The Return of Her Father

1361 Words
Chapter 11: Return of Her Father "Kahit hindi kita pansinin, pagpepyestahan talaga nila ako sa inggit dahil mapapasakin ang pinakamalaking kompanya sa buong pilipinas." Saka humawak sa bewang at binigyan ako ng mapagtaas na tingin. "Kasama doon ang pagkasira mo, ilang bises mong inakit si dad diba? But what happened? Wala kang napala. Kaya kumabit ka sa mga kalaban ni dad. And offer to be a mole in my company. Pati ang bodyguard ni dad pinatulan mo para makakuha ng impormasyon, right?" Gulat na gulat itong nakatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata nito at galit na tumungin sa akin. "Pinaabort mo ang anak mo sa dati mong boyfriend dahil gusto mong magpabuntis sa dad ko kaya napanggap ka na single na walang bahid ng ka katihan." Galit na galit ito saakin pero bigla siyang ngumiti. "Wala ka namang ebidensya. Isa pa ba't ka nila paniniwalaan? " Kumapyansa nitong saad at lalo akong natuwa. Lalo niya lang sinisira ang reputasyon niya. "Akala mo ba gusto ka nilang lahat? Gusto nilang maging boss ka? Hindi, gusto lang nila na maalis si dad sa pwesto at ikaw ginamit kalang nila para mangyari ang gusto nilang mangyari." Saad ko ngunit lalo lang itong ngumiti. "So? Akin parin ang Amadeus Corporation whether they like me or not." Sagot nito saka malademonya akong ngumuti. "Really? " Saka ko tinaas ang maliit na mic, kanina ko pa hawak. "Recorded lahat ng sinabi mo, and one click viral ka na sa social media." Natahimik ito at napatingin sa hawak ko. Naalala niya sana na inamin niya lahat ng kalukuhan niya. "Give me the hottest post you've got." Sabi ni Alzia habang hawak ang cellphone niya at vinivideohan si Miss Faller. Padabog itong umalis sa harap ko. Matapos ang ilang oras ay bumalik si Miss Faller. "Ikaw na lang ang kulang," sabi niya na may demonyong ngiti. Tumayo ako at nag-ayos ng damit. Pagpunta ko sa conference hall ay nandon lahat ng empleyado. "Magandang araw sa ating lahat, alam kong kilala na ninyo ako pero mapapakilala ako ng pormal. Ako si Vale Amadeus ang anak ng dating may-ari ng Kompanyang ito at sa ngayon ako na ang may-ari." Nakita kong wala silang pakialam sa sinasabi ko. Nababagut sila? "Kung sino man ang hindi sang-ayon sa pagiging CEO ko ng Kompanya mag-taas ang kamay." Nagtaas ng kamay lahat ng empleyado at malaki naman ang ngiti ni Regina Faller. "Umalis na kayo hindi ko kayo kailangan sa kompanya ko." Sabi at biglang nagbaba ng kamay ang iba. Pero may iba ring matigas ang muka kasama ang ulirang secretary ni dad. "Ang nanatiling nakataas ang kamay your fired." "Ang lakas naman ng loob mong tanggalin ako bata, ako ang pinakamatagal na nagtatrabaho sa kompanyang to. Ako ang mas nakakaalam kung anong mas ikakabuti ng kompanyang ito kaysa sayo." Saad ng isang babaeng matanda habang tincture ako. Security guard lang ang nasisiguro kong saakin ang katapatan sa ngayon kaya kahit marami sila kampante ako. "Security," sabi ko at lumapit na ang mga security upang ilabas sila. "Teka lang, Regina? " Awat ng isa sa mga pinapalabas. "Alam mo bubwit, wag kang magmarunong, babagsak ang kompanya mo kapag nawala sila. At isa pa ako na ang may-ari ng kompanya ngayon." Hindi pa pala siya tapos illusyon niya. "Your fired, " sabi ko sa kanya. Malakas itong tumawa at tila ba katawa-tawa ang tinuran ko. "Hindi mo ba narinig ang sinasabi ko ha? ako na ang may-ari ng kompanyang ito dahil buntis ako at ang tatay mo ang ama." Saka may pinakita pa siyang papales na sa kanya nga pinangalan ang kompanya. Nagbulung-bulongan naman ang iba, may ibang natuwa at may ibang hindi na nagustuhan ang kadesperada ni Miss Faller. "Ilabas na siya." Akmang lalapit ito sa akin ngunit nahawakan siya ng mga guard. Hinablot ko naman ang papales na hawak niya. "Victorino's last will ang testament. I give my poultry farm to my loyal secretary." Basa ko sa nakasulat. Saka ko siya tuning tiningnan saka nagtaas ng kilay. "Poultry ang pinamana sayo hindi ito, isa pa hindi ka na buntis di ba pinalaglag mo ang anak ninyo ni Baldo para hindi lumaki ang tyan mo at maakit mo si dad? " Nanlaki ang mata ng janitor namin. Galit na galit si Baldo kay Regina, tinapon niya ang wedding ring nila at umalis sa conference hall. Hindi porket bata ako, hindi ako marunong magbasa. "Ilabas na sya." Sabi ko at wala ng nagawa si Regina, gulat siya sa nangyari nanlulumo siyang kinaladkad ng security guard. "Kung hindi parin nagbago ang isip ninyo, maaari na kayong lumabas salamat." Sabi ko sa mga naninindigan kanina. "Nasisiraan ka na ba? Gusto mo talagang mapunta lang sa wala ang pinaghirapan ng ama mo? Malaking kawalan si Faller siya lang ang nakakaalam kung paano patakbuhin ang kompanya." Walang respetong saad ng isang empleyado. "Umalis ka sa harap ko." Walang gana kong sagot sa kanya. Ayaw na ayaw ko sa lahat ang kiniquestion ako. Galit ang mga muka nila at nagsimula ng maglakad palabas. "Babagsak rin naman ang kompanyang ito, wala ng reason para managing pa rito." "Wag nyong iisipin na makakapasok kayo sa iba pang kompanya at makakabalik pa kayo sa kompanya ko." Napatigil sila ng konti habang ang mga kaibigan ni Regina ay parang walang narinig. "Sa wakas malinis na, magpapatupad ako ng taas sweldo at dalawang araw na day off ng bawat isa buwan buwan. I'll work on it by this month and hopefully will be effective by next month. " Napahinto na talaga ang iba kahit ang kaibigan ni Regina. Nahihiyang bumalik ang iba pero hindi rin sila lumabas. Habang lumabas na ang iba kahit labag sa loob. May nagtaas ng kamay. "Magtatanong lang po, wala na si Regina totoo kasing siya lang ang nakakaalam kong paano patakbuhin ang kompanya." Kahit nakakainsulto, alam kong totoo. And I appreciate his politeness. "Ako ang anak ng dating may-ari alam ko kung paano." Sagot ko sa kanila, hindi maipagkakaila na hindi sila kumbensido. "Umalis rin po ang magagaling na empleyado." Dagdag ng isang pang natitirang empletado. Pansin kung natira ang mga bagong empleyado, mga kakapasok lang sa kompanya. "Mas magaling ang palalit sa kanila. Mag-bubukas ng hiring ngayon din." Tumango na lamang sila kahit nag-aalangang. "Ayaw ko ng late, at late magpasa ng report. Every late report deduction of wage." Tahimik lang ang lahat, walang balak na magsalita ng hindi maganda. "Call me Miss Vale at ito naman Alzia call her Miss Alzia." "Nandito na po siya Miss Vale." Sabi ng isa sa mga security guard. "Papasukin siya." Ani ko at pumasok na ang bagong secretary. "Siya ang bagong secretary Mr. Gavin Fernandez." Pakilala ko rito. "Pero isa siyang criminal." Reklamo ng isa. Alam ko iyon pero kampante ako na maayos na ito. Nakausap ko na ang doktor niya, nakatulong sa gamutan niya ang kagustohan niyang gumaling para sa anak niya. Ibang iba na siya ngayon, walang props na reading glasses at braces. Malinis at kagalang galang siya ngayon. Isang tango ng pagbati ang ginawad nito sa akin. "Dismiss." Hindi ko gusto marinig ang mga reklamo nila. Wala na rin akong ibang sasabihin. "Nice to see you again." "Hindi mo dapat ginawa ito, Vale. Alam mong alam ng lahat na sa kulongan ako dapat hindi dito. At masama na ang tingin nila sayo dahil sa papa mo, mas dinagdagan mo lang dahil pinalabas mo ako." Agad na bungad nito sa akin. "Masama na ang tingin nila, wala akong magagawa don, panindigan ko na lang." Simple ng sagot ko sa kanya. Napansin kong tahimik lang si Alzia. "Pero-" "-Ikaw lang ang pwede kong pagkatiwalaan ng kompanya ko habang nasa school ako. Isa pa alam kong kaya mo, naniniwala ako sa kakayahan at malaki ang tiwala ko sayo. Wag mo rin sana akong bibiguin." Putol ko sa pagtutol nito. Bumuntong hininga ito hudyat ng pagsuko at tumingin kay Alzia. Nag-iwas ng tingin ang anak nito. "Zia, anak." Tawag nito. Naluluha siyang tumingin kay Gavin at tumingin siya sakin. Tumango ako at ngumiti. Saka ito tumakbo palapit sa ama nila. "I miss you, dad." Sabi niya habang umiiyak sa dibdib ni Gavin. "I miss you too, baby Z." Bulong ni Gavin sa anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD