(Reese POV) SINO nga kayang matinong lalaki ang hahalik ng audience kahit hindi nito kakilala? At sino namang malanding babae ang magpapahalik sa lalaking di nito kilala porke't guapo? Well, kaya nga malandi eh! Gumugulo pa rin sa isip ko ang ginawang twist ni Zephyr kahapon. Hindi naman sa nadismaya akong hindi niya ako hinalikan noh? Ew! Mas mabuti nga! Di ko lang matangap na nakahanap agad siya ng ibang paraan para matakasan ang paratang ko sa kaniyang bading. Tiningnan ko siya. Masayang nakikipag-kwentuhan lang siya kina Jodem at Miguel na parang walang nangyari. Inis na inalis ko na lang ang paningin ko. Dahil don sa ginawa niya kahapon ay hindi ko na napaniwala ang dalawang to na bading siya. Parang proud pa nga sila para sa kaibigan. Ang tapang dawnito para gawin yun.

