(Reese POV) "GIRLFRIEND?" Si Jodem ang nagtanong non dahil hindi na kami nakapagsalita ni Miguel. "Yeah!" Masayang sagot ng babae. "Hindi ba?" Tiningnan niya si Zephyr. Hindi ito sumagot na inalis lang ang kamay ng babae sa braso. "Dahil ito nong hinalikan ka niya noh?" tanong ni Miguel. Tumango ang babae. Naitikom ko lang ang bibig ko ng isarado yun ni Migue. Noon lang ako nabalikan ng diwa. Ganoon nga siguro ako ka-shock sa nangyari kaya napanganga na lang ako. "Gulat na gulat ka talaga noh?" tanong ni Zephyr pero nahimigan ko ang inis sa boses niya. "OO, nagulat talaga ako. Inaasahan ko kasing bakla ka." sagot ko. Nginisihan ko siya. Sasagot pa sana siya pero mabilis siyang hinawakan ng babae. "Hindi naman siguro. Hinalikan nga niya ako eh!" Tumawa pa siya na animoy kinilig.

