CHAPTER 1
MAGANDA ang gising ni Jenna dahil tinawagan siya kagabi ng daddy niya at pinapa uwi silang magkakapatid sa bahay nila dahil may good news daw ito sa kanila. Nakatira siya sa isang Condo na bigay na daddy niya, nong una ayaw niya tanggapin pero sabi ng daddy niya galling daw yan sa kinita ng share niya sa kompanya nila kaya pera pa din niya yon, pareho ng sa mga kapatid niya, isang sakay lang kung tutuusin mula sa pinag tratrabahuan niya kaya hindi siya nagdadala ng kotse, nasa parking lot lang ang kotse niya na bigay ng daddy niya, ginagamit lang niya ito pag uuwi siya sa bahay ng mga magulang o kaya may pupuntahan siyang malayo. Kaya pag pumapasok siya jeep lang ayos na, mas nakakatipid siya.
PAG PASOK pa lang niya sa office nila, pangiti-ngiti na siya at pakanta-kanta pa hindi niya napansin na kasunod niya ang boss niya. Binati pa siya ng mga naglilinis at nginitian naman niya ito. Naka sabay pa niya ang isang empleyado sa Marketing na si Patrick na matagal na rin nag papalipad hangin sa kanya,
kaya lang hindi niya pinapansin kasi hindi niya type, walang spark, basta friendly lang siya dito, dahil hindi naman siya binabastos.
Nong nasa tapat na sila ng elevator, at saka lang niya napansin na may dumaan sa likod nila at pumunta don sa isang private elevator, nakita niya ang boss niya na medyo naka simangot at parang ang sama ng tingin sa kanya, yumuko na lang siya para hindi mag tama ang mata nila, nag kibit balikat na lang siya. Pero si Patrick walang tigil sa pag sasalita, dahil sa pagka ilang sa boss panay na lang siya ngiti at tango, hanggang sa nag bukas ang elevator, papasok na sana siya nang nag salita ang boss niya. “Miss Jenna dito ka na sumabay sa akin.” Napaangat siya at sinalubong ang tingin ni David, nakatingin ito sa kanya na nakakunot ang noo, nang hindi pa siya gumagalaw, nagsalita ulit ng “hindi mo ba ako narinig?” kaya nag excuse na lang siya at tumuloy don sa private elevator.
NAKARATING sila sa office na hindi nag uusap ng ni David. Feeling niya nasira ang araw niya dahil sa naka simangot na mukha ni David. “Siguro dinatnan ito kaya masungit” sabi niya sa utak niya sabay irap. “May problema ba Jenna?” si David. “Wala po sir” sabi nya. Hindi na siya kumibo. Bigla itong nag salita, “sa susunod kung may problema ka sa akin sabihin mo ayaw kong iniirapan ako at sinisimangutan”, sabay lakad ni David papuntang office, pero hindi nakaligtas sa kanya ang sagot ni Jenna. “Hindi naman po ako nakasimangot at wala po akong problema, hindi ko naman ugali na dinadala ang problema ko sa work place.” Tiningnan siya nito at sabay pasok sa office
Gigil na gigil si Jenna sa amo niya, sinira ang araw niya, hindi tuloy niya malaman kung ano ba ang problema nito ang aga-aga naka busangot. Isang malalim na butong hininga ang pinakawalan niya, para mawala ang inis niya. Nagulat siya nang biglang tumunog ang telepono niya at pina papasok siya sa office nito. “Ano ang schedule ko ngayon?” Sinabi niya ang mga na set na meeting ditto. Pagkatapos ay may mga pina cancel itong ibang meeting dahil may i-me-meet daw siyang kaibigan dahil may ipapa renovate siyang part ng bahay niya. Hindi na siya kumibo. “Sige po Sir, ipapa re schedule ko na lang sa ibang araw.” Palabas na siya nang mag salita ito muli. “Can you order some food for lunck? Darating yong kaibigan kong Architect may lunch meeting kami, doon mo ipa set up sa conference room.” Si David. “Anong oras po darating ang visitor niyo Sir? Para alam ko kung anong oras ako mag o-order ng food.” Sabi ni Jenna. “ Mga 9am ka na lang mag order pa deliver mo ng 11-11:30 para may oras pa para ma set up ang food. Mga quarter to 12 noon kasi nag usapan namin.” “ Sige po.”
HABANG inaayos ni Jenna ang food na inorder niya para sa lunch meeting ni David, nagulat siya nang bumukas ang pinto at pumasok si David at may kasunod itong isang lalaking matangkad at nang tingnan niya ito nagka gulatan pa sila, pero hindi siya nag pahalata na kilala niya ito. Medyo naasiwa siya kaya nag excuse siya at sabay sabing “Sir, ok na po ang food.” Napatingin si David kay Jenna at naka kunot ang noo hindi niya malaman bakit parang hindi mapakalis si Jenna. “Oh, by the way, Noel this is my secretary Jenna De Dios,” tumingin si Noel sa kapatid, at ngumiti. “Nice to meet you sir.” Ang tanging nasambit ni Jenna. Sabay lahad ng kamay, tinanggap naman ni Noel at pinisil ang kamay ng ate niya. Napansin ni David na parang may something sa mga tingin ng dalawa, medyo hindi niya gusto ito. Kaya tumikhim siya at sabay sabi ng “Let seat down Noel, kumain tayo at nang mapag usapan na natin yong ipapagawa ko.” Binitiwan ni Noel ang kamay ng Ate niya. “by the way diba De Dios ka? Baka kamag-anak mo itong si Jenna.” Natigilan si Jenna kaya sumagot siya agad na “Ah, no sir. Baka mag ka apilyedo lang kami, hindi ko po kilala si sir.” Sabay tingin kay Noel at nilakihan niya ang mata niya. Ngingiti- Ngiti lang si Noel sa ate niya. Tuluyan na siyang lumabas dahil sa lakas ng kaba niya sa dibdib.
HABANG naka upo siya sa puwesto niya kinakabahan siya baka kasi ibuking siya ng kapatid niya, wala kasing nakaka alam sa pamilya niya kung saan siya nag wo-work, at hindi rin niya alam na magkakilala ang bunso nila at ang boss niya, hindi rin sila mapagkakamalan ng magkapatid dahil kamukha siya ng mommy niya at ang kapatid naman ay kamukha ng daddy niya, ang ate naman niya ay parehong hawig sa mommy at daddy niya. Hindi rin siya tinatawag na ate ni Noel kasi ayaw niya dahil mas matangkad pa si Noel sa kanya, kapag nag lalambing lang o kaya nag tutoksuhan sila doon lang siya tinatawag na Ate.
NAGULAT siya ng may natanggap siyang text, pag bukas niya ng phone niya nabasa niya ang text ng kapatid.
‘Ikaw ha, dito ka pala nag wo-work kay DJ. Ito pala yong sinasabi mong boss mong crush mo?’
Nag test back siya.”Sira-ulo ka wag ka maingay diyan, lagot ka sa akin pag nabuko ako., usap tayo mamya”
Muli siyang nakatanggap ng text. “ Ang lagay ganon lang?” may bayad yan.”
“Oo na, mandurugas ka talaga.”
SAMANTALA sa loob ng conference room habang nag uusap sila, pinatawag ni David si Jenna para makisabay na sa pagkain. “Ok lang sir sa canteen na lang po ako.” “Bakit don ka pa kakain? Marami naman ito.” Wala na siyang nagawa kaya kumuha na rin siya ng food at lumabas na at doon na lang kumain sa puwesto niya.
“Matagal mo na bang secretary si Jenna?” si Noel.
“Hindi naman mag one year na. why?” si David.
“Napansin ko lang parang takot sayo, ganon ka pa rin ba, David, Masyadong serious sa lahat ng bagay?”
“Well, honestly, hindi naman pero alam mo naman diba, noon friendly naman ako, kaya lang ayaw ko na maulit yong dati na misinterpret yong pagiging friendly ko, kaya I keep my distance para hindi maging complicated ang situation.”
“D ka pa nagkakagusto sa secretary mo? Maganda at sexy. Mukhang mabait naman at friendly.”
“yah, maganda talaga si Jenna, very efficient pa at responsible, kung sa type, aaminin ko may ugali siyang gusto ko kaya lang mukhang hindi naman ako type. Madalas ko kasi yan nahuhuling naka ismid tapos she always rolled her eyes” Si David
“Ha Ha Ha Ha, hindi agad type, malay mo naman, hindi mo pa nga nasubukan. Siguro kaya ganyan yan kasi sinusungitan mo.” Si Noel.
“Bakit ikaw type mo?’ tanong ni David. “Well, kung wala ka naman balak ligawan baka pwede ako na lang.” suggestion ni Noel. Biglang tumaas ang kilay ni David. “Oh, bakit ganyan ka makatingin?” wala pa nga nag seselos ka na agad?, huwag ka mag alala i-dedate ko muna kung makakasundo ko ang ugali eh di I might pursue her.”, hindi kumibo si David, pero naiinis siya kay Noel, isipin na mag da-date yong dalawa parang may sakit sa dibdib siyang naramdaman.
“Well, I did not call you here in my office para i-discuss about my secretary, lets get down to business.” Sabi ni David. Napangiti na lang si Noel. “okay sabi mo eh.”
NATAPOS ang meeting nila ng mga 1:30 pm at sabay silang lumabas sa conference room, napadaan sila sa table ni Jenna. “Hi, Jenna, tapos na meeting naming ni David, nice meeting you.” Tiningnan lang ni Jenna ang kapatid sabay ngiti ng nakakaloka, buti na lang hindi nakita ni David. Nang makalapit na si David sa table niya, “Can I get your number? Para incase may kailangan akong mag set ng meeting kay David tawagan kita.” Sabi ni Noel. Biglang sumagot si David, “no need Noel, you can text me or call me sa number ko sayo.” “ah ok, sige Jenna, napaka seloso pala ng boss mo. He he he.. nice meeting you, see you when I see you. Bye!” Tiningnan lang ni Jenna ang kapatid. Inis na inis siya sa pambubuska sa kanya ni Noel.
NANG maka alis si Noel, tumayo na si Jenna para iligpit ang pinag kainan sa conference room, sinundan siya ni David. “Sir, do you need anything?”, tiningnan lang siya ni David sabay bunting hininga, “Jenna, pasensiya ka na kay Noel, huwag mo masyadong intindihin yon, palabiro kasi yon, at saka bolero, mag ingat ka baka mabiktima ka.” Natawa na lang si Jenna. “Okay lang Sir, sanay naman na ako sa mga bolero, thank you sa paalala.” At lumabas na rin sila sa conference room matapos maligpit at pinalinis sa janitress.