Chapter 6: Unexpected Friends
Nagising ako sa kirot ng binti ko.Nakita ko si Annika at yong lalaking drug user na nakausap ko noong isang araw. Magkayakap sa couch natutulog.
Saka ko narealize nasa clinic ako, pumasok ang nurse. Dahan dahan siyang lumapit sakin dahil baka magising sila.
"Kamusta na ang pakiramdam mo? " Mahina niyang tanong.
"Mahapdi ang binti ko," sagot ko.
"What happened to you anyway? Para kang nabugbug na talong," komento niya sa lagay ko.
"Napaayaw lang, you know cat fight." Napataas ang kilay niya, halatang di naniwala pero ngumiti din kinalaunan, naintindihan niyang ayaw kong magkwento and she respect that.
"Alright, maya-maya lang lilinis ko ulit ang mga sugat mo, cheneck lang kita sandali at ito ang mga pain killers mo sa table kapag hindi mo na matiis ang kirot, babalik ako mamaya," sabi niya. Tumango lang ako. Aalis na sana siya.
"Can you do me a favor? " Mahina kong tanong sakanya.
"Yeah? " Nakangiti niya namang sagot.
"Paki gising lang sila," sabi ko.
"You've got real friends, I see. Alam mo bang hindi sila umuwi, since dinala ka nila dito? " Kaya nagulat ako, they care that much? Umalis na siya at binagsak niya ang pagsarado ng pinto kaya napatalon sa gulat sina Annika.
"Pucha!" Gulat na sabi ni Annika ng makita niyang nakayakap pala siya kay, di ko pala alam pangalan niya. Kalmado lang ang lalaki at parang walang paki, nagtatanggal ng muta at ginugulo ang buhok.
Habang si Annika naman halatang awkward, nagpapanggap na maldita na naman. Hindi niya alam kong paano magsimulang basagin ang katahimikan. Tumunog ang cellphone ko.
"Vale san, ka? Bakit ayaw mo ko buksan, kanina pako dito, tulog ka pa ba? " Diretsong tanong ni Shara.
"Wala ako jan." Sagot ko.
"Sinungaling! Kanina pa ko dito maaga ako, nilalangaw na ako kakahintay. Hindi ko nakitang lumabas ka." Sabi nito.
"Nasa clinic ako," Binabaan ako bigla, nabadtrip na yata.
"Ano palang nangyari sayo? " Tanong ni Drug user.
"Cat fight," Magsasalita sana si Annika naunahan siya ni Addict, kaya napatikom siya ng bibig.
"Really? Nakita kitang nakahandusay ka sa tapat ng abandunadong classroom, cat fight?" Sumiryoso ang mga muka nila naghihintay ng explanation. Mahina akong napatawa.
"I'm fi-," bumalibag ang pinto.
"VALE! " Pumasok si Shara na pawis na pawis. Nanlaki ang mata niya ng makita niya ako, lumapit sakin at napahawak sa braso ko.
"Anong nangyari? Sino gumawa nito? Kailan pa to? Sabihin mo sakin kong sino. Vale magsalita ka! SINO GUMAWA NITO! " Sinapak siya ni Annika sa ulo.
"Aray! Ikaw ba gumawa nito? " Paratang ni Shara.
"How dare you!" Inis na sabi ni Annika.
"Ingay! Aga aga, ang sakit nyo sa tainga." Reklamo ng nag-iisang lalaki.
"Anong sabi mo?! " Sabi ni Shara.
"What! " Sabi rin ni Annika, nagkasabay sila ni Shara.
"Sabi ang ingay! " Inis na inulit ng lalaki ang sinabi niya.
"It's your fault anyway, if you just admit what you did to Vale, nothing nonsense will happen," malditang sabi ni Annika.
"IKAW BA MAY GAWA KAY VALE NITO! " sigaw ni Shara.
"Calm down," Sabi ko at bumukas ulit ang pinto. Pumasok si Headmaster. Tumingin siya sakin, sa mga sugat ko at tumingin sa mata ko.
"What happened?" Kalmadong tanong nito.
"Napaayaw lang," simpleng sagot ko. Hindi parin napuputol ang tinginan namin
"Let your guard down, then." Hamon niya sa akin. Pero hindi ko ginawa.
"What do you need, headmaster." Sabi ko at nag-iwas ng tingin kunwari kuha ko ng tubig sa tabi ng kama ko.
"What your doing, is dangerous Miss Amadeus." He said.
"I'm fine, if that's what you want to hear."
"Hindi yan ang gusto kong malaman." Pilit niya paring hinuhuli ang tingin ko.
"I'm fine, kaya ko sarili ko." I know my self more. Hindi siya umimik, nakatingin lang siya sakin.
"Hindi ka bibigay, hindi ba? " Tanong niya ng matanto nitong hindi ako susuko agad. Tumango lang siya at lumapit sa table sa tabi ko saka nilagay niya ang dala niyang prutas.
"Hindi lahat ng binibigyan ng tinapay, magbibigay din ng tinapay." Bulong niya sa akin.
"Minsan prutas," sabi ko. Naiiling na lang siyang umalis sa kwarto.
"Is it Gavin? " Biglang tanong ng lalaki. Kaya natigilan ako.
"Yong nerd? " Tanong ni Shara.
"Who's Gavin?" Tanong ni Annika. Nakatingin lang sakin ang lalaki.
"Come on, it's just simple cat fight." Sabi ko lang.
"CAT FIGHT? Anong pusa bayan, singlaki ng lion at singlaki ng palad yong kalmot niya? Gusto mo sabunutan kita ng matauhan ka? "Galit na sabi ni Shara
"Can I slap this bitch." Inis na sabi ni Annika. Suddenly we heard a small knock.
"Ano! Kanina pa laging may dumadating mamaya na kayo! " Sabi ni Shara.
"Pwede bang kumalma ka? " Saway ko sa kanya.
"Sorry ha! Nahahigh blood lang ako sa ka cat fight mo." Galit na sabi niya.
"Isa."
"Wag mo akong ma Isa isa, Vale." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ka..kaya kong magbilang mag-isa." Sabi niya at umupo na lang sa couch. Bumukas ang pinto. Pumasok si Gavin.
"Labas," sabi ko.
"You hear that? Get out. " Sabi ni Annika kay Gavin.
"Labas, lahat kayo. Gusto kong makausap si Gavin, labas." Nagulat silang lahat sa sinabi ko. Wala paring umimik.
"Please," I finally beg for them to get out. Tumayo na si Shara at lumabas, nagdadabug pa. Tumingin sakin si Annika.
"Five minutes, " sabi ni Annika bago lumabas. Tumingin ako sa lalaking hindi ko parin alam ang pangalan.
"Hindi ako aalis," pinal nitong sabi. Wala na akong magagawa don. Tumingin ako kay Gavin, wearing his nerd props.
"Hindi mo pa ako sinusumbong, I see." Sabi ni Gavin.
"I told you, I don't break promises." Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ko ang card ko pero alam kong di niya tatanggapin. Inabot ko sakaniya.
"You really think tatanggapin ko yan?" Sabi niya na wala paring emosyon
"Alam kong hindi, kinukonsensiya lang kita." Hindi niya inasahan ang sinabi ko, kaya napalunok siya ng konti kaya napangiti ako. "As I promise, hindi ako magsasalita, change for your daughter, is it deal?"
"Why? " Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Cause I'm a daughter too, hindi ako maalagaan ng dad ko puro siya trabaho." I said.
"Dehado ka parin, nasaktan ka at ganon na lang yon." Alma ni hindi ko alam ang pangalan.
"Ayoko ng gulo, just let this pass." Sabi ko, tumingin ako kay Gavin.
"Wag ka mag-alala, walang magsusumbong, sa ngayon, but one wrong move, end of the game. Kahit na puruhan ako ngayon, hindi parin ako madaling kalaban." Bilin ko sakanya.
Hindi parin kumbinsido si Gavin na palalam pasin ko yon ng ganon ka dali at hindi rin sang-ayon ang isa rito.
"Hindi parin sapat na dahilan na naawa ka sa anak niya, kasalanan niya yon, wala ka na don." Alma ni lalaking nagdala saakin dito.
"Everyone deserve a second chance, lahat tayo nagkakamali, kahit ikaw, sila, anong pinagkaiba?"
"Nagdruga lang ako, sinaksak ba kita?" Pinaglaban niya ang punto niya.
"Tumigil kaba? " He was taken aback.
"I'm working on it. " Matapos niyang bumuntong hininga.
"Then wag tayong magmalinis, ako rin naman, the difference is, hindi ako binigyan ng pagkakataon, pero kayo binigyan ko."
"Your soft heart will be your downfall." Sabi ni Gavin bago siya umalis. I don't, Gavin. I don't have a soft heart. Pumasok ang dalawang babae paglabas ni Gavin. Alam kong rinig nila ang usapan namin kaya tahimik lang sila. No one dare to break the tension until.
"Ma walang gala na, pero kanina ko pa kasi gustong itanong, ano bang pangalan mo, kanina ka pa nandito." Tanong ni Shara. Narealize din yon ng lalaki, di namin alam pangalan niya
"Radley," sabi niya.
"Radley? " Tanong ni Annika. At bigla siyang nahiya dahil napatingin kami lahat sa kaniya
"Bakit?" Awkward na tanong ni Annika at nag iwas ng tingin.
"Radley Emanuel." Tumaas ang kilay ni Shara, pero lumapit na lang siya sakin at umupo sa tabi ko saka ako pinagbalat ng orange.
"Di ba kayo papasok ngayon? " Tanong ko.
"Hindi, kong san ka don ako." sagot ni Shara, magkasing year lang kasi kami. Habang si Annika second year, si Radley hindi namin alam.
"Yeah right, " sabi ni Annika at nakikain na rin sa prutas.
"Pwede na siguro akong umalis," sabi Radley.
"Pwede nah, pero ayaw yata ni Annika na umalis ka." Binato siya ni Annika ng balat ng orange.
"Hindi ka kailangan dito lumayas kana," sabi ni Annika.
Seeing them like this, makes me feel uncomfortable, odd pleasing. I tried to hide my smile and look away. Is this family feels like?
Saan nga ba nasusukat ang pamilya? Sa kadugo?
All I know is a family consist a father, a mother and a child or children. In addition of your relatives. As I turned my gaze on Shara and Annika. They are arguing about something yet, I could still see the comfort to each other. They cared about me morethan my real family. Iba kasi sa amin, kung sino pang kadugo, sila pangsumisira sayo. Bakit kaya?
Mas matimbang na ang estranghero sa kadugo.
They say 'blood is thicker than water' sometimes I think it doesn't make sense.
The next days, they become more clingy. They stick around a lot. Magkaibang section kami ni Shara, kaya tahimik ang buhay ko. Pero inaabangan niya rin ako sa labas ng classroom ko kapag break. Sa likod ng dorms din kami laging nakikita nina Annika at Radley every lunch break.
I never expect to have friends. I mean, Hindi ko inaakala na magkakaroon ako ng kaibigan. Should I classify them as friends? Even though I'm keeping something from the them.
I didn't saw this coming. In just snap, they use to hangout with me, in my favorite place. Kailangan ko bang sabihin sa kanila? Maybe not hindi nila maiintindihan. Nandito ako ngayon sa tambayan ko sa likod ng dorm building.
Wala pa sila dahil midterm na namin. Nasa taas ako ng puno at may narinig akong paparating. Nakita ko si Radley diretso lang siyang umupo sa ilalim ng puno kong saan ko siya unang nakita.
"Radley," tawag ko sakaniya.
"Hmm. " Bumaba ako at tumabi sa kaniya.
"Tumingin ka sa mata ko." Ginawa naman niya.
"Anong nakikita mo?" Tanong ko.