KASALUKUYANG binabaybay ni Jenna ang highway papunta sa bahay ng kanilang magulang, pinapunta sila dahil may sasabihin daw ang kanlang daddy sa kanilang magkakapatid.
“O, anak, how are you?” salubong ng mommy niya sa kanya.
“Ok lang ‘my, kayo po kamusta na ni daddy?” si Jenna
“Ok lang anak. Pasok na nandiyan na mga kapatid mo, ‘kaw na lang ang inaantay.” Si Mrs. De Dios.
Kumakain sila ng tanghalian, nang i-open ng daddy nila ang tungkol sa good news.
“Mga anak yong rest house sa Tagaytay nabili na natin, anytime puwede na natin ipa renovate at si Noel ang gagawa ng plano, sabihin niyo na lang sa kanya ano ang gusto niyong gawin sa magiging room nyo doon.” Si Mr. De Dios.
“Really dad, Wow! At last, may vacation house na din tayo.” Si Joana.
Bigla siyang tinanong ng daddy niya, “Jenna, kamusta pala ang work mo? Saan ka nga nag wo-work ngayon anak?”
“Ahh… dad sa DJ Sarmiento Group of company po.”
“Diba, Noel, kaibigan mo kamo yong may-ari non?” tanong ng daddy niya sa kapatid niya.
“Opo, dad, nakita ko nga don si ate Jenna nong nag meeting kami ni David, kaso ayaw ni Ate Jenna na sabihin ko na mag kapatid kami.”sagot ni Noel na naka ngisi.
“Ayaw ko lang dad na malaman ng amo ko na anak niyo ako, para wala na lang maraming interview tsaka para maka pag trabaho ako ng maayos.” Sagot naman niya sa daddy niya.
“Ok, kung yan ang gusto mo, bahala ka anak, wala naman kasing problema kung malaman niya na anak kita, basta ba okay lang naman ang treatment sayo don, walang problema sa akin.” Ani daddy niya.
“Thank you, dad.” Sagot niya sa daddy niya.
Nag stay pa siya don sa bahay nila, nag swimming, nag spa at natulog sa kuwarto niya na medyo matagal na rin niyang hndi nagamit. Mga 8 pm na siya umuwi sa condo niya.
ILANG beses pa nag punta ang kapatid niya sa office nila, pero hindi sila nag papansinan.
SA ARAW-ARAW ganon pa din ang ginagawa niya sa office, at madalas napapansin niya laging naka tingin si David sa kanya. Pero pag kausap naman siya minsan mabait, minsan serious. Tuwing magkakalapit sila hindi niya maiwasan mailang lalo na pag naiiwan silang dalawa para mag overtime.
Inaamin naman ni Jenna na mayroon siyang kakaibang nararamdaman sa boss niya pero ayaw niya pansinin dahil ayaw niyang mapahiya, pano kung wala naman itong damdamin sa kanya, isa pa para siyang desperadang babae na nag hahabol sa isang lalaking walang paki sa kanya, walang nakaka alam sa nararamdaman niya kahit si Noel. Isang araw sinabihan siyang mag overtime kasi may tatapusin daw silang proposal at i-pre-present ito sa isang kliyente kinabukasan. Medyo gabi na rin kaya nong matapos sila niyaya pa siyang kumain muna bago siya ihatid sa condo niya.
Okay lang naman sa kanya, kaya lang nong matapos ang hapunan nila, pag labas nila sa restaurant biglang buhos ng ulan. And since malapit lang ang bahay niya, pinatuloy muna niya don si David para mag patila ng ulan. Pinapasok niya at pina inom ng kape. Habang naka upo sa sofa si David, pumasok muna siya sa kuwarto at nag palit ng pambahay. Pag labas niya nakita niyang nakasandal sa sofa si David at naka pikit ang mga mata. Naawa siya kaya kumuha siya ng unan at kumot sa kuwarto niya at inalalayang makahiga ng maayos, tinanggal na rin niya ang sapatos nito. Umupo siya sa sahig at pinagmasdan ang mukha ni David, gandang-ganda siya sa pilik-mata nitong mahahaba, kilay na makapal at ilong na matangos.
Gusto niya itong hawakan, since alam naman niyang tulog, hinawakan niya ang bridge ng ilong ang pilik-mata. Aliw na aliw siya, hindi niya matiis naka pag bitaw tuloy siya ng salita na akala niya sa isip lang niya nasabi, “ang guwapo mo talaga David, sana lang huwag ka na mag sungit. Crush pa naman kita, ay! Hindi ko alam kung ano ang tawag sa nararamdaman ko sayo, basta, masaya ako pag nakikita ka.hindi ko lang alam kung matutuwa ka pa sa akin pag nalaman mo kung sino ako.” Sabay buntong hininga
Tumayo na siya, aalis na sana siya nong na ingganyo siyang halikan ito sa noo. At pumasok na siya sa kuwarto niya at natulog.
******
KAPAG Biyernes wash day nila kaya puwede sila naka civilian clothes, madalas naka pants at blouse lang siya or minsan t-shirt na pinapatungan niya ng blazer para kahit papano hindi naman masyadong rugged ang dating niya, puwede din kasi sila mag-maong basta walang butas sa tuhod o kung saan man parte ng pantalon. Pero siya mas madalas slacks ang suot niya , ngayon lang siya naka maong dahil hindi pa niya nakukuha ang mga labada niya sa laundry shop.
Isang fitted maong ang suot niya, naka tuck-in na white shirt at naka blazer siya, alam niya pag ito ang suot niya madalas nililingon siya lalo na mga boys dahil nakikita ang ganda ng hubog ng kanyang
katawan. Asset niya kasi ang behind niya, kaya hindi siya masyadong kumakain ng kanin kasi yon ang unang lumalaki sa kanya. Sexy talaga siya. Minsan pag naka fitted jeans siya hindi siya nag ta-tuck in para matakpan ang pang upo niya dahil nga mabilog, pero since office ang pupuntahan niya hindi puwede na hindi siya mag tuck in. Close shoes with 2 inches ang suot niyang sapatos. Tinali niya ang buhok niya at naglagay ng light make up lang.
PAG pasok niya sa building nila, daming nag lingunan na mga boys sa kanya, yong iba binabati siya ng good moring, yong iba pumipito. Ngiti lang ang sagot niya, diretso siyang umakyat sa office ng boss niya.
Mga 10am na nang maka tanggap siya ng tawag sa boss niya na baka ma-late daw itong papasok dahil tinanghali ng gising.
Pag sapit ng 11:30am, tinawagan siya ng kaibigan niya na si Kathy sa Marketing dep. At niyaya na siyang kumain ng lunch, since wala ang boss niya tumayo na siya at dinala ang wallet niya pag baba niya sa Canteen, nakita niya si Kathy at dumiretso na sila sa counter para mag order ng kakainin nila, Habang kumakain, may lumapit sa kanila, pag tingin niya nakita nila si Patrick at gusto sana umupo kasama nila.Okay lang naman sa kanila since crush ni Kathy si Patrick pumayag na din siya. Habang kumakain nag uusap sila about sa upcoming team building ng company na gaganapin sa Batangas.
“O, ano ready na ba kayo sa team building?” tanong ni Patrick.
“oo, naman kami pa” sagot naman ni Kathy. Natawa na lang si Jenna kasi alam niya exceited pareho itong dalawa niyang kaibigan. Napansin nila na panay tingin ng ibang boys sa kanya lalo na nong tumayo siya para kumuha ng tubig, May narinig pa siyang “ang ganda at sexy talaga ni Jenna.” Hindi na lang siya kumikibo. Pero kung mayroon natutuwa sa kanya, mayroon din naiinis sa kanya o mas tamang sabihin naiinggit, isa na don si Shella ng Advertising Department. Kapag pinupuri siya lagi itong naka ismid.
HINDI na lang pinapansin ni Jenna ang katwiran niya hanggat wala siyang naririnig na binabanggit ang pangalan niya o kaya ginagawan siya ng masama hindi siya kikibo. Wala naman namamatay sa irap o ismid.
Pagkatapos nilang kumain pumunta sila sa comfort room ni Kathy para mag freshen up, mag toothbrush at mag cr na din, pareho silang pumasok ng cubicle nang may narinig silang pumasok na dalawang babae, isa don si Shella kasama ang ka department niyang si Olive. “kala mo naman sinong maganda, ang arte, d naman kagandahan”, sabi ni Shella. Sumagot naman si Olive, “huwag ka naman ganon Shella, wala naman ginagawa sayo si Jenna, tsaka sexy naman talaga siya, kaya nga daming tumitingin sa kanya at may interest kasi bukod sa maganda mabait pa.” sumagot naman si Shella, “so, mas gusto mo siyang kaibigan? Lumipat ka don sa department niya.” “ano ka ba naman Shella, ayaw ko lang na may kaaway, tsaka wala naman ginagawang masama si Jenna sa akin, bakit ako magagalit sa kanya? Hindi porke’t ayaw mo sa kanya,aayaw na rin ako. Kaibigan kita, pinapayuhan lang kita. Walang magagawang mabuti ang inggit sa katawan.” “Ano sabi mo naiinggit ako? Hoy, Olive hindi ako naiinggit noh! Lagot sa akin yang Jenna nay an sa Team building, makikilala niya kung sino si Shella.” Napailing na lang si Olive sa kanya, at sabay silang lumabas ng comfort room.
Nang wala na silang naririnig ni Kathy, sabay silang lumabas sa cubicle, at nag tinginan…”what’s that?”sabi ni Kathy. Grabe ang Inggit sa yo ‘girl, Ano ba yang si Shella.” Iiling –iling lang si Jenna, “hayaan mo siya, hindi naman niya ikakaganda yon.” Sabay tawa.