Chapter 1 _ New Transferee

1948 Words
(Reese’ POV) “Magpayong ka nga!” ang wika ko sa kapwa ko studyante. “Bakit?” tanong naman niya. “Inuulan ka kasi ng kagandahan.” Hindi ako nabigo sa pick up lines ko dahil kinilig nga ang babae kasama na ang mga kaibigan niya na nakatingala lang sa amin. Palakapakan naman ang dalawa kong mga ungas na kaibigan. “Galing ng mokong!” ang wika ni Jodem sa akin. Ngingiti-ngiting binalingan ko lang sya. “That's life.” Sagot ko lang sa kanya bago tiningnan sa baba ang mga babae. “So girls, sino ang panalo sa aming tatlo?” Tanong ko sa kanila pero malaki ang tiwala kong mananalo ako sa patalbogan ng pick up lines namin ng mga kaibigan kong sina Jodem at Miguel. “Oo na, panalo ka na!” ang wika ni Miguel na halatang tanggap na ang pagkatalo. “Panalo ka, Reese.” ang sabay-sabay na wika ng mga babae na pumalakpak. Lumubo naman ang ulo ko na nagyabang pa sa dalawa kong kaibigan. “Reese, Jodem, Miguel. Nandiyan na naman kayo sa ibabaw ng puno? Wala talaga kayong magawa sa buhay niyo kundi ang mag-pacute sa mga girl student diyan sa kabilang bakod!” Patda kaming tatlo na sabay napatingin sa ibaba at nagulat kami ng makita si Ma'am masungit na nakasimangot na naman ang mukha haang nakatingala sa amin. Right! All-boys high school nga pala itong pinapasukan kong paaralan at sa kabilang bakod na sinisilip namin ay All-girls naman. Bagammat pareho lang ang pangalan ng paaralang ito ay iba naman ang para sa lalaki at para sa mga babae. Hindi ko alam kung ano ang problema ng mga taong namamahala sa paaralang ito at kailangan pang hatiin ang paaralan para sa mga babae at para sa mga lalaki. Hindi tuloy ako maka-diskarte ng harap-harapan. Although hanggang diskarte lang ako, pambobola kumbaga pero hindi na ang magkaroon ng girlfriend. Babae rin naman ako kahit lalaki ang tingin ng lahat ng tao sa akin. Marahil na isa ang pambobola sa charactiristics ng mga lalaki ang nakuha ko mula sa kanila sa panghabang buhay na pagpapanggap na ito. Pero nag-e-enjoy din naman ako. Nagkatinginan lang kami ng mga kaibigan ko sabay tingin sa mga babae. Kinawayan lang namin sila at kitang-kita naming dismayadong nagsialisan na lang ang mga ito. Ang punong yun lang naman kasi ang nakikita naming madaling akyatin para masilip ang 10 feet wall na nagsisilbing divider ng dalawang skwelahan. Sabay-sabay kaming nagbabaan at hinarap si Ma'am masungit na masasabitan na yata ng kaldero ang nguso. "Ilang ulit ko ba kayo kailangang sitahin para tumigil na kayo sa pag-akyat sa punong yan?" ang tanong niya sa amin. "You do the math, ma'am." Walang takot na sagot ni Miguel. Lalong nagdilim ang anyo ng guro sa sinabi ng loko-loko. Pambihirang tao talaga ito o. "Miguel and Jodem, come with me to my office. Reese, kailangan ka ni Dr. Siena." Muntik na akong mapa-halleluya sa tuwa. Savior ko pa ang ama kong school doctor ng paaralan. "Ok!" Masaya kong bulalas saka ko tiningnan ang dalawa na hindi makapaniwala ang anyo. "Good luck, guys. See you in the room!" paalam ko sa kanila na lalong ikinainis ng dalawa. Bago pa umihip ang hangin at magbago ang isip ni Ma'am ay mabilis na akong sumibad papunta sa school clinic. "Bakit papa?!" ang malakas na bungad ko mula sa pinto ng clinic. Nakasanayan ko ng gawin yun pero ako din naman ang natigilan at nanliit sa sarili ng makitang may pasyente pala ito. "Oops, my bad!" tumawa lang ako na parang tanga saka naupo sa bakanteng upuan na naroroon dahil sa titig ng papa ko. Hinintay ko na lang na matapos siya. Maya-maya lang ay lumabas na ang isang studyante matapos gamutin ng mabait kong ama. "Reese, ilang ulit ko bang kailangang sabihin sayo na hindi ka dapat pumapasok dito ng ganoon ang bati?" ang sita niya sa akin. Napangiti na lang ako. Alam kong pinagagalitan ako ng papa pero napaka-kalmado lang ng boses niya at ang sarap pang pakinggan, animo'y makakatulog ka sa boses pa lang. Kapag doctor nga naman. Dagdag pa ang mabait na bukas ng guapong mukha ng pinakamamahal kong ama. No wonder in-love na in-love si mama sa gurang na ito. "Ok," sagot ko lang sa sinabi niya. "So, ano't pinatawag mo ako?" tanong ko na lang. Napansin kong tiningnan muna niya ang pinto bago tumingin sa akin. "Tumawag sa akin ang mama mo. Ang sabi niya may nakalimutan ka raw isuot." Napakunot lang ang noo ko. Mabilis kong sinilip ang suot kong underwear bago ko siya tiningnan. "Obviously breif naman itong suot ko at hindi ito kailanman magiging panty dahil wala akong underwear pambabae." bulalas ko lang. "Hindi yun, hindi mo raw suot ang trunks mo." Namangha ako. Paano ba malalaman ni mama na wala akong suot sa ilalim eh hindi naman niya sinisilip? Kaya pala ang gaan sa pakiramdam. "Naku! Masyado na kayong napa-praning ni mama sa sitwasyon ko papa. Isang araw lang akong hindi magsusuot ng trunks ok lang yun. Sa susunod isusuot ko na, ok?" Nakita kong bumuntong hinga ang papa ko. "Ok, pero sa susunod wag mo ng kalimutan ang dapat na isusuot mo." "Fine!" tanging sagot ko na lang. Sa katunayan nagsisinungaling lang ako. Hindi totoong nakalimutan kong isuot ang trunks ko, sinadya ko lang talaga dahil gusto ko lang. Para maiba naman. Hindi ako na-inspeksyon ni mama na araw-araw niyang ginagawa sa tuwing papasok ako sa paaralan para masigurong kompleto ang get up ko sa pagiging lalaki. Kaunting mali lang daw baka malaman nila na babae ako. Naisip ko na lang minsan na napa-praning na ang dalawa. Hindi na ako mahahalatang babae dahil alam ng buong mundo na lalaki ako. Kahit nga sa certificate ko ay isa ng malaking palatandaan. Hindi lang magsuot ng trunks sa isang araw wala naman sigurong pinag-kaiba. Oo, mukha akong babae dahil cute ako. Yeah! Pero para mabawasan na mukha talaga akong babae medyo makapal din ang kilay ko kaya ayos na. Kaya ang itatawag nila sa akin ay cute boy. Ganyan lang ang buhay. Flat rin ang dibdib ko sa tulong ng bandage na hindi ko nakakalimutang ilagay. At kahit wala yun ay flat pa rin naman dahil pinakamaliit na size ng b*a ang size ng boobs ko at hindi rin pambabae ang figure ko kundi boyish body na mas lalong nagpapatulong sa pagpapanggap ko. Bagay rin naman ang hieght ko sa discription na cute boy. At imbis na panty ay kailangan kong magsuot ng brief. Who knows baka masilip pa ang gilid. Kompleto na ang get up ko so ang hindi pagsusuot ng trunks ay hindi na makakasira sa pagpapanggap ko. Ano nga ba ang gamit ng pagsusuot ng trunks araw-araw? Wala naman siguro. Sandali akong nagulat ng maalala ang kaisa-isang gamit non. Kailangan ko pala talagang isuot ang trunks araw-araw para magkaroon ng bukol ang bahaging 'yun' para maging perpekto ang blending ko. Kapag may nakapansing flat. Ano na lang kaya ang sasabihin ng ilan? Wala naman sigurong siraulo ang titingin sa ibaba. Diba? Tumayo na ako ng madinig ang bell na palatandaang magsisimula na ang klasi sa tanghaling yun. "Alis na ako, pa!" paalam ko na lang sa kanya saka umalis ng mapahinto ako ng mapadaan sa salamin. Tiningnan ko ang sarili ko doon maya-maya ay ngumiti na lang ako. "Ang guapo ko talaga!" sabay alis. Hindi ko tuloy napansin na inikutan lang ako ng itim na mata ng papa ko.   “PAMBIHIRA talagang guro yun. Papiliin ba naman kami kung maglilinis ba sa banyo o ang masahiin siya? Anong klasing punishment yun para sa pag-akyat lang ng puno?” Papunta pa lang ako sa upuan ko ay nadinig ko na ang alburutong yun ni Miguel. Nasa unahan lang siya ng upuan ko at katabi niya si Jodem na wala man lang yatang problema. "Ano ang pinili mo?" tanong ko lang sa kanya ng makaupo na ako sa desk ko. "Syempre ang maglinis ng banyo. Over my dead body, mamasahiin ko ang gurang na yun." ang diin na sagot niya. Halatang badtrip. "Ako sa masahe." Sagot naman ni Jodem na nakangiti pa. Magkaiba nga ang dalawang ito. Si Miguel kasi ang pikunin sa aming tatlo, madaling uminit ang ulo lalo na kapag ipinagawa dito ang bagay na ayaw nito. Si Jodem naman ang easy-go-lucky. Kumbaga, follow the flow, gagawin ang bagay na pinakamadali. Pero kahit ganoon ang dalawa ay nakikisama rin naman sila sa mga pasaway moves ko. Ako nga ang pinakamaliit sa kanila ako naman ang mastermind sa lahat ng mga ginagawa naming moves. Maya-maya ay natahimik na lang kaming lahat ng pumasok na ang adviser namin para sa pinakaunang subject ng hapon na yun. "Ok, class before anything else. I would like to introduce to you your new classmate." Ang paunang wika ng guro namin saka niya pinapasok ang kung sinong transferee. Kung kailan kalahati na ng first semester ay saka naman may ta-transfer. What a world. Pare-pareho yata ang naramdaman naming lahat ng makita ang bagong kaklasi. Isang malaking INSECURE. Sa guapo ba naman nito sino ang hindi mai-insecure. Kung babae lang kaming lahat, although ako, baka kanina pa kami nagtilian sa kilig. Tika nga, may ganito ba talaga ka-guapong nilalang na nabubuhay sa mundo? Wait, exagerated yun ah. Well, guapo lang. Basta guapo siya. Ang pagkakaalam ko kasi ang papa ko lang ang pinakaguapo at syempre ako ang pangalawa. Di ko inaasahan na may hihigit pa pala sa aming dalawa? Hindi naman ang dark eyes ang nagpapatingkad sa kaguapuhan niya na binagayan pa ng thick perfect eyebrows. Hindi rin ang matangos ilong o ang pinkish kissable lips niya. Hindi ang makinis na katamtamang kulay ng balat. Hindi rin ang hugis ng mukha niya kundi. . . lahat yata. Tika lang, sinabi ko ba yun? Inikot ko na lang ang itim na mata saka hinintay ang susunod na mangyayari. “Well, class. This is Zephyr Samaniego. Treat him well dahil makakasama na natin siya.” Pasimpleng napangiwi na lang ako ng mapansing kinilig yata ang byuda naming guro. "Zephyr, doon ka sa bakanting upuan na yun." Napatingin ako sa tabing desk na tinuro ni ma'am. Right! Nag-drop nga pala kahapon ang nakaupo doon at ako ang may kasalanan. Ako ang nagsabing mag-drop na lang ito kesa ang mangopya ng walang hanggan. Kasalanan ko ba? Galing tumayming ng transfering ito ah! Namalayan ko na lang na naupo na siya doon. Binalingan niya ako at mataman na tinitigan na wala man lang imik. Bahagyang napakunot ang noo ko dahil nakakailang siyang tumitig. Para bang pati kaluluwa mo nakikita niya. Pilit na ngumiti na lang ako. "Welcome, ako nga pala si Reese Siena. Nice to meet you." Ang bati ko na lang sa kanya. Inaasahan kong sasagot siya pero wala man lang 'hi' or 'hello'. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin na wari'y gustong i-memorize ang kaguapuhan ko. Naramdaman ko na lang na hindi ko magugustuhang makipagkaibigan sa taong ito. Ang wierd grabe. Kung makatitig, wagas! Iniwas ko na lang ang paningin ko sa kanya ng magsimula ng mag-discuss si ma'am. Bahala siyang lusawin ng sarili niyang titig. Hindi pa nga nangalahati ang oras ng period ay naramramdaman ko pa rin ang titig niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang problema ng lokong-loko ito pero nakakainis na. Buong simangot na binalingan ko siya at huling-huli ko mismo ang titig niya. "Ano bang problema mo?" singhal ko sa kanya. Diin pero mahina lang, sapat para madinig niya. "Ikaw. . ." finally nagsalita rin ang mokong pero tiyak kong hindi lang yun ang sasabihin niya. Hindi man lang nagbago ni kaunting palatandaan ang emosyon sa mukha niya. ". . . babae ka, hindi ba? *BOOM!*  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD