Chapter10

1313 Words
Kinabukasan wala nanaman si David.Natapos ang buong araw na hindi sila nagkita puro tawag lang. At dahil Friday, at wala masyadong gagawin, maaga siya umuwi, dumaan muna siya sa grocery, dumaan siya para mamili ng dagdag stocks niya pati na rin bumili ng green manggo na cravings niya. Habang naka pila sa cashier, nahagip ng mata niya si David na naka upo sa loob ng restaurant na kadikit ng supermarket, tatawagin sana niya pero nakita niyang mukhang may kausap, after niyang mag bayad, lumapit siya ng pero hindi nag pakita, nakita niya yong babae, maganda, sexy, mukhang tuwang-tuwa sa nobyo niya panay pa himas sa braso ng binata, hawag sa kamay, parang silang dalawa lang at walang paki alam sa mga nasa paligid.Nag text siya sa nobyo, nakita niyang tiningnan ang phone at sumagot. “hi, where are?” “sa labas, I’m with a friend.” “sinong friend?” “Old friend from the states. I’ll talk to you later.” Maya-maya nakita niyang tumayo ang dalawa at lumabas, naka hawak sa kamay ng boyfriend niya ang dalaga, hindi malaman ni Jenna kung magpapakita ba o mag tatago, nasasaktan siya, nakaramdam siya ng sakit, ito na ba ulit? Hinayaan muna niya maka alis ang dalawa bago siya pumunta sa sasakyan niya, palabas na siya ng parking lot, nakita niya ang sasakyan ni David, hindi siya nakatiis, sinundan niya. Nakita niya na pumunta ito sa isang condo sa BGC, pumasok sa parking lot, sumunod din siya nakita niya na bumaba, inalalayan ang dalaga at pumasok sa elevator ang dalawa habang naka hawak sa braso ni David ang dalaga, gusto niyang sundan, pero naisip niya, may tiwala siya sa nobyo, ayaw niya mag junp into conclusion, binigyan niya ng benefit of the doubt, kaya tinawagan niya . “hello, nakauwi ka na?” “not yet, I’m still with my friends.” “saan ba yan? kala ko pagod ka, kaya sabi mo hindi ka makakabalik sa office.” “we’re here sa BGC, nagkita-kita kasi kami ng mga college friends ko, kwentuhan lang naman ito, hindi rin ako mag tatagal, I’ll go home early, don’t worry.” Hindi na kumibo si Jenna, binaba na lang niya ang phone, at umuwi na lang din. Samantala, pumasok sila David at Angela sa isang room, pag bukas nakita niya doon ang mga friends niya nong college, since Angela and him are in a relationship before kaya marami silang common friends, nagka hiwalay man sila, they remain friends, pero may mga friends pa rin silang tinutukso silang mag balikan, pero alam ni David na hindi na pwede, dahil may Jenna na siya, alam din ito ng iba nilang kaibigan, even Angela, pero matigas ang ulo ni Angela, for her, pwede pa since hindi pa naman kasal ang dalawa. Natulugan na ni Jenna ang pag hihintay sa tawag ni David. Hindi na ito tumawag, at pag ka gising niya sumama nanaman ang pakiramdam niya, panay nanaman ang suka niya. Since Saturday, she decided to clean her unit, after that nag luto siya, panay ang tingin nya sa phone niya kung may tawag si David, pero wala, kaya naisip niyang dalhan ng ulam si David sa condo nito, baka hindi pa gising. Pagkatapos niyang maligo, magluto, niligpit niya ang mga food na dadalhin niya para kay David, palabas siya ng bahay niya ng makatanggap siya ng tawag mula kay Kathy, “Gurl, saan ka?” si Kathy, “ito palabas ng bahay pupuntahan ko si David, dadalhan ko ng food. Why?” “wala lang, puwede sumama?” si Kathy. “Sige, saan k aba daanan kita.” “dito na ako sa labas ng village mo, ha ha ha ha.” si Kathy, “baliw ka talaga, sige palabas na ako, wait mo ako.” Nang makita niya si Kathy, pinasakay niya na. At binaybay na nila ang daan patungo sa condo ni David. Pag pasok nila sa condo nakita siya ng receptionist since kilala naman siya kaya tumango lang sa kanya ang babae at binati siya “Hi, mam! Bumalik pala kayo.” Nagkatinginan sila ni Kathy, napansin siguro ng receptionist na parang nagulat siya, kaya sinabihan siya, na “diba mam kagabi kasama niyo si Sir umakyat?” “ahh… oo, bumaba lang ako, may binili, sige, akyat na ako.” Pag talikod, at pag sakay nila ni Kathy sa elevator, parang ayaw na niyang tumuloy, kinakabahan siya, hinawakan siya ni Kathy, “hey, relax hindi pa natin alam kung totoo ang sinasabi ng receptionist.” Si Kathy. Pag bukas ng elevator sa floor kung saan ang unit ni David, abo tang kaba ng dibdib niya, at ng tumapat siya sa pinto, pipindutin na sana niya ang code ng biglang bumukas ito, lumabas ang babaeng nakita niya sa restaurant na kasama ni David, magulo ang buhok at naka kamesola lang, walang bra. Pareho silang nagulat ni Kathy, “mmm… Yes? What can I do for you?” “hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil sa sakit na naramdaman niya, kaya si Kathy na lang ang nag salita.”ahh… si Sir David, nandiyan ba?” “Yah.. pero tulog pa siya why, may kailangan ka?” medyo nakataas pa ang kilay nito. “ahh kasi kagabi nag text siya na dalhan daw siya ng food, madalas kasi siya nag papadala ng food pag wala siyang time mag luto.” Si Kathy, “ahh ok, akin na yong food, sabihin ko na lang sa kanya, baka late na yon magigising.” Hindi inaalis ni Jenna ang tingin niya kay Angela. “ okay, ano nga name mo?” si Kathy, “ I’m Angela Fernando. Ikaw sino ka,are you his secretary?” “ ahh… staff niya kami, matagal na rin kasi kami sa company niya, kaya kami ang lagi niyang inuutusan.” “okay, kala ko kaw yong secretary/girlfriend niya, do you happen to know the name of his secretary?” si Angela. “Why?” si Jenna na hindi inaalis ang tingin kay Angela. “Wala lang gusto ko lang makilala ang karibal ko. You know, David is my boyfriend before, pero nagkahiwalay kami due to misunderstanding kaya ako bumalik para maki pagbalikan sa kanya, I know almost his relatives, my mom and his aunt are also barkada way back in their college days, actually sabay kami ni tita Joan niya bumalik dito sa Phils. and tomorrow may salu-salo sa house nila with my family.” Si Angela. “ahh.. okay, sige alis na kami” si Kathy sabay hawak ng kamay ni Jenna. Patalikod na sila ng biglang nagsalita si Angela “ano nga name niyo?” “Paki sabi kay sir si Kathy at Jenna” sagot ni Kathy. Hindi malaman ni Jenna kung paano siya naka baba at naka sakay sa kotse niya, pagka upo niya bigla na lang tumulo ang luha niya, sabay bayo sa dibdib niya, “ang sakit kath, bakit ganon?, naulit nanaman.” Si Jenna. “Jen, makinig ka muna ng explanation ni sir, baka binobola ka lang ni Angela.” Si Kahy, umiling si Jenna.”no, hindi ito ang una ko siyang nakita, nakita ko rin sila sa restaurant na magkasama at sinumdan ko rin sila kahapon sa isang condo sa BGC, tinawagan ko siya kahapon puro siya pahaging kung sumagot, wala siyang sinasabi na kasama niya ang ex niya, sabi niya mga college friends daw,tapos makikita ko nasa condo niya naka kamesola, walang bra, ano yon?ibig sabihin pagkatapos nila don sa condo sa BGC sabay pa silang umuwi at doon sila natulog sa condo ni David?” si Jenna. Panay ang iyak niya, panay hagod lang ni Kathy sa likod niya, halos wala na siyang makita sa kakaiyak, kaya si Kathy na lang ang nag offer na mag drive pauwi. Hindi siya iniwan ni Kathy, hinintay niyang tawagan siya ni David pero nabigo lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD