NAKA ABANG na si Jenna sa pinto ng mini office ni David, nakita niyang ininom ang kape, maya maya nakita niyang naka subsob na ito sa lamesa at mukhang tulog na. Yon na ang hudyat na puwede na siyang umalis. Dali-daling tahimik na bumaba sa hagdan, pag labas niya nakita niya ang kaibigan niya na si Fred at dala na ang motor niya kasama ng tauhan ng Kuya Noel niya na si Elvis pinuntahan nila kung saan naroon ang taong sumusunod sa kanila, base sa tracker na kinabit niya sa kotse. Nang makarating sila sa lugar, nakita nila ang kotse naka parada sa loob ng garahe, kaya tinabi na nila ang mga motor nila at nilapitan ang bahay, palapit pa lang sila, may nakita silang dalawang lalaking pumasok kaya naisip nilang palipasin muna ang oras bago sila lumapit. Tumalon ang tauhan ng kuya Noel niya na si Elvis sa bakod, sinilip ang loob, nakita niyang may babaeng kausap ang dalawang lalaki, kinunan niya ng video para makita ni Jenna. Hindi kilala ni Elvis si Angela kaya nag tataka siya kung sino itong babae na sumusunod kina Jenna. Pagkatapos mag usap ng tatlo, nakita nilang umakyat na si Angela sa taas samantalang ang dalawang lalaki ay pumunta sa kusina.
BUMALIK na si Elvis kung saan nag tatago sina Jenna. “Nakita mo, Sino?” Tiningnan lang ni Elvis ang amo at sumenyas na umalis na muna sila. Kaya pare-pareho silang sumakay ng motor ang lumayo. Nong makarating sila sa bahay ng magulang ni Jenna, bago bumaba ng motor pina-forward na ni Jenna ang video na kuha ni Elvis. Nang buksan ni Jenna, nagulat siyang makita si Angela, tumingin siya kay Elvis. “sigurado ka sa navideohan mo? Kilala ko ito.” “Sino ba yan?” tanong ng kailbigan niyang si Fred. “Si Angela ito, yong ex gf ni David, na panay ang pangugulit kay David at gusto makipag balikan dahil gusto niyang tuparin ang napagkasunduan ng mga father nila dati. Pero ayaw na ng daddy ni David at nakipag kasundo sa father ni Angela na hindi na nga itutuloy, kaso itong si Angela ayaw pa tumigil.”
“Anong gagawin mo, sasabihin mo ba kay David?” Isang buntong hininga ang sinagot ni Jenna. “Hindi ko alam kasi pag nalaman niya baka bigla niyang sugurin yon at knowing Angela madali lang sa kanya ang i-deny ito, mas gusto kong mahuli siya sa akto para maparusahan kaysa kausapn siya at siguradong i-deny niya at mag iingat yon at malamang mag isip yon ng ibang strategy at baka hindi na naming mapag handaan. Naiisip ko hayaan na lang siya at bantayan na lang ang mga bata para kung ano man ang plano niya mahuhuli siya agad.”
Pero hindi sang ayon sina Elvis at Fred, mas gusto nila malaman ni David para maka pag handa rin ito.
Kaya napag pasiyahan ni Jenna na sabihin bukas ng umaga kay David ang na diskobre nila. Pagka alis ng mga kasama niya pumasok na rin si Jenna, umakyat na siya sa kuwarto nila at nag shower siya at hihiga na sana pero napansin niyang wala pa si David kaya pinuntahan niya ito sa mini office. Pag bukas niya nakita niya ang asawa na natutulog pa rin, kaya ginising niya ito ang niyaya ng matulog.
****
KINABUKASAN pag ka gising ni Jenna, bumaba siya at inayos na ang almusal ng mga anak at ni David. Kailangan umalis ng mga bata papasok ng school, pinasamahan niya ito sa mga yaya at may naka sunod na bodyguard. Pag ka alis ng mga ito, kinausap niya si David.
Nagulat si David sa sinabi ni Jenna, “Bakit ka umalis na hindi ako kasama, paano kung nakita kayo, pag ganyan sabihan mo ako.” “Hindi na kita sinama kasi may mga kasama naman ako na tutulong sa akin, isa pa walang kasama mga bata dito, kaya ko naman, hindi naman ako lumapit sa bahay niya, hinayaan ko si Elvis ang kumuha ng video. Heto, panoorin mo. Isa pa, baka pag nakita mo sugurin mo agad, ma bulilyaso pa ang mga plano natin. Dapat pag isipan natin ito, hindi puwedeng idaan sa init ng ulo o bigla mo na lang awayin at tanungin si Angela, kasi siguradong i-deny niya lang yan, baka ibalik pa niyan sa atin at tayo ang makasuhan. Planuhin natin ito ng mabuti.”
“Ano ba ang dapat gawin?”
“Hayaan muna natin siyang isipin na wala tayong alam, at mabuhay ng normal sa mga mata niya, at wala tayong iniisip na may parating na problema para maisigawa niya ang mga plano niya. Basta maging mapag matyag tayo sa bawat kilos niya. Kinausap ko na si Elvis mag tatalaga siyang tao na naka bantay kina Angela at sa dalawa niyang alipores. Magagaling yon, huwag kang mag alala.”
“Sige, kung yan ang desisyon mo, kailangan pag sabihan ang mga yaya na all eyes sa mga bata, bantayan mabuti pati na rin ang mga bodyguards.”
“ok, bukas kausapin natin silang lahat, at sabihan din ang mga guards sa subdivision at ibigay mo ang picture ni Angela para malaman nila at huwag na papasukin dahil wala naman siyang dapat puntahan dito, kahit ang plate number at kulay ng kotse na gamit niya, para hindi man siya ang naka sakay at least yong sasakyan alam natin na connected yon sa kanya. Dapat lahat ng detalye at possibility ay pag handaan natin, sabihan na rin natin sila mommy.” Si Jenna.
“ok, pero next time sabihan mo ako kung ano ang mga plano, puwede ba?” Isang buntong hininga ang sinagot ni Jenna sabay tingin kay David. “Sige, sorry for not informing you, hayaan mo next time.”
UMALIS na rin sila patungo sa kanilang opisina. At habang nasa biyahe si Jenna kasama ang driver niya, napansin ng driver at bodyguard niya na may naka sunod sa kanila, kaya sinabihan siya. Biglang lingon si Jenna at nakita nga niya naka sunod sa likod nila, tinawagan niya agad si David, at sinabihan siyang huwag na tumuloy sa office niya at doon kay David pumunta Inaalala lang nila na baka mag kagulo at madamay ang mga empleyado ni Jenna na walang kaalam-alam sa mga nangyayari, Kaya yon ang ginawa nila. Doon sila sa basement parking ng building nila David dumiretso, hinarang ng guard ang kotse na sumusunod sa kanila at hindi pina pasok sa kadahilanan na private ang basement parking at hindi allowed ang outsider. Puwede lang sa taas na parking sa labas ng building ang mga bisita kaya lalo nila na confirm na sinusundan sila.
Pag baba ni Jenna, sinamahan agad siya ng bodyguard niya sumakay sa elevator, at dahil ibang elevator ang sinakyan niya, hindi ito tumigil sa ground flour diretso ito sa floor ng opisina ni David. Tinawagan agad ni David ang reception para maging vigilant na huwag papasukin basta-basta ang hindi tinatawag sa kanya, pati ang security guards sa lobby sinabihan maging alerto but discreet para hindi magka gulo.
Bumaba ang bodyguard ni David para tingnan at obserbahan kung tumuloy ba ang sumusunod sa kanila.
Nakita nga ng bodyguard niya at lumapit ito sa reception area at nag tanong at hinanap si David. Sinabi na nasa meeting ang amo nila. Walang nagawa ang tauhan ni Angela,wala silang nakuha na impormasyon, kaya napilitang mag stay sa loob ng sasakyan at hintayin kung kailan lalabas ang dalawa.
LUMIPAS ang mag hapon, uuwi na ang dalawa, naiisip ni David na ibang sasakyan ang gamitin, pinasakay nila David ang ibang body guard sa kotseng ginamit ni Jenna nong pumunta siya sa office ni David. Pina una nila ng thirty minutes bago sila umalis. Tinawagan sila ng body guard na kasalukuyang sumusunod ang kotse sa kanila, kaya naka uwi sila ng matiwasay. After that they went home safe. Pag dating nila sa bahay, naka tanggap sila ng tawag na hinarangan ang kotse ni Jenna na gamit ng body guard. Nakipag sagupaan ang mga ito sa tatlong tauhan ni Angela. Nakatakas ang dalawa pero alam nila may tama at napatay nila ang isa pero siguradong maiinis si Angela sa nangyari kasi hindi niya akalain na failure ang plano. Balak pala nilang kidnapin si Jenna para mapa sunod ni Angela si David.
Naisip nila siguradong alam na ni Angela na natunugan nila ang plano nito. Kaya nag plano sila kung paano hindi madamay ang mga anak nila. Since mag babakasyon na, pinadala muna nila ang mga anak sa Singapore dahil alam nilang mas ligtas sila doon.
Mas naka hinga ang dalawa nong naka alis na ang mga anak nila. Kailangan na nilang pag planuhan ang mga gagawin nila para matapos na itong kalookohan ni Angela.