(Reese POV) “ANONG ginagawa mo?” takang tanong ni Miguel ng makita akong nagfo-fold. “Gumagawa ako ng origami!” sagot ko ng nakangiti. “Anong origami?” tanong ni Zephyr sa tabi ko. Kanina pa yata niya pinagmamasdan ang ginawa ko pero ngayon lang nagtanong. “Gumagawa ako ng roses.” Sinulyapan ko silang tatlo. “Roses? Para saan?” naitanong ni Jodem na halatang nainganyo. “Ibibigay ko kay Sam.” “Kay Samantha? Tika, pinopormahan mo ba ang gf ni Zephyr?” tinuro pa ni Miguel ang lalaki na hindi naman nagbago ang ekspresyon. “Break na sila.” Sagot ko na nginisihan si Zephyr na pasimpleng umirap. “Kaya pinupormahan mo?” “Yep!” “Bakit papel ang ibibigay mo? Diba dapat totoong roses?” si Jodem. “Eh wala namang nagbibinta non dito eh! Kaya gagawin ko na lang. Mas ma-a-apreciate

