Chapter 4 _ Witness

1277 Words
(Reese POV) NANATILI lang ako sa loob ng bahay namin at hindi na lumabas pa. Matapos ba naman ng lantarang pagtitig ko sa katawan ni Zephyr. Malamang na naglalaro sa isip ng taong yun na talagang babae nga ako. Tiyak kong aasarin na naman niya ko. Kumbakit ba kasi sa lahat ng lupa sa mundo sa tabi ng lupang kinatitirikan pa mismo ng bahay namin sila nakatira. Kung saan ang mga bakod ay hindi man lang nagtataboy ng masasamang loob. Bumuntong hinga na lang ako habang nakasalampak lang sa sofa namin. HInihintay ko lang naman na dumating na sina Miguel at Jodem. Ibig sabihin din non ay makikita ko rin ang lalaking yun. Wala sa isip na biglang uminit ang mukha ko. Nahihiya akong harapin ang lalaking yun eh. Kung sabihin ko kaya kina Miguel at Jodem ang paratang niya sa akin na babae ako. Tiyak ko namang maipagtatanggol ako ng dalawang yun dahil sila mismo nakita na ang banda ko 'don'. Oi, dirty minded kayo. Hindi naman talaga as in 'dun'. May mga tricks lang akong 'inilagay' para mapaniwala silang lalaki nga ako. Kinatwiran ko rin sa kanilang may nakakatakot akong birthmark sa dibdib kumbakit madalas ang paglalagay ko ng bandage. Alam nila yun. For sure naman ay ipagtatanggol nila ako sa hamak na transferee lang. Sana nga ganoon ang mangyari. "Reese, pupunta dito mamaya ang mga kaibigan mo diba?" Napatingin ako sa mama kong bihis na bihis. "Opo, san punta mo?" tanong ko lang sa kaniya. "May lakad ako syempre. Dito ka lang bantayan mo ang bahay. At tungkol don sa lalaking alam ang sekreto mo. . ." Tinitigan lang muna niya ako. "Wag kang pabubuking," aniya saka nagtuloy-tuloy na sa pag-alis. "Sige po," sagot ko na lang. Wala din kasi doon ang papa ko at nasa clinic niya tuwing weekend. Madalas itong wala dahil nga abala ito. Ang mama ko naman umaalis na ewan ko kung saan pupunta. Feel ko nga may sideline siya. Kaya madalas ay ako lang ang naiiwan dito sa bahay. Boring yun syempre kaya naman madalas kong imbitahan sina Miguel at Jodem dito. Ngayon naman ay kasama na ng tropa namin ang bading na unggoy na yun. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan na yakap-yakap ko. Naiinis na ako isipin pa lang na aasarin ako ng lalaking yun pagkatapos ng wagas kong pagtitig sa katawan niya kanina. Bakit ba? Hindi ko naman nasilip ang abs niya ah! Isang doorbell ang nag-paagaw sa atensyon ko. Sila na marahil yun. Mabilis akong umalis sa pagkakasalampak at agad na pinuntahan ang gate at pinagbuksan ang mga kaibigan ko.  Ganoong-ganoon na lang ang pagngiti ko dahil wala ang lalaking ayaw kong makita. "Dali, pasok kayo." Kaagad ko silang hinila ng hindi na pinagpapaliwanag pa. Sinilip ko ang labas. Wala si Zephyr kaya mabilis kong sinara ang pinto ng gate. "Reese, bakit ba? Wala pa si Zephyr no?" tanong sa akin ni Miguel. "Wala akong planong papasukin ang kumag na yun dito no? Alam niyo namang di ko gusto ang vibes ng isang yun pero inimbitahan niyo pa siya dito mismo sa sarili naming bahay? Bahay niyo? Bahay niyo? Hindi di ba, kaya wag na kayong magreklamo." asik ko sa kanila habang tinutulak ko na sila papasok sa bahay namin. "Pero hindi naman pwedeng basta mo na lang siyang pag-sarhan ng gate noh? Oi! Zephyr!" Mabilis kong tiningnan ang taong binati ni Jodem. Ayun na naman. Nakadungaw sa bakod naman. "Nandito na pala kayo!" Nasambit nito. Ay hindi! Wala pa sila! Kita na nga eh. Ambobo! Bumusangot ang mukha ko ng tingnan niya ako. Uminit lalo ang ulo ko ng mapansin kong nagpipigil siyang matawa. "Halika na!" Tawag ni Miguel. "Mukha kasing hindi naman ako imbitado eh!" sagot niya na sumulyap pa sa akin. Sinimangutan ko siya. "Naku! Wag mo na tong pansinin." Inakbayan ako ni Jodem. "Bad mood lang talaga siya kahapon. Sumampa ka na lang diyan, masaya dito." Hindi pa man ako pumayag ay sumampa nga siya sa bakod at lumundag hanggang siya nakapasok nga siya sa bakuran namin. "Hoy!" malakas kong sigaw na nakaduro sa kaniya. "Wala kang karapatang pumasok dito ng walang pahintulot sa akin. Alam mo ba-----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng takpan ni Miguel ang bibig ko habang nakaakbay siya sa akin. Nagwala ako pero syempre siya ang lalaki kaya hindi ako makawala sa lakas niya. "Tayo na lang sa loob!" ang imbita ni Jodem. Lalong kumulo ang dugo ko. Walangyang mga kaibigang to ah. Ako pa ngayon ang pinagtutulungan. Lalo akong nagwala pero hinihila lang ako ni Miguel papasok sa bahay namin habang nakasunod naman sina Jodem. Mga taong to talaga! Kalaunan ay wala akong nagawa kundi hayaan na lang ang natatangi kong 'bwisita' kasama naman. Wala na akong choice dahil kahit anong gawing pagpapalayas ko sa kanila ay hindi pa rin naman siya aalis lalo pa't pinipigilan nina Miguel at Jodem ang pag-aalburuto ko. Nagkasya na lang akong sumimangot sa sulok habang sila masayang pinagpapasa-pasahan ang PS3 namin. May pagkain pa kami doon na cupcake na gawa ni mama at juice na tinimpla ko. Di pwede ang alcoholic eh. Papatayin kami ng papa ko, tiyak. "Hoy, Reese. Join ka sa amin o. Nandito tayo para di ka ma-bore diba?" ang alok sa akin ni Miguel. "Di na!" masama pa rin ang loob ko sa kanila dahil pinagtutulungan nila ako. "Alam mo bang para kang babaeng may dalaw?" Inis na agad kong tiningnan si Zephyr na pinagmamasdan lang ako. Para bang natutuwa siya sa tuwing nakikita niyang nakasimangot ako. Madilim na madilim ang anyo at parang gusto ng isumpa lahat ng makita. Well, gustong-gusto ko siyang isumpa. Kumbakit nakilala ko pa siya. "Wag mo ng pansinin yan, Zephyr." ang agaw pansin ni Jodem habang ang mga mata ay nakapukos lang sa nilalaro. "Ganyan lang talaga yan. Natawag na rin namin siya ng ganyan noon eh. Talagang parang babae ang isang yan dahil napaka-moody minsan." aniya. Binalingan ko lang si Zephyr na sinulyapan lang ako baka siya tumingin kay Jodem. "Hindi ba kayo nagdududang baka babae siya?" Napanganga ako sa itinanong niya habang sina Miguel naman at Jodem ay nahinto sa paglalaro na pareho pang napatingin kay Zephyr. Nag-freeze kaming tatlo habang si Zephyr naman ay hinihintay lang ang magiging reaksyon namin. Maya-maya lang ay malakas na tawa agad ang pinakawalan nina Miguel at Jodem. Tuloy ay di ko maiwasang mapangiti na lang para naman hindi masabi ng lokong to na hindi ko maunawaan ang dalawa, na pati ako ay parang tanga sa reaksyon ng dalawa na siya namang tunay. "Nagbibiro ka ba, Zephyr? Babae?" Natatawang naulit ni Miguel na hinampas pa si Jodem na natatawa rin. "Babae? Hindi noh? Ni minsan hindi ko naisip na babae itong si Reese. Maliit siyang tingnan kasi nga payatot. Saka ganyan naman talaga yan eh. Nasa sa kaniya na siguro yung mga bagay na mukhang sa babae pero buh, lalaki yan I tell you." ang wika nito. Gusto kong magdiwang sa sinabi ni Miguel kaya naman ay di pa rin naniniwalang tinignan lang ako ni Zephyr bago ang mga kaibigan ko. Tinataasan ko lang siya ng kilay bawat pagtingin niya sa akin na may pagtataka lang sa anyo. O Ano na? Lalaki eh! Gusto kong sabihin sa kaniya yun pero nagpigil lang ako dahil gusto ko pang namnamin ang pagkalitong nakikita ko sa anyo niya. "Paano naman kayo nakakasiguro?" di pa rin talaga ito naniniwala. Tuloy ay nakakaasar na. "Of Course duh! We saw his 'umph'" sagot lang ni Jodem na bumungisngis pa. Manghang napatitig lang sa akin si Zephyr. Isang mapangutyang ngiti at titig ang ibinigay ko sa kaniya. Nagsasabing, O ha? Sabi sayo eh. Cute tuloy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD