Meeting You for the first time
"Anong gagawin natin ngayon, Ate, wala na tayong mapupuntahan"
"Gagawa ako ng paraan, Dianne,wag kang mag-alala."
Kinuha nya ang cellphone sa bulsa at may tinatawagan.
"Beshy, hello."
"Yes, Beshy, gabi na ah, ba't napatawag ka."
"Besh, may aksidente kasing nangyari dito sa amin, ikaw nlang ang kilala kong makakatulong samin."
"Kung makakaya ko,beshy, why not diba? Ano ba yun?."
"Nasunogan kasi kami, pwede ba kahit ngayong gabi, eh makikitulog muna kaming magkakapatid sa iyo?"
"Naku, beshy, pasensya na, hindi ko ba nasabi sa iyo na umuwi na ako ng probinsya, gahapon lang."
"Ganun ba, Sige, Maraming Salamat."
"Pasensya na talaga,beshy."
Pagkatapos bumalik sya kung nasaan nandon si Dianne.
"Ate, tinawagan ko si Mark"
"Wag na Dianne, labas ang boyfriend mo dito. Problema natin to so dapat tayo ang iisip nang-solusyon."
Marami syang tinatawagan upang humingi ng tulong ngunit kahit ni isa ay walang kayang tumulong. Tatlong minuto ang lumipas at dumating na din ang nobyo ng kababata nyang kapatid.
Tiningnan nya lamang ito at umiling, nakita iyon ni Dianne.
"Ate, we have no Choice. Si Mark nalang ang pag-asa natin at mahihingan ng tulong."
"Dianne, Hindi tama nobyo mo lamang si Mark at hindi pa kayo kasal. Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na ayaw ng kapatid nya sa iyo at iniisip nitong pera lang ang habol mo."
"Ate, alam ko, pero emergency naman ito. Wala tayong matutuluyan dahil sa sunog na iyon."
Napabuntong hininga nalang si Elisse. Bahagya nyang sinulyapan ang nobyo ng kapatid.
Nakasandal ito sa pinto ng kotse nito at naghihintay sa kung ano man ang kanilang mapag-desisyonan.
Napabuntung-hininga nalang si Elisse. Tama din naman ang sinabi ng kanyang kapatid, wala silang ibang mapupuntahan.
"Sige,payag na ako, pero gusto kong ipa-alala na pansamantala lang ito ha."
"Oo, Halika na". Tuwang-tuwang inakay ni Dianne ang kapatid. Baka magbago pa isip.
"Halika kayo,pasok."
"Dito ka nakatira?" hindi napigilang tanong ni Dianne sa nobyo. Gumala ang humahanga nitong tingin sa magandang sala.
"Oo, Binili ko lang ito a year ago." Ani nito sabay pasok sa mga gamit nila.
"Wala kang kasama dito?" kaswal na tanong ni Elisse.
"Meron naman, dalawang katulong.Natutulog na yata kaya hindi ko na gigisingin.What would you like to drink? Coffee, Tea or Juice?"
"Huwag ka nang mag-abala, Mark. Malaking abala na nga kami dito sa bahay mo".
Naiiling na sumulyap sa kanya ang nobyo ng kapatid "Ellise, ano ka ba naman? Nobya ko si Dianne, hindi ito isang abala, kasiyahan kong tulungan ko kayo."
"Salamat" Pinilit naman niyang ngumiti. "Pero ang gusto ko muna ngayon ay magpahinga na."
"Kung gayon ay halina kayo sa silid nyo." Nagpatiuna na si Mark.
Nagkatinginan namn ang magkapatid sa gandang kanilang nakita sa silid. Sanay man si Elisse na makakita ng ganun kagandang kwarto ay namangha pa rin sya na sa murang edad ni Mark ay may pag-aari na.
Bigla na lang napalitan ng kirot ang paghangang iyon para sa kanyang kapatid. Mukhang hindi yata nababagay si Mark sa kanyang kapatid, lalo na't ang nakakatanda nitong kapatid ay matapobre.
"Sige, magpahinga na kayo. Goodnight Dianne." Hindi napigilang humalik kay Dianne si Mark kahit nandyan si Elisse.
Nagkibit balikat nalang si Elisse at tumalikod.
Kaumagahan...
"Gusto namin umupa ng bahay." Wika ni Ellisse habang nag-aalmusal.
"Ayaw nyo bang dumito muna?" Sambit ni Mark habang kaharap ang nobya nito.
"Hindi sa ayaw namin, Mark" Sagot ni Ellise na nakatingin sa binata.
"Pero masagwa.Hindi pa kayo mag-asawa ni Dianne, at isa pa ang kapatid mo lalong papangit ang tingin ng kapatid mo kay Dianne. Baka isipin nya cheap sya at pera lang talaga habol nya sayo kaya pumayag sya na tumira kahit hindi pa kayo kasal."
"Pero hindi namn kami magsasama bilang mag-asawa eh".
"Tell that to your brother and I doubt if he'll believe you."
Natigilan si Mark at napabuntung-hininga.
"Okay," Meron akong kaibigan na may pinapaupahan na condo"
"Mark, hindi namin kaya ang condo" natatawang sambit ni Ellise.
"Edi, tutulungan ko kayang bayaran yong renta"
"At para lalong isipin ng kuya mo na tama siya?"
Nagalit ang binata. Binitiwan na ng tuluyan ang kubyertos at tumayo.
"Hindi natin dapat laging isipin si Kuya Frances sa bawat bagay na gagawin natin."
Hindi kumibo si Ellise.
Napabuntung-hininga ang lalaki bago tumingin sa kanila at ngumiti.
"Okay, Ito nalang, Don na lang sa isang kaibigan ko. May apartment for rent siya."
Ngumiti na rin si Ellise.
"Magkano namn ang upa? Baka masyadong mahal yun, hindi namin makakaya."
"Hindi,Mura na iyon, around four thousand or five yata"
Natawa si Dianne. "So,hindi ka segurado".
Ngumiti naman si Mark sa kanyang nobya. "We'll discover it later. Pagpunta natin doon."
Pinuntahan agad nila ang nasabing kaibigan na nagpapa-renta...
"Hindi kaya nagkamali lang ang kaibigan mo, Mark, napakaganda ng apartment na ito para sa halagang four thousand lang?"
Nanlaki pa ang mga mata ni Ellise habang tinitignan ang fully furnished na apartment.
Inakbayan naman ni Mark ang nobya habang sinasabi ang katagang "Narinig nyo naman ang pinag-usapan natin kanina ni Chris. Maliwanag na four thousand lang iyon."
"Hindi kaya malugi ang kaibigan mong iyon bukod sa maganda libre pa tubig at kuryente. O, baka nahihiya lang sa iyo yun?"
"Hindi yon mahihiya ate Ellise, Eh business-minded masyado iyon. Kapag business walang kai-kaibigan. Talaga lang seguro mura ang upa dito, seguro walang tubig sa mga gripo o bigla nalang kayong gagapangan ng mga daga." Pabirong sabi ng binata.
"Hmm, hindi nalang kami tutuloy dito kung gayun man." Nakikisakay na sabi ni Dianne.
Natawa si Ellise sa kabaliwan ng magkasintahan. Natutuwa siya sa pagtitinginan ng dalawa.
"O, paano?, Okay na ba kayo dito?" Maya-mayay tanong ni Mark.
Sabay naman tumango ang dalawa.
Afterall, mas mainam na iyon kaysa makitira sila ni Dianne sa bahay ni Mark.
Dalawang araw na silang nakatira sa apartment na iyon ng nagkaroon ng hindi inaasahang bisita si Ellise.
Nag-iisa lamang siya sa bahay dahil may pasok ang kanyang kapatid at kasalukuyang siyang nag-aayos ng mga damit na gulu-gulong nakalagay sa mga maleta, na basta na lang nilang pinagsisiksik sa pagmamadali nila noong gabi may sunog.
Nang may kumatok sa pintuan.
Hindi na niya pinag-aksayahan ng panahon ang iligpit ang mga nakabukas na mga maleta, tumayo at binuksan nya ang pintuan. Isang malataas na lalaki ang nabungaran niya sa pintuan.
Isang pangahan ngunit guwapong lalaki.May paghanga sa isip ng dalaga. Napakalakas ng aura, ika nga.
Waring saglit din pinag-aralan ng lalaking kaharap ang kanyang hitsura. Nailang pa siya sa matamang pagkakatitig nito.
"Yes, Mister?" naitanong niya.
"Does Miss Dianne Fuentabella lives here?" sabi ng lalaki.
"Yes." sagot ni Ellise.
Idadagdag sana ng dalaga na kapatid nya si Dianne pero nagsalita na uli ang lalaki.
"I didn't expect you are that young." Malamig at nang-uuri ang tono ng pagsasalita ng lalaki habang tinitigan ang dalaga mula ulo hanggang paa.
Nabuhay ang isang dagok sa dibdib ni Ellise. Lalo na ang hinala sa kanyang isip.
"Would you like to come in, Mr.Frances Nakpil?" malamig na din ang tinig at taas ang noong anyaya ni Ellise. Pagbabakasakali lang ang pagtawag niya dito.
Waring na-amuse ang lalaki sa kaalamang kilala na niya kung sino ito.
"Sure! I will." sarkastikong sagot nito at ngumiti ng may pang-uuyam sa labi.
Saglit na nawala ang ngiti sa labi ng lalaki ng tuluyang makapasok ng bahay at mabungaran ang mga damit na nakakalat sa sofa at maging ang maraming sapatos na nililinis ng dalaga.
Bahagyang naningkit ang mga mata nito. Maya-maya ay iginala ang paningin sa kabuuan ng bahay. Nagtatangis ang bagang ngunit naglabas ng isang nang-uuyam na ngiti ng muling humarap sa dalaga.
"You have an expensive taste, Miss Fuentabella" sabi ng lalaki na hindi nawawala ang ngiti sa labi.
Hindi kumibo ang dalaga.
"I take it my brother paid for all of this."
Gusto ng lumabas ang tinitimping galit sa dibdib, ngunit nagpigil pa ang dalaga. Nakipagtarayan pa siya sa lalaki.
"Kung ikakaila ko ba, maniniwala ka?" taas noong tanong niya.
Titig si Frances sa mata ni Elisse habang umiiling-iling.
"No, as a matter of fact I'm expecting it and lot more. What's next in your mind, a car? Or maybe you are planning to join our family?"
Magpigil ka, Ellise- Bulong niya sa sarili.
"Why did you come here, Mr. Frances Nakpil, to insult me?"
"To warn you, Miss Fuentabella, stay away from my brother," Tiim bakang na sabi ng lalaki na bahagya pang lumapit sa nakatingalang dalaga. Halos magkalapat na ang mga mukha nila.
"And what if I don't?" Nakikipagtigasang tanong niya.
Natigilan ang lalaki. Maang na napatitig sa kaharap. Hindi niya inaasahan ang ganoong pag-atake ng babaeng ito. Hindi niya inaasahan na matigas at palaban ang napapabalitang kinababaliwan ngayon ng kanyang kapatid.
Hindi naman siya nagpunta rito para makipagtalo kung hindi upang kilalanin ito at makasisiguro na tama ang hinala niya na hindi ito naiiba sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ng kanyang kapatid, na pawang nabili niya ang mga pag-ibig nito.
Pero mukhang naiiba ang isang ito. Napakaganda ng inosente nitong mukha kahit walang bahid ng anumang artipisyal na pampaganda.
Ngunit mabilis na naglaho ang paghangang nararamdaman ng lalaki ng muling mapatingin sa napakaraming nagagandahang damit na nakakalat sa may upuan. Naisip nito, hindi rin naiiba ang babaing kaharap sa iba pang nauna.
"How much, Miss Fuentabella?" walang kagatul-gatol na tanong nito.
Parang sinambal ang pakiramdam ng dalaga ng mga sandaling iyon. Hindi na niya napigilan ang galit. Makikita mo sa kanya ang pamumula ng mukha.
"Hindi ko kailangan ang pero mo, Mr. Frances Nakpil. At mas lalong hindi ka kailangan namin ni Mark. Hindi na kami mga bata para pakialaman mo ang relasyon namin.
"Now, will you please leave, you are wasting my precious time!"-habang binubuksan ang pinto.
Saglit na nagtangis ang bagang ng natigilang lalaki, maya-maya ay matalim ang mga matang lumakad na palapit ito sa pintuan. Bago pa man ito lumabas ay nag-iwan ito ng banta.
"Hindi pa tayo tapos, Miss Fuentabella. At sisiguraduhin ko sa iyo, bibigay ka rin tulad ng iba." sabay alis nito.