(Zephyr’s POV) TINITIGAN ko lang si Zephyr dahil hindi pa rin siya nagsalita. Gusto ko lang subukan kong magdadalawang-isip pa ba siyang lalaki ba ako o hindi. Gusto ko lang makasiguro. Napangisi lang siya. “Oo nga! Lumabas sa pwet mo diba?” natawa pa siya ng maiksi. “Hindi mo naisip na pwedeng babae ako at dinadalaw ng makita ang dugo?” tanong ko. “Hindi naman,” “Talaga?” “Oo, Bakit?” Sumeryoso siya. “Babae ka ba?” Hindi ako nagsalita pero umiling lang ako bilang sagot. “Eh di hindi ka babae. Saka, anong ibang proof pa ba ang kailangan kong makita na talagang lalaki ka. Naghubad ka na nga diba? Napaniwala mo na ako.” Aniya. Napangiti lang ako. “Nahimatay ka pa nga eh! Bakit? Dahil ba mas malaki ang akin kesa sayo?” Ang lakas ng tawa niya. “In your dreams.” Natigilan ako d

