Long Lost Friend

1333 Words
Chapter 20: Long Lost friend Pumunta ako sa ground floor, meaning nasa rooftop ako ng school dahil nakabaon ito sa lupa. Hindi ganon kadali makalabas, may mga matataas na rehas. May malakas na boltahe rin na nakapalibot. Mistula itong malawak na lupain na hindi nagagalaw. Matatayog ang mga puno at matataas na talahiban. Merong isang malawak na patag para sa mga physical activities. Walang katao tao ngayon dahil hindi panila kailangang lumabas. I am thinking of entering military training. But for now, I have to face that brats that ruined my entire day. Umupo ako sa isang lilim at niyakap ko ang tuhod saka iniyak lahat ng nararamdaman ko. Kumuha ako ng maliit na stick at pinaghahampas ang puno. Hindi ko mapigilan ang inis, lalo na at wala akong magawa para gumanti. Hindi ako pwedeng bumangga ng kahit sino nag hindi ko pa sila tuluyang nakikilala. Hindi ko matanggap ang kawalang respeto nito sa akin. "Wala naman akong ginagawang masama, pero lahat na lang kasalan ko! Kasalan ko bang ako ang pinili nila sa position na yon! Kung makikilala ko lang kung sinong naglagay sakin sa positiong yan, luluhod ako, alisin niya lang ako sa grupong yon. I rather live like I don't exist than to live like a queen with toxic people!! Akala mo naman, sila na ang pinakaperpekto sa mundo, di nga nakakaintindi, makaasta parang alam lahat, bubo naman! Makaarte kala mo di umuotot! Ang panghi na nga ng budhi, ang papangit pa ng muka!" Pinanggigilan ko talaga ng husto ang malaking puno ng mangga. Tumingin ako sa relo ko, malapit na magtanghali, dalawang period pa ang na miss ko. "Nakakapangit ang magdrama." Nagulat ako ng may nagsalita sa likod. Kilala ko ang boses na iyon kahit hindi ako lumingon. It was just Lixir. The witch. "Kahapon pa ako pangit, sinira niyo nga yon-" "- ilong mo." Siya na ang nagdugtong sa sinasabi ko. "Buti naman, nagsink in na sayo sa wakas. At medical practioner ka sa groupo alam mo siguro kung gaano kamahal ang pagpapagawa ng ilong. " At humarap ako rito. Nahagip ng mata ko kung paano siya na guilty sa sinabi ko. Tama yan, magsisi ka. "Nandito ako para gamutin ang panga mo." I was taken aback when she said that. "Pride ko ang masakit, hindi ko kailangan ng tulong mo." "Sabi ni-" "Sabi ni Zid, hayaan mo siya, sabihin mong tapos na, I'm fine." Pinal kong saad. "Per-" "I'm fine Lixir, alam ko namang napipilitan ka lang, ayaw kong ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi para sakin. Paki sabi na lang sa mga kagrupo mo, kaya kong mag-adjust. Kung ayaw nyo ko sa grupo, then don't treat me as part of it. Act like I don't exist, that will be much appreciated. Hindi ako makikialam, hindi ako manunumbat, basta wag ninyo din akong pakialamanan. You want that Hell right? Pwede namang siya na lang sa trabaho ko pero don parin ako sa kwarto ko. Hindi ako sasama sa mga activity ninyo dahil alam kong gulo lang ang dala ko sa inyo. I'm fine with that. Narinig mo naman siguro, I rather live like I don't exist." Hindi ko man lang sinubukang itago ang bitterness sa boses ko. Wala na akong nakikitang dahil para manatili kaya napagpasyahan kong maglakad na pabalik sa loob. "I'm sorry," sabi niya bago ako makalayo. "Forgive ang Forgotten," sagot ko at hindi ko na hinintay ang sasabihin nito. Bumaba ako para kumain bago pumasok sa klase ko..Dahil sa sama ng loob ko may nabangga kong lalaki may dalang pagkain. Pati pagkain ko natapon. "Sorry po, sorry kuya, badtrip lang ako, diko napansin, sorry talaga." Habang sinusubukan kong linisin ang mantsa. "Ayos la-" natigilan siya kaya napatingin ako kaya naman dala ng pagtataka ay tiningnan ko ito. "Veil," mahina niyang sabi habang nakatingin sa name plate ko. Doon ko siya namukaan. Radley? Radley siya nga. "R-" tinuro niya ang name plate niya. "Red! Red? " Sa tuwa ay napayakap ako sakaniya agad. Parang nawala lahat ng inus ko sa mundo. "Grabehh ang laki ng pinagbago mo." Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. "Ikaw rin, dalaga ka na, it's been 4 years." Kalmado niyang sabi parang di siya natutuwa na makita ako. It was a but off. "I know! Pero iba ka parin, alam mo bang naaalala kita kapag malakas ang ihip ng hangin o kapag may nakikita ako walis tingting." Natatawa kong sabi at napangiti rin siya ng konti..Umupo muna kami sa isang table "Ano nah, anong balita? " Nagtataka pa rin ako sa kilos nito. Para bang mat bumabagabag dito. "you've changed alot, I see. The way you speak, you talk, ikaw ba talaga yan? " Hindi makapaniwalang sabi niya. Tahimik na Vale ang kilala niya. "Apat na taon na ang nakalipas, of course I've changed for the better, I learned how to trust, to smile, to laugh. At nasasaktan narin ako ng paulit ulit." Konwaring drama ko, but the truth is, I learned how to act and to fake this. I will never change. "Hindi kita matutulungan sa problema mong yan, how's...." nagdadalawang isip nitong tanong tungkol Annika. "Ann? " Napangiti ito ng matamlay, akala ko ay nagkamove on na ito. Ang tagal na noon at hindi man lang siya nagparamdam. "She's fine, doing great things, kasama siya sa nagpapatakbo ng kompanya ngayon." "Kompaniya?" Hindi nga pala niya naabutan ang pangyayaring iyon pero hindi ligtas na pag-usapan ang kompanya ko sa ganitong lugar. "Oo, successful na siya, pero wala ka." Agad kong iniba ang usapan ng hindi kami magawi sa kompanya ko. "Anong ginagawa mo dito?" Nakaligtaan kong hindi rin pala nito gustong pag-usapan si Annika. Nakikita kong apektado pa rin ito. "Nagchange topic ka naman agad, maling tanong pa. Sympre nag-aaral." "I mean bakit ka nandito, you shouldn't be here." Pabulong nitong sabi at kumunot ang noo ko. "What do you mean? " "Alam ba ni Headmaster to? " Muka siyang frustrated kaya hindi ako makasagot, hindi ko alam kung anong dapat isagot. "Of course alam ng gate keeper, bakit ko pa tinanong." Sagot nito sa sarili niya, hindi ko siya maintindihan, anong meron? "Bakit? " "Hindi ka dapat nandito." Nagsisimula na akong kabahan, anon ibig nitong sabihin, may hindi ba ako alam? "Bakit? " "This is hell," madiin nitong sabi ngunit pilit na hinihinaan ang boses. "What do you mean? " Impit kong tanong, I am losing my patience. "Once you get in, you can never get out." He just drop the bomb like that and I was caught off guard. "Joker ka na pala? " I said and act as if it was nothing but deal. "Hindi ako nagbibiro, alam mong di ako nagbibiro." He's clearly not kidding around. "Ibig sabihin, hindi kapa nakalabas, ever since that day? " "Nakakalabas naman, pero di ka nila pwedeng makita o makilala, hindi ka rin makakalabas basta basta." Habang nilalaro ang konting pagkain na natira. "Nakakalabas ka lang kapag may mission ka, maglinis ng kalat o gumawa ng kalat. "Bakit? " "Hindi ko alam," sabi niya tumayo na para umalis. Napansin kong dumating pala sina Zid at completo sila. Kaya tumayo na rin ako para umalis. "Stay," mahina nitong utos at agad na nag-init ang ulo ko. "Aso ba ako? " "Gusto ka naming makausap." Ang babaeng sumuntok sa panga ko, may tapang pa pala siyang kausapin ako. "May klase ako, mamaya na lang." "Are you ok?" Tanong ni Jed bago ako makaalis. "Yap!" sabay kindat. "I'm always fine. Una na ako, kailangan ko pangmagbihis." Dahil matapunan din ang damit ko. Nilagpasan ko sila, at ramdam na ramdam ko ang titig ng mga estudyante sa paligid. I don't care. Dali dali akong nagbihis para makaabot sa klase ko. Pagdating ko sa klase ay nakita ko don si Jim, I act like I don't know him. Hindi gaya noong nakaraang araw na tinatapik ko siya sa likod saka ngitngitian. Dumiretso ako sa bakanteng upuan at ngitnitian lahat ng tumingin sakin, liban kay Jim na nakatitig lang sakin simula ng dumating ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD