Chapter 23: Do it my Way
Ako lang naman ang chill dito hindi ako natatakot makick out. Ano bang ikakatakot ko, hindi naman sila nagkikick-out. Nakangiti akong pumasok sa next class ko, nakita ko lang sa room namin ang mga estudyanteng walang pakialam. Nakatutok sila sa mga ginagawa nila, sa mga diskubre nila.
Chemicals, and stuffs. This room si full of geeks, big glasses and formal attires, with lab coat.
Ako na lamang ang wala pang report, ako pa itong chill, sila secure na ang good grades di pa rin makahinga ng maluwag. Ganon din sa ibang class, tutuk na tutuk sila, nakakalimutan na nga nila ang salitang fun, chill, and break.
Hindi rin kami gumagamit ng cellphone, o kahit pwede wala ring gagamit. They use name plate to contact their classmates. And pc for research. At wala silang ibang routine kon di, classroom, cabin, classroom, cabin, nadadaan lang sila sa Market kapag may kailangan sila, never silang pumunta don for fun.
Once they set a foot in this place, tinapon na nila ang pagkatao nila sa labas. Lahat ay nagbago na, lahat ay maayos at nakapagtataka. Tila perpekto at walang gulo.
Naramdaman kong bahagyang nagvibrate ang dala kong cellphone sa bulsa ko. Good thing Headmaster Maddox gave me this cellphone. Hindi nila ito nadedetect. Kaya na sa akin pa rin ito hanggang ngayon. Sakto namang labasan na namin palipat sa ibang subject.
Tahimik kong tinungo ang powder room. Pumasok sa isang cubicle saka kinuha ang cellphone. Nakita ko agad ang message niya sa akin.
'EMPRESS EVERYBODY, DO SOMETHING THAT WILL MAKE THEM LOVE YOU.'
'Why?' Reply ko, hindi ko siya makakausap ngayon. Dahil ika nga nila, may tainga ang pader, may pakpak ang balita at traydor pati hangin. Hindi ito sumagot kaya napagpasiyahan ko ng umalis.
Habang nagpopowder ay may nakasabayan akong babae. Malaki ang eye glasses, matangos ang ilong at may maliitan. Tingin ko ay matagal na siya rito, dahil sa maputla nitong kulay dahil bihirang maarawan.
"Done checking me out?" Nagulat akong tanong nito, sa kabila ng maliit nitong boses ramdam ko ang lamig nito.
"Yeah," hindi ako madaling masindak, lalo na kong tingin ko may laban ako. Mas maliit ito sa akin kung sakali.
"Checking up on someone it prohibited, rule no. 20 Mind your own business. " Maldita nitong saad sa akin at tiningnan ko siya ng diretso habang naghuhugas ito ng kamay. Hindi ito nakatingin sa akin at tila walang pakialam.
"Did I broke the rule no. 20, then?" Ang pagkakaalala ko ay 'Focus on your self, goal, and life. Never meddle to someone's life even if they are dying. ' yon ang nakasulat. Pero mas maganda ang version niya, mas malinaw.
"You're new, I see. Remember this one thing girl, never look at someone as if you are studying them, or else.......we don't know what might happen? Read the rule and regulations to stay alive." Is that a tip or a threat?
"Or else what? What will happen if I'll break their rules? Who will know?" Nagpunas na ito ng kamay at akmang aalis na.
"A real Peruser never ask any question, we find it." Ito lamang ang iniwan niya kasagutan at tuluyan ng lumabas. Lumabas na rin at naglakad lakad sa may hallway, may maliit na garden rin sa tabi, puro indoor plants nga lang ang nandoon.
Natigil ko at napatingala sa isang quote na nakapaskil sa pader. 'Perusers are reader, and seeker. We are the eye of the world.'
This school enhances our five senses not just sight. I was confident upon check that girl a while ago. Hindi naman ako diretso nakatingin sa kanya, may konting sulyap Oo, pero hindi ko pinahalata na sinusuri ko siya. And yet she noticed it, her senses was very sensitive.
The silence of this place is getting dangerous. Every facility was well maintained, and advanced equipments. We pay for our leaving, binabayaran ang hangin, tubig, at kuryente. Pati Dorm ay may bayad.
Sa peruser na walang pera, gaya ni Red ay mga scholars sila, the school pays their expenses in exchange of excellent academic performance. Kapag hindi nila nagawa ay hindi ko alam kung anong ginagawa sa kanila.
Mas maraming Peruser ang nandito kaysa inaasahan ko. Wala akong halos nakitang kauri kaya siguro inasahan kong konti lang kami. Limitado ang alam namin, nag-aaral kami para saan?
Kahit si Headmaster na siyang kilalang Gate Keeper ay walang sinabi sa akin. Kahit konting impormasyon, basta niya lang akong tinapon dito.
Empress them? Paano ko gagawin yon kung kinalimutan na nila ang salitang fun at napalitan na ng thrill to pleasure their selves.
Napagpasiyahan kong daanan si Red sa coffee shop kung saan kami nagkita noon. Tingin ko mahilig siya sa kape. Mukang kailangan ko ang tulong niya.
At hindi nga ako nag-kamali nandon nga siya, "Red! " tawag ko sa kanya at nagmadali ako lumapit. Nagkakape nga ito, kahit anong oras ba ang pagkakape?
"Oy, anong meron?" Kalmado nitong sabi, lahat yata ng nandito ay kalmado at walang emosyon.
"Marunong ka ba maggitara?" Tanong ko agad hindi pa man ako nakakaupo sa upuan.
"Konti, bakit?" Nagtataka nitong sagot.
"Cool, pwede bang magguitara ka para sakin?" I hopefully eye him, hindi siya pwedeng humindi.
"Pwede naman," nadadalawang isip na sagot nito.
"Yay! Thank you. Tara dali," hinila ko siya papunta sa tindahan ng gitara na nalulugi na. Wala kasing kahit isang customer ang nandito, mali yatang ganitong negosyo ang tinayo niya rito.
"Magandang tanghali po," tawag ko sa tindero. Ilang sandali ay wala pa ring sumagot.
"Magandang tanghali po!"
"Ganon din sayo, iha anong maitutulong ko?" Sagot noong tinderong papalapit sa akin.
"Kailangan namin ngagandang guitara." Saka tinulak ko si Red papunta sa mga gitara.
"Sige, pumuli lang kayo." Sagot nito kaya may mga sinisipat na si Red na pwede niyang gamitin.
"Bakit nyo po naisipang magtayo ng ganitong ti dahan sa ganitong lugar? Wag nyo po sanang mamasamain, hindi kasi masyado kailangan ang guitara sa pag-aaral dito? Iba sa labas."
"Pangtanggal home sick, ito ang unang hinanap ko noong unang buwan ko dito. Wala kasing kahit anong connection galing sa labas, walang sulat, walang kahit ano. Nakakamis lang sa labas. Isa pa hilig ko rin talagang magkumpuni ng guitara." Sagot naman nito sa akin, ngumiti na lamang ako sa kanya. Ramdam ko ang lungkot sa boses nito, may konting puti na sa buhok niya palatandaan na may katandaan na ito. Tisoy, matangkad at halatang habulin ng babae noong teens niya. Maybe his younger days was really fun until napunta siya rito at hindi na siya makalabas.
"Ano pong pinakamaganda para sainyo?" Tanong ko na lamang sa kanya.
"Ito, matagal ko ng inaalagaan ito, wala kasing bumibili ng ganito sa nakalipas na ilang taon kaya hindi narin ako bumili ng bagong supply." Lalo lamang itong mas nalungkot sa tanong ko, imbes na maalis sa mabigat na usapan.
"Ayos lang yan, magkakacustomer ka din." Pagbibigay ko ng konting pampagaan ng loob, hindi ko alam, lumalambot ang puso ko sa mga taong nahihirapan. Si Red naman ay tinitingnan ng maayos ang guitara.
"Pwede na ba to? " Tanong ko sa kanya at tango lang ang naisagot. Pero kinalabit ko pa rin para sumagot ito ng matino.
"Pwede na,"
"Magkano po? "Tanong ko agad sa tindero. Nagulat ako ng malaman ang presyo niya, sobrang baba sa inasahan ko. Mas mababa sa normal na guitara.
"Sinungaling, alam ko ang presyo ng ganitong brand, bakit ang baba?" Reklamo ko sa kanya at natawa lamang ito.
"Tama, dahil kayo palang ang bumili matapos ang ilang taon mura ko lang ibibinta." Matamlay na sabi niya pero nakangiti. Lalong nadurog ang puso ko sa sagot nito.
"Sige dalawa na lang bibilhin namin, ibigay mo sakin ang pinaka ka maganda na nandito, at dekalidad." Dinagdagan ko ang bibilhin ko para na man makatulong kahit konti.
Pumunta siya sa pinakasulok at may kinuha siyang gitara don, sobrang ganda nga, itim na may butterflies na puti. Glittery ito at may pagkautter space and kulay may ibang part na purple meron ding light at dark purple sa ibang parte ay black at maraming glitters na mistulang star sa malapitan.
"Wow, ang ganda nito." Manghang-mangha ako sa guitara niya. Halos mapatalon ako sa tuwa. Lalo akong natuwa noong nakita ko siyang nakangiti habang binibigay sakin ang guitara.
"Lahat ng gitara ko may istorya, lahat sila mahalaga at minahal ko ng matagal na panahon, sana ay alagaan ninyo ang mga gitarang ito." Sana mabigyan silang lahat na nandito na kalayaan umalis o manatili.
Pagkatapos naming bayaran ang gitara.Dumiretso na kami sa tindahan ni Gina at nag set-up ako ng parang stage sa labas noon.
"Ano bang ginagawa mo, dinadamay mo pa ko." Walang emosyon na saad ni Red, halata namang hindi ito natutuwa pero wala na siyang magagawa.
"Kakanta ako, maggigitara ka yon lang." Simpleng paliwanag ko sabay kindat. I need to forget Vale for the mean time. I need to be Veil this time, and my job is to please these people.
"Ipapahiya natin ang mga sarili, iyon ang totoo." I know he just being realistic, partly yes but I need to ensure this will be fun.
"Hindi yan," sabi ko at tumayo sa tapat ng mic. Mabuti na lang at medyo main way ang store ni Ate Gina. Naisip kong kantahin ay Price Tag dahil masiyado na sila nilalamon ng pagnanais nilang mag-improve sa mga ginagawa nila at nakalimutan na nilang maenjoy ang naaabut nila ngayon.
"Hello mic test, hello." Napatingin sila sakin habang dumadaan. Muntikang umurong ang dila ko noong nagtinginan sila. Mga walang emosyon at sinuri ako mula ulo hanggang paa.
"Good After noon sa ating lahat, and yes kakanta po ako, para to sa mga nakakalimutan ng enjoyin ang buhay." Halos sampalin ko ang sarili ko dahil sa nasabi ko. Talagang iyon pa ang nasabi ko. I should have said it in a more kind way.
Nakita ko kung paano sila nagulat sa ginawa ko, nagulat rin sila sa boses ko, hindi man ako professional singer kaya ko namang kumanta, yong mabibilis nga lang beat para di mo mahata masiyado ang boses, instruments and the beat will work on it. Mas lalo akong natuwa ng sumabay sila sakin.