Chapter 7: Same Kind
Nagtataka siyang tumingin sakin. "Anong ibig mong sabihin? "
"Sabihin mo sakin kong anong nakikita mo," saad ko. Bumuntong hininga lang ito.
"Ano yan? " Nagtatakang tanong nito. "Nakadrugs ka ba?"
"Alam kong may nakikita ka," Pareho kaming nakasandal sa puno.
"Anong sinasabi mo?" Pero napapaisip na rin siya at hindi pa rin umamin.
"Wag kang mag-alala, di ka nag-iisa, sabi ni Headmaster we're called peruser, we have ability of strong reading to a person, by intense staring, we'll determine something. Ability we possess is called peruse, I can see everyone's dirt secrets, how 'bout you? "Nagulat siya sa sinabi ko, hindi makapaniwalang tumingin sakin.
"Biro ba yan? " Pagkakaila niya pero halatang nagdadalawang isip siya kung maniniwala ba siya o hindi. Tumingin ako sakaniya, I can feel it, when he reads me.
"Hindi ko alam, pero noong nakausap kita, walang reaksyon ang muka mo pero nakita ko sa mata mo.....ikaw nakangiti ka." Paliwanag nga sakin.
"Simula noon, nakikita ko na ang mga reaksyon ng kahit sino, ang totoo nilang reaksyon. Naalala mo noong nakita kita sa harap ng abandonadong classroom? Nakasalubong ko si Gavin walang reaksyon ang muka niya pero nakita ko sa mata niya nakinakabahan siya." Tuloy tuloy niyang sabi.
"Akala ko noong bata ako, guni guni ko lang yon kaya di ko napapansin." Mahina niyang sabi.
"Pereho tayo, nalaman ko lang ang uri natin noong nakausap ko si headmaster, may alam siya tungkol sa mga katulad natin, pero ayaw niyang mag-salita."
"Peruser rin ba siya? " Tanong niya saakin. Tumango ako. "Anong kaya niya? "
"Kong nagsisinungaling ka o hindi, pero duda ako don." May pakiramdam ako na hindi dapat siya pagkatiwalaan.
"Bakit? " Nagtataka rin nitong tanong.
"Di ko alam." Duda ako sa kanya, may tinatago siya.
"Masinsinang usapan? " Biglang tanong ni Shara. Nilapag niya ang dala niyang mga pagkain.
"Kanina ka pa?" Tanong ko kay Shara.
"Hindi, tuloy nyo lang." Saad nito habang inaayos ang mga pagakain.
"Hindi ko na kailangan to." Sabi ni Rad sabay abot sakin ng card ko.
"Sigurado ka? " Kahit hindi na niya ibalik, ayos lang. Tumango lang siya. Binalik ko lang sa pitaka ko ang card ko.
"Bakit na sayo ang card ni Vale? " Tanong ni Annika dumating narin pala siya.
"Pinahiram ko lang," sagot ko.
"Bakit? 'Di ba mayaman ka? " Tanong nito kay Rad.
"Papa ko mayaman hindi ako." Sagot niya. Nag-aayos parin si Shara ng pag-kain.
"Did you quit? " Tanong ko. Tumango lang siya.
"Ng ano?"Tanong ni Shara.
"Drugs," sagot ko. At walang reaksyon lang si Radleigh.
"Really? " Hindi makapaniwalang komento ni Annika.
"Pano naman yong papa mo? " Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin na parang ayaw niyang sabihin.
"It's fine," sabi ko. Suko ko at hindi na pinilit ang itanong.
"Ano bang meron, may hindi ba kami alam? " Inis na sabi ni Annika.
"Umalis na ako," sabi ni Radley hindi pinansin si Annika.
"Sang ka ngayon? " Alam kong itatakwil siya kapag sumalungat siya sa amain niya.
"Dorm malamang," walang buhay na sagot niya.
"Hey! Hangin lang ba kami dito?" Reklamo ni Annika, alam ko kung anong kinakainis niya. Habang natatawa naman ni Shara pero nagpipigil lang. Tiningnan lang siya saglit ni Radley.
"Pinutol niya na lahat ng koneksyon namin, pati allowance. " Kalmado niya lang na sabi.
"Ba't mo binalik? " Tanong ko. Kailangan niya pala yong card ko, bakit niya binalik.
"May ipon ako, at nagtatrabaho ako sa coffee shop." Sabi niya. Kanina ko pa napapansin badtrip si Annika.
"So hindi, nyo talaga kami papansinin." Galit na sabi ni Annika. At biglang tumayo at umalis.
"Oh, ow." sabi ni Shara. Kumain na lang ako, I'm not being insensitive, I know something is going on, pero si Radley dapat ang umayos non, total sila naman ang may issue.
"Habulin mo," utos ni Shara kay Radley.
"Hayaan mo lang," sabi ni Radley kaya na pataas ang kilay ko.
"Vale oh, tingnan mo to," sumbong ni Shara. Nag-iwas tingin lang si Radley at kumain na.
"Gago ka rin talaga noh? Gusto mo sampalin kita para matauhan ka? " Inis na sabi ni Shara. Tumingin ako sa kaniya kaya napabuntong hininga siya at tumayo na para habulin si Annika. Hindi na sila parehong bumalik kaya, umalis na rin si Shara para sa klase niya, habang ako, hindi muna pumasok. May umupo sa tabi ko, It's him.
"Kumasta na sugat mo? " Tanong niya hindi ako lumingon sakaniya hinayaan ko lang siyang umupo.
"Ayos na lahat, peklat na lang, pero mawawala din naman daw to." Simpleng sagot ko lang.
"Bakit hindi ka pa nag-sumbong? " Hindi pa parin pala siya nakalimot sa usaping ito.
"Bakit ako mag-susumbong? " Balik kong tanong ko sa kanya.
"Bakit hindi?" Balik na tanong nito.
"Matalino ka, wag mong sayangin, yon lang." Sabi ko sakanya, alam ko gaano siya katalino. Malaki ang kaya niyang gawin. Skill defines him well.
"Hindi ko maintindihan, bakit ang dali mong magpatawad, halos hindi ka makalakad ng ilang araw pero hindi mo ko ginantihan." Mahina niyang tanong niya saakin.
"Betraying is a mistake, mistake is part of learning, and learning is part of growing. Forgiving is moving forward. I choose to to forgive and move forward and to leave the pain behind. Sa tingin mo kong gumanti ako, matatapos ang gulo? Kung paulit ulit kong babalikan ang masakit na nakaraan, paulit ulit ko lang bubuksan ang sugat ng madilim na karanasan. Pareho lang tayong masasaktan." Paliwanag ko sa kanya.
"Sana, naisip ko yan bago ko nagawa lahat ng nagawa kong mali, sana kagaya mo, kaya kong magpatawad ng ganon ka dali." Sabi niya. Ramdam ko ang lungkot at panghihinayang sa boses niya.
"Nagmahal lang naman ako, sa murang edad pinangarap kong magkapamilya kasama ang babae pinangarap ko. Nagkaanak nga kami, pinanganak niya ang anak naming babae, si Alziah, maayos ang lahat hanggang sa nagsawa siya, napagod na siya sa pagiging ina, gusto niya ng kalayaan, ang bumalik sa dating buhay.
Hindi ako pumayag at nagmakaawa na wag niya kaming iiwan, pero tinakasan niya kami, hindi na bumalik at nagpakita, nahanap ko siya may iba nang kinakasama. Doon nagsimulang tumatak sakin na walang babaeng nakokontento, wala silang silbi, dapat sa kanila ginagamit at unahan mong itapon bago ikaw ang itapon nila.
Hindi ko namalayang sumubra na, simula noong gabing yon, natauhan ako sa ginagawa ko, halos hindi ko matingnan ang anak ko ng diretso, hindi ko mapatawad ang sarili ko. Wala akong kwenta." Tahimik na bumuhos ang luha ni Gavin. Nakayuko at tuloy tuloy lang ang tahimik nahikbi.
"Hindi ko kaya, hindi ko pa kayang patawarin ang sarili ko, hindi ako pinapatulog ng konsinsiya ko. Sinabi ko ang mga ginawa kong kasalanan kay headmaster, galit na galit siya pero sabi niya, baka may problema ako sa pag-iisip.
Ayoko na, gusto ko nang magbago, pero kailangan ko munang pagbayaran ang mga kasalanan ko. Sabi mo sakin noong gabing yon, hindi mo ako bibiguin." Napalingon ako sakaniya at tumingin siya sakin. "Malaki ang tiwala ko sayo, ikaw lang ang pinagkakatiwala ko, alam kong malaking pabor ang hihingin ko sa kabila ng ginawa ko sayo, pero ikaw lang ang kaya kong pagkatiwalaan." Inabot niya sakin ang dala niyang bag.
"Sayo ko ipagkakatiwala ang anak ko." Pulang pula ang ilong at mata niya. Isang makisig at tisoy talaga ang nagkukubli sa malaking reading glasses ay braces niya. Lahat yon pagbabalat kayo, para itago ang kaniyang pagkatao. May mga dumating na lalaking nakaputi at dinampot si Gavin.
"Sandali lang po."Pigil ko sakanila.
"Mangako ka sakin Vale, pakiusap." Pagmamakaawa niya.
"Pangako," At tumalikod na sila kasama si Gavin
"Sandali, ano nang mangyayari ngayon ?" Tanong ko.
"Gagamutin ako sa hospital at pagkatapos ng gamutan, diretso ako sa kulungan," at ngumiti siya ng mapait.
"Until we meet again? I guess? " Tumango lang siya sakin at binigyan niya ako ng kalmadong ngiti. Hindi ko akalaing aamin na siya, akala ko tatakas siya, magpapakalayo-layo at alagaan ng mabuti ang anak niya.
Your so brave to face your own downfall willingly, Gavin. Hihintayin ka ng anak mo. Pumunta ako sa dorm ni Gavin at nandon nga ang anak niya, nakaupo ang sa lamesa nakaharap sa bintana.
"Hi," walang buhay na sabi habang nakatingin sa bintana. Lumapit ako sakaniya, nakita ko kung saan siya nakatingin, ang tambayan ko, napanood niya palang dinala ng mga lalaki ang papa niya. "Your Vale, right? " Malamig niyang tanong.
Nagulat ako sa inasal niya, hindi ko inasahan kung paano siya magsalita, para sa isang 6 na taong gulang, kung magsalita akala mo mas matanda pa siya sakin.
"Yeah, your Alzia am I right? "
"Obviously," sagot niya. I almost drop my jaw with that come back. Hindi ako naiinis, sa halip ay humahanga ako sa tapang nito.
"Pwede ka bang humarap? " Mahinahon kong tanong. Humarap naman siya pero nakayuko. Umupo ako sa harap niya.
"Ayos lang, alam kong nasasaktan ka." Sabi ko at hinawakan ko siya sa balikat. Marahas niyang tinabig ang kamay ko at masamang tumingin sa mata ko.
I can feel it, she's trying to read me. But blocked her. Nakita ko kong paano siya nahirapan, sa paghahanap ng kung anong gusto ngang mahanap. Hanggang sumuko siya at nagtataka ang nabasa ko sa muka niya. Kinarga ko siya at inupo sa lamesa.
"Anong hinahanap mo? " Tumungin ako sa mata niya.
"May hinahanap ka diba? I can feel it, your trying to break my barrier." Ngumiti ako sa kaniya. Nagulat siya sinabi ko. Kaya mas lalo akong napangiti ako. "You are peruser, I mean we, may kakayahan tayong bumasa ng tao, Anong kaya mong basahin sa isang tao? "
"What do you mean? " Tanong niya.
"Look at my eyes again." This time I let my guard down.
"Anong nakikita mo? " Tanong ko sakanya.
"Sin, your sin." Sabi niya. Ako naman ang bumasa sa kaniya, alam kong naramdaman niya na parang maghinuhugot ang paningin ko.
"I can see your secret. "Nagulat siya sa sinabi ko.
"Liar," inis niyang sabi saakin.
"You saw, how your father beat me." Sabi ko, then pain flash on her face.
"You saw how your father beg your mother to stay, you know what your father have been doing to all the girls who ask for his help." Sabi ko at nag-uunahang bumaba ang mga luha niya.
"They deserve it, they're just using my dad, they're nothing but sluts just like my mother. " Galit na sabi niya. Niyakap ko siya at humagulgol siya ng malakas, mahigpit ang yakap niya sakin.
"Everything is going to be alright, sabi nga nila 'After the rain there's a rainbow." I said to make her feel better.
"Yet you'll get sick." Tama nga naman lalagnatin ka talaga kapag nagpaulan ka.
"Hindi, kong malakas ka. " Depensa ko sa sinabi ko.
"How to be strong, then?" Nakabaon parin ang muka niya leeg ko
"Accept all the pain, and forgive. " I said. I know won't be surprised if she'll freak out.
"I'm not saint to forgive easily, wag kang magkaila, your human, we all are, we hate, cry, smile, despise, that's what normal people do.
Mata sa mata, Ngipin sa ngipin, Puso sa puso. Yan ang sabi ni dad.
Crap! Your forgive! " Tinulak niya ako, yan ang paniniwala ng ama niya na pinaniniwalaan niya na rin.
"Yeah, we cry, we hate, we cheat, we betray, we do horrible things. Your right, 'cause we're human, but don't forget the best part of being human, we learn and then we fought. Then you'll realize that despite of being imperfection we deserve to be happy.
In order to be happy, genuinely happy, we should forgive. Wala tayong magagawa. It's their choice to betray you, to hurt you, forgive them but it's your choice to not to trust them anymore." Nanlambot ang muka niya at pinunas ang mga luha niya. Ngumiti ako sa kaniya.
"Nasasaktan ka lang dahil, nagtitiwala ka, nag-eexpect ka, nag-aasume,...nag-mamahal." Tumango naman siya.
"Pano ka magiging masaya kong wala kang pinagakakatiwalaan, wala kang kaibigan?" Katwiran niya pa.
"Nasabi ko na diba? It's part of being a human, being human is all about risking and forgiving, non stop." Tumango siya sa sinabi ko.
"So choose wisely who to trust." Niyakap niya ako ulit.
"Promise me," sabi niya. "Never hurt me, 'cause I trust you from now on." Bulong niya sakin.
"I can't, hindi ko maipapangako na hindi kita masasaktan pero kung may gawin man akong ikasasama ng loob mo may malalim akong dahilan." Sabi ko at naramdaman kong nakatulog siya habang yakap ako.