Chapter 19: Badass Orientation
Gusto ko sanang sumagot pero tinikom ko ulit ang bibig ko dahil sa sama ng tingin ni Zid sa akin.
"Sige! Ituloy mo! Gusto kong marinig ang pambabara mo-"
"- tanungin mo kung gusto ba kita?" Putol ko sa sinasabi niya, gusto niya daw marinig. Bakit tayo tatanggi, di ba? Akmang sasampalin ako nito, pero nahulog ang mentos ko, kaya agad ko itong pinulot. Hindi na nito natuloy ang pagsampal sa akin.
"Kung hindi lang sa utos ng headmaster, napatay na kita. " Pilit niyang hinihinahon ang boses niya. Humugot ng mala-lalim na hininga.
"Kung hindi nahulog ang mentos ko, nasampal mo na ako." Sagot ko rito at napaupo na ito sa isang upuan hawak ang ulo niya sa inis. Inabutan naman siya ni Lixir ng tubig.
"Ano bang meron, napatakbo tuloy ako dito?" Saad ko sabay bukas ng mentos saka kinain ito. Nabitin ako sa kinakain ko kanina. Galit na galit silang lahat sakin, kahit si Jed na maayos kong nakausap noong first meet namin.
"His our adviser, you idiot!" Sabi ni Jill the Pawn. Mahina pero nanggigigil ito sa akin.
"I know.".Natahimik lahat sa sinabi ko, niisa walang nagtangkang magsalita. Tila takot sa kung anong maaaring mangyari.
"And yet you dare to disrespect me! Your such a disappointment of this team!" Hindi na nagpapigil sa pagsigaw ang Adviser ko.
"I'm dissapointed too! Oo alam kong ikaw ang Adviser, sino bang tanga ang hindi makakaintindi. Sinubukan ko na insultuhin ka, to see how would this team react, but instead of defending you, they stayed silent like a trained dog.
Sometimes we need to break rules to do something better." Binalingan ko ng tingin ang mga kasama ko.
"And now, your telling them to break my rules?!" Galit na sabi niya habang dinuduro ako. No one can hurt a broken heart anymore. Try to touch a broken glass and it'll cut your skin.
"Hindi mo naiintindihan ang punto ko-"
"-Wala ka talagang kwenta, you don't deserve my team." Nanggagalaiti ito habang sinisigawan ako. I just sit unbothered.
"Ede wow," nakakainis tong matanda to, naiinis man ako. Hindi na ako nagsalita ng iba pa. I will just waste my saliva for pointless conversation. Tinatakot na ako ni Lixir gamit ang mata niya, lahat sila to be exact. Naiinis silang tinitingnan ako.
"Kaya ko ginawa iyon para makita kung saan ang loyalty nila, sayo ba o sa rules mo. Mas bobo pa kayo sa akin." Maktol ko na lamang pinagkakaisahan nila ako.
"Conference room. " Utos ni Zid kaya napaisip ako kung saan iyon..Pumasok kaming lahat sa secret room, akala ko tapos na, intro pa pala, magigisa ako nito. Kahi kumakabog ang dibdib ko, wala akong magawa sumunod ako sa kanila. Umupo ako pero doon sila sa isa pang table lumapit. Hindi naman halatang di ako oriented agad akong lumipat kung nasaan sila.
"I think, I should introduce myself to this idiot, to make my self clear. I'm Arlando Molina, the Adviser of Justice Fixer l." Tango tango naman ako. Kaso siniko ako ni Lixir napatayo ako agad.
"I'm Veil, nice meeting you sir." Sabay ngiting plastic. Pasensya na, iyon lang ang kaya. Hindi niya ako pinansin, at nagsimula ng magtalak ng mga rules niya.
"BE PROFESSIONAL!" At iyon lang ang naintindihan ko while the rest is history.
"Understand Miss Veil? "Baling nito matapos ang lahat sa wakas.
"Crystal," kanya kanyang masamang titig na naman sila kaya napaayos ako sa pag-upo."I mean, Loud and clear." Kahit magpa quiz ka pa.
"I need your cooperation, this time." Saad ni Zid sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Mr. Molina ask your real name and what kind of peruser are you."
"That's unfair." Sagot ko, at sumubo ng isa pang mentos.
"Rule no. 7," biglang singit ni Jed sa usapan.
"I know how to follow rules, but what you're asking is below the belt." Agad na sagot ko sa kanya. I am being b***h since noong dumating ako wala namang naging mabuti sa akin, so they'll face my bithchyness forever the rest of the school year.
"Pano mo naman na sabing below the belt, pangalan mo lang naman." Singhal ni Jill at nabaling ang tingin ko sa kanya. Hindi porket madami sila mapapasunod nila ako.
"Nabasa ko na ang school policy, dapat mo ng kalimutan ang tunay mong pangalan, at hindi mo na ulit pwedeng sabihin." Katwiran ko, malas nila at nabasa ko ang handbook.
"Kailangan ito para sa grupo." Hindi na nakatiis si Jim sa pananahimik niya.
"I don't trust you." Walang gatol na sabi ko.
"Well you need to, dahil grupo tayo." Malditang sabi ni Lixir. Biglang uminit ang ulo ko noong naalala ko ang ginawa niya kahapon.
"Bakit? May tiwala ba kayo sa akin, ni katiting?"
"You just showed up, what do you expect?" Sagot ni Jill, clearly a no.
"That's the point, I just got here, what do you expect? You expect me to be knowledgeable about everything. Kadarating ko lang at bali ng ilong ang natanggap ko, kasi dissapointed kayo." Saan ako nagkamali? Hindi na nila napapansin ang kawalan nila ng respeto sa akin bilang tao.
"Enough," awat ni Zid sa amin.
"No, tell me Zid. Is it fair enough? Na tratuhin ako ng ganito na hindi ko din naman alam kung bakit ako napunta rito sa position ito?" Nag-iwasan sila ng tingin sa akin habang tahimik lamang ang Adviser. Ngunit kitang- kita na hindi nito gusto ang sinabi ko.
"Kung anong kailangan namin sayo, iyon din ang ibibigay namin." Pagbibigay ni Zid ng condition.
"Ayaw kong malaman ang pangalan nyo, sainyo na yan. " I've lost my temper already. Don't expect na makakausap nila ako ng matino.
"But we need your f*****g name, gaano ba katigas niyang ulo mo?" Kahit si Jed ay badtrip na.
"Ano ba kasing kailangan ninyo sa pangalan ko-"
"- ano bang tinatago mo sa pangalan mo." Balik na tanong agad ni Zid sa akin.
"Wala, pero kayo, may gusto kayong malaman sa pagkatao ko, you want my name for background check right? Bakit hindi ako ang tanongin ninyo? "
"Bakit magsasalita ka ba? " Kalmadong sabi ni Jim pero halatang frustrated.
"Good point." Marahas silang napabuga ng hangin.
"Alam nyo palang ayaw kong magsalita, bakit nyo pinipilit? Ibig sabihin ayokong malaman nyo." Obvious naman diba?
"Kung wala kang tinatago bakit ayaw mong sabihin? " Tanong ni Zid at natigil ako. Naramdaman kong natuwa sila sa tanong ni Zid, akala nila mahuhuli na nila ako.
"Every school policy has a reason at iyon ang hindi ko alam, better be safe than sorry." Napaiwas ng tingin si Zid. Few seconds later Zid sigh for defeat.
"How about your peruse?" Matamlay nitong tanong sa akin.
"Secret," Napahampas si Sir sa lamesa dahil sa inis. Without knowing that I'm telling the truth, I can peruse secret of a person. "You may go."
Agad akong tumayo, ito ang pinaka-nakakatraumang tagpu ng buhay ko. Tumayo na rin ang iba para umalis.
"Jim and Zid, stay." Hindi ko na pinansin ang sinabi nito at dire-diretso lang ang lakad pa labas. Bigla akong tinulak ni Jill sa pader at sinakal pagkalabas namin sa room.
"Alam kanina pa ako nangangating sakalin ka, at putulin yang dila mo, masiyado kasing pasmado." Nanggagalaiting nitong sabi sa akin.
"Bakit 'di na lang sabunutan, total pareho naman tayong babae." Sabi ko at napalunok siya sa sinabi ko. Natigilan ang Jed at si Lixir sa nasabi ko. Tama nga ang hinala ko, nagpapanggap itong lalaki.
"Hindi nyo alam na babae siya? "Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Napatingin silang dalawa kay Jill.
"Sorry-" sinuntok niya ako sa panga. Hindi ko pa man natapos ang sinasabi ko. Nakaiwas na ako sa pangalawang suntok at inawat na nila kami, hinawakan nila Jed at Lixir si Jill habang ako nanakit ang panga.
Gusto ko ng umuwi, wala pa man akong isang linggo.
"Wala ka na talagang mabuting naidulot! Puro na lang gulo!" Sigaw ni Lixir sa akin. Nabalabas na rin sila Zid.
"Kayo ang nauna, maayos akong dumating! Anong nangyari? Pinagkamalan akong Chimay dalawang bises, hindi ko na pinansin, binalian ako ng ilong, hindi ko rin inireklamo ngayon pagdududahan ako?
You didn't give me a chance to prove my f*****g self!! You judge before even seeing me! Ano bang meron sa position na yan at pinag-iinitan ako ng lahat. I came here knowing nothing but myself, I f*****g left my life para lang tratuhin ng ganito!!
Di ba justice fixer kayo, nasa harap ko kayong lahat pero hindi ko makita ang hustisiya!" I lost it, I lost my composure. Sobra na kasi, what did I do to deserve this treatment.
"Tumaas ang boses ko, walang galang na naman ako ngayon, lahat ng gawin ko masama, pinaninindigan ko lang para naman hindi kayo magmukang kontrabida sa buhay ko." Tumalikod na ako bago pa man bumagsak ang luha ko, mabilis ko ring pinahid at pumasok ako sa elevator.
Nakatingin ako sa kanila habang pasarado ang elevator. They hated me even they haven't seen me, then how the f**k can I change it? Galit na sila bago pa man may gawin ako. Kahit anong gawin ko mali at ikagagalit nila. Ede panindigan, hindi naman ako natatakot.
Agad ring nag-unahan ang mga luha ko pagkasarado ng elevator. Pinindot ko ang ground floor/Surface at nakatingin lang ako sa repleksyon ko. Malakas parin ang daloy ng luha ko pero wala kang makikitang reaksyon ko. Galit akong nakatingin sa sarili ko, I look so weak and a crybaby.
I should never give them the satisfaction they want.