AT DAHIL malapit na rin naman ang bakasyon ng mga bata, naisipan nilang iuwi muna ang mga ito sa Singapore kung saan nandoon ang kuya Noel niya na siyang nag aasikaso ng firm niya. Naging busy silang dalawa ni David sa kani-kanilang mga negosyo, naging maayos na ang pag sasama nila kahit wala na ang mga anak nila. Hanggang isang araw, papasok na si Jenna sa office at dahil wala naman kakaibang pangyayari sa mga nakalipas na linggo at buwan nag lie low na muna ang mga body guard na naka bantay sa kanya, sa hindi inaasahang pang yayari, malapit na siya sa opisina niya, may biglang nag overtake sa sasakyan niya at huminto, kung hindi siya naka seatbelt malamang nadisgrasya na siya. Hindi muna siya bumaba ng kotse, pinakiramdaman muna niya kung sino ang bababa sa kotseng humarang sa kanya.

