(Zephyr’s POV) P.E. Track and Field. Nasa likod ng paaralan ang oval ng boys school at isa pang oval sa likod ng girls school. Literally ang magkatabi lang ang oval ng girls and boys pero hindi pwedeng magsama ang dalawa dahil sa bakod na nakapagitan sa dalawang gender. Hindi yun bakod na gawa sa bricks kundi bakod na gawa lang sa inikis-ekis na alambre. May taas yun na sampung talampakan. Mula dito sa kinalulugaran ko ay nakikita din namin ang mga babaeng may PE na subject din sa kabila. Tiningnan ko si Reese na nag-uunat na dahil tatakbo na siya. Lahat kami pinatakbo ng isang round sa oval. Kumbaga karera sa apat na tao at siya ngayon ang tatakbo kasama si Jodem at ilan pa. Hindi pa nga ako nakatakbo eh! Hindi naman kasi alphabetize. “Zephyr, tingnan mo o! Si Sam!” nakangisin

