Chapter15

1329 Words
“Well, hindi naman sa ganon, nagulat lang ako, I thought wala na kayo, diba umalis na siya.” “Yes, pero bumalik na siya and we’re getting married soon, we already have kids.” “W-what! , how sure na sa iyo yon? “ “of course I know.ano akala mo sa akin, tanga?” “mabuti pa siguro Angela, umalis ka na, we are having a family dinner.” Maya-maya lumabas na din si Jenna para tawagin si David at alamin kung bakit ang tagal bumalik sa loob. “David, hinahanap ka na ng anak mo.” si Jenna Doon nakita ni Angela si Jenna. “So, may anak ka na pala, ang galling mo rin ano, aalis kang walang paalam, babalik may bitbit na bata tapos sasabihin mo anak ni David, sure ka?” “Hoy, Angela, huwag mo akong itulad sayo, hindi ko ugaling ipa ako ang anak ko kung hindi rin naman sa tatay nila, bastos ka din, pupunta ka dito para manira ng araw, bakit hindi mo tanggapin na kahit anong gawin mo hindi mapupunta sayo si David, umalis na ako diba? Pero bakit hindi mo rin siya nakuha? Ibig sabihin ayaw sayo ng tao, sana naman maintindihan mo yon. Umalis ka na dahil nakakasira ka ng araw, baka hindi kita matantiya.” Aabutin sana ni Angela ang buhok ni Jenna pero mabilis na tinapik ni Jenna ang kamay ni Angela at tinulak ito, muntik na matumba si Angela kung hindi ito napa sandal sa kotse niyang naka park sa likod lang niya. Dahil sa inis, sumakay na lang ito ng kotse ang umalis. “I’m sorry Jenna, hindi ko naman alam na pupunta pala siya dito.” “okay lang mommy, hayaan mo na siya, pasensiya na rin ho kayo pinatulan ko pa.” “okay lang buti nga para hindi na bumalik, matagal ko na rin kasing sinabi kay David na iwasan na niya si Angela, hindi ko lang talaga puwedeng pag salitaan ng hindi maganda dahil alam mo naman na mag kaibigang matalik ang asawa ko at ang ama niya. Sinabihan ko na rin ang asawa ko na sabihan ang kaibigan niya na huwag na ipilit ang anak nila kay David.” “hay, naku! Mommy kahit ano ang sabihin kay Angela, matigas talaga ang ulo ng babaeng yon, kaya nga iniiwasan ko na lang at tinatapat para tumigil na.” si David. “O, sige. Pasok na tayo, bago pa masira ang araw natin.” At sabay na silang tatlong pumasok sa bahay. SAMANTALA hindi pa rin humuhupa ang inis ni Angela sa nangyari sa bahay nila David, galit na galit siya kaya isa lang ang naisip niyang gawin para maka ganti, mawala na si Jenna para mapa sa kanya si David. Naging maayos naman ang mga sumunod na araw nila Jenna at David. Matapos ni Jenna ang mga appointments niya sa office nila nang dumating ang tawag mula sa opisina ni David. Pinatawag ni David ang secretary niya para sabihin kay Jenna na mahuhuli siya sa pag sundo dito sa kadahilan na nasa meeting pa ito. Sinabi na lang ni Jenna na pupunta na lang siya sa office ni David dahil magpapasama siya kay David para bumili ng gamit ng mga anak nila. Palabas na si Jenna ng mataan niya ang isang van na naka himpil sa kabilang kalye ng building nila. Dahil nag book siya ng masasakyan kaya nag hintay siya sa harap ng building. Kinuha niya ang spy glasses niya sa bag at sinuot, nakita niya kung ilan ang tao sa loob kung ilan, alam niya na siya ang inaabangan. Maraming gamit si Jenna na galing sa ninong niya, at isa ito sa mga gamit na mayroon siya, kahit ang sapatos na suot niya, hikaw at kuwintas may gps tracker even ang naka kabit sa car keys niya. Kahit ang mga anak niya nilalagyan niya, mayroon sa sapatos o kuwintas. Kapag hindi siya makontact ng pamilya niya within 30 mins. Binubuksan ang tracker para malaman kung saan siya. Kaya nong dumating na ang na book niyang sasakyan, agad siyang sumakay at nag pahatid sa office ni David, napansin niyang sumunod din ang Van na nakaparada kanina lang, hinayaan lang niya, nang makarating siya sa tapat ng office ni David, pag baba niya, bumaba din ang dalawang tao at sumunod sa kanya, alam niya na may mga balak itong gawin sa kanya, kaya hindi na niya hinayaan na sumunod pa hinarap niya ang mga ito. “Anong kailangan niyo?” ngumisi lang ang isa at sinabing “sumama ka sa amin kung ayaw mong magkagulo.” Natawa na lang si Jenna, “sino ka para utusan ako?, sino nag padala sa inyo, kilala ko ba?” Walang ka abog-abog bigla na lang siyang hinawakan sa kamay pero dahil mabilis siya bigla din niya itong tinulak at sinipa, natumba ang lalaki at susugod sana ang isa pero hindi na naka porma dahil sinutok at sinipa din niya ito. Tumalikod siya at pumasok sa building, hindi na naka porma ang dalawa dahil may mga pulis palang naka bantay sa labas ng gusali. Agad nahuli ang mga ito. NALAMAN ni David ang nangyari kaya agad siyang bumaba pero pag labas niya sa office niya nakita na niya sa Jenna. “Are you ok?”, “Yah, ok lang ako hindi naman ako nasaktan, by the way, may alam ka ba kung sino ang sumusunod sa yo at gusto kang gawan ng masama?” Napa isip si Jenna, tsaka tumingin kay David. “Ilang araw pa lang ako dito David, imposible naman na may mag kaka interes agad sa akin, wala naman akong naka away o naka sagutan na client ko.” Napa isip si David kung sino ang may kagagawan ng mga ito kay Jenna. “Hindi kaya si Angela, David?” Napalingon si David. “Bakit ka naman sasaktan ni Angela, wala ka naman kasalanan sa kanya” “Bukod sa talagang galit sa akin si Angela noon pa, baka dahil nalaman niya na bumabalik ka sa akin at inaayos mo ang relasyon natin, at hindi niya yong matanggap, lalo na nag kasagutan kami sa bahay ng mommy mo.” Napaisip si David, “sige, I’ll talk to her.” Pero hindi sinang ayunan ni Jenna ang suggestion ni David para kausapin si Angela, dahil ayaw niyang isipin ni Angela na may kutob siya. May naisip siyang ibang paraan para malaman kung si Angela nga ang nag tangkang ipadukot siya sa mga lalaking humarang sa kanya kanina. Hindi na sila natuloy sa lakad nila, umuwi na lang sila para makasama ang mga bata, at naisip nila sa ibang araw na lang nila gawin ang pamimili. Isa pa parang na drain si Jenna sa nangyari sa kanya, hindi naman siya natakot dahil kaya niyang ipag tanggol ang sarili niya, ina alala lang niya ang mga anak niya, baka dahil hindi nag tagumpay ang mga ito sa kanya, balingan ang mga anak niya, at yon ang hindi niya papayagan.Matatalino ang mga anak niya alam ng mga ito ang gagawin kapag nasa panganib kahit mga bata pa sila, aware na sila sa mga paligid dahil yon ang itinuro niya sa mga ito. Pag dating nila sa bahay, nag pahinga muna sila at naki pag bonding sa mga anak, kumain at nag decide na mag movie marathon bago natulog. Pero this time may kalokohan ang mga anak nila, naisip ng mga ito na pagtabihin ang mga mommy at daddy nila, nong una ayaw sana ni Jenna pero dahil gusto ng mga anak nila kaya wala siya nagawa. Tuwang-tuwa naman si David pero hindi niya pinakita kay Jenna, kaya ang position nila, yong tatlong bata magkaka tabi sa isang side tapos silang dalawa sa kabilang side. Naiilang si Jenna pero wala siyang nagawa, nong pinatay na ang ilaw at maliit na lamp shade na lang ang nag silbing ilaw nila, hindi na napigilan ni David na yakapin si Jenna at halikan sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD