Chapter 3 _ Prove

905 Words
(Reese POV)  TULAD nga ng inaasahan ko. Nagulat ang mga magulang ko sa ipinagtapat ko sa kanila to the level na para silang sinabuyan ng mainit na sabaw. Panay pa ang sisi sa akin kung bakit daw hindi ko sinuot ang trunks ko. Bakit ba? Alam ko ba na may sa bakla pala ang lalaking yun at nagawa pang silipin ang baba kung maumbok ba o hindi? Saka hindi ko naman kasalanang cute lang talaga ako at may sa bakla ang taong yun na deny to death kaya pinapalabas na lang na ako ang babae at hindi siya ang bakla. May chance naman diba? Ng sabihin ko rin sa kanilang pupunta dito bukas ang Tropa kasama ang lalaking yun ay mas lalo silang naging parang mga nagwawalang unggoy. Kung hindi lang ako nagsalita ay baka natuluyan na sila sa mental. Hyst! Ang OA naman nila. KINABUKASAN "Nagdidilig ka pala ng halaman?" Ganoon na lang ang gulat ko ng madinig ang boses na yun. Kaagad kong sinundan ng tingin ang nagsalita at hindi nga ako nag-kamali ng makita ko ang guapong pagmumukha ng lalaking pinagpalang kasusuklaman ko. Halatang bagong gising siya dahil sabog pa ang buhok niya at hindi man lang yata nanalamin. Marahil na bagong hilamos pa pero ano ba yun? Ang guapo niya, Promise! Naku! Reese, lumalandi ka na. Erase! Erase! Nakadungaw lang siya sa akin mula sa bakod naming ga-dibdib lang ang haba. Kasi naman, parang magkakapamilya mga tao dito at hindi uso ang mahahabang bakod eh. Yun bang tipong, sa bakod lang inaabot ang ulam para sa mga kapit-bahay. Tindi rin eh. Nakatalikod naman ang posisyon ko sa kaniya dahil nasa kabilang side ng bakod ang mga halaman namin. Kasalukuyan rin akong nagdidilig dahil yun naman ang routine ko tuwing umaga lalo na kapag walang pasok. Maaga pa rin naman, nasa 5 am pa siguro at mamaya pa dadating sin Miguel at Jodem. Hindi ko siya pinansin na muli lang ipinagpatuloy ang pagdidilig gamit ang hose namin. "Pasensiya ka na sa akin kahapon kung naging prangka ako sayo." Manghang tiningnan ko siya. Marunong palang magpasensiya ang unggoy na ito. "So, inaasar mo lang talaga ako?" tanong ko sa kaniya. Baka nga naman kasi talagang pang-aasar na yun. "Oo, nakakatuwa kasing may babaeng nakapag-aral sa isang boy's sch------" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng itama ko sa kaniya ang hose kaya tuloy ay nabasa siya na bahagya pa niyang ikinagulat saka manghang napatingin sa akin. Ang cute ha? Ano ba yan? Erase nga! "Ilang ulit ko bang kailangang sabihin sayo na hindi ako babae. Ba't ba hindi ka maka-intende. Gusto mo bang ipasak ko sa bunganga mo ang gender na nasa birthcertificate ko?" inis na tanong ko sa kaniya. Sandali lang siyang nakatitig sa akin. Maya-maya ay nakabawi din siya sa gulat at sa mangha ko ay isang nakakalokong ngiti ang ibinigay niya sa akin. "Birth certificate?" napatawa siya ng maiksi. "Sa panahon ngayon, marami ng tricks para mabago ang kung ano mang nakalagda sa papel na yun basta tapatan lang ng walang katumbas na halaga." Hindi ako nakasagot na lalong nagdilim ang anyo. HIndi ko talaga alam kung ano ang gusto niyang palabasin sa mga pinagsasabi niya. Malaman man niyang babae nga ako ay wala rin naman siyang mapapala doon. Natigilan ako. Not unless, gusto niya ako. Bahagya akong kinabahan sa naisip. Hindi naman kasi pwede ang ganon eh. Bawal nga akong umibig diba? Kasi nga lalaki ako. LALAKI! Curses naman kasi tong guapong to eh. Nagpakita pa kasi! "So ano ang gusto mong sabihin?" tanong ko na lang. Hindi naalis ang mapangutyang ngiti niya habang titig na titig sa akin. Sa titig pa lang niya parang nababasa ko na kung ano ang gusto niyang ipagawa sa akin. "Bakit hindi------------" Muli ko na naman siyang sinabuyan ng tubig kaya muli na naman siyang matigilan. "In your dreams dude! Hindi ako maghuhubad sa isang tulad mong bakla. Ang gusto mo lang naman talaga ay masilip ang katawan ko kasi nababakla ka sa pagiging magandang lalaki ko." Asik ko sa kaniya. Pinunasan niya ang mukha na binasa ko ng tubig saka sa napatingin sa nabasa rin niyang katawan. Nasundan ko yun ng tingin. Pinigilan kong mapanganga dahil naaninag ko sa suot niyang manipis na puting t-shirt ang well built na katawan niya. Yun ba ang kinababaliwang wet look ng mga kadalagahan ngayon? Hindi ako nakaimik na titig na titig lang sa katawan niya. Ano ba yun? Ba't ganon? Ba't parang na-mesmerize ako sa hot ng anyo niya ngayon? Yun bang pakiramdam na gusto kong mapalunok at titigan na lang siyang magdamag to the point na hindi na ako kumurap. Para siyang hot model na nakatayo doon at may mga charisma siyang ipinapalabas at lahat ng yun tumatama sa akin. O sadyang sinasalo ko. Sheet! Reese, tama ng landi! Pinigilan kong tuluyang mawala ng hwesyo saka ko ikinalma ang sarili ko. Di pwede ang ganito. Ano ba kasi ang nangyayari? Tiningnan ko na lang si Zephyr at ganon na lang ang pag-dagan ng hiya sa buong katawan ko ng mahuli ko siyang titig na titig sa akin at may nangungutyang tingin. Tika! O_O! Nakita kaya niya ang pagtitig ko sa katawan niya? Ano kayang naglalaro sa isip niya. Bigla niyang ibinuka ang bibig niya at bago ko pa madinig kung ano ang sasabihin niya ay kaagad na akong umalis at pumasok sa bahay namin ng hiyang-hiya. Bakit ko pa kasi binasa eh?! Kakahiya!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD