Chapter18

1420 Words
KINABUKASAN pagka gising ni Jenna pumunta siya agad sa kusina pagkatapos niyang ayusin ang sarili, nadatnan niya ang mag asawa, si Aling Zeny ay nag luluto ng aalmusalin nilang mag anak samantalang si Mang Nardo ay naka upo at nagkakape. Naalala niya yong nakita niya kagabi, kaya agad-agad niyang tinanong si Mang Nardo. “Mang Nardo, alam niyo ba kung may mga taong lumalapit sa bahay o mga taong gustong mag usyoso dito, since walang taong madalas naka tira sa bahay?” Nang tinginan ang mag asawa. Si Aling Zeny ang sumagot. “Bakit iha? May nangyari ba, kagabi? Sana ginising mo kami” “Wala naman po, kaya lang parang may nakita akong anino diyan sa bintana kagabi nong kumuha ako ng gatas para sa anak ko, baka kako may mga tao na nagtatangkang pumasok dati dito dahil wala naman talagang nakatira dito.” “Aba’y wala naman iha, puro mga rest house karamihan dito sa area natin at isa pa matagal na kami dito wala naman kaming nakikta o nag i-inquire para makita ang bahay na ito, dahil una hindi ito for sale, isa pa mahigpit si Sir David na ayaw niyang may pumapasok dito at kami lang ang tanging puwedeing pumasok sa bahay para mag linis.” “Ganoon po ba, hayaan niyo na lang po baka nga namalikmata lang ako. Sige po, kalimutan na lang po ninyo ang mga tanong ko.” Pero hindi mapakali si Mang Nardo, “hayaan mo patingnan ko kay Sir David sa CCTV baka nga totoo ang nakita mo.” Maya-maya dumating si David, tinanong niya bakit at kung ano ang pinag uusapan nila. Sinabi ni Mang Nardo, sabay tingin ni David kay Jenna. “Kailan ito? Kagabi ba, bakit wala kang sinabi sa akin? Kaya ka ba lumabas kagabi?” Tango lang ang sinagot ni Jenna. At kinuwento na rin niya ang nakita niya. “Nakilala mo ba yong tao?” “Hindi eh, naka black hoodie siya at naka mask, pero sigurado ako na dito siya naka tingin sa bahay don siya naka puwesto sa may puno tapat ng bintana.” AGAD-AGAD pinuntahan ni Aling Nardo at David ang sinabi ni Jenna, wala naman silang nakitang kakaiba pero may bakas ng sapatos ang lupa, at base sa hugis malaking sapatos ito parang combat shoes. Pinuntahan ni David ang kuwarto sa itaas kung saan naka lagay ang mga monitor ng CCTV, ni rewind niya ang record, at nakita nga niya ang sinasabi ni Jenna. Pero hindi rin makita ang mukha, nakita rin nilang umalis ang tao at sumakay sa isang kotse na luma. Pero dahil naka tagilid hindi rin nila nakita ang plate number ng kotse. Naging pala isipan sa kanila kung sino ang taong nag mamatyag sa kanila. Gusto sana nila David at Jenna na putulin ang bakasyon pero naawa naman sila sa mga bata dahil nakikita nilang masaya ang mga anak nila. Kaya naisip na lang nila kailangan mag ingat at mapag matyag na lang. Naging maayos naman ang mga sumunod na araw nila sa rest house, kahit papano naging tahimik at talagang nag enjoy silang mag anak. Dumating ang araw na kailangan na nilang bumalik kaya maaga pa lang gumayak na sila at inayos ang mga dapat dalhin pauwi. Maraming prutas ang mga pinitas ni Mang Nardo para madala nila sa pag uwi. Dumating na rin ang mga body guard nila para samahan sila sa biyahe, pinauwi kasi ni David ang mga ito habang nasa Tagaytay sila para naman maka uwi sa mga pamilya nila at maka pag pahinga na rin. Nalulungkot man si Aling Zeny dahil wala na ang mga batang makulit, natutuwa naman siya dahil nakita niyang masaya ang mga ito, isa isa nag paalam sa kanya ang mga bata, naluluha siya kasi ang gagaling at ang babait ng mga bata at naging malapit sa kanya kahit sandal lang sila nagkasama. Pag labas ng sasakyan nila, may nahagip ang mata ni Jenna sa kabilang kanto, hindi siya maaaring magkamali ito yong kotseng nakita niya na naka park sa tapat ng bahay nila at nag mamatyag. Hindi siya nag pahalata pero panay ang tingin niya sa side mirror ng kotse kung talagang sumusunod sa kanila. At napatunayan niyang sumusunod nga sa kanila. At may naisip siyang paraan. Pagkakita niya ng isang gasoline station, sinabi niyang huminto muna sila dahil kailangan niyang mag cr, since maraming tao at tulog ang mga bata, sinabihan niya ang mga body guard na siya na lang ang bababa at bantayan ng mabuti ang mga anak niya. Pag baba niya nakita niyang gumilid din ang kotse. Dali-dali siyang gumild at nag tago, nakita niyang bumaba ang isang tao na naka black hoodie at naka mask, pag kakita niyang umalis at mukhang patungo din sa cr dali-dali siyang lumapit sa kotse nito ang kinabitan ng tracker para malaman niya kung saan ito patungo pag katapos silang sundan. Lumipat siya sa kabilang side ng gasoline station na may ibang cr at doon siya pumasok, pag labas niya, naka suot na siya ng mask at pumunta na sa kotse kung nasaan ang mga anak niya. Pag pasok niya, maya-maya dumating na din si David. “Saan ka nag cr? Hindi kita nakita.” “Ahh… sa kabila, medyo marami kasing naka pila sa loob.” Tiningnan lang siya ni David na parang ayaw maniwala pero wala naman itong sinabi. Maya-maya nakita na rin niyang sumakay ang tao na sumusunod sa kanila sa kotse nito at umusad din ng umalis rin sila. Hinayaan lang niya ito. Ngayon malalaman niya kung sino ang taong ito. Binuksan niya ang cellphone niya at tiningnan ito, at naka sunod pa rin sa kanila. Dahil hindi siya kumikibo, tiningnan siya ni David at napansin na panay ang tingin niya sa tracker na naka monitor sa cellphone niya. Nang mapansin niya ito naka tingin sa kanya, pinakita niya ito ang kunot nuong napa tingin sa kanya na parang nag tatanong kung ano yon. Kinuha niya ang cellphone nito ang sinulat kung ano yon, lumaki ang mata nito napatingin sa kanya, at nag tipa ulit kung pano niya nagawa, kaya nag explain siya na kanina pa ito naka sunod sa kanila at kutob niya na ito ang taong gusto silang saktan. Hayaan na lang itong sumunod sa kanila at huwag magpahalata, na sinang ayunan ni David. Hinawakan ang kanyang kamay at pinisil na parang sinasabing kaya natin ito. Tango lang ang sinagot niya. HANGGANG nakarating sila sa bahay ng magulang niya, hindi sila tumuloy sa bahay kung saan sila dapat naka tira kasama ang mga bata, at nakita nga nila na patuloy pa rin itong naka sunod sa kanila. Ngayon nakaka siguro na sila na talagang ito yong nag matyag sa bahay nila sa Tagaytay. Pag pasok nila, umakyat sila sa taas kasama ang mga bata at hinayaang mag laro sa play area. Sinalubong sila ng Mrs Sarmiento “Oh, how’s your vacation, nag enjoy ba ang mga bata?” Tumingin silang dalawa sa mommy ni David, at inakay ito papasok sa isang room kung saan ang mga monitor ng CCTV, nakita nila nasa kabilang kalye nga yong kotse na sumunod sa kanila. At naikuwento nila sa mommy ni David ang mga nangyari sa Tagaytay. Naisip ng mommy niya na mas mabuti pang ipa alam sa mga pulis ito, pero tumanggi si Jenna at sinabi na hayaan muna sa kanila ito, dahil gusto niyang malaman kung sino ang taong ito. Gusto niyang malaman kung ano ang pakay sa kanila ng taong ito. At hindi siya papayag na may mangyaring masama sa mga anak niya. Isa lang ang nasa isip ni Jenna, kailangan niyang mapuntahan ang lugar base sa tracker na kinabit niya sa kotse nito. Pero paano siya aalis na mag isa, siguradong hindi papayag si David na hindi sumama. Mas mabilis sa kanya kung siya lang ang kikilos kaysa may kasama siya. Kaya isa lang ang paraan para maka alis siya ng hindi alam ni David, yon ang patulugin si David. Ayaw man niya pero kailangan, dahil siya kaya niya ang sarili niya, hindi niya sure si David. Isa pa ayaw niyang mapa hamak ang ama ng mga anak niya. Kaya ito na lang ang naisip niyang gawin. Pagkatapos nilang mag hapunan, alam niyang mag tratrabaho pa si David sa mini office niya dahil nga sa bakasyon nila marami din itong pending na trabaho. Kaya nag timpla siya ng kape para dito, bago siya umakyat nilagyan niya na itong ng pampatulog, hindi naman malakas pero tama lang hanggang sa maka balik siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD