Chapter 8: Peaceful Life
"Vale! Hintay! " Tawag ni Shara sa akin habang tumatakbo papunta sa akin. Minsan sumasabay ito sa akin, ganoon din si Annika. Kadalasan na sa kani-kanilang buhay lang. Madalang kaming makasalubong ng daan.
"May budol akong nahagilap, tingnan mo. Friendship necklace, tag-isa tayo ni Annika. " Inabot niya sa akin ang isa. Isang silver, isang gold at isang may light pink or something pink. Gold ang binigay niya sa akin.
"Magkano?"
"Grabe ka naman, libre yan. Ako na bumili para sa atin. " Ibinulsa ko ang binigay niya at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"How's layp, by the way?" Tanong nito at napalingon ako sa kanya saglit.
"Usual," simpleng sagot ko.
"I see, nag-iipon ka pa rin ng words. Tatakbo akong grade representative ah, boto mo ko. " Active talaga siya sa ganyan.
"Sure. "
"Shara! " Biglang tawag sa kanya ng isang estudyante.
"Gora na yata ako. Sigeh, by lab you. " Saad nito bago lumihis ng daan at lumapit sa tumawag sa kanya. We have our own life to live and that's what I want.
Mabilis lumipas ang araw, marami ring nagbago. Isang araw kasama ko pa sila pero unti unti rin silang nawala. Si Annika iniiwasan ako, si Radley abala sa pagtatrabaho para sa tuition, si Shara may mga bagong kaibigan na, mga kaklase niya.
At ako, dating gawi. Hindi naman ako nasasaktan o galit. Mas mabuting ganito, malayo sila sakin. Hindi ko kayang maging mabuting kaibigan, at isa pa hindi na nila ako kailangan.
Si Alzia naman, sa dorm lang, lumalabas naman, akala ng lahat ay anak siya ng isa sa mga may-ari ng mga shop sa paligid. Pero hindi, lumipat na siya sa dorm ko, she's leaving with me. Masasabi kong maralino rin talaga, mas matalino pa kumpara sa tatay niya. Hindi narin ako mainit sa mata ng mga chismosa, I leave like I doesn't exist, just what I want it to be.
Walang reaksyon ang muka ko pero sa kaloob looban ay nakangiti ako, simple, papasok sa umaga, uuwi paghapon, magshoshoping. Hindi naman ako nahihirapang alagaan ang anak ni Gavin. Alam niya paano magluto, bumili ng pagkain, maligo, magtoothbrush, at magbihis.
Kailangan niya lang pera at closet. Ang hilig mamili, maglakwatsa, at maglustay ng pera. Maaga akong nakauwi, nagulat ako ng makita ko di Alziah sa study table ko nagbabasa. Marunong na siya magabasa, tinuruan siya ng dad niya noong three lang siya.
"Hey! " Bati ko.
"Your early," Sabi niya.
"YOUR early, ako dapat magsabi niya." Sabi ko. Lagi kasi yang wala kapag umuuwi ako, pakatapos kong maligo saka ko yan hahanapin kong saan yan nagsususuot
"Napagod lang ako." Sabi niya napansin kong malungkot siya. Nahagip ng mata ko ang mata niya.
"You saw it, didn't you? " Tanong niya.
"Not sure." Sagot ko sa kanya.
"Gusto kong lumabas." Sabi niya.
"Go ahead, pupuntahan na lang kita mamaya." Alam kong hindi yon ang ibig niyang sabihin.
"Alam mong hindi yang ang ibig kong sabihin." She firmly said.
"Your six-"
"Seven," putol na sa sinasabi ko.
"Still, to young to live alone! " This is the disadvantage of being too smart, mahirap pigilan ang gusto.
"Kaya ko naman eh, I can cook, brush my teeth, clean, wash my clothes-."
"Can you fight? " putol ko rin sa sinasabi niya.
"Can you? " Balik tanong niya sakin.
"Hindi," Putcha, you just raised a baddass, Gavin.
"See, you leave on your own even though you don't know how to fight, bakit ako kailangan ko." Katwiran niya.
"This is a dorm, well protected cause our parents pay for it. This is a safe zone. That's why where allowed to live alone." Hindi na siya umimik.
"Isa pa, sakin ka pinagkatiwala ng dad mo, paano kong may mangyaring masama sayo tapos malaman ng dad mo, magagalit yon, masisira ko ang tiwala niya, you know how valuable trust is. Specially to your dad, he never trust anybody since your mother left except you of course. Ako pa lang, ako palang ang pinagkakatiwalaan niya and I promise to take care of you "
"Ok," sabi niya.
"Ano bang gusto mo?" Malumanay kong tanong sa kanya.
"Wala kang time sakin so I enjoy my self by exploring the whole campus, hanggang na libot ko na lahat, na try ko na lahat, at na babagot na ako, wala ng bago, paulit-ulit na lang." Reklamo niya. Kaya napangiti ako sa naisip ko.
"Halika." Umupo kami sa kama ko.
"Panoorin mo to, at laruin natin mamaya." Sabi ko at pumasok na ako sa cr para maligo. Pagkatapos kong maligo at mabihis ay bumalik ako sa kaniya na tutok parin sa pinapanood niya. She's not just smart, she's genius kaya tuturuan ko siyang maglaro ng chess. Umupo ako sa study table. Kinuha ko ang chess board ko.
"Zia," Tawag ko sa kanya at umupo siya katapat ko.
"Naintindihan mo ba? " Tanong ko kong naintindihan niya ang takbo ng laro.
"Yeah," sagot niya. Kaya rules na lang ang kailangan kong sabihin at mga pangalan.
"Ok, I'll just make it clear. Ito ang pawn, pano siya tumakbo? " Tanong ko sa kanya.
"Move forward to the next square." Sagot niya.
"Yeah, that's right, pero sa first move, every first move, it's your choice to move two squares or one forward. But the next move it should be one square, " at pinakita ko sa kanya. Tumango naman siya.
"Bakit bigla nagslant ang move niya in this part." Pinakita niya sakin ang video.
"Ganiyan siya kumain, did you notice? Pinalitan niya ang spot ng kalaban at kinuha niya ang pawn ng kalaban." Tumango naman siya. At tinuru ko sa kanya ang rules at move ng bawat piece.
At pinanood niya ulit ang video, ng paulit ulit. Tapos na kaming kumain at nag-aaral na lang ako ngayon.
"Can we play? " Tanong niya sakin.
"Yeah," sagot ko. Dinala niya ang chess board and sa study table ko. Akin ang white kaniya ang black.
"Ako una," sabi niya.
"Laging nauuna ang white, that's a rule." Sabi ko. Binalik niya ang inimove niya at ako ang unang nag-move.
Medyo reckless siya sa unang laro, nakafocus siya sa pag-ubos ng piece ko hindi niya napapansin na, pain ko lang lahat yon.
"Check mate," sabi ko. Saka niya narealize na talo na siya
"Bakit ang hina nitong king, tapos pagnamatay siya tapos na ang laro. The Queen can lead the game." Reklamo niya.
"It's the game rule, king is the most powerful yet the weakest, he holds the game, the king represent you, your the brain of the group and you let them fight for you, but without you, end of the game." Paliwanag ko.
"I'm girl, I should be the queen." She insisted
"Its not about gender, it's about position, your the king 'cause your the head of the game." sabi ko.
"Time to sleep, " sabi ko sa kanya at tumango na lang siya. Pinatay ko na lahat ng ilaw, lamp shade na lang ang natira.
"I miss dad," bulong niya sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Makikita mo rin siya, soon."
"Promise me, you won't leave like everyone does, you'll stay with me forever." Bulong niya.
"I can't," Sagot ko sa kanya.
"Why? " Malungkot nitong tanong saakin.
"One day, you'll understand, people comes, people leave, even if I want to, alam kong gugustuhin mong umalis, umalis sa tabi ko, to explore the world more, to live independently.
Just always remember I'll here when you need me, you are can come home to me, everytime you need me." Alam kong bata pa siya para sa ganitong bagay, pero hindi siya isang normal na bata, na pwedeng utuin. She's more than that.
"I won't, I know. " Giit niya.
"Sabihin na natin ako, ako ang aalis for the better, for important matter, I will always come home to you." Ngayon palang gusot ko ng linawin na walang permanenti sa mundo. Ayokong maniwala siya ng hinding hindi ako mawawala sa tabi niya.
"Promise? "
"Of course." At natulog na siya.
"I can't be with you forever."
Maaga akong nagising pero mukang mas maaga si Alziah. Naririnig ko na ang talsik ng mantika. She loves cooking. Sinangag ang niluluto niya. Naabutan ko siyang nakatungtong sa isang upuan para maabot ang lutuan.
"Morning Vale! " Masigla niyang sabi. Hindi talaga siya marunong gumalang.
"Morning,"
"Anong oras ka uuwi? " Tanong nito habang nakatingin sa niluluto niya.
"5:30, I guess." Nagdadalawang isip na tanong ko.
"5:30 then."
"Bakit? " She's planning something, I think.
"Wala lang," sabi niya. May nagdoorbell kaya ako na bumukas. Nagulat ako ng makita ko si Headmaster.
"Pasok po," sabi ko na lang kahit pa nagtataka ako.
"Bakit may bata rito? " Tanong niya.
"Anak siya ni Gavin," sabi ko. Alam kong galit pa rin siya kay Gavin. Pero ngumiti siya at humarap kay Alzia.
"Anong pangalan mo iha? " Sabi niya at pilit na hinuhuli ang mata ni Alzia.
"Alzia po," sabi niya habang nag-iiwas ng tingin.
"Bakit hindi ka tumingin sakin? " Tanong niya. Tumingin si Alzia sa kaniya, nakita kong pilit niyang pinipigil ang tingin Ni headmaster hanggang sa naiiyak siya. Lumapit ako agad sa kanya.
"Ano bang kailangan mo? " Tanong ko at mahigpit ang yakap sakin ni Alzia.
"Kailangan lang kitang makausap." Sabi niya.
"Wag kang matakot sakin Alzia, hindi ako mananakit, kailangan ko lang makita kong mapagkakatiwalaan ka." Tumingin sa kanya si Alzia.
"Nice meeting you, sin keeper." Ngumiti siya kay Alzia at kumalma na naman siya
"Sa kwarto po," sabi ko at tinuro ko ang kwarto pumunta naman siya doon.
"Dito ka lang, may pag-uusapan kami. Importante lang, taposin mo yan at maligo ka na." Sabi at tumango na siya. Pumasok ako sa kwarto at nakita ko si headmaster nakatingin sa picture namin ni Alzia.
"Masaya ka ba? " Tanong ni Headmaster.
"Bakit hindi?"
"Hindi ko inaasahan na ganiyan ka kabait sa likod ng walang reaksyon mong muka, may angel na nakatago." Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya.
"Mag-iingat ka, hindi lahat ng pinapakitaan ng kabutihan magiging mabuti sayo, kahit anong sakripisyong ginawa mo para sakanila kong wala sayo ang katapatan nila, walang kwenta."
"Alam ko," hindi niya ako dapat paalalahanan pa.
"Kaya ba hindi ko na nakikita na magkasama kayo ng mga tinulungan mo noon?" Ano bang point mo?
"Hindi nila ako kailangan, maayos na ang buhay nila sangayon, isa pa hindi kami magkauri." Mapait kong sagot.
"Buhay mo yan, wala akong karapatang makialam." Dapat lang, dapat marunong din siya lumugar kahit pa headmaster siya.
"Anong pag-uusapan nating importante? "
"May paaralan para sa mga katulad natin, tinatawag itong Perusal Academy."
"Pagtungtung mo ng tamang edad, ay kailangan mong pumasok sa paaralang yon. Paaralan ito ng mga susunod na kawani ng gobyerno. Nagiging abogado, detective, sundalo, nurse, guro at iba pang kawani ng gobyerno ang gumagraduate doon. Dahil sa kakahayan nating tukuyin ang katotohanan, tayo ang kailangan ng gobyerno. Sa edad na 18 kailangan mo ng pumasok sa paaralan." Paliwanag nito, kung iisipin ay eskwelahan ito ng mga nagpapalakad ng bansa. Bakit talamak pa rin ang kurapsyon kung ganoong hindi naman sila kayang linlangin?
"Ibig sabihin marami nga kami? " Ito ang napansin ko sa lahat, akala ko ay bilang lang ang mga kagaya ko.
"Hindi, naman ganon karami."
"Namamana ba ang ganitong kakayahan, ibig kong sabihin, isa ba sa magulang ko ay peruser?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi namamana ang pagiging peruser, pilî lang ang may ganitong kakayahan, isa sa limang libong tao ang may ganitong kakayahan." sabi niya
"Si Radley, bakit hindi pa siya pumapasok sa paaraalang yan?"
"Kawani ng gobyerno ang kailangan nila, hindi drug lord." Natahimik ako sa tugon niya.
"Nagbago na siya."
"Alam ko, kaya nga aalis na siya ngayon." Napatango naman ako sa sagot niya.
"Labing apat ka pa lang, enjoy your peaceful life for now, sinabihan lang kita para mapaghandaan mo " Sabi niya at tumayo na, hindi ko na siya pinigilan.
"Alagaan mong mabuti ang batang yan, darating ang panahon siya ang maglalabas ng ama niya sa kulungan." Sabi nito saka namin nakita si Alzia, nakasilip sa pinto.
"Mag-aral kang mabuti, Alzia. Kailangan ka ng papa mo." Saad ni Headmaster bago umalis. Tumingin si Alzia sakin.
"Aalis ka?" Malungkot niyang tanong.
"Matagal pa yon, kailangan kong mag-aral don, at ikaw rin, kapag malaki kana."