NAIINIS si David, hindi malaman kung sino ang sisihin, sarili ba niya o ibang tao. Maayos na sila ni Jenna bakit kailangan pang bumalik sa dati ang panlalamig ni Jenna. Bumalik siya sa office niya at sinita si Angela. “Ano bang pinagsasabi mo? Kailan tayo nag usap? Para sabihin ko sayo Angela, tapos na tayo matagal na at wala akong balak na makipag balikan sayo, remember? Dati oo pero may pamilya na ako at natanggap ko na hindi tayo para sa isat-isa, kaya nag move on na ako, kaya kung ano man ang inisip mo ngayon na balikan alisin mo na yan sa utak mo kasi hindi na mangyayari yan, naintindihan mo ba?”
Hindi natinag si Angela, pilit na ginigiit kay David na puwede pa silang dalawa. “No, David, mahal pa rin kita, at puwede pa tayo, kahit may anak ka na, tatanggapin ko, magiging ina ako sa kanila, aalagaan ko, mamahalin at ituturing na parang akin.” Umiling lang si David, “Paano? May sarili silang ina at wala akong balak bigyan ng ibang nanay ang mga anak ko, hindi iba, hindi ikaw.”
“David, please… bigyan mo naman ako ng isa pang chance to prove to you na nag bago na ako.”
“Im sorry Angela, pero matagal na tayong tapos, matagal ng expired yang chance na sinasabi mo.”
“Huwag mo sanang kalimutan na magkaibigan ang mga magulang natin, at alam mo na tayong dalawa ang dapat magkatuluyan, at gagawin ko ang lahat para mangyari yon, sa ayaw at sa gusto mo.”
“Sa tngin mo, papayag ako? Hindi mo puwedeng ipilit ang gusto mo kahit pa mag kaibigan ang mga magulang natin. Desisyon ko pa rin ang masusunod, at baka hindi mo alam nag usap na kami ng parents ko na hindi na nila pakikialamanan ang mga desisyon ko pag dating sa buhay ko.”
WALANG nagawa si Angela kung hindi umalis na kuyom ang kamay sa inis, hindi siya papayag na hindi bumalik si David sa kanya, kailangang may gawin siyang paraan para makuha niya ulit si David, Kailangang mawala si Jenna para sila na lang ni David ang mag katuluyan at sila na lang mag papalaki sa mga anak nito, since mukhang wala na siyang pag asa pang magka-anak dahil sa ilang beses na pagpapalaglag. Kaliangan maka isip siya ng magandang plano para mag tagumpay siya. Sana lang walang maging hadlang sa mga plano niya.
Hinayaan na lang ni Jenna si David na kasama pa rin nila sa bahay para sa mga bata, masakit din kay Jenna ang pag iwas niya sa ama ng mga anak niya, aaminin niya mahal pa rin niya si David, pero ayaw niya ng komplikadong sitwasyon at pina pa sa Diyos na lang niya na kung para sila sa isat-isa, tatanggapin niya at kung hindi ayos lang, ayaw na niyang umasa lalo pa at ayaw tumigil ni Angela na gusto nitong bumalik si David sa kanya. Alam naman niyang tapos na ang realsyon ng dalawa pero ayaw niyang bigyan ng pag-asa na sila ang ang end game. Tapos na siyang umasa, mag mula ng nangyaring hiwalayan nila noon. Gusto rin naman niya ng buo sila pero ayaw niyang ipilit.
SAMANTALA gusto sana ni David kausapin si Jenna pero nag aalangan siya baka hindi sila magkaintidihan, kilala niya ang dalaga kaya hahayaan muna niyang lumipas ang ilang araw bago niya kausapin, sana lang maging maayos sila. Dumating ang weekend, nagyaya si David na mag out of town silang mag-anak, tuwang tuwa ang mga bata, dinala sila ni David sa rest house nila sa Tagaytay, tuwang-tuwa ang mga bata at nagkakantahan habang nasa biyahe. Naging maayos ang biyahe nila at nakarating sila ng maayos at ligtas. Medyo mataas ang lugar ng bahay, maganda ang view, malamig at payapa. Dumating sila at sinalubong sila ng mga kasambahay, pinakilala sila ni David kay Aling Zeny, naging maayos naman ang pag tanggap sa kanila. Tuwang-tuwa ang mga bata kahit si Aling Zeny sa mga kalokohan ng mga bata. Hindi magka mayaw kung ano ang uunahin gawin dahil bukod sa magandang tanawin may ginawa ring palaruan si David sa likod ng bahay para sa mga anak. Masaya si Jenna na makita ang mga anak na nag eenjoy. Pinag usapan nila ni Aling Zeny kung ano ang mga lulutuin sa mga sususunod na mga araw. Uwian si Aling Zeny, pero dahil dumating sila, mananatili si Aling Zeny sa bahay habang nandito sila, para hindi rin mapagod ang matanda at mayroon silang kasama. Bukod kay Aiing Zeny, kasama din nila ang asawa nito na si Mang Nardo.
PAGKATAPOS nilang mag hapunan, naisipan nilang mag movie marathon since hapon na sila dumating kaya naglaro na lang ang mga bata sa playground na ginawa ni David, kaya pag sapit ng gabi after nilang mag dinner, nag movie marathon na lang sila bago mag pahinga. Habang nanonood sila, nag request si Karen ng milk kaya tumayo si Jenna para pumunta sa kusina para ikuha ang anak ng gatas. Pag labas niya patay na ang ibang ilaw, tanging ilaw na lang sa gilid ang umiilaw dahil ito ay automatic na umiilaw pag dumaan ka hangang makarating siya sa kusina, binuksan niya ang ilaw, pero laging gulat niya dahil parang may naktia siyang anino na dumaan sa may bintana. Muntik na siyang sumigaw. Naisip niya baka si Mang Nardo yon. After niyang mag timpla, kinuha niya ang gatas at pinatay ang ilaw at dala-dala ang baso ng gatas pumasok siya sa entertainment room ng bahay, pero bago siya pumasok lumingon siya sandali at tiningnan ang bintana, nagpasalamat siyang wala na yong anino, naisip niya baka namalikmata lang siya.
SAMANTALA sa labas may isang tao naka ngisi, hindi niya akalain na malalaman niya ang mga balak nila David at Jenna na mag bakasyon dito sa resthouse sa Tagaytay, kung tutuusin suwerte siya dahil sa pag dalaw niya sa bahay nila David narinig niya ang mommy ni David na kinakausap ang asawa niya para i-inform na magbabakasyon ang mag anak sa Tagaytay. Pagkatapos niyang marinig hindi na siya tumuloy baka mag isip ang mommy nito na narinig niya, kaya inabangan at pinag handaan niya at inalam kung saan ito. At ngayon alam niya naisip niyang ito na ang magandang pagkaka taon para maisagawa ang plano niya. Hindi siya papayag na hindi siya mag tagumpay pero kailangan pag isipan niya ng mabuti ang bawat galaw niya para maisagawa niya ito at hindi siya pag hinalaan.
Nakahiga na sila Jenna kasama ang mga anak nila, pero hindi siya mapakali, iniisip niya ang anino na nakita niya kanina, para kasing hindi si Mang Nardo base sa hugis nito, medyo matangkad at malaking tao, si Mang Nardo kasi ay payat at hindi gaano katanggad. Gusto niyang malaman kung sino yon, baka may mga taong gustong pasukin ang bahay dahil wala naman laging tao dito, puwedeng may balak na pagnakawan pero dahil nandito sila kaya hindi tumuloy kaya kailangan niyang mag ingat para sa mga anak niya at siguraduhin na hindi masasaktan ang mga ito. Tatayo siya sana para tingnan ulit pero narinig niya si David, “Saan ka pupunta? May kailangan ka ba? Ako na kukuha.” Naudlot ang pag tayo ni Jenna, nilingon niya si David, “Ahh wala, hindi kasi ako makatulog, balak ko sana lumabas para uminom ng gatas o kahit tubig, Ako na lang kaya ko na.” Tumayo siya ang lumabas, pagka sara niya ng pinto, dahan-dahan siyang lumapit sa bintana, hinawi niya ang kurtina, dala ang salamin niya, para makita niya kahit sa madilim na bahagi, tumingin siya don sa lugar kung saan niya nakita ang anino.
May nakita nga siyang nakatayo don, nakita niya ang hugis tao, pero dahil naka hoodie at naka mask hindi niya makita ang mukha. Alam niyang naka tingin sa may bahay ang tao na yon, pero maya-maya nakita rin niyang umalis, sinundan niya kung saan ang tungo, nakita niyang sumakay sa isang kotse at umalis. Ngayon alam niya na talagang sila ang pinupuntirya ng anino na yon, pala isipan sa kanya kung sino ang taong ito. Kailangan niyang pag ingatan ang mga anak niya.
Tumuloy na lang siya sa kusina para uminom ng tubig, tinago na rin niya ang salamin niya at bumalik sa kuwarto. Pag pasok niya, tinanong siya ni David bakit ang tagal niya. Sinabi na lang niya na nag check siya ng mga pinto at bintana kung naka sara ng maayos.
Nahiga na lang siya at tumagilid, pero pala isipan sa kanya ang mga nakita niya, bukas tatanungin niya si Mang Nardo. Hindi kasi siya naniniwala na some random guy lang ang anino na yon, alam niyang sila ang pakay nito. Malakas ang kutob niya at hindi pa siya nagkamali.