(Reese POV) “PAPA!” Napatalon sa gulat ang magaling kong ama sa biglang sigaw ko na yun,. “Reese, ano bang ginagawa mo?” nagulat siya ng mapansin ang dala-dala kong upuan. “At bakit may dala kang upuan?” Sinipa ko pasara ang pinto na lumikha ng malakas na tunog saka ko yun ni-lock. “Walang ibang tao dito?” tanong ko sa kaniya. “Wala,” takang sagot niya. Inalis ko ang upuan at tumalikod ako. Ang reaksyon ng papa ko daig pang nakakita ng multo. Parang mahihimatay na nga o! “R-Reese,” nataranta siya. Mabilis na sinilip ang bintana ng walang mapansin ay sinara niya ang kurtina. “Diyos ko, anak. Ba’t di mo agad napansin. Pinaabot mo pa dito.” Hindi niya alam ang gagawin niya. “Nakalimutan ko eh! Sorry po! Ano? Malaki ba?” Sinilip ko ang likuran ko. “Sobrang laki. Naku! Tika lang! Wa

