Prologue

567 Words
LUMAKI sa marangyang pamilya si Jenna De Dios , sunod sa layaw kung tutuusin, tatlo silang magkakapatid, ang ate niya na si Dra. Joana Marie ay isang kilalang doctora at ang kapatd naman na bunso na si Noel Sebastian ay isang kilalang architect, samantala siya ay isang business management graduate, architect student siya before naka tatlong taon siya pero naisip niyang mag business management para sa ibang negosyo ng pamilya. Pero kahit maganda ang istado ng buhay nila ay hindi siya abusado kahit yong dalawa niyang kapatid. Tinuruan sila ng mga magulang nila na kailangan nilang tumayo sa sarili nilang paa at huwag umasa sa kung ano man ang kayang ibigay ng pamilya nila. Kaya hindi siya nag trabaho sa kompanya ng pamilya nila, gusto niya kung dumating man ang panahon na kailangan na siya ng daddy niya, marami na siyang baon na experiences para hindi nakakahiyang ilagay siya sa mataas na posisyon. Kaya naisipan niyang mag apply na secretary sa isang kompanya na pag-aari ni David John Sarmiento. Hindi naman siya nahirapan dahil maganda naman ang grades niya nong nag graduate siya at may experience din naman siya bilang secretary sa ibang kompanya, pangalawang kompanya na itong pinasukan niya, umalis na lang siya don sa una niyang pinag trabahuan dahil nag iba na ang may-ari dahil nag migrate na ang totoong amo niya at hindi niya kasundo ang bago niyang amo dahil parang may pag nanasa sa kanya, baka hindi niya matantiya at maipakita niya kung ano ang kaya niyang gawin. Yes!, hindi lang siya ordinaryong secretary, dahil nong nag aaral silang mag kakapatid pinapili sila ng daddy nila kung ano ang gusto nilang extracurricular activities para pag summer hindi lang sila nag kukulong sa bahay at puro tv at video games lang ang inaatupag. Napili niyang mag aral ng taekwando, nong una pareho sila ng ate niya, kaya lang nahilig ang ate niya sa pagluluto kaya cooking at baking ang kinuha ng ate niya na itinuro din naman sa kanya, kaya kahit papano may alam din siya sa pag luluto. Pero hindi niya nilagay sa resume niya yong special skills niya na yon. May panahon pa na sumama siya sa kapatid niyang bunso para mag firing naman. Akala nga ng daddy at mommy niya tomboy siya kasi nahihilig siya sa hindi karaniwang kinahihiligan ng mga babae. Ina-sure naman niya ang mga magulang niya na babaeng-babae siya. Maayos naman ang trabaho niya hindi naman siya nahihirapan dahil maganda naman ang trato sa kanya ng amo niya, minsan nga lang napapansin at nahuhuli niyang naka tingin sa kanya na hindi rin niya maintindihan, at pag tinatawag niya ang attention nito bigla na lang iiling, kaya hindi na lang niya binibigyan ng pansin. Pero in fairness guwapo ang amo niya, may lahi kasi brown ang mata, makapal ang kilay at matangos ang ilong, manipis ang labi at deep set ang mata, na isa sa mga asset ng lalaki na type niya. Medyo mapanga din parang si Tom Cruise ang dating. Kaya lang hindi ito palangiti in other words hindi friendly, laging serious bihira mong makitang nakangiti yon ay kung may nakakausap na gusto lang niyang tao. Pero pag dating sa kanya, hindi ito ngumingiti laging serious. Sa pag kaka alam niya wala din itong nobya sa kasalukuyan pero ang alam niya dati may girlfriend ito pero nasa abroad, hindi rin niya alam kung sila pa o hindi na.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD