LUMIPAS ang mga araw, kahit papano natahimik na rin si Jenna since hindi na nagparamdam ang mga taong gusto siyang gawan ng masama. Pero hindi pa rin siya nag pakampante dahil alam niya maaring maulit muli ang mga nangyari sa kanya. Naikuwento niya ito sa Kuya Noel niya kaya nag decide ang pamilya niya na kunan siya ng bodyguard pero naka sunod lang sa kanya pati na rin sa mga anak nila, lalo pa at naging busy siya sa trabaho.
Biglang tumawag si Kathy sa kanya na kailangan niyang pumunta sa Singapore dahil may client silang gusto siya ang maka usap so wala siyang choice kaya nag paalam siya kay David na mawawala siya ng 2-3 araw.Gusto sana ng mga bata ang sumama pero naisip niya hindi rin niya maasikaso dahil magiging busy siya, since mabilis lang naman siya doon, hinabilin na lang niya ang mga anak niya kay David at sa mga magulang nito.
LINGID sa kaalaman ni Jenna, nag hihintay lang si Angela na mawala siya at lalapitan nanaman niya si David, at dahil nalaman niya na ang mga anak ni David at kasalukuyang nakatira sa mga magulang nito, panay ang dalaw niya dito para kunin ang loob ng mga bata,minsan tinataon pa niya na naglalaro ang mga ito sa garden para kunwari napadaan siya at nakita niya ang mga ito.
“Hi, Tita!, Kamusta po kayo?”
“ok lang naman, ano kailangan mo Angela, bakit ka nandito?”
“Pumunta po ako sa friend ko, since malapit lang ang house niyo kaya napadaan na lang ako para kamustahin kayo, oh, by the way, ito ang mga anak ni David?”
“oo, kids, meet tita Angela a family friend.”
Tsaka pa lang lumingon ang mga bata at kumaway, pero si Karen hindi kumaway. Tinawag siya ng lola niya at pinakilala kay Angela. “Hi, Karen nice to meet you!” Tumango lang siya at lumapit sa dalawa niyang kapatid, at bumulong. “Pasok tayo, may sasabihin ako sa inyo.”
Nagpaalam sila sa lola nil ana papasok muna sila at nang pumayag tumakbo sila pagka rating nila sa sala, kinausap niya ang dalawa niyang kapatid. “ Don’t be nice to her, she’s evil. Kalaban siya ni Mommy, narinig ko nong pumunta siya dito inaaway niya si Mommy, tapos sinabihan pa niya si Daddy kung sure ba daw na anak tayo ni daddy.” “Are you sure?” “oo, I’m not lying kaya beware kayong dalawa sa kanya, baka may binabalak yan na masama sa atin,remember sabi ni Mommy do not trust anybody na hindi niya friends, ok?” Sabay na tumango ang dalawang kapatid. Hindi na rin sila lumabas para hindi na sila kausapin ni Angela.
PUMASOK ang mga bata sa room nila, doon na lang sila nag stay at nag laro, hanggang sa nag ring ang telepono sa room nila kaya sinagot ni Dave, nong malaman niya ang mommy niya ang tumawag, hindi na sila ang atubiling sabihin ang nangyari kaya pag ka baba ng phone, tinawagan din ni Jenna si David at sinabi ang napag usapan nila ni Dave at ng mga bata.
Hindi na rin nag pa late ng uwi si David, after all his meetings, nag decide na lang siyang umuwi para maka sama ang mga bata. Binilhan niya ng mga pasalubong ang mga anak ayon sa gusto nila.
Pagka uwi niya kinausap niya ang mommy niya at sinabi niyang nalaman niyang pumunta doon si Angela,kaya tinanong niya kung ano ang sadya, sinabi naman ng mommy niya ang dahilan ng pag punta ni Angela, kaya sinabihan niyang kung maari huwag palapitin o ipa kausap ang mga bata kay Angela, dahil ayaw niyang maging malapit ang mga ito sa babae, dahil may kutob siyang may gagawin itong hindi maganda, maaring kunin ang loob ng mga anak niya, at kung anu-ano ang maling mga kuwento ang sabihin laban kay Jenna. Sumang-ayon naman ang mommy niya.
LUMIPAS ang mga araw at naka balik na rin si Jenna pero ganon pa rin ang ginagawa ni Angela, palagi siyang dumadalaw sa bahay nila David kapag alam niyang wala doon sila Jenna at David, pero dahil marunong na rin ang mga bata, hindi pa rin niya nakaka usap ang mga ito. Kaya naisip niyang puntahan ito sa school, pag katapos ng klase, lalabas na sana si Dave, Davin at Karen at pupunta sa guard para doon na lang hintayin ang susundo sa kanila, pero nakita nila si Angela kaya bumalik sila sa classroom at doon nag stay. Tinanong sila ng adviser nila at sinabi nila kung bakit, kaya hindi na rin sila pinayagan na mag stay malapit sa guard para hindi sila mapahamak.
Tinawagan ng adviser si Jenna at sinabi na nasa kasama niya ang triplets sa dahilan na ayaw nila lumabas dahil may naka abang na tao na gustong lumapit sa kanila. Kaya dali-daling umalis si Jenna para siya na ang susundo sa mga bata at kahit may bodyguard ang mga bata, hindi rin niya inaasa sa mga ito dahil kailangang naka bantay lang sa malayo o mga ito.
Pag dating ni Jenna natanaw niya ang isang kotse na naka park malapit sa gate ng school, nakita niya si Angela na naka sandal sa kotse, bumaba siya at nilapitan niya ito.
“Ano ginagawa mo dito?” si Jenna
“Ha?... ah wala” si Angela
“Wala? School ito Angela, wala ka naman sigurong susunduin dito pero bakit nandito ka?” si Jenna
Bigla na lang narining ni Jenna ang mga tawag ng mga anak niya.
“Mommy… mommy!” kaya nang lumapit na ang mga bata kay Jenna bigla na lang ngumiti si Angela sa mga bata at binati. Pero hindi siya pinansin ng mga ito.
“Mom.. we’re hungry, Can we go now?” “Ok!” sabay tingin kay Angela na pilit ang ngiti.
Wala na siyang nagawa ng umalis na sina Jenna at ang mga bata. Pero sa loob-loob niya naiinis siya.
*****
UMUWI si Angela na inis na inis dahil hindi nanaman niya nagawa ang mga balak niya. Kaya naisip niyang puntahan si David sa office nito. Nadatnan niyang wala ang secretary ni David kaya naisipan niyang pumasok na lang sa office at nang makita niya si David, laking tuwa niya at dali-daling lumapit ang niyakap ito. Sa gulat ni David hindi niya inaasahan ang pag upo ni Angela sa kandungan niya at bigla na lang siyang hinalikan, sa gulat niya ito ay kanyang naitulak, kasabay ng pag bukas ng pinto ng office niya.
“Anong nangyayari dito? Anong ginagawa niyo?” si Jenna. “Ahhh …. Ito kasi si David bigla akong natulak nagulat ata.” Ano ba kasi ang ginagawa mo dito sa office ko? Basta ka na lang pumasok” “Dinadalaw lang naman kita kasi diba sabi mo mag uusap tayo.” Hindi na umimik si Jenna tinitingnan niya lang ang dalawa at sabay sabing “ganon ba, nakaka istorbo pala kami ng mga anak ko, ok, alis na lang kami.”
Sabay talikod ni Jenna at lumabas na sila ng mga bata.
Hinabol ni David sina Jenna, naabutan niya ito sa sa may elevator. “Jen, wala yon, nagulat lang ako nandito siya,bigla lang siyang yumakap sa akin at napa upo siya sa kandungan ko kaya tinulak ko siya, kasi nagulat ako,pero wala akong alam sa pag punta niya dito, at yong sinasabi niyang may pag uusapan kami hindi totoo yon, wala kaming dapat pag usapan, please believe me, I’m not cheating on you.”
“David, no need to explain, una buhay mo yan baka nakakalimutan mo nandito tayo for the kids, hindi for us, kung ano man yong mayroon kayo wala naman akong pakialam don, Dahil lang sa mga bata kaya tayo magkasama sa iisang bubong.”Isang buntong hininga lang ang sinagot ni David “I know, pero I want us to be a family, buo, hindi lang para sa mga bata, I want you back Jenna. Mahal kita at hindi ako papayag na hindi tayo mabubuo." Tiningnan lang siya ni Jenna sabay sabing "Bahala ka, pero sa ngayon yan pa lang ang maibibigay ko sayo."