pero ang alam ko ay isa itong mamahalin at hindi basta-basta ang nakatira sa loob!.
Napakagat labi ako. Itutuloy ko pa ba ang balak ko?
Bakit parang hindi ako bagay sa loob? Kahit maging kasambahay ng mga Villagracia ay hindi bagay sa akin!
Wag nalang kaya ako mag apply, pero kailangan ko talaga ng matutuluyan e. Kapag hindi ko sinubukan wala na akong titirhan bukas at mas malala wala na rin akong makakain pa!
ANONG gagawin ko-
" Are you looking for something?" Halos mapatalon ako sa gulat ng isang baritonong boses ang bigla nalang nagsalita sa harapan ko!
" I saw you at the control room, You might looking for a job, are you?" Muli ay sabi ng mala adonis na lalaki na nasa aking harapan. s**t!
Ilang beses akong kumurap baka namamalikmata lang ako pero hindi. Totoong may gwapong binata- kung binata pa nga ba ito.
Kaagad kong ipinilig ang ulo at nahihiyang nagyuko sa kanyang harapan. Nagulat naman ito sa ginawa ko.
" H-Hello, ahmm. Opo. Naghahanap po ako ng trabaho. Narinig ko po kasi na may hiring daw dito." Kinabahan niyang ani.
" Oh, Yeah. We are looking for a maid... are you sure you want that job?" He asked as if there's something wrong with me. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa!
" You look fragile and... soft," he smirked.
Napakagat labi ako dahil sa tension. Mukha siyang stricto.
" Ayos lang po kung ayaw niyo ako kunin. Pero pwede nyo po muna ako subukan bago niyo ako husgahan. " kampante ko namang sagot sa kanya.
Nakita ko ang pagsilay ng pilyong ngiti sa kanyang labi.
" Okay, let's see..." kaagad naman niya akong tinalikuran at muling pumasok sa loob ng bakuran.
Bakit di ko namalayan na nasa harap ko na pala siya? Sino naman siya aber? Anak kaya?
Malamang, makapag salita mukhang bossing e.
Di bale, gagalingan ko sa trabaho ko para wala siyang mahanap na rason para hindi ako tanggapin!
I can do this!
Taas noo siyang naglakad papasok sa loob ng mansyon.