(Reese POV)
“. . . babae ka, hindi ba?”
Ang katagang yun. Nagmistula yung isang malakas na bomba sa pandinig ko na pinasabog mismo sa harap ko kaya wala akong magawa kundi ang mapanganga sa gulat.
Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na may magtatanong sa akin tungkol sa bagay na yun o kahit ang maglaro man lang sa isip ko yun. Malaki ang tiwala ko sa sarili kong walang kahit na sinong tao ang makakaalam na babae ako sa isang titig lang. At dahil hindi ko napaghandaan ang ganong bagay. Wala akong maisagot kundi ang tumitig at ngumanganga lang sa harap niya.
Tiyak kong walang ibang nakadinig non maliban sa akin dahil mahina lang naman ang pagkakasabi niya at wala rin namang makakadinig sa likuran namin dahil pareho kaming nasa panghuling row at may pagka-bingi rin sina Jodem at Miguel.
Napakurap ako ng makita ang maliit na ngiti sa isang sulok ng labi niya ngunit maliban don wala ng nagbago.
"So, babae ka nga?"
"Hindi!" mabilis kong bulalas sa sinabi niya. Naalis ang maliit na ngiti sa labi niya na nakatitig pa rin sa akin. Ano ba ang problema ng pinagpalang lalaki na ito?
"Talaga?" nagdududa pang tanong niya kahit mukha namang sigurado.
"Oo kaya!" bulalas ko na hindi maalis-alis ang kunot ng noo. Na-we-werduhan na talaga ako sa taong ito. "Ba't mo naman nasabing babae ako?" tinawanan ko yun na parang tanga. Hindi kaya napansin niyang wala ang bukol 'doon'? Napansin kaya niyang wala ang ultimate blending asset ko?
"Hindi ka ba nananalamin ng maayos? Tingnan mo ang sarili mong mukha," nahimigan ko ang pagbabago sa tono ng boses niya. Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi nya. "Mukha mang totoo pero sa malapitan mahihinuha kong peke ang kilay mo. Walang lalaking may ganyang ilong, matangos pero medyo round. Lalong-lalo ng hindi ka mukhang lalaki dahil sa porma ng panga mo dito," itinaa niya ang kamay sa sariling panga malapit sa teynga at hinawakan. "Napansin mo diba? Kahit anong mangyari makikita mo ang shape ng panga sa bandang bahagi dito ng mga lalaki pero hindi ang mga babae. Deretso lang ang sa mga ito. Sa sitwasyon mo, panga ng babae ang nakikita ko.”
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo ba ang pinagsasabi niya pero parang nage-gets ko na rin ang ibig niyang sabihin.
Pero, kahit tama man ito sa hula nito hindi pa rin ako pwedeng umamin na lang ng basta-basta. Buong buhay kong itinago ang totoong kasarian ko tapos malalaman lang ng isang guapong transferee sa isang titig lang? Over my dead body!
"Pwes, kung yun man ang pagkakaalam mo nagkakamali ka. Hindi mo alam ang lahat at anong malay natin, meron pala. Baby face lang talaga ako." ang sagot ko sa kanya ngunit muli akong namangha ng mapansin ang maliit na ngiti sa isang sulok ng labi niya.
"Natitiyak kong yan ang boses mo. Sa pandinig ng marami, lalaki pero sa pandinig ko. Matinis pa rin at babae."
Kumulo yata ang dugo ko sa panay na katwiran ng siraulong ito. Hindi ko talaga alam ang problema niya pero isa lang ang sigurado ko. Ayaw ko sa kanya.
Muli akong nagulat ng hawakan niya ang pisngi ko at marahan na hinimas.
"Kasing lambot ng sa mga babae!" patuloy pa rin nito.
Hindi na ako nakapagpigil sa sobrang inis. Malakas kong tinapik ang kamay niya at pahampas na napatayo ako sa mesa. Napatingin lahat sa akin lalong-lalo na ang guro namin na nahinto rin sa pag-di-discuss. "Ma'am, binabakla ako ng siraulong ito!" sumbong ko habang nakaturo kay Zephyr.
Hindi ko inasahan ang magiging reaksyon ng mga unggoy kong kaklasi at ang gurang kong guro. Tawanan lang ang mga ito na para bang may sinabi lang akong corny joke. Lalong kumulo ang dugo ko doon.
"Please, Reese. Mind your word. Bago niyo pa lang siyang kaklasi so treat him well." ang sita ng guro namin na sumeryoso na ulit matapos akong pagtawanan.
"I am treating him well, ma'am. Pero binabastos niyang p*********i ko. Nakakalalaki na eh!" mabilis akong napabaling sa kanya ng madinig ko ang mahina at maiksing tawa niya. Lalo akong nainis dahil pinagtatawanan ako ng mayabang na lalaking ito.
"Reese, sit down!" seryosong utos ng guro.
Kapag ganoon na ang tono nito ay hindi na ako kumukontra. Tinitigan ko ng matalim ang lalaking katabi habang dahan-dahan akong naupo. Ba't pa nga ba ito nagpunta doon?
“I SWEAR, hindi ko gusto ang vibes ng guapong unggoy na yun!" ang diin na diin na bulong ko sa sarili habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan ako nakaupo banda. Kanina pa ako nanginginig sa inis dahil sa lantarang pagpapahayg niya sa kasarian ko. Inis at pag-alala ang nararamdaman ko ngayon pero wala naman akon magawa kundi ang magtimpi.
"Kumusta new transferee Zephyr Samaniego, Ako nga pala si Jodem Corpus. Nice meeting you."
Nadinig ko na lang na bati ni Jodem sa bagong studyante. Hindi ko na lang pinansin ang mga ito habang nanatili lang akong nakatinign sa labas ng bintana.
"Mabuti naman, nice meeting you rin." ang sagot naman nito.
Lalo akong nainis ng madinig ang ganting sagot nito. Hindi ako pinansin ng unggoy na yun kanina pero heto at nakikipagmabutihan sa kapwa nito mga unggoy.
"Ito nga pala ang mga tropa ko, sina Miguel at Reese."
"Howdy!" ang bati ni Miguel dito. "Taga san ka?"
"Sa malapit na subdivision lang dito."
Bahagya akong nagulat.
"Ang ibig mong sabihin sa Escudero Estate?"
Napatingin ako sa dereksyon ng tatlo at kitang-kita ko mismo ang pagtango ni Zephyr. Napanganga na langa ko sa kamanghaan. Ang ibig sabihin hindi lang ako sa paaralan mabwibwisit kundi pati rin sa paligid ng tinitirhan ko? Karma ba yun sa panguguyo ko ng maraming tao na lalaki ako? Nagdilim lang ang anyo ko ng tingnan niya ako maya-maya ay muli ulit tumingin sa dalawa.
"What a coincedence, magkapitbahay lang pala kayo ni Reese. Taga-doon din siya eh!" ang masaya pang bulalas ni Jodem.
Sabay akong tiningnan ng tatlo pero mas naiinis ako sa anyo ni Zephyr kahit guapo dahil nakangiti siya ng mapangutya sa akin. Hindi ko ikinatutuwang malaman na taga doon din siya.
"Bagong lipat lang kami diyan kaya dito na ako pinag-aral sa malapit." Ang wika ni Zephyr bago inalis ang paningin sa akin at binalingan ang dalawa.
"Talaga? Saan ba kayo nanirahan dati?" usyuso ni Jodem.
"Sa Visayas,"
"Ang layo pala, kami ni Jodem parehong malalayo ang pinanggalingan namin kaya naka-dorm lang kami dito." si Miguel. Saka bigla na lang pinatunog ang daliri ng may maisip. "You know what, bakit hindi ka sumali sa tropa namin?"
Napakislot ako sa gulat na agad napatingin kay Miguel na nakangiti pang tinanguan si Jodem at ako. Hindi pa lang yata napansin ng tanga na hindi ko gusto ang naisip niya sa gulat pa lang ng anyo ko.
"Oo nga ng sa ganoon ay mapunan ng isang member ang tropa namin," segunda ni Jodem na lalo kong ikinagulat.
Damang-dama ko ang protesta na gustong kumawala sa akin pero parang may pumipigil na huwag.
"Sure,"
"Hindi pwede!" napatayo ako sa inis na napahampas pa sa mesa. Hindi na ako nakapagpigil. Ang OA ng reaksyon ko oo, pero totoong hindi ko talaga gusto ang makasama ang taong ito. "Ayaw kong masali sa tropa natin ang taong ito." Buong protesta na pahayag ko na nakaduro pa sa lalaking nakamasid lang sa akin.
"Bakit hindi? Wala namang masama kong makisama si Zephyr sa atin diba?" tanong ni Jodem.
"Basta ayaw ko. Nadinig niyo ang sinabi ko kanina diba? Binabakla niya ako!"
"Hindi kaya!"
Umusok yata ang ilong ko na buong titig na binalingan si Zephyr sa sinabi nito. Denial King pa ang unggoy na ito. Ako pa ngayon ang lumalabas na sinungaling na lalong ikinakulo ng dugo ko. "Ano ba talaga ang problema mo?" Singhal ko sa kanya. Sa ngayon hindi na ako nakapagpigil at inilabas ko na ang sama ng loob ko kaya pati ang ilan kong mga kaklasi ay napatingin na rin sa dereksyon namin dahil sa lakas ng boses ko. "Gusto mo ba talaga ng away? Hindi kita uurungan, doon tayo sa labas!" hamon ko sa kanya.
Lalong uminit ang ulo ko ng tawanan lang niya ako ng mahina. Yun lang ang magiging reaksyon niya kahit parang bulkan na akong sasabog sa sobrang galit pero siya kalmang-kalma lang. Daig pa ang nakakulong sa cozy room sa sobrang kakalmahan niya.
"Wala akong problema at wala rin akong naalalang mali para makipagsuntukan sayo. Pero, talaga bang nakikipagsuntukan ka sa mga 'lalaki'?" sarkastikong tanong niya na idiniin pa ang salitang lalaki.
Akmang susuntukin ko na sana siya ng mabilis akong maawat nina Jodem at Miguel. Mas mabilis pa yata sa oras ang pagsulpot nila sa harap ko.
Pinipigilan ni Miguel ang kamay kong gusto ng manontok at si Jodem nama sa paa kong gusto ng manipa. Hindi ko na mapigilan ang galit ko at gusto ko ng gulpihin ang lalaking ito at basagin ang pinagpalang kaguapuhan nito. Lalo pa akong nagwala ng makitang parang wala man lang nangyayari sa paligid nito at binigyan pa ako ng mapaklang tawa.
Nagwala na ako na nagsisigaw pa.
"Awat na! Awat na!" ang bulalas ni Miguel na parang nahihirapan na rin akong pigilan sa pagwawala ko.
"Anyway, Zephyr." Parang wala na binalingan ni Jodem ang lalaki kahit nakahawak siya sa paa ko. "Kung gusto mong sumali sa tropa. Punta ka lang sa gimik namin ngayong sabado sa bahay nina Reese. Siguradong malapit lang yun sa inyo. 239 ang bahay nila." nakangiti pa nitong imbita.
"239? 240 ang sa amin so magkatabi lang pala kami ng bahay?"
Mabilis akong natigilan na napatingin sa kanya. Puno ng kamanghaan sa anyo ko habang siya naman nakatingin sa akin ng nangungutya at nangiti ng bahagya. Anong klasing karma ba yun?
"Ok, pupunta ako!" sagot nito pero sa akin nakatingin.
Napasigaw ako sa inis.
And so, hindi ko na naikalma ang sarili ko. Nagwala na ako sa loob at kinailangan na akong dalhin sa guidance office para kumalma. Oo, kumalma ako sa loob dahil binantaan akong ililista na 'naman' ang pangalan ko doon. Kumalma ako pero hindi pa rin naalis non ang inis ko sa lalaking yun.
Halos lahat ng pagmumura nasambit ko na sa isip ko dahil sa timping galit ko.
Iniinsulto na niyang masyado ang p*********i ko, kahit hindi naman ako lalaki, pero talagang naiinis ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng taong yun. At ang dalawang unggoy ko namang kaibigan inimbita pa siya sa bahay namin mismo? Ano na lang ang gagawin niya doon? Tiyak kong oobserbahan niya lahat at lahat ng clue na magsasabing babae nga ako.
Hindi ko alam kumbakit kailangan pa niyang ipamukha sa akin ang totoo kung gayong pwede namang isarili na lang niya hanggang sa mabaliw siya sa katotohanang yun. Hindi ko rin alam kumbakit naniniwala siyang babae talaga ako.
Pwes, ipapamumukha ko sa kanyang dapat mali siya kahit tama.
Ng ano?
Hindi naman ako pwedeng maghubad sa harap niya, diba? Kahit naman lalaki akong pinalaki ay concious na concious naman ako sa pagiging babae ko na minsan nakakalimutan ko pa.
Ah, basta. Ipapakita ko na lang sa kanya ang birth certificate ko at ipamukha sa kanya yun.
Tiyak kong parehong mape-freak out sina mama at papa kapag nadinig ito. Marahil na higit pa sa reaksyon ko.