Chapter 21: Fun Activity
Mabuti na lang at dumating na si Professor at nagsimula na siyang mag discuss, this class is about hacking kaya nandito si Jim. Si Zid doon siya sa Logical class, nag-aaral siya sa lahat ng specification doon, law, edu, at iba pa. Si Lixir sa scientific class, doon lang din siya paikot ikot sa iba't ibang classification. Si Jed sa physical Class, dahil defender siya, pinag-aaralan niya lahat ng method. Jim dito sa techno dahil siya ang mata ng grupo, hacking and etc. Si Jill palipat lipat gaya ko, dahil seeker siya kailangan niya ang Logical class, para mag- analyze ng kung ano ano, kailangan niya ang scientific para gamutin ang sarili niya in case wala pa si Jed, kailangan niya rin ang Physical Class para pagtanggol ang sarili niya kapag nainpit siya sa gulo. Ako sinusubukan ko lahat dahil gusto ko. Kahit mahirap naiiraos ko naman.
Pagkatapos ng ng first period sunod na ang Physical class. Ito ang ni lolook forward ko dahil next week lalabas kami, dahil nag sign up ako sa ranger. Isang lingo ko silang di makikita. Ngayon tiis tiis muna.
Nandon si Jed naisip kung lumipat ng ibang room pero mahahalata ako non ng sobra kaya hinayaan ko na lang.
Konting sparing lang ang naganap until may dumating na seniors, sila ang magruturo samin ng konting skill.
Ikinatuwa ko pa ng husto ng makita ko si Radley, kaya pala bato bato na katawan niya dahil ito ang major niya. By the pair daw isang junior at isang senior. Kaya si Radley ang kapartner ko.
"Wag mo kong pahirapan masiyado ah." Natawa lamang siya ng konti, noong una tinuruan niya lang ako ng konting stretching, hanggang sinubok na niya kung gaano ako mang balance ng sarili. Pinatayo niya ako sa isang maliit na box, isang paa lang ang nakaapak. Hawak ko naman sa tuhod ang isa at nagsimula na ang timer.
Mga simple palang ang pinapagawa niya sakin pero nakakapagod. Push ups, sit ups at kung ano ano pang mild na routine. Pero ang iba na sa heavy activities na. Gaya nga sparing, duel o kung anong tawag don. Habang kami ni Red papapawis lang
Paunti unti, tinuro niya sakin ang basic routine at paulit ulit namin ginagawa. Mabagal pa sa una hanggang bumibilis ang galaw niya at pilit kong sinasabayan. Palakas ng palakas kaya nahihirapan ako, dahil pasakit ng pasakit ang mga ataki niya, na kahit na salo ko masakit parin. Patindi rin ng patindi ang impact walang tigil, paulit ulit na routine pero tumataas ang lebel.
Hanggang sa natuon na lahat ng attensyon ko sa galaw niya, naririnig ko na ang bawat hinga niya, bumabagal narin ang galaw niya sa paningin ko, bumabagal ang pangyayari, nangmamanhid ang katawan ko. Tuloy lang ako sa pagsangga sa mga ataki niya, rinig ko ang hangin sa bawat suntok niya, bilang ko nag paghinga niya, alam ko na ang bawat galaw niya. Wala akong ibang marinig kondi ang galaw ng paa niya.
Hanggang sa sinubukan kong baguhin ang takbo ng laban, imbis na saluhin ay umilag ako at mabilis sinipa ang tuhod niya pero mabilis niyang nailagan at ang binti gamit ang mga binti niya kumapit ako sa leeg niya para tuhorin ang tyan niya pero nasalo niya, nakawala ang binti ko, pag-apak ko palang sa sahid ay umikot ako sinuntok siya sa muka pero nailagan lang.
Natigil ang lahat ng nagring na sawakas ang bell, tapos na ang klase. Saka lang ako nabalik sa sasarili ko, napaupo ako sa sakit ng katawan ko, sobrang lagkit dahil sa tagaktak ng pawis at sobrang bilis ng paghinga ko. Nakita kong pinagpawisan lang siya nakatayo sa harap ko.
Napatingin ako sa sarili ako at tumingin ako sa kaniya at sabay kaming natawa. Inalok niya sakin ang kamay niya para makatayo ako. Hindi ko alam pero natigilan ako bigla, parang may nakatingin.
"Mabilis ka matuto...." puri ni Red sa akin.
"Galing kasi ng mentor ko, bukas ulit."Sabi ko at kinuha na ang bag. Saka nagsimula ng maglakad paalis.
"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong nito.
"Wala man. "
"Dinner?" Natuwa ako agad sa sinabi niya, para bang nag-aalalangan ito.
"Sure, what time? "
"7 coffee shop," sabi niya saka masaya akong tumango. Tahimik pa rin talaga siya hanggang ngayon. Umalis na kaming lahat dali dali akong pumasok sa kwarto ko para maligo at mabihis. Nagpahinga lang ako ng konti at exact 6:30 lumabas na ako para kumain. Naabutan ko nanaman sila sa baba tahimik may kaniya kaniyang ginagawa. Tahimik akong bumaba at pumunta sa elevator hindi ko pa man napipindot ay may nagsalita.
"Saan ka pupunta?" Surprisingly si Jim ang nagtanong.
"Kakain? " Sagot ko at pinindot ko na para bumukas.
"But we need to talk," biglang saad ni Zid kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.
"But I'm hungry, "
"Then we'll eat together," suhestyon ni Jed.
"Nangako na ako kay Red,"
"Sino ba yang Red na yan at inuuna mo siya kaysa samin," inis na sagot ni Lixir at talagang umangat ang dalawang kilay ko.
"Siya yong...nag-iisang hindi nananakit sa unang pagkikita. Nag-iisang natuwa na makita ako, A long lost friend," at sumarado na ang elevator.
Hinanap ko agad ang sinasabing coffee shop ni Red. Wala pa siya kaya nag-ikot ikot muna ako,bumalik lang ako exactly 7 nakita ko naman siya doon nakaupo. Kumaway ako sa kaniya at sininiyasang lumabas, alangan namang kape ang hapunan namin. Naghanap kami ng makakainan.
"Kamusta pala ang buhay dito? " Pagbubukas ko ng usapan.
"Nakakabagot, noong una masaya, thrill at nakakatuwa, ngayon wala na akong magawa, pakiramdam ko laging may tali sa leeg ko o nakakulong ako." Walang emosyon nitong sabi, tila ba walang pait sa mga bawat salita nito.
"Bakit ba di pwedeng umalis, I mean grumaduate. Dito na talaga habang buhay? Baka naman anim na taon ang klase dito kaya di ka pa nakakagraduate."
"Hindi ko alam,"agad nitong sagot na parang may tinatago.
"Ba't di mo alamin?" Pamimilit ko kahit ramdam kong ayaw niyang sagutin. Pumasok kami sa isang kainan.
"Di ako kagaya mo," ang panget nito bonding.
"Ang hard nito," sinapak ko siya sa braso. Umupo kami sa common table, nakahiwalay kasi ang upuan para sa mga kagrupo ko. May waiter agad na lumapit.
"Ikaw? Kamusta ang first week?"
"Hell" napairap pa ako sa inis. Natatawa lamang ito sa naging reaksyon ko.
"Bakit? " Tanong niya pero halata namang alam niya ang sagot.
"Alam mo naman ang sagot."
"Nakakagulat naman talaga." Sabi niya na ikinahakot ng atensyon ko.
"Bakit?"
"Lahat sila dumaan sa pagiging common student, ilan sa kanila ay anak ng mga staff ng paaralan. Itong mundong to ang kinalakihan nila, kilala sila bilang magagaling ay matatalino. Dumaan sila sa hirap para maabut ang position nila, hindi gaya mo na sumulpot lang bigla."
"Hindi ko din naman alam kung bakit. Pero siguradong may dahilan."
"Sigurado ring alam ng gate keeper to." Si Headmaster Maddox ba ang tinutukoy niya?
"Importanti pa ba yon, tatanggalin naman nila ako." Naalala ko bigla na hindi pala ako tanggap doon kaya tingin ko, hindi rin na Importanti.
"Pano ka nakakasigurado?"
"Inasar ko lang naman ang Adviser nila." Pagyayabang ko pa sa kalukuhan ko.
"Hayop ka talaga," naiiling nalang siya sa sinabi ko.
"Nainis ako eh, wala pa man ang ginagawa masama na ang tingin sakin, na parang kahit ang gawin ko makakasama sa buhay niya."
"Tsaka di naman sila kawalan. Kaya kong mabuhay ng wala pribelehiyo."
"Nasasabi mo lang yan dahil di mo alam." Ayan na naman siya, ganito rin yong sinabi niya sa akin noon.
"Bakit? " Bakit ba ang daming tinatago ng Eskwelahang ito.
"Wala," sabi niya at nag-iiwas na siya ng tingin.
"Wala bang pag-aaral tungkol sa peruse natin?"
"Wala." Sagot nito, iniiwasan niya talaga ito.
"May pera ka ba?"
"Meron,"
"Kala ko wala rin isasagot mo. Kaw pa naman magbabayad nito, kinabahan tuloy ako." I tried to lift the tension up.
"Alam ko," cool niya lang na sagot.
"Anong ginagawa mo dito pagnababagot ka? "
"Naglalaro ng kung ano ano? " Hindii siya sigurado. Dumating na ang pagkain namin. Konting kwentohan dahil parang hindi niya sasabihin sa akin ang mga gusto kong malaman. Buy I understand, siguro dahil hindi ito pwedeng banggitin o ipaalam sa lahat. Ano nga ba ang sagot sa lahat ng katanongan.