Hindi maintindihan ni Jenna ang pakiramdam niya, parang ang bigat na lagi siya ina antok. Pagka shower niya binuksan niya ang pagkain na binili nila ni David, kumain siya ng konti pero hindi rin niya naubos, kasi bigla na lang siyang nasuka. Dumiretso siya sa bathroom, suka siya ng suka, hinang-hina siya,
kumakalam ang sikmura niya pero alam niya hindi naman siya gutom. Niligpit niya ang pinagkainan at nag shower na lang siya at nahiga, maya-maya nakatulog na siya.
Samantala si David naman panay ang tawag kay Jenna, ring lang ng ring walang sumasagot, nasa isip niya baka tulog na since masama nga ang pakiramdam. Tinawag siya ng mommy niya, “why, anak, what wrong bakit hindi ka mapakali diyan?” well, mom, hindi kasi sinasagot ni Jenna ang phone, medyo masama kasi ang pakiramdam non kanina”, si David, “baka naman nakatulog na? anyway daanan mo na lang later bago ka umuwi ng condo mo, halika na tinatawag ka na ng tita mo at miss na miss ka na daw niya.”si Mommy Elena. “ Kamusta, iho, balita ko may girlfriend ka na daw sabi ng mommy mo?” si tita Joan, “yes po. Actually na meet na nila mom and dad si Jenna.” “ buti naman at naka move ka na kay Angela, kala ko siya pa rin until now.” Si tita Joan, “ matagal na yon Joan, beside mas gusto ko si Jenna, simple girl, at marunong tumayo sa sariling paa, hindi umaasa sa kayang ibigay ng pamilya niya.” Si mommy Elena. “ well, maganda kung ganon, ano ba ang buong pangalan ni Jenna?” si tita Joan, “Jenna De Dios po, Her parents are Fernando & Beatriz De Dios may sariling silang architectural firm her sister is a doctor, her brother is my friend, pero she choice to work for me as my secretary kahit may kaya sila.” Si David.
By the way, alam na din ni David na kapatid nga ni Jenna si Noel na kaibigan niya nong sinagot niya si David Sinabi na rin ni Jenna ang totoo kay David, tawa sila ng tawa kasi akala daw ni David type ni Noel si Jenna.
“De Dios? May classmate ako dating De Dios ang name barkada pa nga eh”, si tita Joan, “really! Tita? Baka po kilala niyo daddy niya si Fernando De Dios, napangasawa nya si Beatriz Salmeda, according kay Jenna college classmate daw parents niya.” Si David. “ Yah, I remember, we used to call him Fernan, sila pala nagkatuluyan ni Beatriz, sabagay mabait naman talaga si Beatriz, bukod sa maganda, I remember ang mommy ni Angela may gusto yan kay Fernan, kahit anong iwas ni Fernan ito naman mommy ni Angela panay pa charming kay Fernan, eh pareho kong barkada si Fernan at si Dulce, ako na nagsasabi kay Dulce na tantanan na si Fernan at mayroon ng girlfriend, ayaw makinig, inaway pa niya si Beatriz, o d naka tikim siya ng masasakit na salita kay Fernan, mula noon, hindi na naglalapit si Fernan sa grupo naming hanggang nag decide silang dalawa ni Beatriz na lumipat na lang school kaya sa iba nag graduate yong dalawa, saying nga eh, bait pa naman ni Fernan kasi tinutulungan din ako non sa mga assignments ko lalo na sa Math.” Litanya ni tita Joan. “ano ka ba Joan, eh ganyan naman si Dulce pag ano ang gusto walng paki alam kung sino ang masagasaan basta makuha niya yong gusto niya, kaya nong naging si Angela at David, hindi ako mapakali, lagi kong pina aalalahanan itong si David na huwag masyadong ibuhos ang loob kay Angela, naku! Anak ayaw ko don, ngayon ko na lang sasabihin sayo.” Si mommy Elena. “Mom, tapos na po yon, buti nga po nalaman ko agad na niloloko pala ako kaya ayun break agad, d ko na pinatagal. Anyway nandito siya ngayon sa Maynila nagkita nga kami, friends lang ang puwede kong i-offer sa kanya. Kaya wala na siyang maaasahan sa akin, may Jenna na ako.” Si David. “pero mag iingat ka pa rin David, baka nag mana yang si Angela sa nanay niya,may pagka spoled brat pa naman yong babaeng yon,baka agawin ka kay Jenna.” Si tita Joan. “That will never happen, tita.”si David.
Pagka uwi ni David dumaan muna siya sa bahay ni Jenna, nakita niyang patay ang ilaw ng sala ni Jenna pero may nakita siyang naka sinding ilaw sa kuwarto sa itaas kahit natatakpan ng manipis na kurtina, sinubukan niyang tawagan si Jenna. “ H-hello, sino ito?” si Jenna. “Love, ako ito, ano nangyari sayo, are you okay? “ si David. Tiningnan muna ni Jenna ang name na nakaregister sa phone niya nakita niyang si David, “yah, nagising lang ako kaya nasagot ko ang tawag mo, nakauwi ka na?” si Jenna, “pauwi pa lang, I was calling you kanina, you’re not answering the phone kaya nag try ulit ako ngayon. Okay ka lang ba, may masakit ba sayo, gusto mo punta ako diyan?” si David, hindi niya sinabi na nasa labas lang siya ng unit ni Jenna. “N-No, okay lang ako, nag cr kasi ako kaya nagising ako tapos tumawag ka, wala naman akong lagnat, antok lang talaga.” Si Jenna. “okay, sleep ka na ulit, see you, if you still not feeling well, don’t go to work tomorrow, puro meetings lang naman ako sa labas, okay?” si David. “Okay, I’ll call na lang, see you, love you.” Si Jenna. “love you, too.” Si David.
Pagka gising ni Jenna, nasusuka nanaman siya, napa isip siya hindi kaya totoo ang sinabi ni Kathy sa kanya, baka nga buntis siya, kinuha niya ang phone niya mayroon siya dong app na ginagamit to track her monthly period, nakita niyang lagpas na sa araw na suppose to be monthly period niya, kinabahan siya, baka nga buntis siya, hindi naman siya natatakot dahil alam naman niyang matutuwa si David kaya lang hindi pa ito ang panahon na magpakasal dahil mamanhikan pa si David sa kanila. Naligo siya at umalis dumaan siya sa drug store at bumili ng PT, umuwi siya at nag test, its positive, kaya she decided to go to the hospital, sa iba siya pumuntang hospital hindi don sa pinapasukan ng ate niya, sinugurado niyang hindi kaibigan ng ate niya ang OB-GYN na pupuntahan niya, pagka tapos niya mag pa test, and its confirmed, pregnant siya. Ang saya saya niya 4 weeks na daw ang tiyan niya at healthy naman si baby, binigyan siya ng mga vitamins at pinababalik siya next month. Dumiretso siya sa office, gusto niyang sabihin kay David ang surpresa niya pero pag dating niya sa office wala ang nobyo. Nag text kasi kanina sa kanya na diretso na daw ito sa meeting niya sa isang hotel, sinabihan din siyang mag pahnga kung hindi pa niya kayang pumasok. Kaya nagulat din si Kathy bakit dumating siya, si Kathy kasi ang inutusan ni David na pumalit muna kay Jenna. “Oh, gurl, bakit nandito ka?kala ko may sakit ka, sabi ni sir, hind ka daw papasok.” “okay lang ako Kat, madami bang work?” “hindi naman, inaayos ko lang itong ibang files para mamya pag balik ni sir, i-check daw niya may meeting kasi sila ni Mr. Park sa labas.” Si Kathy, “ah, okay, ako na diyan.” “sure ka, okay ka lang? baka maya pagalitan ako ni sir pero infairness friend parang iba ang aura mo ngayon, may nangyari ba?” si Kathy, “ha? wala, ano kaba, medyo mapagod kasi ako kahapon sa dami kong ginawa medyo naka pag pahinga ako ng maayos kahapon kasi ang aga ko umuwi, ang aga ko din matulog. Kaya fresh ang lola mo.” si Jenna sabay ngiti. “okay, sinabi mo eh. sige balik na ako sa pwesto ko, kaw na bahal diyan.” Si Kathy. Ayaw muna ni Jenna sabihin kay Kathy na buntis siya gusto niya si David ang unang makaka alam.
Mga 2pm nang tumawag si David sa kanya, akala ni David nasa bahay siya kaya nagulat ito nong sinabi nyang nasa office siya, sinabi niyang okay naman siya kaya pumasok na lang siya. Kaya after ng meeting dumiretso si David sa office, dinalhan pa siya ng pang snack niya, yong favorite niyang siomai at black gulaman, sarap na sarap siyang kumakain sa pasalubong ng nobyo. After niyang kumain niligpit niya ang mga ito at pumasok sa cr sa loob ng office ni David at nag toothbrush. Pag labas niya nagulat siya bigla siyang niyakap ng nobyo. “hmmm… I miss you love, gusto ka pa naman makita ni tita Joan.” Si David. “ako din, pero para I understand, for the company naman yong ginagawa mo. May meeting ka pa ba?”si Jenna. “Yah, ang hirap palang kasama si Mr. Park daming ka-meeting, but infairness dami ko din natutunan sa kanya. Dami rin niyang nakuwento about you. Ang laki ng pag hanga sayo ni Mr. Park.” Si David. “Siyanga pala baka next week pa luluwag ang schedule ko kasi babalik ng Korea si Mr. Park, kaya more on nasa office ako.” Si David. After office hour, kumain muna sila ng dinner at hinatid na siyang umuwi, ginising lang siya dahil naka tulog nanaman siya sa sasakyan ni David. Hindi pa rin niya sinasabi kay David dahil kumukuha pa siya ng tiyempo gusto niya i-surprise ang binata.