New Beginning

1017 Words
Chapter 13: New Beginning "I can play dirty, dirtier than my father." Tahimik pa rin ang lahat at tahimik akong nagdiwang. "Umalis na ang gustong umalis, malaya kayong makakaalis ngayon." Walang tumayo para umalis, alam kong walang aalis, they rather stay at magtiis sa akin para makuha nila ang kompanya ko. Madali lang naman akong patalsikin dahil bata lang ako. "We stay or not this company is hopeless." Sabi ng lalaking nasa 30s na ngayon lang nagsalita. "Do your job and I'll do mine, everything will be fine." Kompyansa kong sagot sa kanya. "Paano ka nakakasiguro? Ni hindi ka nga makakuha ng matinong secretary." Napatingin ako kay Gavin na nakangiti kay Miss Alejo. Natawa ng konti si Gavin at sumulyap sa akin bago sumagot. "Really?" Saad ni Gavin na may bahid ng pang-aasar. "Kung sino pangnakikipag-ayaw sa boss niya na parang bata, siya pa kume-kwestyon sa katinuan ko. " Hindi maipinta ang muka ni Miss Alejo sa narinig. "Hindi ako magpupull-out kung papalitan mo yang secretary mo." Instead of fighting for her self agad itong naghanap ng tulong sa akin. "Pwede ka ng umalis." I'm sorry, Gavin is more useful than you are. Nagulat siya sa sinabi ko, dahil sa pride niya tumayo siya kahit nag-aalangan. "How dare you!? Talagang aalis ako!" Hindi pa man niya nahahawakan ang pinto bumukas ito. Pumasok doon si Alzia at agad na hinanap ako. Noong magtagpu ang mata namin saka nila nilingon ang babae malapit sa kanya. "Oh hi!" Sabi ni Alzia kay Miss Alejo na gulat na gulat sa nakikita niya. "What are you doing here?" Tanong ni Gavin na halatang hindi natutuwa. Habang sinundan naman ng tingin ni Miss Alejo si Alzia. "Naiwan kasi ang phone mo, saka nandito si Ate Annika at Ate Shara." Sabi ni Alzia saka inabot kay Gavin ang phone niya. "Magpahatid ka na sa driver pauwi, it's late." Utos ni Gavin at ngumuso lang ang anak. Habang si Annika at Shara naman naghanap ng mauupuan. "Daaaad! Hindi ako makatulog." Reklamo nito at nagkibit balikat pa. "Alright we're going home, lumabas kana, hintayin mo ko sa kotse." Sagot ni Gavin rito at napansin kong hindi parin nakakagalaw si Miss Alejo. "Alzia," halos hindi marinig ang boses ni Miss Alejo saka napunta sa kanya ang attention ng lahat. "Can you smell that stinky smell ate Annika? " Malditang tanong ni Alzia, mariin na lamang akong napapikit sa ginagawa nila. "Yeah, tiisin mo na lang." Sagot ni Annika na isa pang maldita. "What smell?" At ang pinagmanahan sa kagaguhan. "Bitchy smell," sagot ni Alzia saka tiningnan si Miss Alejo mula ulo hanggang paa. "Hi there, mom!" Nagulat ang lahat sa sinabi ni Alzia, kahit ang si Miss Alejo. Hindi makapaniwala sa inasal ng anak. "Mang Ramel pakihatid na si Alzia sa kotse." Utos ko, ayokong lumaki pa ang gulo sa pagitan nila. Kinuha naman ni Ramel ang bata at hindi na ito nakapalag. "You can go out too, ako na bibili sa share mo." Sabi ni Annika kay Miss Alejo na hindi parin makapaniwala sa ginawa ni Alzia. "Don't ever lay even a finger on my daughter Alexa." Malamig na sabi ni Gavin bago siya makalabas ng pinto kaya napalingon sya kay Gavin. "Sino pa gusto magpull out ako na rin bibili." Sabi ni Shara habang humihikab pa. Umupo naman si Annika sa upuan ni Alexa. "Wala? Hati tayo Annika! " Sabi niya saka tumabi ito kay Annika natulak niya pa ang katabi ni Annika. "We're very sorry for being late, I'm Annika Velmonte, nice meeting you all." Pormal na sabi ni Annika, kung pormal man ang tawag doon. "I'm Shara De Jesus at your service." Hindi na ako nakapalag sa ginagawa nila. Napapakamot na lang ako sa ulo. "Dismiss," sabi ko. Nagsimula na silang umalis ang mga matatanda at naiwan ang mga bata pa. Dalawang lalaki at si Miss Woods. Habang si Gavin nakaupo lang malalim ang iniisip. Si Annika naman seryosong nakatingin sa akin, si Shara humihikap lang sa tabi. "May kailangan pa kayo? " Tanong ko sa dalawang lalaki at kay Miss Woods. "I just want to say sorry." Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Miss woods. She's blonde with sweet face. She's tall for a girl yet smaller to mens. "Forgiven," sabi ko at tipid na ngumiti. "Did I hear it right? " Hindi makapaniwala nitong tanong sa akin. "Of course, anong bang dapat kong sabihin?" Tanong ko rito. "I'm Kyron Ferrell by the way." Siya yong nagsabing 'we'll stay or not, this company is hopeless.' Ngumiti na lamang ako at tinanggap ang kamay nito para kamayan. I could say, they share the same aura, power and confidence. "Nice meeting you Mr. Ferrell," saad ko at ngumiti naman ito. He's good looking lalo na sa malapitan. Jet Black ang buhok at makinis ang muka, tinalo pa ako. I think he's six footer kailangan ko pa siyang tingalain. "Matthew Choi," pakilala ng isa pa. Nakipagkamay rin ito at magiliw ko namang tinanggap. Ito naman ay maputi at chinito, hindi singtangkad ni Kyron pero masasabing matanggap pa rin. "Anything else? " "We just want to say, good luck." Saad ni Mr. Choi kaya napatango ako. Nakakatuwa na ramdam kong hindi nila ako pinaplastic. "Thank you," sagot ko. "Vale kailangan ko ng umalis, sasabay ka basakin?" Tanong ko Gavin sa akin. "Ayos lang ako, go ahead." "Anong koneksyon mo sa kanya? Kung di mo lang mamasamain." Agap ni Ms. Woods. "A Friend, trusted friend, he'll be a great help. " Sagot ko sa kanya at napansin kong hindi kumbensido ang iba. "You sure, baka nabubulagan ka lang, mag-iingat ka." Matthew doubtly said. "Give him a chance to prove him self." I believe, malaki ang maitutulong niya. This is greater than a company at siya lang ang nakikita kong makakatulong sa akin. "Judgemental lang kayo, nagbago na siya." Saad ni Shara kaya tumango ako bilang pagsang-ayon. "We're not so sure about that," salungat ni Annika, naiintindihan ko naman. May nakikit ako na hindi nila nakikita kaya ako lang ang nakakaalam ng totoo. "Naniniwala ako," malaki ang tiwala ko na hindi niya ako tatraydorin. He better not.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD