(Reese POV) DI MAKAPANIWALANG pinagmasdan ko na lang si Zephyr habang namimilipit pa rin sa sakit. Hindi ko maintindihan na ganoon na lang ang pagkadisgusto niya kay Sam eh gandang-ganda nga ako sa isang yun eh. Tapos ang isang ito? Tatakbuhan lang yun? "Paano ka ba nakaakyat dito?" tanong ko sa kaniya. Tinuro niya ang labas. "A-ang bakod." HIrap na sagot niya. "Naguguluhan ako sayo, Zephyr. Ginawa mo naman ang bagay na ito eh! Ba't ka pa tatakas?" "Alam mong hindi ko sinasadyang gawin yun." aniya na inayos ang sarili. Malamang na nawala na ang sakit. "Oo nga. Humanap ka lang ng lusot para makaiwas sa banta ko diba? Nayon naman ito ang nangyari ayaw mong tanggapin?" Nginitian ko siya ng nakakaloko. Ang sarap pagmasdan ng inis sa mukha niya. Matagal ko na talagang gustong makita y

