Chapter 12: Slight Trouble
Mag-isa akong bumalik sa School naiwan na si Alzia sa papa niya. Dahil sa pagkamatay ng papa ko, binigyan na nila ako ng permit na makalabas every weekend or every emergency meeting. Kargo ko na lahat ngayon at naiintindihan ng school iyon.
Akala ko sasalubungin ako ng mga estudyante hindi ako kilala, akala ko hindi nila ako mapapansin na dumating ako, gaya ng dati, hindi nila napapansin ang presensya ko. Pero iba na ngayon, may malaking pagbabago na hindi ko inasahan. Sinalubong ako ng mga inis na tingin, galit na tingin at pandidiring tingin.
What a cruel schoolmates, hindi man lang nagpaabut ng condolences imbis na paninisi.
"Nandito na pala ang tagapagmana ng maduming gawain ng ama niya." Salubong ng isang maldita. Akala ko talaga hindi nila ako kilala, sila Janice at Annika lang umaapi sa akin noon
"Yeah, dumating ka na. Nauna ka pa nga."
"At sumasagot na siya, tingnan mo, ang bata bata sumasagot na." I can not imagine how immature they are.
"Narinig kong ngang nagtanggal daw siya ng mga empleyado sa Kompanya niya daw." Gatong na isa pang hampaslupa. Marami sila hindi lang mga babae, mga lalaki rin ang nakapalibot sa akin. Para bang kukuyugin ako ano mang oras.
"At pinalabas niya raw si Gavin, yong repeater na nanggagahasa, siguro nasarapan." And that's bellow the belt.
"Kalalaking tao chimoso." Sagot ko sa kanya. Madaling targetin ang lalaki dahil pikon sila.
"Anong sabi mo!? "Galit na tanong nito sa akin.
"Sabi ko para kang babae nakikichismis." Akmang susuntukin ako nito pero pinigilan ito ng mga katabi niya. Kunwari, mahaba ang pasensya noong iba.
"Hindi chismis ang totoo, totoo naman diba? Empleyado mo na si Gavin." Saad noong lalaking pumigil sa kanya.
"Sabihin mo lang kong gustong bumalik ng mama mo sa trabaho nya. Kaya ko siyang ibalik kapag tapat na siya sa akin." Kilala ko silang lahat, hindi nila ako matatakot.
"Makapal talaga ang muka mo no? Paano kong basagin ko yan?" Mayabang porket may kompanya rin.
"Gawin mo ng bumagsak ang kompanya mo." Kung payabangan lang ang labanan, marami akong baon.
"Pano mo magagawa iyon kung hindi ka na makakauwi ngayon." Sagot nito at may kinapa sa bulsa niya.
"Subukan mo rin ng mangud-ngud ko yan muka mo sa putikan." Biglang dating ni Shara kasama ang mga kaibigan nito.
"At akala ninyo kakayanin ninyo kami? " Tanong ng lalaking nanahimik lang kanina.
"Bakit hindi? " Biglang dating ni Annika kasama ang mga tropa ni Radley.
"Anong nangyayari dito? " Tanong ni Headmaster, halos mapaupo ako sa tuwa, para akong nabunutan ng tinik.
"Wala po," maagap na sabi ng leader leaderan nila.
"Miss Amadeus, pwede ba kitang makausap sa office ko? " It's not a question, it's an order. Tumango lamang ako bilang sagot. Sumunod ako kay Headmaster sa office and niya.
"Nakikiramay ako sa pagkawala ng ama mo. " Saad nito agad matapos niyang maupo sa upuan niya. Hindi ako naniniwalang nakikiramay talaga ito. Kung totoong nakikiramay siya, dapat ay nagpakita ito sa burol ni dad.
"Salamat po," magalang na sagot ko.
"Totoo ba?" Ito na naman ba ang pag-uusapan? Kailan ba ako matatapos rito. Alam kong si Gavin ang tinutukoy niya.
"Opo, kailangan ko siya sa Kompanya ko, siya lang ang mapagkakatiwalaan ko sa ngayon." Kahit na hindi ko gusto ang pakikialam niya ay magalang pa rin akong sumagot.
"Alam ko, pero alam mong madumi na ang pangalang niya. Makakasama sa kompanya mo iyan." Aniya at muntikan na akong mapairap.
"Lilinisin niya, alam kong kaya niya." Kailangan ko siya, alam kong siya lang ang makakatulong sa akin.
"At ang anak nya? " Nagulat ako sa tanong niya, sino ba siya para malaman ang lahat sa buhay ko. Bakit parang binabantayan niya ang kilos ko.
"Nag-aaral sangayon," sagot habang pinipilit ang itago ang bahid ng inis sa bawat sagot ko.
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo?" Tanong nito.
"Magtiwala ka lang, magagawa kong maayos ang lahat."
"May tiwala akong gagawin mo lahat, pero makakaya mo kaya? Hindi biro ang kompanya Vale."
"Alam ko, kaya ko." Kahit hindi ko alam ang kahahantungan nito. Ilalaban ko kung hanggang saan ang makakaya ko.
"Mag-iingat ka," ngumiti naman ako at tumango sa kanya. Nilisan ki agad ang office niya matapos ang usapan namin. Mga masasama nilang tiningin ang bumuo ng araw ko. Ngayon lang nila pinapakita ang galit nila sakin dahil wala na si dad para protektahan ako.
Hindi ko na lamang sila pinansin, dahil hindi sila makahanap ng dahilan para makalapit sa akin.Tumawag sakin si Gavin na kailangan ako sa kompanya kaya pinayagan akong umalis sa school and ngayon. Napapatawag daw kasi ng meeting ang mga stakeholders ng kompanya at nag babanta na magpupull out na sila ng share kapag di nila ako nakausap.
Galit na galit rin sila dahil sa tinanggal kong mga empleyado kahapon. Dumaan muna ako sa bahah para magbihis. Nadatnan ko doon si Alzia nag-aaral sa sala.
"Mas maganda kong sa study table ka mag-aral." Ani ko at napalingon ito agad sa akin.
"Ate Vale kanina pa kita hintay, ayaw kasi akong isama ni dad sa office niya." Agad itong nagsumbong sa akin. Dumiretso ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko habang nakasunod ito.
"Kasi may trabaho siya, at mabobored ka lang doon."
"Makakatulong ako doon." Napangiti ako, ano namang maitutulong niya.
"Mapapagod ka lang doon, mag-aral ka na lang, tsaka bata ka pa, hindi ka pa dapat nadadamay sa gulo sa opisina." Masyado itong bata sa ganitong bagay.
"Pero Ate Vale, gusto ko sumama-"
"-Zia dito ka lang, matatagalan kaming umuwi, kailangan mong matulog ng maaga."
"Kainis naman, kailan ba ako lalaki, lagi na lang akong naiiwan." Maktol niya bago binagsak ang pinto saka umalis. Nagmadali akong pumunta sa kompanya.
"Magandang hapon Miss Vale." Bati ng ilang na dadaanan kong empleyado.
"Bakit nandito pa kayo?" Tanong ko rito.
"Pinag OT kami Miss," sagot nito kaya napatigilan ako.
"Choice ninyo dapat ang OT, at kung kailangan lang. Sinong nagpa OT sa inyo? "
"Si Miss Alejo po," sagot nito kaya napaisip ako kung sino ito.
"Ok, pwede ng mag-out ang gusto ng umalis." Sabi ko at dumeritso sa conference room.
"Nandito na pala ang batang nagmamarunong." Sabi ng isang lalaking mataba.
"Hindi na dapat sinasabi ang mga bagay na halata naman." Mapait kong sagot sa kanya.
"Hindi rin naturuan ng tamang asal, hindi nakapagtataka." At kumulo agad ang dugo sa sinabi nito.
"Mataas ang tiningin sa sarili akala mo, matayog na ang narating." Sabi ng babaeng nasa early 30s. Kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.
"Hindi porket ikaw na ang mag-ari ng kompanya ng ama mo, ay hindi mo na kami gagalangin, mas matanda parin kami sayo." Pangaral ng lalaking kaedaran lang ni Gavin nasa mga 20s.
"Marunong akong gumalang aa mga taong kagalang galang. Patunayan ninyo munang isa kayo sa mga taong yon. Kadarating ko lang insulto agad ang bumati sakin, hindi man lang ako pinaupo muna, yan ba ang kagalang galang? " Sagot ko sa kanya at ramdam ng lahat ang pagtaas ng tension sa loob ng conference room.
"Bakit ka naman namin gagalangin, wala ka lang sa kalingkingan namin, hindi ka pa nga nakakagraduate ng highschool. Wag kang magmataas ija, wala ka pang nararating." Sabi ng matandang babae.
"You mean sa kwartong ito ako ang pinakamababa? Jan ka nagkakamali, basi sa posisyon natin ngayon kayo ang mas mababa." Matigas kong sabi, hindi makapaniwala ang lahat sa tinuran ko, akala nila masisindak ako ng ganoon kadali.
"Wala naman tayong planong maggalangan sa isa't isa, dumeritso na tayo sa problema ninyo." Bago pa man may makasagot sa kanila.
"I can't believe this, wala siyang breeding." Sabi ng babaeng nasa 30s. Anong tawag sa kanyang harap-harapang nang iinsulto, noble queen?
"Gusto kong magpull out ng share, alam nating babagsak din tong kompanyang to, ayaw kong madamay." Sabi ng lalaking sing edad ni Gavin.
"Go ahead," May natawang matandang lalaki na nanahimik lang kanina.
"Ganyan ganyan din ang ama mo, walang inuurungan." Nakangiti nitong saad, hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi.
"Tama, mana sa ama niyang walang magandang naidulot." Sabi ng babaeng sinabihan akong mataas ang tingin sa sarili.
"Really Miss Woods? Walang naidulot na maayos? Hindi ba si dad ang dahil kung bakit ka nakatapos ng College, isa ka sa mga scholars ni dad, hindi ba? At sa kompanyang ito ka nagsimulang buohin ang pangalan mo bilang isang entrepreneur? Dahil lang hindi masupportahan ni Dad ang tito mong tumakbo sa halalan, nakalimutan mo na kung paano ka niya binihisan." Kalmado kong sabi at nahihiya naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
"Ikaw Mr. Choi? Ikaw ang nandito, pero desisyon ng tatay mo ang nakikita ko, kailan ka ba magkakalakas ng loob para patunayan ang sarili mo, yong masasabi mong, sarili mong desisyon?" Baling ko sa lalaking unang nag-sabing magpupull-out ng share.
"Desisyon ko ang ipull-out ang share ko dahil totoo namang malulugi na ito." Sagot niya sakin.
"Talaga? Matagal na kayong nadawit sa maduming pangalan ni dad, sa tingin ninyo magkakaroon kayo ng magandang simula kapag umalis kayo sa kompanya ko?"
"Sa tingin mo naman, dahil mas mayaman ka ngayon wala kaming ibang negosyo? " Sagot ng isa pang babae na sinabihan akong walang breeding.
"Talaga Miss Alejo? May iba kang negosyo? Sa pagkakaalam ko representative ka lang ng asawa mong uugod-ugod." Disgusting, kabet lang naman siya.
"Nakikita kong wala niisa sainyo ang sang-ayon na ako ang nakaupo sa posisyon, mag-sialis kayong lahat ng sabay sabay tayong bumulosok pa baba. Anong inaasahan ninyo? Ang iba ninyong negosyo? Hindi lang ito basta kompanya, alam niyo yan. Isa pa dito kayo nagsimula, kung anong meron kayo ngayon ay galing dito. Umalis kayo, sisiguraduhin kong hindi lang ako ang babagsak mag-isa." Tahimik silang lahat, walang niisa ang naglakas loob ng magsalita.
"Bakit ba hindi niyo ako mabigyan ng pagkakataon patunayan ang sarili ko? Dahil ba bata lang ako? Noon bang nilagay ninyo ako sa pwestong to naiisip nyo ba na bata lang ako, na napakabata ko pa para sa malaking responsibilidad nato. Nilagay nyo ako posisyong ito panindigan ninyo.
Work under my supervision! " Akala nila mapapasakamay nila ang kompanya. Alam nila hindi ko kakayanin at plano nilang bilugin aki at kumbensehing ibenta ang shares ko. Hingal akong tumingin sa kanila.
"I can play dirty, dirtier than my father."