Chapter 22: Loving Life
Pagkatapos naming kumain ay naglibot libot kami sa kung saan saan.At 10pm ako nakauwi dahil curfew na yon. Umuwi na ako sa cabin ko. Naabutan ko silang lahat nakatambay na naman sa living room nagbabasa at nagcecellphone. Dumiretso lang ako sa cabin ko, hindi ko na nag-abalang makipagplastikan sakanila.
"Did you have fun? " Sarkastikong tanong ni Zid kaya natigil ako sa pag-akyat ng hagdan.
"Yeah," patay malisiya kong sagot.
"Hindi mo man lang naisip na hinihintay ka namin?" Pakikisali ni Jed sa usapan.
"Wala naman kayong sinabi." Sagot ko at tila hindi nila nagustohan ang sagot ko.
"Really!? Wala? Sabi namin kailangan nating mag-usap, hindi ka naman nakikinig." Napabaling ang tingin ko kay Lixir na nagtaas ng boses. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at binalik ang tingin sa kanya para bang sinasabi kong sino siya para magtaas ng boses. Napatikom ito at nahiya ng kaunti.
"Wala naman tayong dapat pag-usapan." Agap kong sagot dahil halos manindig ang lahat ng balahibo ko sa pag taas ng tensyon sa paligid.
"We just want you to know, hell will take your place from now on." Walang gatol na sabi ni Zid, medyo nagulat ang iba pero walang nagsalita.
"Okay," tumalikod na ako paalis.
"And your room," pahabol ni Zid sa akin.
"San ako titira?" Mahina kong tanong sa kanya.
"I don't know," ito lamang ang naging tugon nito. Gusto kong sumagot at umapila pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Kukunin ko lang gamit ko," tanging sagot ko na lamang. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at lumabas doon si Hell dala ang mga gamit ko.
"Oh! Alis na," nakangiti niyang sabi. Para bang nanalo ito sa akin. Kinuha ko na lamang sa kanya ang bag ko. Walang ibang tinuran dahil pansin kong tila naghihintay sila sa reaksyon ko.
"Thank you," sabi ko habang chenicheck ang laman kung nandon ba ang lahat ng card ko. Matapos kong makita ang lahat ay kumpleto. Bumaba ako sa hagdan at lumapit sa elevator. Bago ako makaalis humarap ako sa kanila.
"Enjoy your stay with Hell." Pang-aasar ko sa kanil at binigyan sila ng matamis na ngiti. Bago rin sumara ang elevator ay nagpaalam ako ng maayos kay Hell.
"Enjoy your stay Hell, becareful okay?" Kinindatan ko siya, akala ba nila magagalit ako? Don sila nagkakamali. Pinindot ko ang 9th floor.
Lumapit ako sa nakita kong store. Kailangang ko ng matutulugan.
"Excuse me!" Sigaw ko. Nasa loob lang din kasi ang mga staff, dito lang din sila nakatira.
"Sarado na kami, umalis kana bago maabutan ng mga nagbabantay." May nakabantay kasi sa paligid, dahil walang sino man ang maaaring na sa labas pagsapit ng curfew.
"Kasi po, pinalayas ako sa cabin ko, pwede ba sainyo, magtatrabaho na lang din ako sa store ninyo kapag wala akong pasok." Hindi niya ako pinansin.
"Saka next week pupunta ako sa ground dahil may training kami. Kaya po one week lang ako dito." Dagdag ko, umaasa na maaawa ito sa akin.
"Marunong naman ako kahit anong gawain bahay, o kahit ano kaya kong matutunan." Hindi pa rin kasi ito tinag. Padabog pa siyang nagbukas ng pinto.
"Pumasok ka na nga ditong bata ka, maabutan ka pa ng security, at ang ingay ingay mo pa." Inaantok na sabi niya kaya malapad akong napangiti.
"Salamat po! " Masigla kong sabi at tumakbo papunta sa kanya.
"Bakit ka ba napalayas?" Tanong nito sa akin.
"Wala, ayaw lang nila sakin." Sabi ko habang tinitingnan ang paligid.
"At baka may ginawa kang mali. Nagnakaw ka no." Akusa niya sa akin.
"Hindi ah, bayaran ko pa yong stay ko dito." I totally copied Shara and I feel really fake. This is not me, but who cares.
"Ako may-ari ng store na ito, tawagin mo na lang ako si Gina." Nasa mga 30s na siya maganda rin at matanggkad.
"Veil nga po pala. Ano pong peruse ninyo?"
"I can peruse your fashion style. Dito ka na lang, ayos lang ba kung sa sahig ka?" Kaya pala ganoong ang store niya.
"Ayos ako kahit saan," kahit ang totoo ay hindi ko pa narananasang matulog sa lapag. Condolence to my back. Tinulungan ko siyang maglatag ng higaan ko, nilagay ko na lang ang gamit ko sa tabi, nagulat siya ng makita niya ang nameplate ko.
"Queen Veil? " Habang hawak niya ang nameplate ko na nilagay ko lang sa maliit na lamesa katabi ng kama niya.
"Oo," sagot ko na lamang dahil wala na akong magawa.
"Sigurado ka ba?" Nag-aalala nitong tanong sa akin.
"Sa alin?"
"Naayos ka lang jan?" Tanong nito kaya tumingin ako sa tutulogan ko, gusto kong sumagot na hindi ngunit ngumiti ako at tumango.
"Oo naman, hindi ako maarte." What a great liar.
Kinaumagahan ay nagising ako dahil naapakan ni ate Gina ang kamay ko. Nakalimutan niya kasing nandon ako. Gusto kong suminghal sa inis ngunit wala ako sa lugar. I really feel disrespected and taken for granted for this past few days.
I use to be the boss, and they know nothing about it. Hindi nila ako kilala.
Kahit labag sa loob tinulungan ko siyang mag bukas ng store niya wala siyang empleyado kaya siya lahat maliit lang din ang store niya.
"Sigurado kabang magtatrabaho ka?
Ayos lang namang hindi." I appreciate her concern even if it doesn't change anything. That made me feel better still.
"Oo, gusto ko ring masubukan kahit ano, gaya nito, exciting to, magtitinda ako." I don't know if makakaya ko, but I'll try.
"Kaw bahala, wala akong pangbayad sayo." I can even buy your store, no need to pay me.
"Ayos lang, may pera ako, I can pay everything I need." Magalang kong saad, para naman matahimik ito.
"Ikaw, bahala." Wala pa namang klase, kaya nag-aayos muna kami rito, pagkatapos kung maligo ay sinamahan ko na si Ate Gina sa store niya.
"Good morning! Beautiful, looking for what?" Masiglang bati ko sa babaeng pumasok, you better don't ignore me, you better not.
"Something to eat. " Pangbabara niya sakin, puro damit naman ang tinda namin. I want to slap her actually she did not ignore at least.
"Base on your figure, this would be great on you." Abot ko sa kanya ng damit ma nahugot ko lang kung san san. Wala siyang sinabi at kinuha ang damit na inabot ko saka pumunta na sa fitting room.
Maganda naman siya kahit anong isuot niya kaya maganda parin siya kahit hinugot ko lang kung saan ang damit.
"I like you taste." sa niya habang nakatingin sa salamin.
"I know right," at sumama ako sa kanya sa salamin. Nakatingin kami sa mga sarili namin at umaawra.
"Let's take a selfie, " sabi niya at nagpicturial kami ng konti.
"I like you, what's your name?" Tanong nito sa akin habang binabayaran ang damit na binili niya.
"I'm queen veil, at your service." I playfully said habang nilalagay sa paper bag ang damit niya.
"Queen Grace by the way." sabi niya at nagtawanan kami.
"See you next time," pahabol ko bago ito nakalayo.
"Sure," sagot niya. Kadalasan sa mga customer may specific na,na kailangang bilhin kaya hindi ako nahihirapan. Pumasok ako sa klase ko, pinagtitinginan nila ako, siguro kalat na na napalabas ako sa grupo.
"Good morning!" Bati ko sakanilang lahat nasa pinto palang ako.
"Nandito na pala ang nakick out." Pang-aasar sa akin ng isang babae.
"Yeah I'm here." Hindi ko pinakitang naiinis ako. Para hindi nito maramdamang nagtagumpay siya.
"Napakaplastic talaga." Natatawa niya pang sabi, "kaya naalis sa puwesto dahil napakapllllaaaastic, nagpapanggap na masaya kahit napapahiya na." That was offensive but it just fueled my eagerness to roast her.
"Minsan kasi, wag mong itulad lahat ng tao sayo, kung plastic ka, hindi lahat ganon." Nagpout ako at tila nalulungkot para sa kanya.
"Sabi mo nga diba, ang iba, alam nating dalawa hindi ka kabilang sa ibang sinasabi mo." Sagot nito kaya lalo akong natuwa.
"So plastic ka nga, halata naman, nangangatog ang binti mo, natatakot ka talaga kung anong gawin ko pero nagtatapangtapangan ka." Too bad, nakita kong hindi ito mapakali ang paa niya.
"Ok class, I'll be your teacher for today, rule no. 1 bawal plastic ok? Para sa inang kalikasan." Malakas kong sabi. Natahimik lahat dahil sa tension sa paligid. Wala akong pakialam kahit tumigil sila sa paghinga.
"Cool lang tayong lahat, tamang judge at tamang chillax lang." Sabi ko at umupo sa upuan ko at kumain ng favorite kong gum. Bigla siyang napangiti pag upo ko sa upuan.
Nakangiti siyang umupo sa upuan niya saka ako natawa, putik laugh trip pa to kaysa sa inaasahan ko.
Alam kong kapag umupo ako sa upuan ko, may tubig natitilapon sa muka ko. Pero hinawakan ko ang string para hindi tumilapon ang tubig hinintay ko munang umupo siya at binitawan ko yon saka sinalo. Binato ko ito sa kanya saktong lumingon ito sa akin.
Kaya sapul siya sa muka. Nagtawanan kaming lahat hanggang dumating ang prof. namin..Ang bobo naman mangtrap.
Hindi ko rin sinusuot masiyado ang nameplate ko para hindi sila mailang sakin. Hindi pa naman nakakaalam lahat na ako ang bagong queen dahil ilang araw pala ako. Hindi rin naman sila mahilig sa chismis dahil committed sila sa pag-aaral nila. Mataas ang deman ng academics dito. Para itong elite school na tutuk sa pag-aaral at pag-didiskobre ng kong ano ano. May konting social climber hindi naman maiiwasan iyon lalo na kapag bayad.